[0:03]Hi, welcome back to my channel. Sa lesson video na 'to, pag-uusapan natin kung paano gawin ang conceptual framework.
[0:14]I know you have an idea about it, pero magandang pag-usapan pa rin natin at baka mas maging madali sa'yo ang pagsusulat mo ng conceptual framework. Okay, so ano nga ba ang conceptual framework? So unang-una, ang conceptual framework ay isang sub-topic sa chapter 1. Karaniwan talaga nasa chapter 1 siya. Maaring sa ibang paaralan ay nasa ibang chapter siya, pero ito usually nasa chapter 1. Malapit siya sa SOP or Statement of the Problem at sa theoretical framework. Actually, sila 'yung mga magkakasunod diyan. Ang conceptual framework din ay isang visualization of connections of elements and flow of the study. Ano po ba 'yung mga elements, Ma'am na may mga connect-connections diyan? So sa pag-aaral ng research, syempre tinuturo ng ating guro, alin diyan 'yung dependent variable? Alin diyan 'yung independent variable? Kasi usually sila 'yung may mga connection. Halimbawa, inaral mo, ano nga ba ang epekto ng haba ng oras ng pag-review sa grades ng mga bata? So 'yung dependent variable, ito 'yung nagiging reaction kapag binago mo or may pagbabago sa oras o dami ng oras ng pag-review. So, IV, DV, usually may mga relationships 'yan. Okay? Dapat malinaw mo siyang maipakita sa conceptual framework mo. Conceptual framework is also similar with the skeletal system of our body. So 'yung buto natin, 'yung mga buto natin, 'yung istruktura nila, may pagkakakatulad 'yan sa conceptual framework. Alam mo na, defined, ito 'yung istruktura, ito 'yung lalamanin. So kaya kapag tiningnan mo 'yung conceptual framework, ah alam ko na, ito 'yung umpisa niyan, ito 'yung magiging action taken diyan at ito 'yung magiging resulta niyan. So parang ganun, depende kung anong model 'yung gagamitin mo na akma sa study mo. Ganun din, para din siyang blueprint ng building, 'di ba? Bago mo makita 'yung pinaka building, meron 'yang parang ginawa ng architect na ito, ito 'yung magiging hitsura niyan. So, kahit hindi mo pa nakita, kasi hindi naman pwedeng trial and error ang paggawa ng building, nakikita mo sa blueprint na ah, ito, ito tinatakbo niyan. Ganun din 'yung conceptual framework natin. Kaya kapag tama, kapag malinaw, clear and correct ang conceptual framework mo, ang linaw niyan sa 'yo, ang linaw sa panel mo, ang linaw sa mga readers mo. And don't forget, it presents the quick guide on the direction of the study. Ikaw mismo, malinaw na malinaw sa'yo ang tinatakbo, ang direction ng study mo kung tama at talagang na-capture ng conceptual framework mo 'yung flow ng study mo. So alam mo na ito ang una, ito mga materials diyan, ito mga gagawin at ito magiging resulta diyan. Okay? So kumbaga naka-frame siya, may series siya at alam mo 'yung mga relationships among those elements or details in your study. Okay, so ito 'yung mga topics natin dito sa lesson video na 'to. One, what are the format options? Two, what are the commonly used research models and when to use each type? Three, samples. Magpapakita ako ng mga samples dito para kumbaga maging guide mo siya. Ah, ito kahalintulad 'to ng study ko. So most probably ito 'yung conceptual framework. At syempre pa, tips para maging madali ang lahat. Kumbaga kami, nakagawa na ng maraming beses ng thesis, nandoon 'yung thesis, Master's thesis, dissertation. So kumbaga meron na diyang mga estratehiya, meron na diyang mga hidden knowledge, ah, ito, ito talaga 'yung magpapabilis para magawa ko kaagad 'yung conceptual framework ko. Format. So there are two types of formats. So one, nauuna 'yung paradigm, tapos explanation. So makikita mo doon 'yung illustration at 'yung paliwanag. 'Yun 'yung isang uri. 'Yung isa, mayroong introductory paragraph, may paradigm, at may explanation. So tatlong elements. 'Yung isa, two elements lang. Karaniwan, ito, itong nasa letter A. Pero kung ano 'yung itinatakda sa paaralan n'yo, syempre, 'yun 'yung susundin n'yo. Kasi bawat paaralan may iba-iba silang pamamaraan or nakatakdang guidelines, rules, guides para, ito, ito para mabuo n'yo 'yung thesis n'yo. Next, commonly used research models and when to use each. Practically speaking, ano-ano nga ba 'yung mga common research models at practically speaking kailan mo gagamitin ito, itong IPO model, itong IV-DV model, itong ADDIE model, at 'yung iyong self-made or researcher made conceptual framework? Okay, narito na 'yung mga samples. Mas madali kasing maintindihan kapag may halimbawa ng nakita. Definitely, sa pagsusulat ng conceptual framework, medyo final na 'yung title mo, 'di ba? Okay na 'yung title mo. Kaya dito sa halimbawa natin, meron na tayong title dito, itong kulay pula. Halimbawa, ang study ay Service Delivery of Local Government Unit (LGU) Frontline Workers kung saan mang municipality or probinsya 'yan. So ito ang focus niya. Service delivery nino? Ng mga local government or LGU frontline workers. Or ang tawag nilang frontliners. Pero check mo kung ano 'yung final or formal term kasi 'yun ang ilalagay natin sa iyong thesis. So ito 'yung conceptual framework niya. Gumamit siya ng IPO. Bakit Input-Process-Output? Kasi ang kanyang study ay tungkol sa service delivery. So wala ka namang nakakaapekto itong variable na 'to, dito kaya ang ginagamit usually kapag ganun ay Input-Process-Output. So dito sa input, nandoon 'yung profile of the respondents. Ano 'yung mga profile na kinonsider niya? 'Yung gender, 'yung age, monthly family income, highest educational attainment. So ito 'yung mga common na profile. Pwedeng hindi mo kunin 'yung iba, pwedeng dagdagan mo, depende sa study mo at kung ano 'yung na-approve ng iyong panel. 'Yung aspects naman 'yung service delivery. So dito sa halimbawa natin, merong apat na aspects: planning, implementation, monitoring, and evaluation. Halimbawa lang ito. Maaaring iba 'yung aspects mo, dulot ng marami mong nabasa sa RRL mo. Ito kasi minsan 'yung nahihirapan 'yung mga researchers kasi ito 'yung ano ko, Ma'am, variable or focus. Ano po ba 'yung pwede kong ilagay diyan na aspects? Hindi pwedeng manghula tayo dito. Kasi kung ano 'yung sinasabi sa mga literature, ano 'yung sinasabi sa mga memoranda, ano 'yung sinasabi sa mga policy guides or sa mga finished or published researches, 'yun ang gagawin mong aspects. Hindi ka manghuhula. Kaya sinasabi na kapag susulat ka ng conceptual framework, dapat nakapagbasa ka na, kumbaga nabuo mo na somehow 'yung RRL mo kasi doon ka nga kukuha. Dahil hindi pwedeng hula-hula. Sa experience ko sa defense, actually, dito sa aspects na 'to, natatagalan kasi tatanungin namin, oh, what are the aspects of the topic that you are proposing or the topic of your study? So, sabihin niya, ah, Ma'am, parang ano po, ganito. So paano natin iko-consider 'yung hindi ka sure? Parang ano po, parang ano po, ano 'yung basis mo? Nasaan 'yan sa iyong review of related literature? Kaya hindi pwedeng hula-hula.
[8:57]Okay, nandoon 'yan sa input. Pagdating sa process, dahil ang study mo ay assessment ng service delivery, so assessment of 'yung title, paano mo siya in-assess? So nag-survey ka, nag-documentary analysis ka, nag-interview ka, may focus group discussion ka. So malamang mixed method ka rito kaya ka mayroon interview, may focus group discussion, okay, may documentary analysis. So ito karaniwan ay qualitative approach, 'yung survey, quantitative 'yan. So mixed methodology dito. Okay. So part of the process, of course, are the statistical analysis and thematic analysis. Kasi nga mixed 'yan. 'Yung quantity data mo, gagamitan mo ng statistical analysis. 'Yung qualitative data mo, gagamitan mo ng thematic analysis.
[10:06]Okay, so sa process 'yan, dito 'yan sa gitnang frame. Pagdating sa output, heto na, ito na 'yung output mo. Assessed what? Bakit po assessed, Ma'am, 'yung ginamit? Kasi assessment sa process mo. So consistent. Okay. Assessed what? Assessed level of service delivery or assessed extent of service delivery. And of course, merong na-find out diyan na problema. Another output that you might be asked is to have your action plan. Depende, depende sa kung ano 'yung recommendation ng panel mo. Okay, pero part 'yan ng iyong conceptual framework. Kaya nga dito sa conceptual framework, gaya ng nabanggit ko kanina, kita mo agad, eh. Pagtigin mo sa input, ah, ito 'yung involved. Process, ah, anong gagawin? Ito 'yung mga gagawin. Syempre 'pag survey, may questionnaire checklist ka diyan. So 'pag binasa mong mabuti ito, makikita mo na na ah, ito 'yung mga gagawin kasi heto naman 'yung mga magiging output niya. Okay? So malinaw 'di ba? Ngayon, meron ka ng paradigm, meron ka na nitong illustration na 'to. Eh, 'di ang kasunod na no'n 'yung label niya, figure 1 siya. Hindi siya table, figure. So conceptual model of the study or sinusulat siya ng ganito, figure 1, period, conceptual paradigm of the study. Minsan pinadagdag kung ano 'yung title ng study. So conceptual paradigm of the study showing the assessment of the ganun. So depende kung ano 'yung advice ng iyong advisor or ng inyong research professor. Okay. So format kanina, paradigm and then the explanation. So heto na 'yung explanation niya. Figure 1 shows the conceptual model of the study on the so pwedeng palitan na lang 'to. This could serve as a template, actually. So on the basic level, pwede mo nang gamitin 'to, palitan mo na lang 'yung mga nak-underline at saka 'yung iba pa para maging akma sa study mo. Okay, the first frame. So pinaliwanag mo anong laman ng first frame. Sumunod, the second frame. Okay, the third frame at 'yung mga arrow, huwag mong kalimutan. So the arrows from the input to the process and to the output show the connection and transformation of the profile and aspects with the actions taken into results that are considered as output. The arrow from input to output represents feedback which reflects the continuity of the flow and interconnectedness of the elements.
[13:14]Okay, ito 'yung pangalawang study. So kanina kung may IPO tayo, heto naman IV-DV. Kasi dito matindi 'yung interaction ng iyong independent variable sa iyong dependent variable. Kapag meron ka nito, anong mangyayari dito? Okay, may cause and effect na nangyayari. 'Pag ka 2 hours ka bang nag-review mas mataas ang grade mo? Kapag 1 hour ka bang nag-review mas mababa 'yung grade mo? So depende anong tutuklasin ng iyong study. So dito sa halimbawang 'to, titingnan natin 'yung relationship ng independent variable at saka dependent variable. So IV, DV model naman 'to. Halimbawa, sa iyong IV, independent variable, meron kang computer skills at ano 'yung mga specific computer skills? Okay, ano 'yun? Marunong kang gumamit ng ganitong app, marunong ka nito, marunong kang mag-edit. 'Yung iba kasi marunong halimbawa ng PowerPoint, marunong halimbawa sila sa Word, sa Excel, pero hindi sila marunong mag video editing. So ano 'yung mga specific computer skills, ilista mo 'yan dito. At kasunod no'n, halimbawa, ito ha, kasama sa study mo lang, halimbawa, learning styles. Ano-ano 'yung mga specific na learning styles, halimbawa. So, hindi ka rin manghuhula, babasahin mo sa literature mo, sa mga RRL mo, nandoon nakalaman kung ano 'yung mga specific na learning styles. Kaya nga uulitin ko, na kapag basa-basa ka na, medyo buo na 'yung RRL mo para malinaw at tama 'yung nakapaloob sa iyong conceptual framework. So ano nga 'yung study mo ulit? Effects of Computer Skills and Learning Styles on the Academic Performance of Higher Education Students. So dalawa. Ang IV mo, Computer Skills and Learning Styles. So ito 'yung nakakaapekto sa academic performance nino? Ng higher education students o kung sino man 'yung specific respondents mo. Okay, kaya ang IV mo Computer Skills, Learning Styles, at ang DV mo dependent variable ay Academic Performance of Higher Education Students. So 'yan 'yung relationship na titingnan mo sa iyong study. Mas maraming computer skills, mas advanced na computer skills, mas magandang learning styles, nangangahulugan ba na mas mataas ang academic performance? That we do not know yet. Depende 'yan sa makukuha mong data sa iyong research. Kaya magandang alamin. Halimbawa, mas nagtatagal sa social media, mas kaunting oras sa social media, sino sa kanila ang may mas magandang academic performance? Pwede mong tuklasin. Okay? Ngayon, depende na 'yan sa uri ng iyong mga respondents. Okay, doon mo kasi makikita ano 'yung gap, ano 'yung mga andami ng studies, ano 'yung mga kokonti pa lang doon mo titingnan. Kasi maaaring tanong mo, Ma'am, sino pong magandang respondents dito? Okay, malalaman mo rin 'yan sa mga nabasa mong RRL, sino nga ba? Pero dama mo, saan may problema? Sino ang may mababang academic performance? Based on your observation or based on your experience. Kaya nga may tinatawag tayong empirical data based on observation, based on experience, anything, anything observable. Okay, so heto, naka-label lagi 'yan figure 1. Hindi 'yan table, hindi 'yan graph. So figure 1. At kasunod na syempre diyan 'yung paliwanag. Okay? So basahin mo na lang 'yung paliwanag na nandidito, pwede mong pagsimulan nito at i-modify mo na lang at ayusin para mas klarado, mas specific 'yung mga details mo. Pangatlong study. Ang study mo ba ay developmental? 'Yung pinagbubuo ka halimbawa ng learning material or instructional material gaya ng workbook, module, work text or instructional videos, set of instructional videos for mathematics, for English or kung ano man 'yung subject. So kung developmental ang study mo, parang heto, itong model na 'to 'yung mas mainam na gamitin 'yung ADDIE model na tinatawag natin. Ma'am, ano po 'yung ADDIE model? Heto, tingnan natin. So ADDIE, kaya siya ADDIE kasi analysis, design, development, implementation and evaluation. So ito 'yung topic mo, Workbook in English Language Enhancement: Acceptability and Effectiveness. So mag-a-analyze ka syempre.
[18:26]May problema ba? Bakit kailangan ng workbook? Ano 'yung weakness nila? Ano 'yung dapat isama sa workbook? Kasi syempre kung alam na alam na nila 'yan, eh, mastered na nila 'yung skills na 'yan, baka hindi na siya kailangan. Kaya nga dito kapag developmental ka, ang by word ay 'yung least mastered skills. Ano 'yung mga skills na mahina ang mga bata at hindi pa talaga nila na-de-develop? That means kailangan i-reinforce kaya ka nagde-develop ng instructional material. So i-analyze mo 'yun, magde-design ka 'yung layout mo, 'yung mga outline mo, nandoon 'yan at magde-develop ka na. Anong ilalaman mo? Tapos i-implement mo 'yan. Magtuturo ka gamit 'yung na-develop mong material. Usually titingnan mo, magpe-pre-test ka muna, papagamit sa 'yo or gagamitin 'yung material na ide-develop mo, and then magpo-post-test ka. So parang ganun 'yung flow. Nag-develop ka, level of acceptability 'yun at ang iyong respondents ay teacher. So teacher respondents. After mong i-develop, i-implement mo 'yun. So gagamitin siya sa iyong klase or kung alin 'yung naka-identify na group. So medyo may experimental lang konti ito kasi ite-test mo 'yung level of effectiveness of the develop material based on the level of performance of the students. Kaya may pre-test, gagamitin 'yung develop material tapos magpo-post-test. So 'yun ang sinasabi kasi na, ah, after gamitin nitong material na din-develop gumanda 'yung scores ng mga bata, mas naintindihan nila 'yung aralin. In that manner masabi na effective 'yung develop na material. Okay, so 'yan 'yung sa ADDIE model. Okay. Of course, nandito 'yung paliwanag. 'Yung paliwanag ko kanina nandito 'yan, basahin n'yo na lang. Pwede n'yo na 'tong pag-umpisahan, i-improve n'yo, i-modify n'yo. Pwede nang i-present. Anyway, tutulungan naman or iki-critique naman 'to ng iyong panel, unang-una na ng iyong advisor. And then malalaman mo kung okay na 'yan or needing improvement or enhancement. Okay, pang-apat. So meron na tayong IPO, meron na tayong IV-DV, meron tayong ADDIE model. I repeat, ito 'yung mga commonly used. Okay? Hindi sinasabi na ito lang 'yung pagpipilian. Marami kang pwedeng gawin sa iyong conceptual framework batay sa iyong study.
[21:15]Okay, dito, 'wag bastang kopya ng kopya. Nakita mo sa internet, kinopya mo, no. Titingnan mo kung ano 'yung nasa study mo. So ang study halimbawa ay motivation, daily routines and study habits of student-gamers in what school or in what municipality. So depende kung ano ang in-approve ng panel sa 'yo. Okay, dito parang wala namang tinitingnan na IV or DV. Ang inaalam lang ano 'yung mga motivation, daily routines and study habits of student-gamers sa isang paaralan, halimbawa.
[22:26]So after kong alamin 'yan, nalaman ko na baka kaya sila gamers kasi ito 'yung motivation nila, ito 'yung routines nila at ito 'yung mga habits nila, study habits. Nung nalaman ko at base sa resulta ng data at parang may dapat gawin, heto, proposed intervention program. Okay, proposed intervention program. Kasi base sa nakita ko, halimbawa ay medyo mababa ang motivation nila. So kailangan tulungan. Kailangan kong i-coordinate sa ganito. So sa proposed intervention program, nakadetalye doon ano 'yung mga suggestions, ano 'yung mga nararapat na hakbang para matulungan 'yung mga respondents na 'yun. So parang action research na siya talaga.
[23:45]Okay, so heto na 'yung paliwanag. Okay, maikli lang 'to. So bahala ka na, pwede mo nang pagsimulan 'to. At least may nakikita kang halimbawa, i-enhance mo na lang or depende sa binuo mong sarili mong conceptual framework. Again, magbabasa-basa tayo, hindi tayo basta gagawa or manghuhula. Para close to reality 'yung ginagawa nating conceptual framework. Okay, ito 'yung mga proven tips para medyo guided ka. So una, it's SOP-based. It's Statement of the Problem-based. Kaya 'pag tama 'yung iyong statement of the problem, wala ka nang problema. Tama siya, malinaw siya, affected niya 'yung pagiging tama at pagiging malinaw ng conceptual framework mo. So pag ang problema doon 'pag medyo magulo 'yung SOP mo pa, parang maguguluhan ka rin sa conceptual framework. So practical na medyo unahin mong ayusin 'yung Statement of the Problem para madali na siyang i-transfer sa isang paradigm or model. Two, read relevant RRL. So frequently nababanggit ko 'to kanina kasi hindi pwedeng hula-hula. Lalo 'pag ide-defend natin 'yung ating proposal, thesis proposal, hindi pwedeng 'pag tinanong ka, anong aspects, anong variables? Hindi mo pwedeng sabihin na, I think, palagay ko po, you have to say based on, may pinag-aangkuran ka, may basis ka. Three, colors have meanings. So while you can use different colors in your paradigm, tingnan mo rin baka hindi sa 'yo 'yung kahulugan ng mga kulay na 'yon. Kaya use colors sparingly. Or baka hindi na kailangan ng kulay, so okay na 'yun na black and white ang nandoon. Four, check for missing or lacking variables. Baka may nakalimutan kang variable na present sa iyong SOP tapos nawala sa conceptual framework. So check for that, so that there would be consistency in your entries. Five, be consistent in the order or sequence of variables and other details. So kung inuna mo 'yung age, isinunod mo 'yung monthly family income. Okay, ganun din 'yung order. Ganung order sa SOP, ganung order din sa conceptual framework para hindi magulo. Okay, pagdating sa iyong presentation of data, ganun ding order, conclusions ganun din, recommendations ganun din. So consistent 'yung sequence of your variables. And finally, don't be afraid to try drafting your conceptual framework. Do not be afraid to try. Okay? Draft mo na. Mag drawing-drawing ka na. Magsimula ka sa alam na alam mo and then i-explore mo. Okay? Iki-critique naman 'yan ng iyong advisor or ng mga panel members or panel of evaluators. So huwag kang matakot na mag-try, hindi lang isa para magkaroon ka ng options. Alin talaga 'yung makapagpapakita ng flow ng study mo? So option 1, option 2, option 3, hindi kailangang mga tuwid kaagad na de-ruler ba? Kahit pag ganun lang, basta isulat mo lang siya. Mahalaga nakikita mo na, ah, ito 'yung frame 1, ito 'yung connections nila. Ito 'yung arrow, okay na 'yun pag-umpisahan. Okay? Huwag masyadong perfectionist sa umpisa kasi ganun talaga. Kaya nga may salitang revision. Ni-re-revise 'yan para tumama para lalong sumakto sa study mo. Okay, there we have it. So thank you so much. I hope nakatulong sa 'yo ang lesson video na 'to.



