Thumbnail for THE MATERIAL SELF - A short film by BSN1-23 GROUP 2

THE MATERIAL SELF - A short film

BSN1-23 GROUP 2

9m 23s903 words~5 min read
Auto-Generated

[0:00]Sinasabi nga nila na We are what we have. Kung ano ang meron tayo, ito ang bumubuo sa kung sino tayo. Excuse me, can I have your attention, please, for one more time?

[0:36]Isa akong materialistic na tao. Lahat ng mga bagong labas na gadget pinapabili ko, lahat ng trending sinasabayan ko, lahat ng mahal, branded, at magagandang mga accesories ay dapat meron ako. Cellphone, laptop, bags, alahas, watches, mga aesthetic na damit, at kung ano ano pang bagay na nagbubuo saakin kung sino ako, at kung ano ang aking personalidad. Ito ako.

[1:09]Ngunit ang buhay naming ay simple lamang, sakto lang ang kita ng aking ina para sa pangaraw-araw naming pangangailangan. punong-puno ako ng pagmamahal at pagaaruga saaking nanay. Ngunit para saakin, hindi parin sapat ito, at sa tingin ko ang mga material na bagay lamang ang nagpapasaya at bumubuo sa aking pagkatao.

[1:39]Oh, anong klaseng suot 'yan? Saan ka pupunta? Ano bang pakialam mo? Lahat na lang pinapakialaman mo! Asan na ba yung meryenda ko? Oh, kunin mo dito. Ikaw nalang kaya magbigay saakin! Ganyan na nga suot mo alanganin na ako pa!? Kunin mo doon, pinaghandaan na nga kita eh. Oh, ba't nga ganyan ang suot mo, saan ka ba pupunta?

[2:04]Wala nga ma! Ay ma! Merong bagong labas na iPhone, hingi ako ng pera. Magkano naman 'yan? Nasa 30k daw ma. 30K??? Saan naman ako kukuha ng perang ganyan kalaki? Hindi ko alam ma, lahat na lang gusto ko ayaw mo! Napakadmot mo, wala kang kwentang ina! wala akong kwentang ina? Sa tingin mo ba maganda ang buhay natin, ha? Kasalanan ko ba iyon? Huwag mo ako sinisigaw-sigawan ng ganyan! Una sa lahat, mahirap maging isang magulang.

[2:44]Hindi maganda ang buhay natin ngayon. Tapos hihingian mo ako ng ganyan kalaking pera? Hindi ako nag kulang sayo Rievin! Bakit hiniling ko ba na gawin niyo ako? Responsibilidad niyo iyon! Responsibilidad kitang binuhay kita mag-isa diba? Pero kung sabihin mong wala akong kwenta ina? Kahit kailan hindi ako nagkulang sayo! Sana hindi na lang ikaw ang naging mama ko!

[3:39]Huy bakit ka nandito? Papakita ko lang sa'yo to bagong-bago! Hoy ang ganda-ganda naman. Saan mo nabili 'yan? Don lang sa SMB eh. Magkano naman 'yan? 70k. Hoy ang mahal-mahal! Saan ka nakakuha ng pambayad? Dahil sa rekomendasyon ng aking kaibigan, sinubukan kong pumunta sa bar upang kumita pa mas lalo ng pera pambili ng mga bagay na gusto ko. Ganito pala ang pakiramdam, na napapansin ka ng maraming tao. Lagi akong nakakatanggap ng magagandang salita mula sa aking damit, hanggang sa mga material na bagay na meron ako.

[4:28]Napunta ako sa isang mapanakit na tao, sinaktan niya ako ng paulit-ulit hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko. Itinago ko ang aking mga pasa sa aking ina, ngunit kahit anong tago ko ay nakita niya ito. Uy, nakauwi ka na pala, saan ka galing? Wala ma. Anong wala? Wala nga! Wala nga! Bakit 'yan? Alam mo ba kung bakit nangyari saakin ito? Nang dahil sayo! Kasi hindi mo ibinibigay lahat ng gusto ko!

[5:18]Naisipan ng nanay ko na gumawa ng krimen upang maibigay niya ang mga gusto ko, ngunit isang araw nahuli siya, tinawagan ako ng isang lalaki at sinabi ang nangyari sa aking ina. Poks! Poks! Poks! Uy bakit? Uy balita raw 'yung nanay mo nakulong! Hm! Hayaan mo nga siya!

[5:41]Dahil wala ang aking ina, ako ang gumawa ng lahat ng gawaing bahay mula sa paglilinis hanggang sa paghahanda ng kakainin. At narealize ko na mahirap ang buhay ng walang ina.

[6:01]Kaya ganon pinuntahan ko ang aking ina. Hm, napadalaw ka na? Ma, ano kasing ginagawa mo, bakit mo ginawa iyon? Anak, humiling ka sa saakin diba? Humiling ka sa isang bagay na alam mong hirap ako. Pinagsabihan mo pa akong walang kwentang ina. Ma. Sorry ma. Sorry kasi ang dahilan ng pagkakakulong mo ay dahil sa walang sawang, gusto ko pong makakuha ng kung ano anong mga bagay. Ma, mali po ako. Hindi po kayo ang walang kwenta, ako po iyon ma. Kasi simula pa nung bata ako, kayo lang po 'yung naging kakampi ko. Simula po nung namatay si Papa. Kayo lang ang laging nandiyan para mahalin ako. Ma, sorry ma, sorry.

[6:59]Alam mo bilang isang ina? Ibinibigay ko lang naman 'yung mga bagay na gusto mo diba? Sorry, 'yun ang kasalanan ko, kasi hindi ko maibigay. Ma, hindi mo kasalanan ma.

[7:33]Ma, hindi kayo nagkulang. Kasi hindi ko maibigay 'yung mga bagay na gusto mo.

[7:42]Sapat na po 'yung pagmamahal niyo ma. Sorry po ngayon ko lang narealize.

[7:48]Na mas importante kayo sa kahit anong material na bagay ma. Narealize ko po na, sobrang hirap ng buhay na wala po kayo sa tabi ko.

[8:19]Ma narealize ko na kahit na makuha ko lahat ng bagay na gusto ko, hindi ako mabubuo, kasi simula pa noong bata ako, kayo na po 'yung bumubuo saakin ma. Ma, huwag kang mag-alala, gagawin ko po ang lahat para mapiyansahan ka, at mag-uumpisa tayo ng panibagong buhay.

[8:46]Ibinenta ko ang mga bagay na meron ako upang mapiyansahan ko ang aking ina. Nang nakaipon ako ng pampyansa, ay agad kong pinuntahan ang aking ina. Mulanito nagsimula kami ng panibagong buhay, ipinagpatuloy ko ang pagaaral habang nagtratrabaho. Mas naintindihan ko na ang hirap na kumita ng pera. At mas lalo kong naappreciate ang lahat ng sakripisyo ng aking ina.

[9:16]Family will always gonna be there, but the material things will come, and go.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript