[0:11]George, halika na, magkakasakit ka dito. Umuwi na tayo.
[0:19]Diyan ka lang. Diyan ka lang. George. George, magkakasakit ka, eh. George. Puti. Yakap ka na ba di?
[0:34]Palibhasa kasi alam na alam mo kung paano ako kunin, eh. Isang ngiti, isang kanta. Isang yakap, isang sorry. Wala. Umiikot na ulit ang mundo ko. Tang inamo, Primo. Matalino akong tao, eh. Pero 'pag dating sa'yo, ewan ko, natatanga ako. Ano na naman 'yung kapalit 'pag binalik ka na naman kita? Titigil na naman 'yung mundo ko para sa'yo? Ilang taon na naman ang buhay ko 'yung sasayangin ko? Tangina, alam mo ba si Miko? Ayun! Magiging doktor na. Si Jessica? Happily married.
[1:39]Ako, ito, sinusubukan pa ring bumangon para bawiin lahat ng nawala sa'kin nung iniwan mo ako.
[1:57]George, George, George.
[2:02]And what makes that sorry different from all your other sorries before?
[2:13]Halos pitong taon ng buhay ko binigay ko sa'yo, Primo. At sa pitong taon na 'yon, isang beses lang ako nagsabing pagod na ako. Isang beses lang ako nagtanong kung kaya ko pa ba. Isang beses lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin kung ano talaga 'yung nararamdaman ko. Nasa'saktan na ako. Nauubos na ako.
[2:53]Isang beses sa napakaraming beses na pwede akong sumuko, pero hindi ko ginawa.
[3:08]Pero isang beses lang din pala 'yung kailangan mo para sumuko, para umalis, para hindi na bumalik.
[3:24]Ay, I needed you to fight for us that night. Because I was so tired fighting alone. Nung kahit sabihin kong umalis ka, hindi ka aalis kasi kilala mo ako, eh. Alam mo na nasabi ko lang 'yun kasi pagod ako. Pero mahal kita. Pero mahal din naman kita, eh. Mahal pa rin kita George. Pero isang beses lang ako napagod.
[4:02]Iniwan mo na ako. Hindi ba 'yung pagmamahal mo, Primo? How could you give up so easily?
[4:16]How did you not find a reason to stay?
[4:27]Hindi, hindi na ako papayag na ubusin mo ako ulit.
[4:34]Kapag tigil na ulan, pag-uwi ko, I want you gone. I will just get in touch with you kapag nakailangan ng pagsa-sign. Kapag nabenta na 'yung bahay.



