[0:00]GPPB-TSO presents Procurement 101.
[0:14]Magandang araw po sa inyong lahat, lalo na sa mga kasamahan nating end users na bahagi ng ating procurement planning process. Kung napanood niyo na ang market scoping video, welcome back. Kung hindi pa, mas mabuting panuorin muna ito dahil 'yun ang unang hakbang bago tayo tumungo sa PPMP. Tandaan po natin, lahat ng impormasyon mula sa market scoping tulad ng specifications, quantity, budget estimates at delivery requirements ay direktang ginagamit sa pagbuo ng Project Procurement Management Plan o PPMP. Kaya kung maayos at kumpleto ang inyong market scoping, magiging mas madali, mas mabilis, at mas tumpak ang pagfi-fill out ng PPMP. Pero kung ito ay kulang o hindi malinaw, maaari ito magdulot ng pagkaantala sa buong procurement process. Mula sa validation, consolidation hanggang sa APP at actual procurement, tanong ng marami, sino ang gumagawa ng PPMP? Trabaho ba ito ng BAC o ng Finance? Ang sagot? Hindi po. Hindi po ang BAC. Hindi rin po ang Finance. Ayon sa section 7.7.1 ng IRR of RA 12009, the end-user or implementing unit shall prepare the PPMP. Ibig sabihin, ang mismong tanggapan o unit na may alam sa actual na pangangailangan ang siyang inatasan ng batas na bumuo ng Project Procurement Management Plan. Ang mga PPMP's na ginawa ng mga end-users or implementing unit ang siyang pinagsasama-sama upang makabuo ng indicative APP ng ahensya na sinusu-submit during budget preparation at ina-update din batay sa latag ng pondo ng National Expenditure Program-General Operations Act/GAA (for NGA), Corporate Operating Budget (for GOCC, SUC), Local Expenditure Program (for LGU). Kapag na-aprubahan na ang General Appropriations Act or GAA, Corporate Operating Budget or Local Expenditure Program, kailangang i-update ang indicative PPMP base sa approved budget para sa mga programa, activities, o projects. Ito na ang magiging final PPMP na gagamitin bilang batayan sa final APP.
[2:49]Ituloy natin ang ating halimbawa. Delivery, Installation and Commissioning of Inverter-Type Split Airconditioners for Common Areas. Step 1: Heading. Dito pa lang, dapat malinaw na kung proposal pa lang ba ito o final na. Una, ilagay ang agency logo sa letterhead. Sunod, i-type ang PPMP Number simula 1 para sa unang version at mga sumunod na bilang para sa mga revisions or updates. At tukuyin kung ito ay Indicative PPMP o Final PPMP sang-ayon sa ating paliwanag kanina. Tanong, paano pag supplemental PPMP kasi pang-ilang PPMP na ito sa taong 2025? Sagot, pagka-check ng box ng Final PPMP, huwag nang lagyan ng supplemental sa unahan ng PPMP sa title. Simple lang gagawin, lagyan lang ng kasunod na numero. Kung panglima na ito sa taon na ito, 5 ang ilagay na numero. Ngayon, balikan natin ang mga importanteng timelines na kailangang tandaan sa paggawa ng PPMP. Indicative PPMP, kailan? Bago o sabay ng pagsumite ng NEP Corporate Operating Budget or Local Expenditure Program. Kasabay ito ng budget preparation phase kung saan hindi pa final ang budget figures. Final PPMP, kailan? Pagkatapos maipasa o maaprubahan ang GAA, Corporate Operating Budget or Local Expenditure Program, karaniwan sa Disyembre o Enero ng susunod na taon. Sa puntong ito, may approved budget na ang ahensya, kaya dapat mas tumpak at kumpleto na ang mga detalye ng procurement items. Tandaan, the PPMPs are consolidated into APPs. Sang-ayon din ito sa Section 7.7.5. Ang final APP ay kailangang i-post sa website ng ahensya at i-submit sa GPPB on or before January 31 ng budget year. Bago tayo pumunta sa column 1 ng PPMP form, huwag nating kalimutan ang dalawang importanteng fields na matatagpuan sa taas ng table: Fiscal Year and End-User or Implementing Unit. First, Fiscal Year. The fiscal year refers to the year when the procurement project will be awarded or contracted, and corresponding funds obligated. Halimbawa, kung gumagawa ka ng PPMP ngayong 2025 para sa mga proyektong nakatakda na i-award sa 2026, ang fiscal year ay 2026. Tandaan, dapat magtugma ito sa taon ng fund utilization, hindi sa taon ng form preparation. Next, End-User or Implementing Unit. Dito naman, ilagay kung aling office, unit, o division sa inyong ahensya ang nagre-request ng procurement at siyang makikinabang o mag-i-implement nito. Halimbawa, Administrative Division, Information Management Unit, Regional Office III. Important Note! Kung magkaiba ang end user at ang implementing unit, dapat klaro kung anong mga roles, functions, at pananagutan ng bawat isa. Mas mainam kung nakasaad na ito sa internal policies ng procuring entity. Uulitin natin. Ang fiscal year ay tumutukoy sa taon kung kailan igagawad ang procurement project at kung kailan mai-oobliga ang kaukulang pondo. At ang end user o implementing unit naman ang tumutukoy kung sino ang humihiling at makikinabang sa proyekto batay sa kanilang natukoy na pangangailangan. Ang end user ang siyang responsible sa paghahanda at pag-i-implement ng procurement project. Kapag kumpleto na ang mga ito, pwede na tayong mag-move forward sa column 1, kung saan ilalarawan natin ng detalyado ang proyekto. Simulan na natin ang pagfill out ng column 1 ng PPMP form. Dito mo ilalagay ang malinaw, kumpleto at tiyak na description ng bibilhin o ipo-procure at higit sa lahat, kung bakit ito kailangan. Ayon sa section 7.7.1b ng IRR ng RA 12009, dapat kasama sa PPMP ang pangkalahatang paglalarawan at layunin ng proyektong ipo-procure. Ibig sabihin, dapat masagot ng entry mo ang tatlong pangunahing tanong. Una, ano ang item o serbisyo na ipo-procure?
[7:39]Maging specific, ilagay ng malinaw ang pangalan ng item o serbisyo. Pangalawa, ano ang purpose o intended use ng procurement na ito? Ilarawan kung anong pangangailangan ang tinutugunan o layunin na sinusuportahan nito. Ikatlo, gagawin ba ito sa pamamagitan ng procurement o by administration? Tukuyin kung kinakailangan ba ng external procurement o kaya'y gagawin ito in-house.
[8:10]Gamitin natin ang halimbawa ng air-conditioning units mula sa market scoping video. Sa halip na magsulat ng malabong description tulad ng "procurement of supplies" o "purchase of equipment," mas mainam kung gagamit ng mas tiyak na paglalarawan gaya ng Delivery, Installation and Commissioning of Inverter-Type Split Airconditioners for Common Areas such as training rooms, conference halls, and lobby/reception areas to improve comfort and ensure energy efficient, green-compliant operations. Bakit ito effective? Malinaw na tinutukoy kung ano ang ipo-procure, Inverter-Type Airconditioners. Nakasaad ang purpose na para sa training at meetings. Inilagay ang location na conference rooms, at may pahiwatig ng expected result - mas maayos na comfort at functionality. Huwag lang basta isulat na Procurement of Office Equipment o Repair of Facilities. Masyadong generic 'yan at hindi pinapakita kung ano talaga ang kailangan o anong inaasahang resulta. Isipin mo ang column 1 bilang project brief. Dapat malinaw nitong ipinapakita ang sapat na konteksto para maunawaan ng BAC, auditors, at budget officers kung ano ang plano at bakit ito mahalaga. Parang caption o headline ng proyekto ang bahaging ito. Dapat ipakita kung ano ang proyekto, para saan ito, at bakit kailangan.
[9:46]Kung malabo ang ilalagay mo rito, malabo rin na ma-prioritize at maaprubahan ito na mapasama sa APP. Ngayon na natapos na natin ang general description sa column 1, lumipat naman tayo sa column 2 o type of project to be procured. Sa parteng ito ng form, tinutukoy natin kung anong klase ng procurement ang ating gagawin. May tatlong official categories sa ilalim ng Procurement Law. Una, Goods. Kasama rito ang supply, delivery, paggawa o maintenance ng mga tangible items, kabilang ang equipment, ICT, at mga serbisyong may kinalaman sa installation.
[10:28]Halimbawa: computers, printers, medical kits, o maging delivery at installation ng air-conditioning units. Pangalawa, Infrastructure Projects. Sakop nito ang construction, repair, rehabilitation, o improvement ng mga kalsada, gusali, at iba pang physical structures. Halimbawa, renovation and training center or construction ng bagong office building. Pangatlo, Consulting Services. Ito naman ay tumutukoy sa expert o advisory services na ibinibigay ng mga propesyonal o firms. Halimbawa, pagkuha ng third party firm para mag-develop ng database o magsagawa ng feasibility study. I-apply natin ito sa ating example. Kahit na may kasamang installation work ang proyekto, ang pangunahing procurement item dito ay ang mismong air-conditioning unit, isang equipment.
[11:30]Kaya naman, i-classify natin ito bilang goods. Kahit pa may kasamang services tulad ng delivery o installation ng isang project, ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang pangunahing item na ipo-procure pagdating sa pag-determine ng project type. Ang tamang classification sa stage na ito ay nakakatulong para maiwasan ang delays. Ang wastong pagtukoy ng kategorya ng mga ipo-procure na proyekto, kung ito ba ay goods, infrastructure, o consulting services ay critical dahil nakabatay rito ang tamang procurement mode, bidding document at proseso ng evaluation. Kung mali ang classification, maaaring magresulta sa procedural lapses, disallowances at pagkaantala ng proyekto.
[12:24]Column 3: Quantity and Size of the Project. Sa column 3, ilalagay mo ang dalawang mahalagang detalye. Una, Quantity. Ilan ang units o piraso na balak mong i-procure. Laging ilagay ang eksaktong bilang ng units o items.
[12:42]Gumamit ng measurable units gaya ng pieces, sets, kilograms, meters, at iba pa depende sa proyekto. Pangalawa, Size o Specifications. Ang detalyadong katangian o capacity ng mga items. Isama ang mga technical o descriptive details na nagpapakita ng capabilities o features ng proyekto. Bakit mahalaga ang quantity at size? Ang malinaw na detalye ay tumutulong sa BAC para matukoy ang tamang procurement mode at makapaghanda ng kinakailangang dokumento. Kailangan din ng suppliers ang malinaw na specs para makapagbigay ng accurate na price quotations at proposals. Umaasa rin ang auditors sa impormasyong ito para ma-verify kung tugma ba ang na-deliver sa approved plan. At nakakaiwas din sa delays at reworks na dulot ng malabo o kulang na impormasyon.
[13:52]Tandaan, iwasan ang malabong description gaya ng aircon unit 2pcs. Magbigay ng sapat na technical details para malinaw sa suppliers at reviewers kung ano talaga ang kailangan. At kung hindi sigurado sa specs, makipag-coordinate sa technical o end-user units para makuha ang eksaktong requirements. Bottomline! Clear, detailed, and measurable quantity and size specifications improve procurement efficiency and compliance. They reduce repetitive clarifications or back-and-forth paperwork, and help prevent possible procurement delays. Column 4: Mode of Procurement. Linawin natin ito. Sa ilalim ng New Government Procurement Act, wala nang tinatawag na 'default' mode of procurement. In the past, competitive bidding was assumed to be the standard, unless otherwise justified. Pero ngayon, nagbago na 'yan. Ngayon, sinusunod na ng procurement planning ang prinsipyo ng fit-for-purpose. Ibig sabihin, ang mode na pipiliin mo ay dapat akma sa nature, urgency, complexity, at value ng proyekto. Isipin mo ito na parang toolbox. Hindi mo ginagamit ang martilyo para sa lahat ng bagay. Iba-ibang tool para sa iba-ibang purpose. Ganun din sa procurement modes, kaya piliin ang tamang 'tool' para sa tamang trabaho! Sa ating sample project, ang procurement mode ay Small Value Procurement. Ito ang ilalagay mo sa column 4 ng PPMP form. Bakit mahalaga ang tamang mode ng Procurement? Gumagabay ito sa BAC procedures. Ginagamit ng BAC ang napiling mode para matukoy ang tamang proseso tulad ng competitive bidding, direct contracting at iba pa. Ang tamang pagpili ay nagsi-set ng tamang workflow. Nagsisiguro ito ng legal compliance. May kanya-kanyang rules ang bawat procurement mode. Ang tamang pagpili ay tumutulong sa ahensya na sumunod sa IRR ng RA 12009 at maging audit-ready. Nakakaiwas ito sa delays at failures kapag maling mode ang ginamit. Pwedeng magdulot ito ng delays, audit findings, o failed procurement. Nagsasayang sa oras, pera, at maaaring makaapekto sa service delivery. Ang bottomline, piliin ang mode na pinakaakma sa nature, value, at classification ng proyekto. Hindi ito tungkol sa kung alin lamang ang pinakamadali, kundi sa alin din ang pinakaangkop at naaayon sa ating procurement rules. Column 5: Pre-Procurement Conference. Sa Column 5, tinatanong kung kailangan ng Pre-Procurement Conference para sa inyong project. Pero may exemption. Kailan hindi required ang Pre-Procurement Conference? Optional lang ang Pre-Procurement Conference kung ang project ay pasok sa sumusunod na cost thresholds: Goods: <= ₱5 Million. Infrastructure Projects: <= ₱10 Million. Consulting Services: <= ₱2 Million. Sa ating example, dahil ang bibilhin nating air-conditioners ay nagkakahalaga ng ₱1,100,000, optional na ang pre-procurement conference. Ano ang nangyayari sa isang Pre-Procurement Conference? Ito ay meeting kung saan ina-align ang lahat ng key players bago magsimula ang bidding. Ayon sa IRR, tinitiyak nito ang: Kumpirmasyon ng project scope at technical specifications, Alignment sa approved APP, Kahandaan ng procurement documents, Pagkakasundo sa timelines, eligibility criteria, at confidentiality guidelines. Sino ang Present sa Pre-Procurement Conference? Bids and Award Committee (BAC), Technical Working Group (TWG), Secretariat, End-User/Implementing Unit, Consultants ang dapat present sa pre-procurement conference. Sa pre-procurement conference din nagpapasya ang BAC kung gagamitin ba ang LCRB, MEARB, MARB, o HRRB bilang batayan para sa pag-award ng contract. Column 6: Start of Procurement Activity. Dito ilalagay ang target start date ng iyong procurement process. Maaaring ito ay pre-procurement conference, posting of invitation to bid, or request for quotation, depende sa proyekto at sa procurement process na gagamitin. Paano ito ifi-fill out? Gumamit ng month/year (MM/YYYY) format. I-base ang schedule sa napili mong mode of procurement. Halimbawa, kung plano mong simulan ang bidding activity sa January 2026, ilalagay mo 01/2026. Bakit ito mahalaga? Isipin mo ang date na ito bilang green light na udiyat ng iyong pagsisimula ng inyong procurement journey. Dito nagsisimulang i-proseso ng BAC ang inyong request. Nire-review ang procurement documents, inilalabas ang posting at notices. At nagsisimula nang maganda ng bids ang suppliers. Pro-tips! Makipag-coordinate sa BAC Secretariat para masigurong realistic ang iyong dates at naka-align sa APP. Huwag iwanang blanko! Ang pagkawala ng start date ay pwedeng magdulot ng delay o inconsistency sa Annual Procurement Plan. Isaalang-alang ang project urgency, funding availability, at lead time na kailangan base sa procurement mode. Bottomline! The right timeline helps everyone plan better-from BAC members and auditors to suppliers and end-users. You are not just filling in a date- you are setting the procurement process in motion. Column 7: End of Procurement Activity. Sa Column 7, ilalagay mo ang target completion date ng iyong procurement process. Particular, ito ang inaasahang petsa kung kailan mai-issue ang Notice of Award (NOA) o Purchase Order (PO) sa winning supplier o contractor. Paano mo malalaman ang end date? Dapat isaalang-alang ng iyong end date ang tagal ng procurement process, base sa mode of procurement na pinili sa column 4. Para sa Competitive Bidding, ang buong cycle ay karaniwang tumatagal ng 60 hanggang 90 calendar days- mula advertisement hanggang sa paglabas ng Notice of Award (NOA) o Purchase Order (PO). Pero kung susundin natin ang example na delivery, installation at commissioning ng Inverter-Type Split Airconditioners for common areas, ang ginamit na mode ay Small Value Procurement o SVP. Kung magsisimula ang proseso sa January 2026, inaasahang matatapos ito sa parehong buwan, dahil mas kaunti ang procedural steps at mas maiksi ang lead time. Sa normal na condition, ang SVP process ay pwedeng matapos sa loob ng 7 hanggang 15 calendar days lalo na kung maayos ang market scoping, kumpleto ang documents at available ang suppliers. Kaya kung January ang simula, realistic na matatapos din ito sa parehong buwan. Ibig sabihin, sa column 7, ilalagay mo January 2026 o end ng procurement activity. Isipin mo ang column na ito bilang inyong finish line. Dito mo makikita kung kailan mo inaasahang lalabas ang winning supplier o contractor. Pro-tips! Huwag kalimutang isama sa iyong computation ang holidays, internal reviews, o mga karaniwang delays kapag nagse-set ng target date. Makipag-coordinate sa BAC Secretariat para makakuha ng realistic na lead time base sa kanilang aktwal na experience. I-align ang date na ito sa Column 6. Kung hindi magkatugma ang start at end dates, asahan mo na may follow-up questions kapag consolidation. Column 8: Expected Delivery/Implementation Period. Dito naman natin inilalagay ang expected delivery date o implementation schedule ng goods, infrastructure, o consulting services.
[22:36]Dito mo ilalagay ang inaasahang delivery date pagkatapos ng award. Balik tayo sa ating example. Procurement Mode: Small Value Procurement. End of Procurement: 01/2026. Issuance of PO: Expected by end of 01/2026.
[22:56]Expected Delivery or Implementation: Typically within 2 weeks from issuance of PO. So sa Column 8, pwede mong i-type ang February 2026 depende sa supplier lead time at complexity ng installation. Para itong ETA or Estimated Time of Arrival, para ma-align ang logistics, training, o deployment. Pro-tips! Maging realistic. Huwag mong ilagay na parehong buwan ang end of procurement at delivery date maliban na lang kung immediate ang delivery. Makipag-coordinate sa supplier market sa panahon ng Market Scoping para makuha ang average lead times. Para sa infrastructure o consulting services, maaaring tumagal ng ilang buwan ang implementation timeline - ilagay ito nang malinaw bilang range. Iwasan ang malalabong entries gaya ng 'ASAP' o 'TBD'. Column 9: Source of Funds. Saan manggagaling ang pondo? Itong column na ito ay tumutukoy sa source of funds na gagamitin para bayaran ang procured project. Mahalagang detalye ito para sa budget monitoring at auditing. Huwag lang basta isulat ang GAA.
[24:10]Sa halip, ilagay ng malinaw gaya ng GAA 2026 - Current Appropriation o GAA 2025 - Continuing Appropriation. Again, huwag lang ilagay ang GAA, kulang. Dapat may year and classification tulad ng current o continuing. Para itong bank source. Dapat alam mo kung saan huhugutin ang pambayad bago ka mamili. Column 10: Estimated Budget/ABC. Magkano ang estimated budget mo o approved ABC? Dito mo ilalagay ang cost ng proyekto. Pero tandaan, ang value na ilalagay mo rito ay nakadepende kung ang ginagawa mo ay Indicative PPMP o Final PPMP. Ano ang dapat na ilagay? Sa Indicative PPMP, ilagay ang Estimated Budget based on your earlier Market Scoping. Para sa Final PPMP: Ilagay ang ABC - ito ang maximum amount na pwedeng gastusin ng ahensya para sa proyekto, ayon sa GAA o katumbas na dokumento. Halimbawa, sa ating case, ang procurement ay para sa 20 units ng Inverter-Type Split Airconditioners na may estimated unit cost na ₱55,000 bawat isa. Ang total Approved Budget for the Contract ay aabot sa ₱1,100,000. Isa pang tanong. Maaari pa rin ba na gamitin ang Market Scoping na ginawang attachment ng Indicative PPMP bilang suporta rin sa Final PPMP? Ang sagot ay oo. Maaari pa rin gamitin ang Market Scoping na ginamit sa Indicative PPMP bilang suportang dokumento sa Final PPMP, kung ito ay nananatiling valid at updated. Kailangan mo na gumawa ng bagong Market Scoping kung: May pagbabago sa scope, specs or quantity ng procurement item. Matagal na ang original market scoping, tulad ng mahigit anim na buwan. Nagtaas o bumaba ang presyo ng items sa merkado. May new guidance or technical requirement mula sa regulatory body na kailangan sundin. Pro-tip! Para sa Final PPMP, i-attach o i-reference ang original Market Scoping at idagdag ang note: 'Validated and Confirmed as still applicable as of (Date).' Bottomline! A well-researched and accurate budget in the Estimated Budget/ABC section strengthens its procurement plan and ensures its readiness for smooth implementation. Column 11: Attached Supporting Documents. Dito mo mo ililista ang lahat ng dokumentong naka-attach para suportahan ang procurement request sa iyong PPMP. Mahalaga ito para masiguro ang transparency at informed procurement planning. Sa ating sample, ilalagay ang Market Scoping Checklist, Technical Specifications. Isipin mo ito parang evidence folder. Kapag may tanong si BAC o COA, ito ang unang titignan. At finally, Column 12: Remarks. Optional ito, pero sobrang helpful. Dito mo pwedeng ilagay ang strategic notes. Halimbawa, alignment sa agency initiatives, development goals o pagbabago sa budget priorities. Planning assumptions. Halimbawa, inaasahang pagtaas ng service demand. Changes mula sa previous PPMP. Halimbawa, adjustments dahil sa budget cut, pagdagdag ng quantity, at iba pa. Para itong Post-It notes sa gilid ng plano. Nakakatulong sa transparency at audit trail. Pro-tip! Gamitin ang field na ito lalo na kung ang procurement item mo ay may dependencies. Halimbawa: construction timing, bahagi ng phased o agency-wide rollout, o may malaking pagbabago kumpara sa nakaraang taon. Ngayon, pirmahan na natin ang form. Sa field na 'Prepared by,' ilalagay ang pangalan ng taong nag-fill out ng PPMP - karaniwan ay miyembro ng end-user o implementing unit. Sa field na 'Submitted by,' ilalagay naman ang pirma ng Head ng end-user o implementing unit. Parehong dapat may date ang mga pirma. Best practice din na ang head ng end-user o implementing unit ay maingat na i-review ang PPMP bago pumirma. Ang pag-verify ng mga key details tulad ng quantity, specifications, procurement mode, ABC, at project title ay nakakatulong para masigurado ang accuracy, accountability, at mas maayos na procurement process para sa lahat. Mapapansin niyo, walang 'Approved By' na part sa PPMP form. Bakit? Kasi ang mismong approval ay nasa APP, hindi sa PPMP. Ayon sa section 7.7.5 ng IRR ng RA 12009, the finalized PPMPs shall be submitted to the BAC Secretariat for consolidation into the final APP, which shall be recommended by the BAC for approval of the Head of Procuring Unit (HoPE). Ibig sabihin, kahit pirmahan na ang PPMP, hindi pa ito procurement-approved. Kailangang isumiti muna sa BAC Secretariat para i-consolidate sa final APP. At doon pa lang pwedeng magsimula ang procurement. Eh paano naman ang Finance o Budget office? Saan sila pumapasok dito? Good question! Ayon sa section 7.7.2, ang Indicative PPMPs ay dapat isumite sa kaukulang opisina ng Procuring Entity para sa evaluation kung dapat ba itong isama sa budget proposal.
[30:18]Ang provisiong ito ay kumikilala na iba-iba ang organizational structure sa bawat ahensya. Ang mahalaga, makarating ang Indicative PPMP sa tamang opisina na responsible sa budget evaluation para masigurong ma-assess ito para sa inclusion sa agency's budget proposal o ma-align sa approved budget. Sa madaling salita, ang step na ito ay nagtitiyak na naka-align ang procurement planning at budget programming na parehong mahalaga para sa tamang pondo at maayos na implementasyon. Ngayon, paano pag Final PPMP na? Section 7.7.5 ulit ang basis. The end-user shall finalize the PPMPs to reflect the authorized budgetary allocation. Ibig sabihin, may pondo na 'yan, certified na may budget allocation for that project. May tanong pa ulit. Saan magre-reflect ang lahat ng ito? Kailangan ba ng 'Certified Funds Available' sa PPMP form mismo? Sagot: Wala pong required format sa IRR - pero pwede mo itong idagdag bilang internal policy. Minsan, may agencies na naglalagay ng certification ng Finance Officer sa dulo ng PPMP form o sa hiwalay na memo. But remember, kahit wala sa form, trabaho ng BAC Secretariat na siguraduhing may pondo bago ito isama sa final APP. Kaya huwag malito. Ang PPMP ay planong teknikal. Ang APP ang opisyal na dokumentong approved for procurement. Para ma-approve sa APP, dapat malinaw, may pondo, tama ang detalye, at may signature ng end user at implementing units. Ayon! Natapos mo na ang lahat ng columns. Pero teka. Ready ka na ba i-defend ang PPMP mo? Bakit? Ulitin ko, kasi ang PPMP mo ay ipapasa sa BAC Secretariat para isama sa Indicative o Final APP. Tandaan, #ProcureSMART. Let's break it down. Here's your SMART guide for PPMP.
[33:33]S - Strategic. Dapat naka-align sa agency goals at sa market scoping results, hindi basta basta lang. Dapat planado at may direction. M - Measured. Klaro at eksakto ang quantity, timeline, at budget.
[33:50]Walang "approximate lang". Dapat numbers-based para walang sablay. A - Appropriate. Yung mode of procurement, dapat fit-for-purpose. Ibig sabihin, akma para sa project at compliant sa rules. R - Ready. Kumpletuhin ang documents at ayusin ang coordination with your team. Para pagdating sa consolidation, smooth sailing na. T - Traceable. Madaling i-monitor at may clear audit trail. Para kung may magtanong, kita agad saan nanggaling ang data at paano ito ginamit. Let's make every procurement count. Procure smart, procure right.



