Thumbnail for Mga magsasaka sa Leyte, nagbarikada laban sa dambuhalang dredging ship | Kapuso Mo, Jessica Soho by GMA Public Affairs

Mga magsasaka sa Leyte, nagbarikada laban sa dambuhalang dredging ship | Kapuso Mo, Jessica Soho

GMA Public Affairs

28m 28s3,171 words~16 min read
YouTube auto captions
Transcript source

YouTube auto captions

This transcript was extracted from YouTube's auto-generated caption track. The transcript below is server-rendered so it can be read, searched, cited, and shared without opening the original YouTube player.

Timestamped outline
Pull quotes
[0:23]At sa nakalipas ng mga linggo, ang barkong ito mula sa dagat ay tumawid papunta sa lupa.
[0:50]Kaya ang mga residente ng bayan ng MacArthur, sa takot na masira pa ang kanilang mga lupain, nagbarikada para ito ay harangin.
[1:37]Yung susunod na henerasyon sa amin, ano ang kakainin nila kung puro katubigan na ang naghahari dito sa lupaing ito?
[1:37]Ang pakikibaka ng mga taga MacArthur laban sa black sand mining, madadaanan nga ba sa santong dasalan, o mauuwi lang sa santong paspasan?
Use this transcript
Related transcript hubs

[0:07]Ang mga napapadaan sa kalsadang ito sa bayan ng MacArthur sa Leyte. Hindi maiwasan mapatingin, mapatanong at matakot sa kanilang natatanaw.

[0:23]Sa gitna kasi ng malawak na lupain. May biglang sumulpot na isang gahiganteng barko. At sa nakalipas ng mga linggo, ang barkong ito mula sa dagat ay tumawid papunta sa lupa.

[0:50]Ang mga dinaanan nito, inararo at sinira. Tuloy ang tingin dito ng mga residente. Isa ito, halimaw. Hindi lang daw kasi ito simpleng barko kundi Cutter Suction Dredger. Gagamitin sa pagpapalawak ng operasyon ng black sand mining sa Leyte. Kaya ang mga residente ng bayan ng MacArthur, sa takot na masira pa ang kanilang mga lupain, nagbarikada para ito ay harangin.

[1:37]Sa laki na niyan, sigurado may mangyayari rito talaga sa aming bayan. Mahirap 'yung kalagayan namin ngayon, kasi nagpupuyat, kinakabahan. Please, kung sino man ang makarinig sa amin, tulungan niyo kami. Yung susunod na henerasyon sa amin, ano ang kakainin nila kung puro katubigan na ang naghahari dito sa lupaing ito? Ang pakikibaka ng mga taga MacArthur laban sa black sand mining, madadaanan nga ba sa santong dasalan, o mauuwi lang sa santong paspasan?

[2:18]Sa pagdating namin sa bayan ng MacArthur, hindi ko inasahan ang salubong ng mga nagpoprotesta sa akin. Mukhang natutuwa 'yung mga taga-rito na nakarating tayo dito sa kanilang lugar. Kasi nga hinihiling talaga nila na marinig 'yung kanilang boses. Ito na 'yung kanilang barikada, nakalagay na 'yung kanilang mga gustong iparating sa gobyerno. Thank you for coming. Ay oo, basta gusto lang naman ho namin marinig din ang tinig ninyo. So ito 'yung mga hinihiling niyo? Opo, ma'am. Ayaw niyo ng black sand mining dito? Ayaw namin.

[2:59]Hindi ho kayo namamalika-mata. Narito ho ako sa bayan ng MacArthur sa Leyte kung saan may barko na nasa gitna ng dating palayan. Yang barko na yan, pinoprotesta ng mga taga-rito dahil gamit daw yan sa black sand mining na malaking issue ngayon sa bayang ito. Tumawid ho yan mula doon sa dagat papunta doon sa kabilang bahagi kung saan kukunin 'yung black sand na 'yun po 'yung ginagamit sa paggawa ng mga bakal. Na ginagamit sa infrastructure, pati na sa paggawa ng mga sasakyan. Yun nga lang, ayaw ho yan ng mga taga rito kasi makasisira sa kanilang kabuhayan daw at sa kanilang kalikasan. Ang higanteng dredger pagmamay-ari ng kumpanyang MacArthur Iron Projects Corporation. Isang mining firm na nagmimina raw sa Barangay Maya mula pa noong taong 2020. Magnetite o black sand ang minimina nila rito. Ito ang pinagkukunan ng iron ore na kalimitang ginagamit sa paggawa ng bakal. Gayunman, nasuspinde ang operasyon ng kompanya noong 2022 dahil inireklamo ng mga residente ang mga nasirang irrigation canals. Lubha raw kasing naapektuhan ng pagmimina ang mga pananim ng mga magsasaka pati na ang mga palaisdaan ng tilapia na kanila ring ikinabubuhay. Hanggang ngayon, hindi pa rin daw nirerepair ng kumpanya ang nasirang irigasyon ng mga magsasaka. Pero nitong January 25, namataan na lang nila ang dambuhalang barko sa baybayin ng bayan ng MacArthur. Hanggang tinawid na nito ang dagat at dumaong sa kanilang dalampasigan. Laking gulat na lang nila na sa loob ng dalawang linggo, nakapasok ito ng 650 meters mula sa dagat hanggang sa kung saan ito inabot ngayon. At lahat daw ng dinaanan ng barko, nakalbo. Dati itong mga puno ng niyog. Tapos tinamaan ng mga buhangin, bato-bato para madaanan ng barko. Papunta sa Barangay Maya. Tawid po sila ng kalsada para makarating doon sa minahan. Black sand mining is through magnetic separators. Umiikot lang ng magnets, kumapit na siya ng iron. Pag malaki operation mo, marami kang kailangang technology or equipment. Kung mineralize yung lupa mo, hindi mo pwedeng tamnan. In-interview ko ang leader ng mga nagbabarikada, si Hesus. Mang Hesus, ano ho 'yung pinoprotesta niyo rito? Ang ipinoprotesta po namin dito ang totally pagpapahinto ng pagmimina. Dahil ang pagmimina po, nangyari 2010 pa. 2012, malaki ang prisyo ng mining company. Pumatay po ito ng 27,000 kilos na kuryon tilapia galing sa Bito ng lawa. Kaso nasisira ho 'yung kabuhayan niyo. Hoh. Ano ho itong barkong 'to? Saan ho nanggaling daw? Bigla na lang 'yan dumating rito at sinasabi na wala pa silang permit sa pagmimina pero bakit dumating ang isang barko na malaki? Gagamitin daw ho ito sa pagmimina. Ayon sa mga ipinapalabas na pag-uulat ng mining company, isang kagamitan pagmimina po yan. Saan papunta ho daw? Dito sa aming prime. Yes po. Masisira naman 'yung mga, yes.

[6:27]Yung tutuluyan na nilang wasakin ang prime irrigated rice land ng MacArthur Leyte. Iisa pa sa ikinababahala at ikinagagalit ng mga residente ang mga nagtatrabaho raw sa minahan, pati na ang nag-o-operate ng dredger na barko, mga Tsino. May Tsino ho diyan? Yes, marami. Oo. Itong buwan lang 'to. Kasabay ang issue na nagbabaliktaktan sa senado. Ang binabanggit sa gitna ng Karagatan. Bakit dito nasa mainland kami, walang gobyerno na tumatanong kung anong nangyayari sa amin. Ang tinutukoy niyo ho 'yung issue sa Spratlys. Na bakit doon kalaban 'yung mga Tsino? Pero dito, sabi niyo. So, accommodated diyan, nagka-hotel yan eh. Yes po. May mga Tsino ho diyan sa loob. Oo. Ang sabi pa ho nung kumpanya, nakakapag paganda raw ng soil quality. Yung ginagawa nilang black sand mining. Ano ho masasabi niyo roon? Sino ba talaga ang papaniniwalaan ng taong bayan? Ang iyan scientificong pagsusuri galing mismo sa ating Departamento ng Agrikultura, o 'yang pananarin ng mga Tsino? At saka sa tingin niyo ho, ano'ng nangyari sa mga palayan? Ay wala, ma'am. Nonproductive until now. Ano'ng nangyari sa lupa? Wala. Naging lawa. Paano ho 'yan? Hanggang kailan po kayo magbabarikada rito? Hanggang hindi kami pinapakinggan ng gobyerno. Hindi naman kami violente. Nananawagan lang kami, kung nasaan ang gobyerno sa aming daing. Ano'ng balak niyo ho ngayon? Yan kaya nga tumutulong na kami na maging national issue na sana mamamata't dalhin ito sa Senado. Kung anong pagkakamali noong una, itama naman ang gobyerno dahil kapagka Tsino at big time na pulitiko pabor sa libu-libong magsasaka. Thank you po so much, Ma'am. Thank you for hearing us, Ma'am. Salamat ho kami dapat magpasalamat. Pinaparinig niyo 'yung inyong mga hinaing. Para sa aming mga anak, Ma'am. NO TO MINING! Naririnig ho namin kayo. Nakikita namin ang placard niyo. Ano'ng gusto mong sabihin? Mawawala ang kinabukasan ng kabataan dahil sa pagmimina ng lupa. Kung hindi ho naharangan ng mga residente o ng mga nagbabarikada 'yang barkong yan, eh dito dadaanan yan. In fact nagawa na nila 'yung kalsada eh. Papunta doon. Nandoon kasi 'yung minahan para sa black sand mining. Malinaw na ang pakay ng barkong ito, makatawid ng highway papunta sa minahan ng magnetite o black sand. May labing apat na kabundukan sa may Central Leyte. Lahat sila, volcanic source o volcanic origin. It so happens, sa Central Leyte dumaan din 'yan ng Philippine fault zone. Dumaan ng mga mineralizing fluids. Umaakyat at nadidispel ang minerals, kasama doon 'yung iron. Very abundant din lugar na 'yan. Kwento ng mga taga-rito, bago pa raw nakarating ang barkong ito sa Barangay Maya, marami ng mga lupain ang napinsala. Lalo pa't taong 2007 pa lang inaprubahan ng MGB o ng Mines and Geosciences Bureau ang tinatawag na MPSA o Mineral Production Sharing Agreement. Ang kumpanyang Strong Built Mining Development Corporation na nabili ng investment o holding company na Bright Kindle Resources and Investments, Incorporated o BKRI noong 2024. Sakop din ng MPSA ang MacArthur Iron Projects Corporation na nagsimula naman ng operasyon noong 2020. Ayon sa mga residente, maliliit lang daw ang mga makinang gamit nila noon para sa black sand mining. Isa raw sa mga naunang naperwisyo ang palayan ni Patrocenia. Mga walang hiya kasi! Hindi naaawa sa amin! 'Yung palay namin bumagsak na sa butas nila. Sir, maawa naman ho kayo sa amin! Tulungan niyo kami rito! Maraming palayan daw dito, lumubog katulad ng mga nadaanan natin. Gawa nung operation ng black sand mining noong 20, 2021 po. 2021. Kasi ngayon, sabi ng kumpanya, 'di daw sila nag-o-operate. Yun nga lang, sa kaso ng bukid ni Patrocenia, wala na, nauna ng nasira. Patrocenia, anong nangyari doon sa inyong bukid? Lumubog po tapos namina po nila 'yung kalahati. May pahintulot ba ninyo 'yun? Wala po. Tinanong niyo ho bakit ganon? Kasi po noong una, pumunta sila sa amin. May dala po silang pera. Eh ayaw po ng asawa ko ibenta. Tapos umuwi po sila. Tapos nung kinabukasan po, pumunta po kami sa basa kampo namin. Pagdating namin doon, bumagsak na po 'yung ibang palay sa mina-mining nila. Umaapaw na rito sa amin. Tingnan niyo, hindi na kami makapagtanim. Oh, kita niyo 'yung mga bumagsak? Punong-puno ng tubig. Punong-puno ng tubig. Naapektuhan 'yung mga palay ninyo na tanim. Opo. Anong ginawa niyo ho pagkatapos non? Nagdemanda po kami. Anong nangyari? Na-dismiss po. Dahil? Hindi ko po alam. Gusto sana namin wala ng pagmimina rito dahil malaking perwisyo ito rito. Pero sabi nila, mabibigyan daw ng trabaho 'yung mga taga rito. Ah, sinasabi rin nila nakakabuti daw 'yung mining doon sa quality, 'yung kalidad ng lupa. Ano'ng masasabi niyo doon? Hindi po 'yun totoo, Ma'am. Kasi po 'yung minina nila, hindi naman po pwedeng taniman ng palay po kasi puro na buhangin. Wala ng ani? Wala. Anim na taon na po. Lalaban niyo pa ba ito? Opo. Sana may tumulong pa sa aming tao, 'yung may puso na patigilin itong pagmimina. Pero dahil sa tuloy-tuloy daw na operasyon ng pagmimina, tinatayang nasa 14 hectares na ng palayan ang lumubog. Kasi doon kami naghahanap-buhay, Ma'am. Doon namin kinuha lahat ng binubuhay namin para sa mga anak namin. Isang idlap lang po, nawala.

[12:33]Kasi ang tagal na namin may problema ngayon lang po may pumunta di. Masakit sa akin, wala na ang palayan namin. Hindi na maganda ang lupa. Sobra 500 sako ang nakukuha ko. Kung hindi pa minina. Ngayon, konti na lang. Hindi pa umabot 200, 200 sacks. Kahit i-rehabilitate pa. Ilang years pa bago 'yan magamit. Pati na kami lahat, gutom. Ipinakita rin sa amin ang mga nasira nilang irigasyon. Yung main canal na dinadaluyan ng irigasyon ay bumagsak po siya dahil hindi na po nagagamit. Nangako po sila na gagawin nila. Pero hanggang ngayon wala pa silang naumpisahang gawin. Pinapanagot po namin sila sa pamamagitan ng pagrehabilitate ng mga nasirang kanal at desiltation. Mas kinakailangan ng mga farmers ng agarang pagpapa-drain ng pagbabaha. Hinihingi namin galing sa mga mining company, ang comprehensive rehabilitation plan. Hindi pa po natin nakukuha hanggang ngayon. Ito naman ang Lake Bito. Wala pang isang kilometro ang layo mula sa minahan. Dito sila nagpapalaki ng mga tilapia. Dagdag kabuhayan sana. Kung hindi nagkandamatay ang mga isda noong 2012, 27,000 kilos lugi ang mga namuhunan. Ang sinisisi nila, ang naunang minahan ng Nicua Mining Corporation. Sa lawang ito pa man din umaasa ang mga mangingisda ng Barangay Villa Imelda katulad ni Cielo. Kasi ano, Ma'am, nakakawala siya ng pag-asa. Maabot po ng 500 kilos 'yung nakukuha ko sa isang fish pen. Since 2022, nasa mahigit 100 kilo na lang 'yung nakukuha namin kada harvest. 'Yung tubig namin, Ma'am, bumaba siya ng mga isa hanggang dalawang metro. Mas malalim na 'yung hukay nila kung kaya mababa na 'yung tubig namin. Hindi na kami pwedeng mag-alaga ng ganun karaming isda sa isang cage. Sinubukan naming kuhanan ng pahayag ang Nicua Mining Corporation pero hindi sila tumugon sa aming paanyaya. Kaya ngayon, masisisi ba ang mga residente na mariing tutulan ngayon ang nakikita nilang muling pag-o-operate ng black sand mining?

[15:00]Lalo pa't nandito na ang higanteng barkong dredger na ito. Salot 'yan dito dahil napakalaki niyan. Kung ang maliit pa lang na barko ay malaki na ang pinsalang dulot, paano pa kaya 'yang ganyang kalaki? Ang gusto namin sabihin ngayon, gumalaw na ang gobyerno. Wala pong ideya ang National Irrigation Administration dito po sa pag-allow sa mining operations ng MIPC. Gumagawa na tayo ng paraan para lang matugunan ang mga kanilang pangangailangan sa patubig. Ang Provincial Government ng Leyte, nagsumite raw ng request para masuspinde ang pagpasok dito ng barko. Yung dredger na yan is not a friendly site and is not welcome. Galing China ito. Sabi nga nila, binabantayan natin ang West Philippine Sea, tapos dito pala sa East Philippine Sea, mukhang hindi natin nabantayan. Ang tanong dito, hindi ba namin alam 'to? Hindi. Mukhang binalewala rin kami. Dumiretso lang sila. Nabulagan na lang kami na nandyan na 'yung barko. Ang probinsyal na pamunuan ng Leyte, issued a request to all parties involved, in particular, sa MGB, to suspend it. Gagawin namin lahat ng makakaya namin para 'yung dredger na yan ay umatras. May mga permit sila galing sa taas, kaya nakarating dito 'yan. At wala namang problema. Wala pong power, wala pong ano diyan kung bawal ba. Nasa gitna lang ako. Wala akong pinapanigan. Ang part lang na binigay ng Local Government Unit na business permit ay ang tinatawag lang na Other Construction of Utility Project, NEC. Hindi pa nag-i-issue ang munisipyo ng operasyon ng mining activity. But in fact, ang aking ginagawa, sumusunod lang ako sa batas. Actually, wala pa naman tayong mining na issue kundi ito lang na barge kung bakit siya dumating diyan. They are ready to operate. However, wala pa silang approved na 3-year work program. No complaint, no extraction, no mining operation. Nitong Miyerkules, sa kalagitnaan ng aming pag-iimbestiga, nakatanggap kami ng mensahe na ipu-pull out na raw o aalisin na sa lugar ang barkong dredger. The company has posted a rehabilitation bond of P56 million to the Mines and Geosciences Bureau (MGB). The funds assure the proper restoration of mined out areas. MIPC will restore the land area to full cultivation before its return to the owners. In light of the current situation, and in the interest of maintaining harmony and preventing further escalation, MIPC has decided to withdraw the dredger and re-evaluate its current work plan. The company has solicited the assistance of the concerned local government units to safely remove the structure.

[17:43]Sir, una po sa lahat, totoo ho ba 'yung press statement ninyo na ipu-pull out na 'yung barko? Yun po ay isinangguni namin sa mga ahensya ng gobyerno na tulungan muna kami. Subalit gusto ko pong linawin na hindi naman ho ganun kasimple 'yun. Na hindi naman po dito 'yung hihilahin namin pabalik. Ito po ay 2,000 tonelada halos. At meron hong mga pangangailangan sa engineering works para gawin po kung iuurong man po 'yan. So anong status ngayon ng black sand mining ho na ginagawa dito? Ang black sand mining po since 2022 ay wala pong operasyon. So status quo. Status quo. Eh, ano ho 'yung position niyo ba dito po sa pinoprotesta po ng mga residente? Iginagalang po namin 'yung position nila na sila po ay may objection. Meron ho silang mga grievance na tinatawag. Subalit ito naman po ay welcome sa amin. At ang kailangan po lang namin ay mabigyan din kami ng pagkakataon na 'yung aming side o 'yung aming po kwento ay marinig naman. Kung ano po 'yung totoo. Sabi ho doon sa press statement niyo na nabasa ko, itong black sand mining will give thousands of jobs. Tama ho ba 'yun? Nung pagsisimula po ng aming operasyon dito, noon pa lang po, nabigyan namin ng trabaho 'yung mga tao rito. At nag-, tumigil nga po siya noong 2022. Pero sabi ho nila, may mga Tsino rin daw po sila nakikita na nagtatrabaho sa loob. So kahit 'yun, pinoprotesta nila. Gusto ko pong itanong kung ano po ang basehan kung bakit po sila ay tutol. Sapagkat 'yung teknolohiya po na pagdadala namin ng dredger dito ay teknolohiya po na aming hiningian ng tulong ng ibang bansa dahil ito ho ay advance sa technology. Kung iisipin po, 'yung aming dredger ay napakalaki, kaya ho naging ampunan ng mga question at kung ano man 'yung pinoprotesta po nila sa bahaging 'yun ay naiintindihan niyo po na parang ang turing na nila doon sa CSD, 'yung cutter suction dredger ay parang monster. Sa gitna ho ng kanilang mga taniman ng niyog at palay. Opo. 'Yung mga Tsino po, talagang bahagi po ng kontrata na nag-, trabaho sila diyan sa loob ng kumpanya? Bahagi na. Nagta-trabaho po sila diyan sa loob ng kumpanya. And then 'yung iron ore na nakukuha po diyan, dinadala rin ho sa China. Tama ho ba? For export po 'yan. For export po. Kasi bahagi rin ho 'yun ng hinaing ng mga tao na kasi may issue ngayon ng China at Pilipinas, tapos dito 'yung mga Tsino, welcome naman at sa kanila dinadala 'yung iron ore. Opo. Ano'ng masasabi niyo ho roon? Ako naman po ay hindi eksperto tungkol doon. Pero may pag-aaral po na ito po ay makakatulong tungkol din sa temperature o doon sa kalagayan po ng lupa rito. At dito rin po sa MacArthur, meron ho kasing mga area rito na sinasabi ho nilang agricultural land. Pero meron pong mga porsiyon ng lupaing dito na swampy na kailangan pong ma-dredge at kung nandoon po sa ilalim 'yung mineral ay mapapakinabangan po.

[21:17]Ang problema kasi kapag overmineralized ng iron ang lupa, hindi lumalago ang mga halaman. Kaya nagkakaron ng nutrient imbalance. Pangalawa, mataas ang density ng iron. Naaaharang nito 'yung mga katubigan at ibang mga salt solution na kailangan sa paglago ng halaman. Kung kaya nagiging bansot at 'di nagiging malago. Pero nasira daw po 'yung fish farms nila at pati 'yung mga palayan at saka pati irrigation canals nila. Ano'ng masasabi niyo ho doon?

[22:30]Una-una, meron naman hong mga grievance mechanism na itinatakda ng ating ahensya ng gobyerno. Kung saka-sakali po na meron po silang reklamo. Kagaya po ng nasabi ko na noong pa lang 2022, tumigil po ang operasyon namin dito.

[22:50]Nagkaroon ako ng hope na talagang mapu-pull out siya. Pero magiging totally kampante lang talaga kami dito kapag wala na siya talaga diyan. Magbabarikada kami hangga't nandyan ang barko. Samantala, ang kinatawan ng First District ng Leyte at dating House Speaker Congressman Martin Romualdez, at ang kanyang pamilya na dadawit sa issue dahil sa nauulat na 'di umano koneksyon nila sa MacArthur Iron Projects Corporation o MIPC.

[23:17]Sa official website kasi ng Bright Kindle o ng BKRI, nakasaad na taong 2022, inihalal bilang isa sa Board of Directors nito si Andrew Julian Romualdez, anak ng dating speaker Romualdez.

[23:33]Ayon sa information statement ng Bright Kindle Resources and Investments, Inc., nag-resign na si Andrew Julian Romualdez bilang Director noong May 19, 2025. Isa naman daw sa major shareholders ng BKRI ang RYM Business Management Corporation, kumpanyang pagmamay-ari pa rin diumano ng mga Romualdez.

[23:50]Ayon naman sa mga ulat, noong 2024, binili raw ng BKRI ang SBMDC sa halagang P5 billion.

[24:01]Ang SBMDC ang may hawak ngayon ng MacArthur Iron Projects Corporation. Bagay na siya ring alam ng mga residente. Nandiyan naman sa pinalalabas ng mga dokumento na binili ito ng speaker. Harap-harapan ako mismo nagsalita, pero ngayon nagtatago sila. Itinatago nila. Nagiging apektado ang mga departamento. Dahil mismo ang regional offices na dapat gumalaw, si speaker ang naglagay. Paano gagalaw ang isang ahensya ng gobyerno pabor sa mga tao kung sila ay manteted ang mga pulitiko?

[28:26]NO TO MINING!

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript