Thumbnail for KATITIKAN NG PULONG UKOL SA NALALAPIT NA FIESTA NG BARANGAY MALIGAYA - 12 BEETHOVEN BCSHS. by wizey

KATITIKAN NG PULONG UKOL SA NALALAPIT NA FIESTA NG BARANGAY MALIGAYA - 12 BEETHOVEN BCSHS.

wizey

13m 44s1,621 words~9 min read
Auto-Generated

[0:13]Magandang umaga, Sekretarya Luis. Pwede mo bang tawagin ang mga dumalo? Narito po ang mga dumalo. Peter, Mexico, SK, Cagawan, Sarame, Switzerland, SK Cagawan, Mariza, Luzon, SK Treasurer, Jamaica, Dominica, SK Auditor, Philip Phillips, SK Vice President. Hindi makakadalo si Philip Phillips dahil siya ay may field trip sa New York. Magandang umaga sa ating lahat. Bilang halal na opisyal sa Sangguniang Kabataan ng Barangay Maligaya, ikinagagalak kong tawagin ang mga limang opisyal na pulong ngayong ika-9 ng Agosto 2025. Pangungunahan muna tayo ng panalangin ni SK Cagawad Peter, Mexico. Sa ngalan ng Ama, ng anak at ng Espirito Santo. Ama namin, salamat sa pagkakataong ito upang paglingkuran ang aming barangay, nawa'y bigyan mo kaming karunungan, pagkakaisa at pagmamalasakit. Amen. Salamat SK Kagawad Peter. Tayo'y maupo.

[1:21]Ngayon, binabati at nagpapasalamat ako sa mga dumalo sa pagpupulong ito. Ngayon, ipakilala natin ang ating mga sarili. Pangungunahan ko, ako si Jessa Barcelona, ang inyong SK chairperson. Layunin kong i-representa ang kabataan sa mabuting pamamaraan at madinig ang kanilang mga gusto at mabuti'y maisa katuparan. Nais kong maging tulay sa pagbabago dito sa Barangay Maligaya. Ako naman si Cyra Mae Switzerland, SK Kagawad. Layunin kong isulong ang mga programang pangkalikasan para sa ating barangay. Gusto kong turuan ang kabataan ng kahalagahan ng kalinisan. Ako naman si Peter Mexico, SK Kagawad. Gusto kong pasiglahin ang sports activities dito sa ating barangay. Ibabalik natin ang kasiglahan at sigawan ng mga gymnasium at courts. Ako naman si Marizza Luzon ang inyong SK Treasurer. Sisiguraduhin kong maayos at tapat ang paghawak ng pondo para sa ating mga proyekto. Ako po si Jamaica Dominica. Sisiguraduhin kong tama at sakto ang bawat gastusin at tutulong ako sa paggawa ng mga reports. Ako po si Louise Claire Bulgaria. Ako po ang magdodokumento ng ating mga pulong at aktibidad. Malapit na po ang kapistahan ng ating barangay. Kaya ngayong araw ay magtulungan tayo sa pagpaplano at paghahandaan ito ng maayos. Nawa'y maging matagumpay ang ating pagpupulong.

[3:03]Narito po ang katitikan ng ating nakaraang pulong na isinagawa noong ika-lima ng Hulyo. Tinalakay ang plano ng Clean-up drive sa Barangay Maligaya. Napagkasunduan ito ay isasagawa ilang linggo bago o ang paghahanda sa nalalapit na programa ng Barangay Maligaya. Nakalaan ang Php5,000 na pondo para sa mga snacks at kagamitang materyales. Maraming kabataan ang lumahok at nagboluntaryo. Kung wala na pong komento o suhesyon, maaari na po nating itong pagtibayan. Kung wala na pong putol ang katitikan, ay tutuloy na at pagtibay ngayong araw. Ngayong araw ang pangunahing layunin ng ating pagpupulong ay ang pagpaplano ng mga aktibidad ng SK para sa nalalapit na pista ng Barangay Maligaya. Layunin nating maging masaya, makabuluhan, organisado ang ating selebrasyon ngayong taon, lalo na para sa ating kabataan. Unang bahagi po ng ating talakayan ay ang mga aktibidad. Nagumungkahi po ako bilang SK Treasurer at head ng Sports Committee na magkaroon tayo ng youth sports tournament para sa aliw at abilidad ng kabataan. Gumawa ako ng mosyon upang aprubahan ang Youth Sports Tournament. Ikinakalawa ko po ang mosyon. Sino, sino ang pabor? Mosyon ay pinagtitibay. Bilang SK auditor at Esports committee assistant, iminumungkahi ko ang Mobile Legend Tournament o online game Esports bilang bahagi ng piyesta. Honorable chairperson Jessa, gumagawa ako ng mosyon upang isali ang Mobile Legends Tournament bilang bahagi ng piyesta. Ikinakalawa ko ang mosyon. Pasintabi po, pero gusto kong magbigay muna ng saloobin bago tayo bumoto. Hindi ako sang-ayon sa ML tournament sa ngayon. Baka masyadong ma-focus ang mga kabataan sa gadgets at mawala sa tunay na layunin sa piyesta. Baka magkulang din tayo sa internet o technical na suporta. Salamat po sa inyong punto. Magandang mapag-usapan natin ito. May nakalaan po tayong Php5,000 na budget na para dito. Hindi ito kokonsumo ng malaking pondo at may committee na tututok sa technical preparations. Nauunawaan ko po. Kung may sapat na plano para dito at magiging maayos ang implementasyon, ako po ay pumayag na rin. Salamat sa iyong malayang pagpapahayag at pakikiisa. Ngayon, sino ang pabor sa ML tournament bilang bahagi ng aktibidad? Lahat po ay sang-ayon. Mosyon ay pinagtibay.

[5:50]Bilang SK secretary at Cultural Committee Head, iminumungkahi ko ang SK night para sa mga talento, sa kantahan, sayawan, spoken poetry at iba pa. Gaganapin ito sa bisperas ng piyesta. Gumagawa ako ng mosyon na aprubahan ang SK Kabataan Got Talent. Ikinakalawa ko po. Sino ang pabor?

[6:13]Lahat po ay sang-ayon. Mosyon ay pinagtibay. Bilang SK kagawad at Environment Committee Head, iminumungkahi ko ang clean up drive sa pangunahing lugar ng barangay. Magbibigay din ng meryenda sa mga boluntaryo. Gumawa ako ng mosyon na aprubahan ang clean up drive bilang bahagi ng aktibidad. Ikinakalawa ko po. Sino ang pabor? Mosyon ay pinagtibay. Lahat po ng aktibidad ay napagtibay. Ang mga committee ay pinangunahan ng mga SK officers sa kanilang tungkulin. Ang programa at aktibidad ng komite ay pamumunuan ni Marizza Luzon sa pamimili at paghahanda ng mga kailangang gamitin tulad ng trophies. Ang kabuuang pondo ng SK ay Php50,000. Ito ang hatian: Php15,000 for tournament trophies, referee prizes. Php10,000 para sa ML tournament data at premyo. Php5,000 sa clean up drive snacks, gloves at trash bags. Php15,000 para sa emergency fund. Lahat ng gastusin ay nakapondo. Na kung may gustong baguhin, maaari pa nating pag-usapan bago isumite sa barangay approval. Ako naman ang mamumuno sa pagpaplano ng programa, pagsasaayos ng mga schedule ng mga aktibidad at mag-organisa ng bawat bahagi ng kaganapan. Ako naman ang bahala sa paggawa ng mga online posters at pagbabalita sa social media. Ako rin ang kukuha ng mga larawan at video tuwing may ganap na. Kami naman nina SK Cagawad Cyra at Vice President Phillip, ang makikipag-ugnayan sa mga tanod at barangay peace officer upang matiyak ang kaayusan at seguridad ng bawat lugar at aktibidad.

[8:10]Tiyakin din namin ang pagkilos ng emergency backup. Ang bawat committee ay may kalayaang pumili ng mga miyembro mula sa kabataang boluntaryo. Magkaroon muli tayo ng mga pormal na kominikasyon para sa lahat ng miyembro ng committee at volunteer sa isang buwan bago ang unang aktibidad. Sisiguraduhin natin na may malinaw na tungkulin, mas magiging maayos at matagumpay ang ating pagdiriwang. Gaganapin ang mga SK lead activities bilang bahagi ng barangay fiesta. Ipasa ang proposal sa barangay council para sa pondo at opisyal na pag-aprubahan. At maraming salamat po sa lahat ng dumalo at aktibong nakibahagi. Malaki ang tiwala ko na maging matagumpay ang ating mga aktibidad dahil sa inyong pagkakaisa. Maraming salamat din sa inyong pag-imbita sa amin. Ngayon ay dumako tayo sa panuntunan at gabay para sa mga aktibidad. Magsusulat tayo ng guidelines para sa bawat paligsahan upang malinaw ang patakaran. Tama. Mahalaga na may maipaskil tayong rules lalo na sa Sports Tournament para maiwasan ang gulo at hindi pagkaintindihan. Sang-ayon ako. Pero sa ML tournament, baka hindi na kailangan ng printed rules. Mas okay siguro kung online na lang ito ipasa. Pasensya na pero sa tingin ko mas maganda pa rin kung may printed copy kahit sa ML tournament para may malinaw tayong basihan kung sakaling may reklamo ang mga kalahok. Noted 'yan, Cyra. Para sa disiplina ng kabataan, ipapatupad natin ang no-tolerance policy sa bastos na asal. Automatic disqualified kung may maligaw o nakipag-away. Medyo mahigpit yata 'yun. Baka pwedeng may warning muna, tapos saka pa lang tayo mag-disqualify kapag inulit. Magandang punto. Pwedeng first offense warning, second offense disqualified. Okay ba sa lahat? Okay. Next, magtatalaga tayo ng tagapamahala sa bawat aktibidad para may nakatutok. Any objections? Wala. Okay 'yan, mas magiging organisado. Bukas po ang talakayan para sa karagdagang suhesyon. Magandang ideya siguro gumawa tayo ng countdown post para sa bawat event. Pero hindi ba parang paulit-ulit na lang 'yan? Baka ma-bwisit ang iba kung araw-araw may post. Pwede naman siguro i-schedule lang every three days para hindi nakakasuway. Gawin nating balance. Hindi raw araw pero consistent, okay? Suggestion ko, makipag-coordinate tayo sa barangay council para sa suporta sa seguridad at logistics. Sang-ayon ako diyan. Makakatulong lalo na sa SK night kung maraming tao. Pabor din ako, pero siguraduhin nating maayos ang pakikipag-usap para hindi makagulo ng rules. Para sa pondo, pwede bang mag-post tayo ng summary of expenses para transparent sa lahat?

[11:24]Baka hindi naman kailangan i-post lahat. Pwede siguro sa atin lang muna at i-report sa dulo. Compromise tayo. Ipagpatuloy ang recording ng gastos at ilalahad sa susunod na pulong para sa transparency. Hindi man public post pero documentate. Okay ba? Okay. ukul sa nalalapit na fiesta sa Barangay Maligaya. So, unang mga aktibidad para sa kapistahan, o paligsahan sa palakasan, o mobile legends tournament, o gabi ng kabataan o SK night, o tagisan ng talento ng mga kabataan, o clean-up drive, o sama-samang paglilinis sa paligid ng barangay. Pangalawa, pondo at budget. Ang pondo ng SK is Php30,000 at Php50,000, hinati ang pondo para sa mga sumusunod. Php15,000, paligsahan sa basketball at volleyball. Php10,000, gabi ng kabataan o SK night. Php5,000, clean-up drive o para sa meryenda at gamit. Php15,000 para sa mga di-inasahang pangangailangan. Pangatlo, pagbuo ng mga grupo o komite. Komite sa programa at gawain. Komite sa kagamitan at supply. Komite sa pag-aanunsyo at dokumentasyon. Komite sa kapayapaan at seguridad. Ika-apat na pagpupulong natin ay panuntunan at gabay sa bawat aktibidad. Pagpapasa ng guidelines para sa bawat paligsahan. O mga alituntunin sa paglahok at disiplina ng kabataan. O pagtatalaga ng tagapamahala bawat aktibidad. At panglima na ating pagpupulong ay iba pang usapin at suhesyon mula sa mga miyembro natin, o pagpapalaganap ng impormasyon sa social media, o pagtutulungan ng SK at barangay council, at lastly, mga suhesyon para sa transparency at monitoring ng pondo. Ngayon, pormal na nagtatapos ang ating ikalimang pagpupulong sa oras ng alas tres ng hapon. Maraming salamat sa mga dumalo at binabati ko kayo. Magkikita tayo muli sa bisperas ng pista.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript