[0:00]Usually kapag tinatry nating i-explain yung personality ng isang tao, ginagawa nating point of reference yung nakaraan ng taong ito, especially yung kanyang childhood. For example, yung creature na nanloko sa'yo, nagdago natin sa pangalang X eh manloloko siya. So kapag i-explain ng ibang tao yung pag-uugali or pagkatao ng taong ito, eh minsan ang explanation nila is along those lines na siguro nung bata itong taong ito, eh na-trauma siya dahil lagi siya niloloko ng ibang tao. Well, yung ganyang perspective sa pag-explain ng personality ng isang tao eh roughly nagmula sa konsepto ng psychoanalysis. Ayon sa psychoanalysis, ang mga past experiences natin ay may malaking influence sa mga present behaviors natin. Pero that's just the basic ng psychoanalysis. Ano nga ba ang psychoanalysis? At sino itong si Sigmund Freud na nagpauso nitong psychoanalysis na 'to? So 'yun 'yung pag-uusapan natin sa video na ito, and roll intro. So si Sigmund Freud ay isang Austrian neurologist na nagtalaga ng kanyang sariling way or sariling clinical method sa paggamot ng mga psychopathology. So mga psychopathology, ito 'yung mga sintomas na psychological in nature. So tulong ni Josef Breuer na hindi ko alam kung tama ang pronunciation ko, eh dinevelop nila 'yung tinatawag nilang psychoanalysis nung pinagaling nila si Anna O sa kanyang hysteria. So kung ang hysteria ay ida-diagnose natin ngayon, marami malapit siya sa somatic symptom disorder. So pinagaling nila si Anna O sa pamamagitan ng isang talk therapy. So sa talk therapy na ito, pinag-usapan nila ang mga nakaraan or mga past trauma ni Anna O na nag-cause di umano ng kanyang disorder. So kumbaga, inanalyze ni Freud kung ano ang laman ng psyche ni Anna O. Kaya siguro doon niya na-derive 'yung word na psychoanalysis. So before natin i-analyze kung ano ba ang psyche natin eh kailangan malaman muna natin kung ano ba ang laman ng psyche. So ang sabi ni Freud, ang structure daw ng psyche natin or ng personality natin ay nakahati sa tatlo. So nanjan ang id, ang ego, at superego. So ang id ang unang nade-develop kapanganak natin at naglalaman nito ng basic instinct ng tao. So ang basic instincts daw ng id, ayon kay Freud, ay ang maranasan ang pleasurable or ang masarap at hangga't maaari ay iwasan niyo mamahirap or 'yung mga sufferings. Walang pakialam ang id sa kung ano ang nangyayari sa labas or sa reyalidad ng buhay. Basta ang gusto niya ay ma-satisfy lang 'yung mga pangangailangan niya, which is 'yung pleasure. So kaya nga sinabi ni Freud, ang id daw ay naglalaman ng pleasure principle. Ang id ay nasa unconscious, ayon kay Freud. So ibig sabihin, eh hindi tayo aware dito. So para mabigyan ng pansin 'yung mga pangangailangan ng id, eh made-develop eventually 'yung tinatawag nating ego. So ang ego, siya ang connected sa reality. Kaya sabi ni Freud, nandito daw ang reality principle. Ah, unlike the id na nasa unconscious lang, ang ego daw ay na partly nasa conscious din. Siyempre para maging aware sa reality, and partly nasa unconscious din siya para maging aware din siya sa mga pangangailangan ni id. Pero siyempre, hindi naman dapat na laging nasusunod kung anong gusto ni id. Kasi anumang sobra ay nakakasama at hindi lahat ng mga masasarap na experiences eh kailangan natin. And somehow sa buhay natin, minsan kailangan din natin ng kaunting suffering. So doon pumapasok 'yung taga-balanse na tinatawag ni Freud na superego. So sa superego, nandito ang tinatawag nating konsensya na nagsasabi sa atin kung ano 'yung tama sa mali. And nandito din sa superego 'yung tinatawag nating ideal or 'yung ito 'yung version natin na gusto nating maging in the future or gusto nating maging in general lang. Katulad ng ego, partly nasa conscious at unconscious si superego. Ang superego ay usually base sa mga principles or mga prinsipyo ng mga caregivers natin, at base din siya partly sa society at sa kulturang kinagisnan natin. So ang psychoanalysis ay nagre-revolve around doon sa dynamics nung tatlong 'yan. So for example, may nakita kang tinapay. Ang sasabihin ni id, eh gusto kong kainin 'yan. Pero sabi naman ni superego, 'hoy, bawal magnakaw!' So anong gagawin ni ego? Anong gagawin nung conscious part mo, which is 'yun nga, si ego? So 'yun 'yung trabaho ni ego, basically, pagbigyan kung ano 'yung gusto ni id at pagbigyan kung ano 'yung gusto ni superego na usually ay opposing in principle without sacrificing the other. So medyo mahirap na task 'yan, pero, well, 'yun 'yung trabaho niya. Kasi kapag sinunod niya lang 'yung isa, for example, sinunod niya lang si id eh masyadong lalakas si id, or 'pag pinagbigyan niya naman si superego eh lalakas si superego. Kapag hindi balanse, 'pag mas malakas si id eh mas nag may tendency na magkaroon ng chaotic personality 'yung isang tao. 'Pag naman masyadong malakas si superego eh magkakaroon ng parang super rigid na pagkatao. So throughout sa buhay natin, eh lagi tayong nagkakaroon ng mga ganoong conflict with between id and superego na kailangan laging i-resolve ni ego. Ang response ni ego sa mga pagnanasa ni id at sa mga pagbabawal ni superego ay may malaking influence sa pag-develop ng personality natin.
[5:35]Ang conflict na nararanasan ng ego ay usually nagma-manifest as anxiety. Ayon kay Freud, ang ego lamang ang nakaka-feel ng anxiety, which is an unpleasant state accompanied by physical sensation that warns the person about an impending danger. Usually 'yung unpleasantness na ito ay mahirap i-pinpoint, pero nonetheless nararamdaman pa rin ni ego. May tatlong klase ng anxiety depende so kung nasaan ang conflict with the ego. 'Pag ang anxiety ay nanggagaling sa id, which is usually irrational, ang tawag sa anxiety na 'to ay neurotic anxiety. For example, kapag may unconscious traumatic experience tayo sa mga authority figure, meron tayong fear of punishment kaya natatakot tayo 'pag nakakakita tayo ng mga authority figure. Katulad ng mga teachers, mga employers, mga boss at kung ano-ano pa. Kapag ang anxiety ay nanggagaling sa conflict with the superego, ang tawag dito ay moral anxiety. For example, kapag hindi tayo nagbigay ng limos sa mga naglilimos sa daan, tapos parang meron tayong naki-feel na parang naba-bother tayo. 'Yun ay moral anxiety. Kapag naman related sa mga nangyayari sa reality ang anxiety natin, katulad kunwari nasa unfamiliar tayo lugar, realistic anxiety ang tawag do'n. 'Yung mga types of anxiety na ito ay hindi clear-cut. So minsan pwedeng maging halo-halo ang version ng anxiety. Pero ang end result ay the same. Ang ego lang ang nakakaramdam at gagawin lahat ng ego para ma-resolba 'yung anxiety na ito. Kapag hindi nakahanap ng paraan ang ego para ma-resolbahin ito, sobrang mahihirapan si ego. Kapag nahirapan na ang ego, gagamit na siya ng mga defensive behaviors or mga defense mechanism para mabawas ang unpleasant feeling na ito. So ayon kay Freud eh gumagamit lahat ng tao ng defense mechanism. Lalo na kapag na-threaten si ego sa mga nangyayari sa paligid natin. So for example, may nangyari na sobrang sakit na nakaka-trauma katulad ng pang-aabusong physical, sexual, emotional, o kaya naman may nangyaring hindi hindi gusto ng tao na sobrang masakit. So sa sobrang sakit, eh ayaw niya na lang maalala 'yung mga memories na 'yun. Kakalimutan niya 'yung experience na 'yon. Tatapon niya sa unconscious. Kasi alam niya 'pag hindi niya ginawa 'yun, eh baka mag-breakdown bigla si id.
[8:00]So 'yung ginawa ni ego na gano'n ay isang form ng defense mechanism na tinatawag nating repression. So ang repression, 'yan ang isa sa mga pinaka-importanteng defense mechanism na ginagawa ng isang tao throughout his or her life. And marahil ito din 'yung isang defense mechanism na malaki ang epekto sa personalidad ng isang tao. Pero siyempre, may hangganan ang repression. Kasi sabi ni Freud, kung daw may mga repressed memories na sobrang tagal tinatago eh eventually lalabas sila in ugly ways. So anong ibig sabihin ni Freud sa ugly ways na 'yon? Lalabas sila sa mga personality ng tao. And usually, 'yung mga 'yung personality na lumalabas is related doon sa kanyang mga repressed or past memories. So marami pang ibang mga defense mechanism katulad ng denial. So ang denial ay ang defense mechanism na kung saan dine-deny natin 'yung mga unpleasant experience. Isang related na defense mechanism din dito ay ang reaction formation. So sa reaction formation naman eh binabaliktad 'yung unpleasant feeling or unpleasant experience. For example, na-break siya ng boyfriend niya or girlfriend niya. Sasabihin niya, 'ay, saya-saya ng feeling. Uh, may malaya na ako.' Pero deep down eh sobrang sakit kasi ayaw niya maramdaman 'yung sakit, kaya binabaliktad niya na lang 'yung feelings. Pero ang pinaka-healthy form ng defense mechanism ay tinatawag nating sublimation na kung saan kino-convert natin 'yung unpleasant experience or unpleasant feelings sa isang socially accepted way. For example, 'yun nga, binrake ka or nakipag-break ka. So imbis na itago mo or imbis i-deny mo 'yung nararamdaman mo, eh gagawin mo na lang siyang isang kanta. Or tula or art or literature. So that's sublimation for you. Actually, sobrang complicated ng defense mechanism and deserve nila ng isang video, pero siguro susunod ko na lang gagawin 'yon or kung meron akong time. Anyway, so ang mga defense mechanism na 'to, they can be conscious or unconscious. Pero ayon kay Freud, usually they are unconscious. Ibig sabihin, hindi tayo aware na ginagawa natin sila. Ayon kay Freud, kapag nasobrahan tayo sa paggamit ng mga defense mechanism, o kaya naman eh gumagamit lang tayo ng isang form lagi ng defense mechanism eh 'dun nag-uumpisa 'yung mga problema. Kasi 'dun lalong tumitindi 'yung conflict ng id, ego, at superego. So kung nagkakaroon tayo ng maraming experiences na kung saan nate-threaten si id or si superego eh nagkakaroon talaga siya ng influence sa pag-de-develop ng ating personality. Kasi nga nawawala 'yung pagka-balanse. So ang mga problema sa personality ng isang tao or sa mood ng isang tao, eh nanggagaling 'dun sa conflicts 'no? Nanggagaling 'dun sa mga defense mechanism na 'yon. Ang sabi ni Freud, para daw ma-resolba 'yung mga conflicts sa id, ego, superego na naglalabas ng mga unpleasant personality sa isang tao, eh kailangan maging aware 'yung tao sa mga repressed memories or repressed na mga emotions. 'Yon ang puso ng therapy sa psychoanalysis. Making the unconscious conscious. So ang proseso na ito ay hindi biro and usually nagla-last siya for a lifetime. Ang unang part ng therapy ay tinatawag nating free association na kung saan 'yung pasyente eh sasabihin niya lahat ng mga na-iisip niya na words. Or na-iisip niya mga bagay sa therapist para magkaroon ng idea 'yung therapist kung ano 'yung laman ng kanyang unconscious. Pwede rin naman i-analyze ng therapist 'yung mga panaginip ng isang tao para din malaman kung ano ang laman ng unconscious. Sabi nga ni Freud, ang dreams daw ay ang road to unconscious. So kapag meron ng idea ang therapist sa kung ano ang laman ng unconscious ng isang tao eh 'dun na pwedeng i-analyze ni Freud 'yung psyche and tulungan 'yung client or 'yung pasyente na i-confront kung ano man ang meron sa unconscious ng isang tao. And siyempre minsan 'yung pagko-confront ng unconscious eh hindi gano'n kadali. Sobrang hirap. May reason kung bakit nire-repress lahat 'yan ng ego. 'Yun 'yung dahilan kung bakit nagla-last minsan for a lifetime 'yung psychoanalysis, especially nung panahon ni Freud. And madalas 'yung mga laman ng unconscious natin ay nag-i-involve ng mga ibang tao. Usually mga family, usually mga caregivers, usually mga ibang mga close people sa atin. Either may galit sila sa atin, may galit tayo sa kanila or sobrang mahal natin sila or sobrang mahal nila tayo. So intense emotion naka-akibat 'dun sa taong 'yon. Minsan 'yung mga intense emotion na 'yon eh napapasa sa therapist. So ang tawag doon sa pagpasa nung intense emotion na 'yon is 'yung transference. So minsan 'yung transference is maganda, especially positive transference na kung saan talagang feeling nung pasyente eh close kayo kasi nga pinapasa niya 'yung feelings niya 'dun sa mga minamahal niya sa therapist. Pero minsan medyo nagkakaroon ng problema especially 'pag negative transference, for example, may galit siya sa mga magulang niya eh baka ipasa niya 'dun sa therapist. And kapag gano'n ang nangyari, minsan nagkakaroon ng chance na magiging balakid 'yon sa mismong therapy na meron sila. Pero siyempre, nasa skill 'yan ng therapist kung papaano niya gagamitin 'yung transference, ayon kay Freud. Magiging successful ang psychoanalysis kapag nareconcile na ng pasyente ang kanyang mga repressed memories at mga conflicts ng id, ego at superego. Kasi kapag naging conscious na kung ano 'yung mga nirepress, kung ano 'yung mga nanjan sa unconscious, eh magkakaroon na ng idea 'yung pasyente kung ano ba 'yung problema. And kapag alam na ng pasyente kung ano 'yung problema eh somehow, masosolusyonan niya na. Kung hindi niya masolusyonan eh magagawa niya ng paraan, mama-manage niya na. So, so basically 'yun 'yung psychoanalysis. So as a theory medyo supply ang theory ni Freud sa falsifiability since ang hirap i-disprove ng concept ng unconscious. Napaka-laking konsepto ng unconscious sa theory ni Freud. Paano mo ba masasabing hindi nag-e-exist ang unconscious? Unconscious nga siya. So by definition hindi tayo aware do'n. So mahirap siyang i-disprove. Pero gano'n pa man 'yung theory ni Freud eh malakas mag-generate ng research. Ang daming research na na-generate ng theory na ito. And not only that eh malakas din siya sa guiding action niya. Kumbaga malakas ang application. Up until now, ginagamit pa rin ang psychoanalysis in some form or another. So useful pa din siya kahit medyo questionable 'yung falsifiability niya. Sa theory din na ito parang ang tingin ni Freud sa mga tao is very pessimistic. Parang sabi niya eh hindi na tayo gagaling. Ang magagawa lang natin is mama-manage natin kung ano 'yung mga sintomas na meron tayo. Forever tayong magkakaroon ng conflict sa id, ego, superego, and 'yung mga defense mechanism natin is laging nanjan and hindi na natin talaga sila matatanggal. Wala rin tayong choice sa mga ginagawa natin kasi basically we are controlled by an unconscious. So unconscious tayo sa mga nangyayari sa atin. Kayo ba, palagay niyo 'yung bang mga theory ni Freud ngayon is still applicable? Tama ba siya? May tama ba siya or ano? Ano 'yung feeling niyong verdict sa theory ni Freud? Useful pa din ba siya o kailangan na maging obsolete? So comment niyo na sa baba kung ano 'yung opinyon niyo regarding sa mga theories ni Freud. So ayan, pinag-usapan natin sa video na ito si Sigmund Freud, and kung ano ang psychoanalysis, ano nga ba ang structure ng personality ng isang tao, and paano 'yung dynamics ng mga structure na 'yan, id, ego, superego. Sana may natutunan kayo and 'wag niyong kalimutan i-like 'yung video and i-share niyo na rin sa mga friends ninyo. If may tanong kayo, clarification, of course you can always comment down below. And maraming salamat sa panonood. Subscribe na kung hindi pa kayo naka-subscribe. Maraming salamat. Paalam. Bye bye. Nanga-ating ilong ko. Si Sipon pa ako allergic, 'di ko alam.



