Thumbnail for G. ALFREDO YAO: TUNAY NA BUHAY NG MAY-ARI NG ZEST-O CORPORATION by Mang Tanong TV

G. ALFREDO YAO: TUNAY NA BUHAY NG MAY-ARI NG ZEST-O CORPORATION

Mang Tanong TV

9m 44s1,202 words~7 min read
YouTube auto captions
Transcript source

YouTube auto captions

This transcript was extracted from YouTube's auto-generated caption track. The transcript below is server-rendered so it can be read, searched, cited, and shared without opening the original YouTube player.

Timestamped outline
Pull quotes
[0:22]Hindi nga kumpleto ang buhay elementarya ng karamihan sa atin noon kung hindi ka nakapag-baon ng Zest-O juice.
[0:22]Madalas na ito ang ka-tandem ng baon mong kanin, biskwit o tinapay na isinisiksik sa ating mga baunan ng ating mga nanay.
[0:22]Ang Zest-O ay isang kumpanya ng non-alcoholic na inumin na itinatag ng negosyanteng si Ginoong Alfredo M.
[0:22]Hindi nga maikakaila na ang brand na Zest-O ay isa sa mga brand na kinagisnan na nating mga Pinoy at patuloy na naghahatid sa atin magpahanggang ngayon ng pamamatid uhaw at masasarap nitong inumin.
Use this transcript
Related transcript hubs

[0:22]Hindi nga kumpleto ang buhay elementarya ng karamihan sa atin noon kung hindi ka nakapag-baon ng Zest-O juice. Madalas na ito ang ka-tandem ng baon mong kanin, biskwit o tinapay na isinisiksik sa ating mga baunan ng ating mga nanay. Ang Zest-O ay isang kumpanya ng non-alcoholic na inumin na itinatag ng negosyanteng si Ginoong Alfredo M. Yao noong 1981. Hindi nga maikakaila na ang brand na Zest-O ay isa sa mga brand na kinagisnan na nating mga Pinoy at patuloy na naghahatid sa atin magpahanggang ngayon ng pamamatid uhaw at masasarap nitong inumin.

[1:07]Sa videong ito ay atin namang pag-kwentuhan ang kasaysayan ng Zest-O Corporation. Ano nga ba ang pinagdaanan paghihirap ni Ginoong Alfredo Yao sa pag-abot ng kanyang mga pangarap hanggang sa maitatag nito ang nasabing kumpanya na nagtulak sa marami upang bansagan itong Juice King ng Pilipinas.

[1:31]Pero syempre, kung bago ka pa lamang sa aking channel ay huwag mo munang kalimutang mag-subscribe at i-click ang bell icon para laging updated ka sa mga ia-upload kong video. Sa channel na ito, gumagawa ako ng mga video na nagbabahagi ng mga kwento at impormasyon patungkol sa iba't ibang bagay na bahagi na ng ating buhay.

[2:02]Hindi madali ang naging daan patungo sa tagumpay ang naranasan ni Alfredo bago nito makamit ang tinatamasang tagumpay sa kasalukuyan. Ipinanganak si Alfredo noong November 23, 1943. Naging breadwinner siya edad lamang na 12 ang batang si Alfredo nang ang kanyang ama ay pumanaw at naiwan ang responsibilidad ng lima pa nitong kapatid sa kanyang mga kamay. Kinailangan ni Alfredo na tumulong sa kanilang ina na isang sidewalk vendor upang mabuhay at maitawid ang pang-araw-araw na pangangailangan. Inisip nitong magbanat ng buto at humanap ng pagkakakitaan sa murang edad upang makatulong sa mga gastusin ng kanilang pamilya.

[2:42]Dahil sa hirap ng buhay na pinagdadaanan ng pamilya ni Alfredo ay halos nahirapan ito na tapusin man lang ang kanyang pag-aaral sa antas elementarya at sekundarya. Dahil na rin sa tulong ng iba nitong kamag-anak ay nakatuntong ito sa kolehiyo at nakapag-enroll sa Mapua Institute of Technology. Ngunit kalaunan ay hindi rin niya ito napagpatuloy dahil sa kakulangan ng pamatrikula. Hindi dito natapos ang pagpupursigi ni Alfredo upang magtagumpay sa buhay. Nagtatrabaho ito bilang empleyado ng isang printing press at habang tumatagal ay nakakakita ito ng mas magandang oportunidad. Naisip nitong maaari siyang magtayo ng kanyang sariling negosyo at magsimula ng isang maliit na printing press kayat pinag-aralang mabuti ni Alfredo ang pasikot-sikot sa trabahong ito. Hindi nabigo si Alfredo sa kanyang minimithing pangarap. Kalaunan ang naipong pera ni Alfredo mula sa kanyang pagtatrabaho sa printing press ang ginamit nitong puhunan upang magtayo ng kahalintulad nitong pagawaan. Mula dito ay itinayo ang kauna-unahang kumpanya nito na pinangalanang Solemare Commercial Press na isinunod niya sa pangalan ng kanyang ina. Naging maganda ang daloy ng itinayong kumpanya nitong printing press. Ito rin ang masasabing nagbukas ng magandang oportunidad na patagal nitong hinihintay upang umasenso sa buhay. Naging matagumpay ang negosyo ni Alfredo at dahil dito ay gumanda ang pamumuhay nito. Ika nga sa kasabihan ay kapag kumatok ang oportunidad sa iyo ay kuhanin mo kaagad ng hindi na dapat pinag-iisipan pa ng matagal. Dahil hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.

[4:45]Hindi nakuntento si Alfredo sa pagtuklas ng mga ideya at bagong kaalaman upang mas lalo pang mapaunlad ang kanyang negosyo. Kaya naman taong 1979 habang ito ay nasa Europa para sa isang business exhibit, dito niya unang nakita ang makabagong paraan na ginagamit sa pagbabalot ng pagkain. Partikular ng mga powdered at ready to drink na inumin. Ang Doy pack o mas kilala rin bilang stand-up pouch. Ito ay isang uri ng packaging na tila bulsa na kayang tumayo ng tuwid sa sarili nito na orihinal na naimbento sa bansang France nina Louis at Leon Doyen. Naisip ni Alfredo na ang ganitong klase ng packaging ay maaaring magamit ng mga negosyanteng may kinalaman sa pagkain. Kahit hindi ito nagdalawang isip na dalhin ang teknolohiya sa paggawa ng Doy pack sa Pilipinas. Inialok niya ang bagong tuklas na Doy packaging sa ibang negosyante, ngunit karamihan dito ay hindi kinakitaan ng interes sa kanyang ideya.

[5:54]Naniwala si Alfredo na ang kanyang dalang bagong teknolohiya sa pag-iimpake ng pagkain ay magiging matagumpay. Kaya naman ay hindi ito pinanghinaan ng loob sa mga taong hindi naniwala sa kanyang pananaw. Bagkus ay umisip ito ng paraan kung paano niya ito magagamit. Kaya naman taong 1980 nang magdesisyon itong magbenta sa merkado ng sarili nitong brand ng juice drink. Ang kumpanya ng juice drink na itinatayo ni Alfredo ay pinangalanan niyang Semexco Marketing Corporation na ang flagship product ay ang Zest-O juice drink.

[6:29]At tulad ng inaasahan ay mainit itong tinanggap ng mga Pinoy hanggang sa maging bahagi na ito ng pang-araw-araw nating buhay mula noon hanggang ngayon. Kalaunan ang pangalan ng kumpanyang Semexco Marketing ay ginawa ng Zest-O Corporation alinsunod sa pangalan ng juice drink na napamahal na sa ating mga Pinoy. Sa ngayon nga ay may siyam na flavor na pwede kang pamilihan sa Zest-O juice drink. At sa paglawak ng kumpanya ng Zest-O, kasabay nitong lumalawak ang variety ng produkto at brand na hawak ng kumpanya. Gaya ng Sun Glow, Big 250, at Plus. Maging paggawa ng carbonated drink at noodles ay pinasok na rin ng kumpanya. Pag-aaralan nito ang ilang sikat na pangalan ng soft drinks tulad ng Fruit Soda, Root Beer, Cola Classic, at Quick Chow naman sa instant noodle industry sa ating bansa. Hindi matatawaran ang dedikasyon at kasipagang ibinibigay ni Ginoong Alfredo Yao sa larangan ng pagnenegosyo. Kaya't ang mga kumpanyang kanyang pag-aari ay nananatiling matatag magpahanggang ngayon. Ayon nga sa Forbes website ay maliban sa Zest-O Corporation na kanyang pag-aari ay may iba pang kumpanya itong pinamamahalaan. Ilan nga sa mga ito ay ang Macay Holdings na may hawak ng RC Cola. Siya rin ang majority stakeholder ng Philippine Business Bank at taong 2020 lamang ng mabili ng Macay Holdings ang Artemis Plus Express o mas kilala sa tawag na Kitchen City na isang domestic food service provider sa halagang 2 bilyong piso. Ayon din sa nasabing website ay nasa 200 milyong dolyar ang tinatayang kabuuang yaman ni Ginoong Yao. At ito ay pasok sa 50 pinakamayamang Pinoy sa buong mundo.

[8:21]Minsan, masasabi nating ang buhay ay hindi patas. May pinanganak na mayaman na hindi na kailangan pang magbanat ng buto sa murang edad. Mayroon din namang ipinanganak na mahirap na kung saan ay kung hindi ka magtatrabaho ay hindi ka mabubuhay. Magsusumikap sa buhay kung may nais kang marating. Gawing inspirasyon ang kahirapan upang umasenso sa tinatamasang nating buhay sa hinaharap. Yan ang aral na mapupulot natin sa kwento kung paano naitayo ng isang taong ipinanganak na hirap sa buhay. Kagaya ni Ginoong Alfredo Yao ang Zest-O Corporation, ang number one juice drink sa ating mga Pinoy.

[9:07]Kayo mga katanong, anong flavor ng Zest-O juice drink ang madalas na ipinabaon sa inyo ng inyong mga magulang? Comment down lamang at babasahin natin yan isa-isa mga katanong.

[9:24]Kung nagustuhan ninyo ang video mga katanong ay wag kalimutang i-like at i-share. Hanggang sa susunod na video mga katanong. Maraming salamat sa panonood. Tandaan natin, kung may tanong, alamin ang sagot upang sa kaalaman nito humantong.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript