[0:05]Edukasyon. Isang mahaba at kung minsan ay walang katapusang pagsisikap na maragdagan ang kaalaman para sa ikauunlad ng buhay.
[0:15]Nung ako po ay college, kinailangan ko pong mag-aral po na malayo po sa piling po ng aking mga magulang. At pinagpasyahan po nila na ako po ay mag-aral sa New Era University dahil mas panatag po sila kung doon po ako mag-aaral.
[0:37]Na-diagnose po 'yung mother ko po ng breast cancer.
[0:44]Tuwing umuuwi po ako, nakikita ko po 'yung kahirap po nila sa pagdadala po nung karamdaman.
[0:58]At nung tutungtong na po ako ng college, doon po nila napagpasyahan na ako po ay mag-aral po sa malayo.
[1:09]Nung ako po ay dumaliwas na po ng Maynila, nagsisimula na po 'yung pag-aaral. After 2 weeks lang po, nung nalaman ko na pinagpahinga na po 'yung nanay ko.
[1:24]Si Jasmine ay nag-iisang anak. Nang dumating ang pagsubok sa kanyang buhay ay matatag niya itong napagtagumpayan. Ako po ay nag-take po ng board exam sa ECE Electronics Engineering Licensure Exam po at sa ECT, Electronics Technician Licensure Exam po. At nakapasa po ako at nakuha po ang Top 2 po sa Electronics Technician Board Exam. Sa edisyong ito ng Paninindigan, ay kilalanin natin si Kapatid na Jasmine Laprades at alamin ang mga pagsubok na lalong nagpatibay sa kanyang pananampalataya, pagtitiwala at pag-asa sa magagawa ng Diyos sa kanyang buhay.
[2:45]Ako po ay nagwo-work bilang software engineer po. At ang ginagawa po namin, kami po 'yung mga nagde-design po para po sa mga programs po ng ami-pong mga clients. Ang set-up po namin ay work from home and once a month po nagre-report po kami sa office.
[3:06]Sa murang gulang pa lang ay naranasan na ni Jasmine ang pakikisalamuha sa iba't ibang uri ng tao, kultura at pamayanan. Bilang anak po ng ministro, ah, kailangan po talagang mag-adjust kung malilipat po kami lalo na po sa school. May mga destino po kami na iba po 'yung mga ginagamit po nilang diyalekto, hindi po namin agad-agad maintindihan. Kaya kailangan po talaga na matutunan din po namin 'yon. Nung college po, ako po ay nag-stay po sa dorm malapit po sa New Era University.
[3:43]At buti na lamang po 'yung mga naging ka-roommate ko, karamihan din po sa kanila ay mga anak din po ng ministro. Kaya nakapag-relate po kami sa isa't isa, kung ano po 'yung mga napagdaanan po nila, shini-share din po nila sa akin, nabibigyan din po nila ako ng pagpapayo kung paano po makapag-adjust din po agad doon po sa pag-aaral po na malayo po sa feeling ng aming mga magulang.
[4:10]Kapag may pagkakataon po na nahohome-sick, sapagkat 'di naman po talaga maiiwasan 'yon. Ang ginagawa ko po, tinatawagan ko po 'yung parents ko po kahit through call or video call po. Lagi po nilang pinapaalala po sa akin na magpanatag po, para po paano man po 'yung mga makaharap ko pong pagsubok, kahit po malayo po sa feeling nila ay makayanan ko po ito at malampasan po 'yon. Nung ako po'y nag-aaral sa college, ako po ay nabigyan po ng award sa leadership bilang president po ng EMSC, Engineering Math Science Council at ng ACES po, Association of Electronics Engineering Students. At nabigyan din po ng Academic Excellence Award nung ako po ay nasa third year at fourth year college po. Talagang masipag siya. Actually consistent na scholar 'yung bata. Mula pa lang nung first year niya hanggang sa nung siya ay maka-graduate. Doon sa kanyang mga ka-klase, together with his mga juniors, eh, approachable siya. Madali siyang lapitan ng kanyang mga kapwa estudyante. Kaya na-pursue niya. Hindi lang 'yung kanyang pangarap bilang maging engineer kundi higit pa roon. Kaya ang eskwelahan ay proud na proud sa kanya. Matapos ang magkakasunod na tagumpay ay hindi inaasahang darating ang mabigat na problema sa kanilang pamilya. Nung bago po ako pumasok po sa college, sapagkat na-diagnose po 'yung mother ko po ng breast cancer. And then 'yung father ko naman po, na-diagnose din po siyang may nasopharyngeal cancer. So parehas po silang lumalaban po sa karamdaman. Nung time na po 'yon, patapos pa lang po ako sa high school. Kaya tuwing umuuwi po ako, nakikita ko po 'yung kahirap po nila sa pagdadala po nung karamdaman.
[6:33]Nung tutungtong na po ako ng college, doon po nila napagpasyahan na ako po ay mag-aral po sa malayo. Kahit malungkot man po, kahit ayaw ko po sana na mahiwalay po ako sa parents ko, sinunod ko po sila sapagkat alam ko naman po na ang iniisip lang po nila ay kung ano po 'yung makabuti sa akin. Nung ako po ay dumaliwas na po ng Maynila, nagsisimula na po 'yung pag-aaral. After 2 weeks lang po, nung nalaman ko na pinagpahinga na po 'yung nanay ko. So kinailangan ko pong umuwi po sa province po namin, sa GenSan. At ang naramdaman ko po noon, lungkot at saya. Saya po kasi umuwi po ako na bumubuti na po 'yung kalagayan nung tatay ko. Nag-start na po siyang mag-chemo at nakita na po agad na um-okay na po 'yung katawan niya. At malungkot po, sapagkat umuwi po ako na tanging labi na lang po ng nanay ko 'yung makikita ko. Hindi ko na po maikuwento sa kanya 'yung mga naging experience ko sa school, gaya ng dati na lagi po akong nag-o-open sa kanya, nagse-share, hindi ko na po maririnig 'yung mga pagpapayo niya. Pero ganun pa man po, magpapasalamat po ako sapagkat hindi na po siya nahihirapan.
[8:04]Nagpatuloy po ang aking tatay. Patuloy po siya sa kanyang pagtupad po sa loob po ng ministerio. Nagkaroon din po siya ng asawa po muli at pinagkatiwalaan po na maging tagapangasiwa po sa distrito po ng Antique. Sa panibagong yugto ng kanyang buhay, patuloy siyang umani ng maraming tagumpay hanggang makapagtapos sa kursong BS Electronics Engineering sa New Era University. Pinag-aral po ako ng aking mga magulang sa New Era University sapagkat mas magiging panatag po ang kanilang kalooban kung doon daw po ako mag-aaral. Ginabayan po kami ng mga professors po namin sa amin pong mga pag-aaral hanggang sa board exams po. Lagi po nila kaming pinapaalalahan at sa amin pong paaralan, payapa po ang amin pong mga isinasagawang pag-aaral po doon.
[9:07]Nung nangyari po 'yung pandemic, may isang buwan pa po kami na pag-aaral po bago po 'yung graduation namin. Tapos hindi pa po namin natatapos 'yung sa thesis po namin, nung in-announce po na may lockdown po. So kinailangan po naming umuwi sa kanya-kanya po namin province. Naging challenge po 'yon sa grupo din po namin na maitapos po namin 'yung thesis po namin. Natapos din po naman namin. Salamat po sa tulong at awa po ng Diyos na nakapasa po kaming lahat at nakapagtapos po kami kahit po na through online lang po 'yung graduation po namin.
[9:48]Sa panahon ng pandemya ay nagkaroon siya ng online job. Nagkasabay niyang ginampanan ang pagtatrabaho at pagre-review sa kanyang board exams. Bago po 'yung board exam, ah, nung taong 2020 po, nag-start na rin po akong mag-review po, self-study. Since nung mga panahong po 'yon ay pandemya po, hindi po makalabas. So ginawa ko po 'yung opportunity para po maka-makapag-review na rin po. Kahit po wala pa pong kasiguraduhan kung kailan po matutuloy 'yung board exam. Then nung 2022 po, doon na po ako nakapagpasya po na mag-take na po ng board exam. At nung time na po na 'yon ay may work na rin po ako. Kaya alam ko po na magiging mahirap na pagsabayin ang work at pagre-review. Pero sinubukan ko po, kaya ang ginawa ko po no'n, nagwo-work po ako from 8:00 a.m. to 6:00 p.m. Then pahinga lang po. Then magre-review po kahit 2 to 3 hours po. Pero kahit ganun pa man po, after ko pong mag-review, after po 'yung nakakapagod na pagtatrabaho, ginawa ko po ay ang aking pagpapana po at 'yun po 'yung nagpapalakas po sa akin at naging dahilan para mapagpatuloy ko po 'yung akin pong mga pag-aaral. Ang review ko po kasi ay tuwing weekends po, Saturday, Sunday. At ang mga pagtupad ko po ay tuwing hapon po. Kaya after review po, minsan hindi ko na po natatapos 'yung review classes ko kasi darating na po 'yung oras po ng aking mga pagtupad, kaya hindi ko na rin po siya tinatapos. Alam naman po natin na mahalaga po ang kaalaman sapagkat ito po 'yung bagay na hindi po makukuha sa atin ninuman. Pero alam din po natin na mas mahalaga po ang pagtupad ng ating mga tungkulin sa Iglesia ni Cristo. Sapagkat alam po natin na dito po nakapagbigay ng kaluguran po sa ating Panginoong Diyos. At alam naman po natin na sa kanya din po nagmumula ang mga pagpapala.
[12:05]Kung ang tingin man po natin sa sarili natin ay kulang 'yung paghahanda natin, sa Diyos naman po nagmumula ang kaalaman. Kung ano man po 'yung pagkukulang natin, ang Ama na po ang magpupunan 'yon nung mga bagay na hindi na po abot ng atin pong kaalaman. Kung bakit lagi siyang nagtitiwala sa Diyos ay dahil ito ang kanyang kinamulatan sa Iglesia ni Cristo lalo pa nga't siya ay isang anak ng ministro ng Ebanghelyo. Mula pa sa kanyang kabataan ay naitatak na sa kanyang isipan ang mga aral at gabay na dapat niyang lakaran. Ang pangarap po ng aking mga magulang, bilang ako po ay isang anak po ng ministro, lagi po nilang pinapaalala po sa akin na kahit man po dumating po 'yung mga pagsubok sa buhay. Kaya po sa pagsubok sa pag-aaral, sa trabaho o kung ano man pong mga suliranin po na dumating, ay huwag pong kakalimutan na magpasalamat pa rin po sa Diyos.
[13:09]Sapagkat kahit mahirap man po, malungkot man po 'yung mga pinagdadaanan, salamat pa rin po sapagkat tayo po ay kanyang pinatatag. Patuloy po na nakapanatili po tayo sa atin pong mga pagtupad ng tungkulin at ito po ang nagsisilbing lakas po natin sa patuloy po na paglalakbay po dito sa mundo. Sa murang edad pa lang po ay ipinakita na po sa amin, minulat na po sa amin ng ang kahalagahan po ng mga pagtupad po ng tungkulin sa loob po ng Iglesia. Ang mga naging tungkulin ko po ay naging mga awit po ako sa pagsamba po ng kabataan.
[13:47]Ako din po ay naging district multimedia member po kung saan tumutupad din po ako sa himpilan po ng Iglesia, sa INCTVS Radio po tuwing Tuesday po. At tumanggap din po ako ng tungkulin bilang kalihim po sa ilaw. Gaya po ng lagi pinapaalala po sa amin ng aming mga mahal na magulang na ingatan po namin at pahalagahan ang amin pong mga tungkulin. Gaya rin po ng nakikita po namin sa kanila sa kanila pong ginagawang pagtupad sa loob po ng ministerio. At muling ipinagkaloob ng Diyos kay Kapatid na Jasmine ang mga tagumpay. After po nung board exam, sabi ko po no'n masaya na po ako kasi kung ano man po 'yung maging resulta ay masaya na po ako dahil alam ko po nung mga panahong nagre-review po ako hanggang sa huling araw po ng aming pagsusulit ay ginabayan po kami ng Ama.
[14:51]Nung nasa bus po ako, chine-check ko na po 'yung 'yung site po kung nandoon na po 'yung results pero wala pa rin pong lumalabas. Pauilit-ulit po ako ng check hanggang sa pababa na po ako nung ng bus, tinago ko na po 'yung phone ko. Ta's naglakad na po ako no'n pauwi po dito. Then pagdating ko po doon sa bahay po ng tita ko. Nung nasalubong po ako nung pinsan ko, sumisigaw po siya ta's sinasabi niya na 'yun nga po, nakapasa daw po ako sa ECE at saka po sa ECT. Hindi ko po alam kung ano pong mafi-feel ko that time kasi hindi ko rin po in-expect na ganun po na na maipapasa ko po kasi alam ko po nasa akin sarili marami po akong mga naging pagkukulang sa pag-aaral. Kaya umasa lang po talaga ako kung ano pong ipagkakaloob po sa akin ng Ama. Kaya sobrang saya ko po nung nalaman ko po 'yun. Ta's tinawagan ko po agad 'yung parents ko po para ibalita po sa kanila na 'yun po, nakapasa. Nung time na hindi ko po alam na nakatop 2 po ako sa ECE. Tapos nabasa ko lang po sa isang message po ng kaibigan na may screenshot po sila nung nung sa PRC po na mga nakatop 10 po sa ECT. At nagulat po talaga ako na na nandoon po 'yung pangalan ko kasi hiniling ko lang naman po makapasa po sa board exam, pero higit pa po 'yung pinagkaloob po sa amin ng Ama. Sobrang sarap po sa pakiramdam na maibalita ko po ito sa magulang ko. Tuwang-tuwa po sila nung nalaman po nila 'yun. Kaya labis po 'yung pagpapasalamat ko sapagkat pinayagan pa po ako ng Ama na makapagbigay po ng kagalakan sa aking mga mahal na magulang. Makapagbigay po ng karangalan po sa amin pong paaralan, ang New Era University at sa Iglesia ni Cristo. Naalala ko po nung kinukuwento ko po sa daddy ko na nagugulat po ako kasi ang dami pong biyaya na dumating sa aking buhay. Sabi ko pangarap ko lang nung 2020 na makapagtapos, ma-experience po graduating sa Philippine Arena, na makapasa po sa board exam at makapag-apply na po ng work. Pero lahat po 'yun hindi po natuloy nung time na 'yun dahil po sa pandemya. At nung taong 2022, pinagkaloob po sa akin 'yun ng Ama na nabigyan po kami ng pagkakataon muli 'yung batch po namin na makapag-graduation po sa Philippine Arena. At 'yung sa board exam po, na ang hiling ko lang naman po pumasa pero higit pa po 'yung binigay ng Ama. Lapras, New Era University.
[17:58]At sa work po, na dati ang hiling ko lang magkaroon ng work. Pero ngayon ang pinagkaloob pa ng Ama ay ma-promote pa po ako sa work. Kaya sobra po 'yung saya ko nung kinukwento po 'yun kay Daddy. Sabi niya na ang dami nating dapat ipagpasalamat sa taong ito. Sa panibagong tagumpay na ito ay panibagong pagsubok naman ang muling dumating sa kanyang buhay. Akala ko po, doon na po magtatapos itong taon na ito. 2 years po nung makabalik si Daddy doon sa kanyang pamilya po. Dahil po sa pandemic po kasi hindi na po siya nakakadalaw doon. Kaya masayang-masaya po siya nung family week po na 'yon.
[18:44]Nakikita-kita po kami doon. Naaalala ko pa po na birthday ko rin po kasi no'n 31, pero sine-celebrate po namin siya nung mga November na po. Sine-surprise pa po nila ako. 'Yun na pala 'yung huling birthday ko na makasama ko po 'yung 'yung tatay ko. Nung isang araw lang, kausap pa namin siya. Huling alaala ko po sa kanya na okay pa po siya, 'yung huling yakap ko po sa kanya bago po sila umalis pauwi po sana ng destino.
[19:22]Tapos po, nasa ospital po kami doon. Sinasamahan lang po namin si Daddy, pero unti-unti po na hindi na po naging stable 'yung kalagayan niya. Sinasabi na po sa amin ng doktor na 'yun nga po, anytime pwede na pong mawala si Daddy sa amin. Pero nandoon lang po kami, hindi po kami nawalan ng pag-asa. Pinupuntahan po kami ng mga tagapangasiwa po doon, pinapanalanging po nila kami. Lagi nila sinasabi na kinukumusta po kami ng tagapamahalang pangkalahatan. Doon po kami humuhugot ng lakas ng loob po na harapin po 'yung pagsubok na 'yun, sapagkat alam po namin hindi po kami nag-iisa.
[23:57]Patuloy po naming naingatan po namin ang dangal po ng ministerio at patuloy po na paninindigan po namin ang aming pong pananampalataya. Kung darating man po 'yung pagkakataon na pipiliin ko po ang magandang opportunity o ang akin pong mga pagtupad, ang paninindigan ko po ay lagi po uunahin po ang aking mga pagtupad sapagkat alam ko po na nakalulugod po ito sa ating Panginoong Diyos.



