[0:00]Kaibigan ang isa sa mga nasasandalan. Sa problema ay tunay na malalapitan. Kahit pa sa oras ng kagipitan, nariyan sila, handa kang damayan. May iba't ibang ugali, may iba't ibang katangian. Ngayon, anong klase ka bang kaibigan?
[0:36]Ako si Victoria. Kagalitan mo upang hindi mamihasa. Ano bang malay mo riyan bata ka? Diyos ko Maria Santisima. Istrikta at mahigpit kung ako'y ilarawan ng aking mga kaibigan. Ngunit ito lamang ang aking paraan upang maiparadam na dalisay ang aking pagmamahal at ako ay totoong kaibigan.
[1:09]Huwag tayo masyadong maingay at baka pagalitan na naman tayo ni Tiya Isabel at mapagkumpara na naman tayo noong bata siya. Larawan ako ng isang Pilipina na may pagmamahal at pag-aalaga sa kaibigan. Hindi man natin kadugo si Maria Clara ngunit ang Turingan nating parang magkapatid na. Sinang, lubos akong nag-aalala kay Maria Clara. Halika at dalawin natin siya. Larawan din ako ng isang Pilipina na tanging kagustuhan lamang para sa kaibigan ay mapabuti at magkaroon ng masayang buhay. Nawa'y magkita na ulit kayo ni Ibarra, Maria Clara. Lubos akong natutuwa na makita si Maria Clara na masaya sa piling ni Ibarra. Bukod rito, ano pa ba ako bilang isang kaibigan? O, ano pa nga ba ako bukod sa pagiging kaibigan? Ako si Victoria, bukod sa pagiging kaibigan ni Maria Clara at pinsan ni Sinang, may puso rin akong uhaw sa pagmamahal. Hindi man pansin sa akin, ngunit ako ay may tinatangi. Nakatabi ko nga siya ng minsang magkagulo sa sinasakyan naming bangka. Siya si Albino, isang seminarista. Ang pagtabi niya sa akin ay tila bang sinasabi niya na dapat akong mapanatag at huwag matakot. Ang pagtabi niya sa akin ang gumising sa aking diwa, na hindi lang pala ako naririto bilang isang kaibigan, kundi bilang isang nagnanais ng pagmamahal ng iba. Malimit man ako bigyang pansin ng iba. Ngunit para kay Albino, ako ay mahalaga. Ako si Victoria. VICTORIA Pagtuturo ng mga Obra Maestrang Pilipino Ipinasa ni: Shaira Abrejal Ipinasa kay: Dok Joel C. Malabanan PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS - MAYNILA ANG PAMBANSANG SENTRO SA EDUKASYONG PANGGURO RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATANG ARI 2023
[3:07]Musika Ginamin: Kapag Kasama Kita, Mahal ni Joel Costa Malabanan



