[0:01]Ang unang samahang pangmanggagawa sa Pilipinas, ang pagkatatag ni Don Isabelo de los Reyes ng Union Obrero Democratica Filipina. Kaya naman sa tuwing ika-unono ng Mayo ginugunita natin ang araw ng manggagawa o ang Labor Day. Sa paggamit ni Isabelo de los Reyes ng talino upang ipagtanggol ang Pilipinas laban sa mga autoridad na Kastila at Amerikano.
[0:41]ay naging tinig siya ng bayan laban sa kawalang katarungan ng mga dayuhan. Si Isabelo ay isinilang noon Hulyo 7, 1864 sa Vigan, Ilocos Sur. Ang kanyang ama ay si Elias de los Reyes at ang ina naman niya ay si Leona Florentino. Lumaki siya sa pangangalaga ng mayaman nilang kamag-anak na si Don Crisologo. Una siya nag-aral sa Vigan Seminary. Namasukan siya upang pag-aralin ang sarili sa litra kung saan tinapos niya ang Bachelor of Arts na may pinakamataas ng marka sobre saliente. Tinapos niya ang Abugasiya sa Universidad ng Santo Tomas sa gulang na dalawampu't dalawa. Sapagkat batang-bata pa, hindi siya pinayagang manilbihan bilang abogado. Kaya naman pamamahayag ang hinarap niya. Siya ang nagpalimbag ng mga aklat Historia de Ilocos, Folklore Filipino at Las Islas Visayas in la Epoca de la Conquista.
[2:15]Bilang propagandista, sumulat siya sa Diario Manila at sa El Ilocano. Ang mga artikulo niya ay tumatalakay sa maling pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas. Matapang niyang kinomentohan ang mga manunulat na Kastila na pawang kabutihan ng simbahan at pamahalaan ang isinusulat sa mga pahayagan. Sa mga matatapang na artikulo ni Isabelo ay inakusahan siyang kaaway at kasangkot sa Rebolusyon. Ang mga bintang ang nagdala sa kanya sa Bilibid Prison noong Pebrero 13, 1897. Ang paghihirap ng kalooban ay nadagdagan ng mamatay ang kanyang maybahay.
[3:45]Tinibayan ni Isabelo ang sarili at hinarap ng buong tapang ang malungkot na kapalaran. Sa loob ng piitan ay hindi natalian ang panulat ng mamamahayag. Sinulat niya doon ang Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipina. Nayon niyang ipabasa sa Gobernador Heneral. Ang sanaysay na nagbibigay-diin na mga prayling Espanyol ang nagtanim ng mga punla ng pag-aalsa laban sa pamahalaan ng Pilipinas.
[4:31]Nagising ang mga autoridad, naging dahilan ito upang ipatapon si Isabelo sa Espanya at ipakulong sa Barcelona.
[4:44]Nang lagdaan ang Pact of Biak na Bato noong Disyembre 1897 ay pinalaya ang mamamahayag. Hindi nabaliwala ng mga Kastila ang talino ni Isabelo kaya binigyan siya ng posisyon bilang Consuelo del Ministerio de Ultramar. Ang paglilingkod niya sa mga dayuhan ay nangangahulugang ipinagbili ng mamamahayag ang kaluluwa niya bilang Filipino. Noong 1899 ay muli niyang ipinalimbag ang kanyang La Sensacional Memoria sa Madrid. Sa pagpapahalaga niya sa mga Pilipinong pari, tinanggap niya ang pakiusap ng Filipino Ecclesiastical Assembly na makipagnegosasyon sa Santo Papa. Naipatupad ang sekularisasyon ng mga paring Filipino.
[5:53]Nang hindi tanggapin ang kanyang pakiusap ay lalong ipinagigiitan niya sa mga pahayag niya ang kampanya laban sa mga prayleng Espanyol.
[6:09]Ang propagandista mula 1899 hanggang 1902 ay nanindigan din sa pagpuna nito laban sa mga Amerikano na kumakalaban sa Republika ng Pilipinas. Ang mga puna niya laban sa Amerika ay nalathala sa kanyang aklat na Independencia y Revolucion o Independencia y Revolucion. At sa mga pahayagang El Defensor de Filipinas at Filipinas Ante Europa na inilathala niya sa Madrid.
[6:50]Sa kanyang pagbabalik mula sa Madrid noong 1902 sa Maynila o 1901 sa Maynila, inorganisa niya ang Union Obrera Democratica Filipinas. Kung saan siya ang naging unang presidente. Pinasimulan niya ang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa noong Mayo 1, 1902.
[7:25]Ang nasabing okasyon, ipinalabas niya ang unang pahayagang pangmanggagawa, ang La Redencion de Obrero.
[7:39]Sa pamumuno niya sa pinakamalaking pag-aaklas ng mga manggagawa ng fabrica de tabaco sa Malabon. Ay nasintensiyahan siyang makulong ng apat na buwan. Saludo, saludo ang manggagawang Filipino sa katapatan nito sa ipinakikipaglabang layunin.
[8:05]Dalawang ulit na nahalal na konsiyal ng Maynila ang propagandista. Ang una ay noong 1912 at ang ikalawa ay noong 1919. Sa talino at paninindigan bilang Filipino, nahalal siyang senador na kumakatawan sa mga lalawigan ng Ilocos mula 1922 hanggang 1928. Namatay si Isabelo noong Oktubre 10, 1938. Sa katapatan ni Isabelo de los Reyes, sa mga makabayang prinsipyong ipinaglaban, mahuhusgahan isang bayani rin siyang dapat na parangalan.



