Thumbnail for null by null

20m 9s1,908 words~10 min read
YouTube auto captions
Transcript source

YouTube auto captions

This transcript was extracted from YouTube's auto-generated caption track. The transcript below is server-rendered so it can be read, searched, cited, and shared without opening the original YouTube player.

Timestamped outline
Pull quotes
[0:37]Siya ay namatay noong ika-30 ng Disyembre, taong 1896, nang siya ay binaril sa Bagumbayan, na kung tawagin ngayon sa lugar na iyon ay Luneta.
[1:17]Halina't ating alamin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pangalan ni Rizal o saan nga ba kinuha ang kanyang pangalan.
[1:17]Ito ay mula sa pangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ni Birheng Maria, tatay sa lupa ni Hesukristo.
[1:17]Samantalang ang Protacio naman ay hango sa pangalan ni San Protacio, isang martir, at ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing sasapit ang ika-19 ng Hunyo.
Use this transcript
Related transcript hubs

[0:19]Ang talambuhay ni Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda o mas kilala sa tawag na Dr. Jose P. Rizal.

[0:37]Si Dr. Jose P. Rizal ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ay ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo, taong 1861 sa Calamba, Laguna. Siya ay namatay noong ika-30 ng Disyembre, taong 1896, nang siya ay binaril sa Bagumbayan, na kung tawagin ngayon sa lugar na iyon ay Luneta.

[1:17]Halina't ating alamin kung ano nga ba ang ibig sabihin ng pangalan ni Rizal o saan nga ba kinuha ang kanyang pangalan. Unahin natin ang pangalang Jose. Ito ay mula sa pangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ni Birheng Maria, tatay sa lupa ni Hesukristo. Samantalang ang Protacio naman ay hango sa pangalan ni San Protacio, isang martir, at ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing sasapit ang ika-19 ng Hunyo.

[2:07]Ang Mercado naman ay tunay na apelyido ng kanyang ama at sa wikang Espanyol, ito ay nangangahulugang 'pamilihan' o 'market'. Samantalang ang apelyidong Rizal naman ay pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo, dahil noong mga panahong iyon ay konektado kay Padre Burgos si Paciano, kaya delikado ang apelyidong Mercado. Isa din sa mga dahilan nito ay konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang apelyidong Mercado.

[2:52]At ang ibig sabihin ng Rizal, sa salitang Espanyol ay Luntiang Lupang Tinamnan ng Trigo (green fields of barley). Ang Alonzo naman ay tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa, at middle name ni Jose Rizal. Ang Realonda naman sa kanyang pangalan ay middle name ng kanyang ina noong dalaga pa, galing sa lola ni Rizal.

[3:27]Ang kanyang ama ay si Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro.

[3:37]Ang kanya namang ina ay si Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya. Maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna.

[4:07]Samantala, kilalanin naman natin kung sino-sino nga ba ang mga kapatid ni Dr. Jose Rizal. Ang panganay sa kanilang magkakapatid ay si Saturnina. Tinulungan niya kasama ang kanyang inang makapag-aral si Rizal at siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal noong nakulong ang kanilang ina na si Teodora. Si Paciano naman ang pangalawa sa labing-isang magkakapatid. Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang makarating sa Europa. Habang nasa Europa si Jose, pinadalhan niya ng pensyon at sinulatan niya para mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at sa kanilang pamilya.

[5:04]Si Paciano ay namatay sa edad na 79 dahil sa sakit na tuberculosis.

[5:13]Si Narcisa naman ang pinakamatulunging kapatid na babae ng bayani. May palayaw na 'Sisa'. Siya ang ikatlong anak sa pamilya Rizal. Isinangla niya ang kanyang mga alahas at ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang matustusan ang pag-aaral ni Jose Rizal. Lahat halos ng mga tula na isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo.

[5:45]Si Olympia naman ang ika-apat na anak sa pamilya Rizal. Napangasawa niya si Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at sila ay biniyayaan ng tatlong anak, ngunit ito rin ang dahilan ng kanyang kamatayan noong taong 1887.

[6:10]Ang panlimang naman sa pamilya Rizal ay si Lucia or Lucia. Siya ang kahati sa mga paghihirap ni Rizal. Siya ay pinagbintangan na nag-usol sa kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-asawa ay minsan nang nagatulan na itapon sa ibang bansa kasama ang ibang miyembro ng pamilya Rizal. Ang pang-anim sa magkakapatid ay si Maria. Siya ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto ni Jose na pakasalang si Josephine Bracken. Siya ay namatay noong taong 1945. Si Concepcion naman ang pinakapaboritong kapatid ni Jose o 'Pepe' Rizal na mas bata nang isang taon sa kanya. Magkalaro sila at laging kinukwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at sa kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng pagmamahal ng isang kapatid na babae. Namatay siya sa edad na tatlo.

[7:34]Si Josefa, ang ika-9 na anak sa pamilya. Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng kanyang sakit, nagawa niya pa ring sumali sa Katipunan at maging isang Katipunera. Namatay siya nang walang asawa o anak sa taong 1945.

[7:59]Si Trinidad naman ang ika-10 sa magkakapatid. Ang palayaw niya ay Trining at siyang tagapagtagò at tagapamahala na pinakahuli at pinakatanyag na tula ni Jose Rizal. Siya ay namatay dahil sa sakit na malaria.

[8:21]Ang pinakabunso ay si Soledad. Siya ay kilala rin bilang Choleng. Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya ang pinaka-edukado sa kanilang magkakapatid.

[8:43]Ang pag-aaral ni Dr. Jose Rizal.

[8:50]Noong taong 1855, natapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba't ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

[9:13]Noong ika-23 ng Marso, taong 1876, si Dr. Jose Rizal ay nakapagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila na may mataas na karangalan.

[9:32]Noong taong 1877 naman ay ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid. Samantala, nag-aral din siya sa Ateneo de Municipal de Manila at nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining. Nag-aral din siya ng medisina sa Pamantasan ng Sto. Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng lisensiya sa Medisina, na nagbigay sa kanya ng karapatan na magpraktis ng pagmemedisina. Nag-aral din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.

[10:24]Noong ika-18 ng Hunyo, taong 1892, ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan, tinawag ito na La Liga Filipina. Ang layunin ng samahan na ito ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersyo, industriya at agrikultura.

[10:54]Noong ika-6 ng Hulyo, 1892, si Dr. Jose P. Rizal ay nakulong sa Fort Santiago. Ipinatapon siya sa Dapitan noong ika-14 ng Hulyo, sa parehong taon. Apat na taon siyang namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit. Hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, at mapaunlad ang kanilang kapaligiran. Maliban sa medisina ay mahusay din si Rizal sa pagpipinta, pagguhit, paglilok at pag-ukit. Siya ay makata, manunulat at nobelista. Ang pinakatanyag sa kanyang mga gawa ay ang nobela na Noli Me Tangere, at ang kasunod nitong El Filibusterismo. Itinuturing din na poliglota si Rizal sapagkat nakakaunawa siya ng dalawampu't dalawang wika. Noong ika-3 ng Setyembre, taong 1896, habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano ay inaresto siya. Noong ika-3 ng Nobyembre, taong 1896 pa rin, ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon ay nakulong siya sa Fort Bonifacio.

[12:28]At sa parehong taon, noong ika-26 ng Disyembre, si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang napagbintangan siya na nagpasimula ng rebolusyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan, naisulat niya ang Mi Ultimo Adios, ang huling paalam, upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. At noong ika-30 ng Disyembre, taong 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan na kung tawagin ngayon ay Luneta.

[13:21]Ang buhay-pag-ibig ni Dr. Jose Rizal.

[13:28]Si Dr. Jose Rizal ay tunay na kahanga-hangang nilalang. Bukod sa pagiging opthalmologist, alagad ng sining, siyentipiko, nobelista, manunulat, peryodista at repormista ay isa rin pala siyang dakilang mangingibig. Sa katunayan, hindi bababa sa siyam na kababaihan ang kanyang napusuan. Ilan sa kanila ay ang mga sumusunod. Si Segunda Katigbak, ang kanyang puppy love. Siya ay 14 taong gulang na dalagita na kapatid ng kaklase at kaibigan na si Mariano Katigbak. Samantala, si Rizal noong mga panahong iyon ay 15 taong gulang pa lamang. Ang kanilang relasyon ay nagwakas dahil nakatakda ang pagpapakasal ni Segunda sa isang taga-Lipari na si Manuel Luz.

[14:33]Si Leonor Valenzuela naman ay 14 anyos at kapitbahay ni Rizal sa Intramuros. Ang kanilang relasyon ay hindi nagtagal sapagkat may espesyal na pagtingin ang batang Rizal kay Oran. Subalit, maaaring hindi parehas ang kanilang nararamdaman para sa isa't isa sa pagtanggap niya ng ibang manliligaw. Ni hindi man lamang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata sa pag-alis ni Rizal papuntang Espanya. Ang sumunod ay si Leonor Rivera. Siya ay anak ng kanyang amain na si Antonio Rivera, na siyang pinsan ng kanyang amang si Francisco. Sa madaling sabi, naging katipan ni Rizal ang kanyang pinsan. Siya ang inspirasyon ni Rizal sa paglikha ng karakter na si Maria Clara sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang kanilang relasyon ay hindi rin nagtagal sapagkat noong pa man ay tutol na ang ina ni Leonor na isang filibustero sa pag-iibigan ng dalawa. Sa halip na kay Rizal, gusto nito na maipakasal ang dalaga kay Henry Charles Kipping, isang Ingles na inhinyero. Ayaw ni Leonor sa Ingles na ito, subalit pilit siyang kinumbinse ng kanyang ina rito.

[16:06]Si Consuelo Ortega y Rey naman ay inibig din ni Rizal na noo'y 18 taong gulang pa lamang ang dalaga. Pero hindi na pinalalim pa ni Pepe ang relasyon sa pagitan nila ni Consuelo. Ito ay sa kadahilanang nakatali pa siya kay Leonor Rivera noong mga panahong iyon. Isa pang dahilan ay ang pagtingin ng kaibigan niyang si Eduardo Delete, isang mestizo mula sa Leyte sa dalaga. Ayaw niyang ipagpalit ang pagkakaibigan para sa isang babae. Noong si Rizal ay nasa 27 taong gulang na ay inibig niya si Seiko Usui na tinawag ni Rizal na O-Sei-San. Ang dalaga noon ay nasa 23 taong gulang pa lamang. Siya ay isang Haponesa na anak ng isang Samurai. Ang kanilang relasyon ay hindi din nagtagal sapagkat dahil sa kanyang misyon para sa inang bayan, kinakailangan niyang umalis at iwan ang Haponesa papuntang San Francisco sa Estados Unidos noong ika-13 ng Abril, taong 1888.

[17:28]Gertrude Beckett, siya ay isa sa anim na anak ni Charles Beckett. Si Charles ay ang Ingles na nagmamay-ari ng 37 Chalcot Crescent, isang paupahang bahay sa London, England, kung saan namalagi noon si Rizal. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon sapagkat umiwas si Rizal sa lalo pang lumalalim na pagtingin ni Hetty. Bago pumunta ng Paris noong Marso, taong 1889, ibinigay niya ang eskultura ng magkapatid na Beckett na mismong kanyang nililok.

[18:09]Suzanne Jacoby. Siya ang pamangkin ng may-ari ng paupahang bahay na tinirahan noon ni Rizal sa Brussels. Hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon sapagkat umalis si Rizal papuntang Madrid. Pero bago noon ay nag-iwan siya ng tsokolate para kay Suzanne. Sumulat ang dalaga sa kanya na bumalik sa Brussels. Bumalik nga siya noong Abril, taong 1891, subalit hindi para kay Suzanne kundi para ipagpatuloy ang gawain ng kanyang nobelang El Filibusterismo.

[18:51]Si Nellie Boustead naman ay may dugong Pinoy. Ang kanyang ina ay Pilipina samantala, ang kanyang ama ay isang British na nagngangalang Eduardo Boustead na isang negosyante. Manliligaw minsan ni Rizal si Antonio, kapatid ng kilalang pintor na si Juan Luna. Paano nga ba nagwakas ang kanilang relasyon? Naisip minsan ni Luna na kasal ang dalaga subalit hindi ito natuloy. Ito ay sa kadahilanang hindi pinalitan ni Rizal ang kanyang pananampalataya sa relihiyong Protestantismo na kagustuhan ni Nellie.

[19:34]Ang huling babae sa buhay ni Rizal ay si Josephine Bracken. Siya ang maituturing na legal na asawa ni Rizal. Ang kanyang mga magulang ay parehong Irish ngunit siya ay isinilang sa Hong Kong. Ang kanilang relasyon ay hindi rin nagtagal sapagkat si Rizal ay binitay sa Bagumbayan. Pagkatapos nito ay bumalik si Josephine sa Hong Kong sa kanyang ama. Napangasawa niya si Vicente Abad noong taong 1900.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript