[0:01]Magandang hapon po. Patay na ang Supreme Leader ng Iran at iba pang kaanak niya at mga opisyal ng bansa. Kasunod po 'yan ng pagsiklab ng digmaan ng Iran at sanibwersang America at Israel. Isang paaralan din sa Iran ang nawasak na missile attack na ikinamatay ng mahigit 100. Bilang ganti, pinuntirya ng Iran ang mga kalapit na bansa na may mga military base ng America. Nakatutok si Mav Gonzalez.
[0:31]Gulat ng mga pagsabog ang Tehran kabisera ng Iran sa gitna ng preemptive strike doon ng Israel at Amerika. Tanaw sa kalangitan ang paglipad ng missile.
[0:44]Diniga ang tila sunod-sunod na putok mula sa malayo.
[0:49]May mga nasunog na sasakyan. Nadami rin ang isang All Girl School malapit sa isang US base. Mahigit 100 ang naitalang namatay. Kinondena ito ni Iranian President Masud Pezian na nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima at mga residente ng Mina. Ang mga pag-atake ay kasunod ng paulit-ulit na babala ng Amerika at Israel na muli silang aatake kung itutuloy ng Iran ang kanilang nuclear at ballistic missile programs. Our objective is to defend the American people by eliminating imminent threats from the Iranian regime. We are going to destroy their missiles and raise their missile industry to the ground. It will be totally again obliterated. Agad gumanti ang Iran, pinuntirya ang mga lugar sa Middle East kung saan may US bases. Gaya sa Tel Aviv, Israel, kung saan isang Israeli ang namatay.
[1:53]Tinamaan din ang missile ang isang residential area sa Israel. Lumikas ang mga residente habang inapula ng mga bumbero ang sunog sa mga bahay.
[2:05]Pinatunog ang sirena sa Jerusalem sa pag-ulan ng Iranian missiles na nasasalag naman ang kilalang Iron Dome ng Israel. Tanaw 'yan hanggang sa West Bank.
[2:24]Hindi nakaligtas ang mga bansa sa Persian Gulf. Sa Bahrain, tinamaan ang service center ng US 5th Fleet. May mga nadamay na residential buildings.
[2:39]Maging ang Dubai sa United Arab Emirates na damay. Pero sa pahayag ng UAE Defense Ministry, nasasala nila ang mga missile at drone ng Iran.
[2:50]Umabot din ang gulo sa Qatar.
[2:56]Ayon sa Qatar Defense Ministry, mahigit 60 missiles at 12 drone ng Iran ang kanilang naharang. Kinumpirma nilang natamaan ang dalawang ballistic missile ang isang air base sa Qatar pero walang nasawi o nasaktan.
[3:12]Ngayong araw, inilabas ng US military ang isang video na ipinapakita ang mga ginamit nila sa mga isinagawang air strike sa Iran. Yan umano ang Kumitel sa Supreme Leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei. Una itong inanunsyo ni Trump sa social media, kung saan tinawag niyang most evil people in history si Khamenei. Kinumpirma ng Iranian State Media ang pagkamatay ng kanilang Supreme Leader. Nasawi rin sa pag-atake ng US at Israel ang anak, manugang at apo ng Ayatollah. Sa gitna naman ng pagpupulong ng United Nations, nanawagan si UN Secretary General Antonio Guterres na itigil ang mga pag-atake. Mr. President, third, the region and the world need a way out now. I call for deescalation and an immediate cessation of hostilities. Pero sa isang pahayag, nagbabala si Trump na kung ipagpapatuloy ng Iran ang kanilang retaliatory strikes, mas matindi raw ang igaganti ng Amerika. Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok, 24 oras.



