[0:10]Mga ka, hanggang sa mga oras na ito nagpapatuloy ang unang araw ng confirmation of charges hearing para sa kasong crimes against humanity laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ang una leader na sumailalim sa pre-trial proceedings sa kasaysayan ng ICC. Ang prosecution iginiit na hindi isolated ang mga pagpatay kundi bahagi umano ng malawakan at sistematikong pag-atake laban sa mga sibilyan sa Pilipinas. Ang depensa naman itinanggi ang mga alegasyon laban kay Duterte at nagbitaw rin ng akusasyon laban kay Pangulong Bong Marcos. Saksi, si Mariz Umali.
[0:50]is now in session. 5 ng hapon oras sa Pilipinas nagsimula ang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court sa The Netherlands. Wala sa pagdinig si Duterte pero naroon ang defense team na pinangunahan ng lead counsel na si Attorney Nicholas Kaufman. Naroon naman para saksi ang proceedings ng mga Pilipino abogadong karamihan ay dating opisyal ng administrasyon ni Duterte. Executive Secretary Salvador, dating chief presidential legal counsel Salvador Paelo, dating LTR chairman Martin Del III, dating Labor Secretary Silvestre Bello III, Alfredo Lim Jr. at dating BIR Commissioner Cesar Dulay. Naroon din ang prosecution sa pangunguna ni Deputy Prosecutor Mame Niang.
[1:44]At kinatawan ng mga biktima sa pangunguna ni Paulina Masida ng ICC Office of Public Council for Victims. Ipaalala ni presiding judge Julia Motok na ang pagdinig ay para matukoy kung may sapat na basihan para Duterte sa mga ina sa kanya. At ang dating pangulo ay innocent until proven guilty. Bilang ni judge Motok, hindi pwedeng banggitin ang pangalan ng mga biktima at witnesses. Binasa sa session ang Duterte counts crimes against humanity for murder and attempted murder. Si Duterte bilang indirect co-perpetrator mula November 2011 hanggang March 2019. Sa pagsasagawa ng common plan na pagpatay laban sa mga inaasahang kriminal. si Duterte ng pag ng para i-neutralize ang mga kriminal. ng tinaguriang Davao Death Squad, pagbibigay ng armas sa mga direct perpetra, pagbibigay ng insentibo at promosyon sa mga at hitmen at pagpapangalan sa mga high value target na ang ilan ay napatay kalaunan. Sa kanyang opening statement tinukoy ng prosecutor ang mga pahayag ni Duterte noong kampanya na kapag siya bilang pangulo, uusasan daw niya ang militar at pulisya na paghanapin ang mga drug at ipapapatay sila. At nang maging pangulo, nagbigay daw si Duterte ng shoot to kill order at inilista bilang accomplishment ang mga napatay. And many of these victims were children. The victim of extrajudicial killing charge in this case were brutally murdered, some after having been abducted and mistreated. Unlike Mr. Duterte who is represented by his council here today, they were deprived of any form of due process. Their suffering was met not merely with Mr. Duterte and difference, but with his mocking. ICC deputy prosecutor, hindi masasabing isolated ang mga pagpatay. The 78 murders and attempted murders that Mr. Duterte is charged with in this case were not random. These were not random crimes. nor was they spontaneous or happened in isolation. Rather, the evidence demonstrate that they were part of a widespread and systematic attack directed against the civilian population of the Philippines. Sa ngalan naman ng halos 500 biktima ng ICC, attorney Joel Butuyan, binanggit niya ang labis na pagkadismaya ng mga biktima sa hindi pagharap sa korte ni Duterte. Kasi, ang makita si Duterte habang binabasan ng sakdal ay malaking bahagi sana ng pagkamit nila ng hustisya. Binanggit din ni Butuyan na ang mga opisyal ng Pilipinas na tinukoy niya gatekeeper of justice ang mismong nagsabing hindi uusad ang kaso kung dito kakasuhan si Duterte. no less than former Philippine Justice Secretary Chrispin admitted just a few months ago, the door to domestic justice is permanently closed for victims of the extrajudicial killings. declared and I quote, it is difficult to prove the case here and build up the case, because those who need to speak are involved in the crime. There's nothing, not even a police report. You don't have a scene of the crime, you don't have ballistics, you don't have DNA. further declared and I quote, everything that could be erased was erased so that the cases would not push through. That is why this has reached the ICC. Sabi pa ni Butuyan, kahit isang taon na nakakulog si Duterte sa ICC, walang nakakamit na kapayapaan ang mga kaanak ng mga biktima ng EJK. At marami pa rin ang natatakot magsalita dahil sa tinawag niyang mga Duterte clone o mini Duterte na umanoy sangkot sa pangharas at pananakot sa mga biktima at kanilang mga pamilya. These mini Duterte's harass, threatened or commit outright violence against the victims and their families. Many victims have been hesitant to participate in this ICC case because they live in communities that thrive with Duterte clones. They see the halls of power of their country teaming with Duterte disciples. They see and hear senators, congresspersons, mayors, governors and powerful public figures who are mini Duterte's. The daughter of Mr. Duterte is the vice president and she has just recently declared that she is running for president in 2028. One Duterte son is a congressman, another is the Davao City mayor and his children occupy positions of power.
[7:44]Nagkaroon ng 30 minutong break pagkatapos ng session. Pagbalik itinuloy ni Butuyan ang pagdedetalye ng karanasan ng mga biktima ng pagpatay at kanilang mga naulila. Ikinagulat pa raw ng mga kaanak na sa mga opisyal na record sa tamang bala ang cause of death, gawa-gawa umanong dahilan ang inilagay gaya ng pneumonia, sepsis at iba pa. Sabi ni Butuyan, nararapat lang na ma-confirm ang mga asul laban kay Duterte at matuloy sa paglilitis para mailabas kung ano ang totoong nangyari sa panahon ng madugong drug war. Ang mga akusasyon laban kay Duterte, itinanggi ni Kaufman. Inilatag din niya kung paano raw napunta sa ICC si Duterte. Una niyang binanggit ang media sa Pilipinas na ginamit daw ang matalas na pananalita ng dating pangulo para makagawa ng mga nakakabiglang headlines na siyang hinahanap umanong kanilang readers. Ito raw ang dahilan kung bakit naging target si Duterte ng civil society na pinupondo umano ng mga tycoon. Hanggang makabot ito sa mga academic sa ibang bansa na inaayos ang kanilang research at naglalabas ng mga artikulo tungkol sa umano'y malawak na pag-atake sa Pilipinas. It starts with the media controlled by the powerful and the politically influential. With a sensational headline and a twisted editorial slant, the moguls sell their papers while promoting the partisan agenda of their backer in power. Pinalala ni Kaufman na ebidensya at hindi rhetoric ang magpapa sa kasong ito. This is a court of law which decides matters on the basis of evidence, not on the basis of political demagoguery and not on the basis of a desire to affect regime change despite the democratic will. Kaufman, may evidensya na magpapatunay na walang kasalanan si Duterte. May maiinit ding salita si Kaufman laban kay Pangulong Marcos at ipinakita ang pinirmahan sa ilalim ng Pangulo na hindi makikipagtulungan sa anumang paraan sa ICC.
[10:11]Pero mayroon daw silang ebidensya na isang telephone call sa apat na individual kung saan ipinagmalaki na isa sa kanila ang isang partner ni Marcos sa pamamagitan ng pagbibigay ng witnesses sa ICC. The document comprises a transcript of a telephone call covertly recorded between four parties who cannot be mentioned in public.
[10:41]And one of these parties was boasting, boasting about how he was acting as the silent partner of President BBM. managing a scheme to funnel witnesses to this court while all the time ensuring that he could guarantee President BBM's plausible deniability. So it is indeed the defense case that President Ferdinand Marcos Jr. set out to neutralize Rodrigo Duterte and his legacy. Para sa Integrated News, Mariz Umali ang inyong saksi.
[11:41]po ng Malakanyang na preposterous o ka ang mga accusation ni Nicholas Kaufman laban kay Pangulong Marcos. Sa pahayag ni Palace Press officer Under Secretary Claire Castro, nakalimutan daw ni Attorney Kaufman ang timeline na 2017 ng Duterte at noon, ordinaryo pa si Pangulong Marcos. Wala rin daw malinaw na depensa si Kaufman laban sa mga extrajudicial killings na nangyari noong Alkalde pa si Duterte ng Davao City. At nagdagdag ka, dapat matutunan muna ni Kaufman ang facts of his case rather than focus on political rhetoric. Wala pang bagong pahayag si Kaufman.
[12:42]At ngayon po mga ka, makibalita tayo live mula sa Netherlands kung saan katatapos lang ng unang araw ng confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Mariz.
[12:59]bago mag 3 ng hapon oras dito sa Netherlands at bago mag 10 ng gabi sa Pilipinas ay nag-journ ang unang araw ng confirmation of charges hearing para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Sa huling session ng proceedings ngayong araw ay nagkaroon ng submission on the merits ang prosecution at kabilang sa mga merits ay ang direct quotes ng lantaran pag-amin o pagsasabi ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ng mga pagpatay. yung mga talagang sinasabi niya na papatayin niya o papatayin niya yung mga kriminal talagang pangunahin sa kanyang mga sinasabi ay ang pag sawata sa kriminalidad, sa corruption at yung mga sangkot sa droga. Kaya dito ay inisa-isa ng prosecution yung mga quotes na yun ng dating pangulo kung saan talagang sinasabi niya yung salitang pagpatay doon sa mga kriminal. At kabilang din sa merits na isinubmit nila yung videos. Kumbaga sinung-suguan yung mga quotes na ito na mga videos at hindi lang isang video kundi maraming mga video na ipinakikita karamihan yung kanyang mga speeches. nung siya'y nangampanya hanggang siya'y maging presidente. Meron din po rito na interview sa kanya kung saan talagang sinasabi niya na ipapapatay niya yung mga sangkot sa droga o yung mga adik, mga kriminal. At lantaran ding sinabi ng Pangulo doon sa mga quotes na ibinigay o yung mga merits na isinubmit na three under out of the four na inamin niya having death squad and he admitted that he is the death squad. May mga pagkakataon pa raw na si Duterte mismo ay nagbibigay ng mga pangalan ng mga tatargetin. And the approval ng dating pangulo bago mangyari yung pagpatay.
[15:05]Katunayan may quote din na sinabi sa ilan sa mga ininterview o yung mga witnesses na you cannot just kill anyone in Davao City without the Duterte approval. may mga sinabi rin na reward money, as in sinabi na every kill, first reward money is 10,000 per kill. So in addition to paying rewards, Mr. Duterte also paid DDS, hindi lang yung mga pulis kundi even those employees. May mga ganun na sinasabi. Tapos mayroon ding instance na sa isang video ipinakita si Duterte na pinanonood niya yung actual na CCTV kung saan pinakita doon sa CCTV na-capture yung pagpatay ng tatlong hitman sa tatlong mga biktima. At kumbaga in broad daylight daw yan sa isang market. Pero kahit na sinasabi ng dating pangulo or he's portraying himself as tough on crime, yung mga pagkakataon daw na katulad nito, wala naman nangyari doon sa mga hitman. Kahit na malinaw na malinaw sa ebidensya na talagang pinatay nila yung mga biktima dahil ang sinasabi rito ng prosecution, he was the perpetrator of the crime. Kaya talagang yung mga bagay na katulad nung mga insidenteng yun, hindi naman nanagot yung mga salarin. Katunayan wala daw na nagagawa ng mga hitman na ito yung krimen dahil authorized daw umano ng dating pangulo. Meron din pinakita na video kung saan tinanong daw actually napanood natin yung video na tinanong si dating Pangulong Rodrigo Duterte na totoo bang 700 yung pinatay niya. Ah sabi niya, mukhang nagkamali kayo sa numero nagkulang dahil hindi lang 700 kundi 1,700. So, malinaw malinaw daw na hindi yun hyperbole kundi yun yung katotohanan.
[17:18]Ang huling bahagi submission of merits para sa araw na ito ay ang 4 minute video na kumbaga compilation na ng lahat ng mga pahayag ng dating pangulo kung saan lantara niya sinasabi yung mga pagpatay na ito. Kaya malinaw na malinaw daw na um according to the prosecution and let me quote, he said it, he did it. That's who he is. He ran for presidency, he was elected, he murdered thousands of people.
[18:00]So, submission of merits prosecution first session common legal representative of the victims, submission of merits defense. Dahil sa request ng dating Pangulo ay hindi siya dumalo.
[18:24]Gagawin ulit siya bukas.
[18:37]Yes, Pia, ganyan din ang inaasahan natin bukas, 'no? Ah dahil nga kabilang sa mga adjustments na ginawa ng Pre-trial Chamber 1 ng International Criminal Court ay ang magkaroon lang ng 1 hour na session. Tapos magbe-break, tapos another hour, magbe-break, and then another hour. So kabuwan three hours lang yan per day yung buong proceeding. At sa gitna ng bawat isang oras ay may break dahil nga inaasahan noong una na dadalaw dito si Duterte at kapag nangyari 'yon, dahil nga sinasabi niya na he's already old, frail and tired. Ito yung ilan sa mga adjustments na ginawa para hindi naman siya masyadong mahirapan at hindi matagal na nakaupo or hindi masyadong matagal na nakikinig doon sa session. But in any case hindi nga daan na rin sa request ng dating Pangulo ay hindi nga siya dumalo. Gayunpaman dahil meron na ruling pagdating sa adjustment na yun para sa dating Pangulo ay hindi na rin yun binago. So tomorrow magpapatuloy yung submission on merits ng prosecution. Yun yung magiging first session, tapos submission of merits naman ng common legal representatives of the victims. At pagkatapos ay magsisi yung submission of merits ng defense. So in between those sessions ay meron din break gaya ng nangyari kanina. So hanggang hapon ulit siya bukas, Pia. All right, Maraming salamat sa'yo Mariz Umali ang ating saksi live mula sa The Hague, Netherlands. Mga ka, maging una sa saksi. Mag-subscribe sa Integrated News sa YouTube para sa iba't ibang balita.



