[0:03]Mga kuwentong pambata ng mga Ingles. Si Billy na makakalimutin. May isang batang lalaki na kung tawagin ay Billy. Mas kilala siya sa tawag na si Billy na makakalimutin. Hindi, makakalimutin ay hindi niya apelyido. Ito'y nakasanayan lang niya na pangalan. Hmm, makikita mo mamaya.
[0:23]Mom, nangako ka sa akin na gagawa ka ng apple pie ngayon. Oo, oo, natatandaan ko, Billy. Pero, nasaan na ang pinabibili ko sa'yo na cinnamon kahapon? Ah, nakalimutan ko po. Billy, pinadala mo ba 'yung sulat na sinabi ko sa'yo kahapon? Isang sulat? Aling sulat? Ah, natatandaan ko na. Pumanhin, kapatid ko. Mukhang nakalimutan ko ito. Billy! Kaya, siya si Billy na makakalimutin. Hindi niya nakakalimutan ang lahat. Nakakalimutan lang niya 'yung mga bagay na pinangako niyang gawin para sa iba. Isa siya sa pinakahindi maaasahang bata na makikilala n'yo. Sinabi ng gobyerno na lahat ng lugar tulad sa atin kailangan magtanim ng maraming gulay. Bakit, Daddy? Lahat tayo ay kailangan ng purong organikong gulay. Na walang halong polusyon at pestesidyo. Maswerte tayo na meron tayong hardin sa bahay, Billy. Ang organikong gulay ay mahalaga sa ating kalusugan. Simula ngayon lahat tayo ay dapat magtanim ng gulay sa ating munting hardin. Kaya kailangan nating mag-ingat sa tarangkahan. Para hindi makapasok ang mga baka at kainin ang mga gulay. Sige, mag-uumpisa na tayong magtanim bukas. Kaya, kinabukasan pagkatapos nilang mag-almusal, sila Mommy, Daddy, Elizabeth at Billy ay nagtungo sa hardin at inumpisahan na ang paghuhukay at pagtatanim. Maya-maya pa, biglang dumating ang isang kartero sa tarangkahan na may dalang sulat. Tumakbo si Billy para kunin ito. Daddy, para sa'yo 'to. Hmmm. Tinatawag ako sa komisyon malapit sa baybayin. Ano po ang komisyon, Daddy? Sabihin na lang natin na kailangan kong umalis para sa trabaho. Gaano po katagal? Mga isang linggo din. Kailangan ko nang umalis. Kaya ingatan n'yo ang sarili n'yo habang wala ako at ikaw Billy, magtanda ka na. Kailangan mo nang maging responsable. Alagaan mo ang munti nating bukid, okay? Ako ay umaasa sa'yo. Masayang-masaya si Billy na malaman na ang ama niya ay umaasa sa kanya. Makalipas ang ilang araw inalagaan niya ng husto ang hardin nila. Pero hindi ito nagtagal. Dahil bumalik muli siya sa pagiging si Billy na makakalimutin. Billy, isang oras na ang nakalipas na ng sabihin ko sa'yo isara mo ang tarangkahan. Ah, naku, nakalimutan ko. Nasaan na ang mga panulat? Sinabi ko sa'yo na ibili mo ako pagkauwi mo galing sa eskwela. Mmm, nakalimutan ko! Kumusta, Billy? Bakit tuyo na ang mga pananim mo? Hindi mo ba nadiligan ang mga buto? Gusto ko sanang diligan pero nakalimutan ko. Lumipas pa ang isang linggo hanggang isang gabi, sa wakas ay nakuha na ng pamilya ang telegramang kanilang hinihintay. Lizzy, Billy! Dadating na ang Daddy n'yo ngayong araw. Magandang balita 'yan! Ayos! Susunduin natin siya roon sa istasyon ng 5:00. Gagawa ako ng paborito niyang pudding na biskwit, binurog na patatas at mais para sa hapunan. Ang sarap. Gusto ko lahat 'yon. Ah, talagang napakasaya na babalik na ang Daddy n'yo rito sa atin. Siguraduhin n'yong malinis at maayos ang lahat ng gamit sa bahay at tiyakin n'yo ang taniman ng gulay ay malusog at natabasan din. Sige na, Billy, isarado mo muna ang tarangkahan. Ang buong pamilya ay nag-umpisa ng maghanda sa pagdating ng kanilang Daddy. At dumating na ang oras para sila'y umalis papunta sa istasyon. Nong nakarating na ang pamilya sa harap ng kanilang bahay. Nakita nilang sira na ang buong taniman ng gulay. Ano ba'ng nangyari dito sa taniman? Iih, Mommy, ang bakas na paa, may baka na nagpunta rito. Billy, hindi mo ba isinara ang tarangkahan? Haa, nakalimutan ko. Pasensya na kayo. Ah, Billy! Pambihira. Tayo na, dadating na ang sinasakyan train ng Daddy n'yo. Nagpunta ang pamilya sa istasyon. Dumating na ang train at huminto pa. At umalis ulit, pero wala roon ang kanilang Daddy. Mommy, nakalagay pa talaga sa telegrama na 5:00 dadating ang train. Oo, pero bakit wala roon ang inyong Daddy? Naghintay pa sila sa istasyon ng ilang sandali. Tinanonong nila ang station master kung may dadating pang train. At sa huli, umuwi na lang sila sa kanilang bahay na sobrang dismayado at nag-aalala. Sinubukan man niyang itago, pero malinaw na sobrang nag-aalala ang kanilang Mommy sa kanilang Daddy. Kinabukasan sa sobrang pag-aalala, sumakit ang kanyang ulo. Oh, Mommy! Gagawanan ko po kayo ng tsaa. Gagaan po rito ang pakiramdam n'yo. Pagsabi n'on, may bumusina lang sasakyan sa tapat nila. Sina Elizabeth at Billy ay tumakbo para makita ang kanilang Daddy. Mommy, nandito na si Daddy! Nagmadali ang pamilya upang makita ang kanilang Daddy. Oh! Sobra akong nag-aalala. Bakit hindi ka dumating kahapon? Bakit? Nagpadala ako sa'yo ng isa pang telegrama na nagsasabi ngayong umaga pa lang ako makakauwi. Anong telegrama? Wala akong anumang natanggap. Elizabeth, nakuha mo ba? Hindi po, wala po, Mommy. Billy! Billy! Ah, pasensya na po kayo, Mommy.
[6:26]Ah, hindi ko po alam, eh. Nakalimutan ko lang. Patawarin n'yo po ako. Napaka-iresponsable mo, Billy! Pinag-alala mo kaming lahat. Sumama pa ang pakiramdam ni Mommy dahil sa kapabayaan mo. Binigo mo ako ng husto, Billy. At ito na ba ang taniman mo, Billy? Paano mo naman ito nasira? Walang naisagot si Billy sa kanyang Daddy. Napayuko na lang siya sa sobrang hiya. Buti na lang nong oras na 'yon, biglang dumating ang kanyang kaibigan na si John. Kumusta kayo lahat? Hoy, Billy! Sumama ka sa'kin kumain bukas ng 12:00. Don kami manananghalian sa may burol at magpi-picnic. Sobrang natuwa si Billy at nakalimutan na agad ang tungkol sa kanyang taniman na gulay. Gusto ko 'yan! Hindi nakalimutan ni Billy ang picnic nilang magkaibigan. Kaya kinabukasan gumising siya ng maaga, nagbihis, naghanda ng maliit na picnic basket mag-isa. Si Billy na makakalimutin ay hindi nakalimutang bumili ng tsokolate at tart nong nakaraang araw. At nasa tamang oras din siya nang dumating sa bahay ng kanyang kaibigan. Punong-puno siya ng pag-asa. Pinindot niya ang doorbell. At ang lolo ng kaibigan niya ang nagbukas ng pinto. Ah, Billy! Anong maipaglilingkod ko sa'yo ngayon? Magandang umaga po, Lolo. Inimbita po ako ni John na mag-picnic ngayong araw. Nakabihis na po ba siya? Ah, hindi ko alam ang tungkol sa picnic n'yo. Nasa labas si John buong maghapon. Wala siya rito. Pero siya mismo ang nag-imbita sa'kin. Hindi niya binanggit ang pag-alis niya ngayon. Ah, sa tingin ko, nakalimutan ito ni John. Si Billy ay malungkot na naglakad pabalik sa bahay nila. Pero ang maganda naman ay bumalik na ang Daddy niya, kaya buong araw siyang pwedeng makipaglaro rito. Tumakbo siya pauwi ng bahay. Pero sa kanyang pagtataka ang kusinerong si Jake lang ang naroon. Jake, nasaan silang lahat? Bakit? Lahat sila ay nagpi-picnic sa kabundukan. Bukas pa sila babalik. Ano? Wala man lang kahit sinong nagsabi nito sa'kin. Sa tingin ko, lahat sila nakalimutang sabihin ito sa'yo. Lubos na nalungkot si Billy. Hindi niya kayang magtagal sa loob ng bahay nila, kaya't naupo na lang siya sa kanyang taniman, na nasira na dahil nakalimutan niyang isara ang tarangkahan. Bigla naman may dilaw na ibon na tumuktuk sa kanyang ulo at siya'y nasaktan. Ouuu! Hoy! Pigilan mo nga 'yan! Tch-tch. May napakalaking butas diyan. At sa palagay ko'y ayaw niya itong maayos. Billy, alam mo ba na kailangan kang ayusin? Re...pair? Anong ayusin? Mayroon kang malaking butas sa ulo. At ang mga bagay ay nahuhulog na riyan.
[9:37]Isang butas sa aking ulo? Nahuhulog na bagay? Anong bagay ang nahuhulog dito?
[9:47]Bagay na dapat mong gawin, mga ipinangako mo na nahuhulog diyan sa butas ng ulo mo. Pinagagalitan mo ba ako? Paggalitan mo rin si John, at si Mam, si Dad, at maging si Elizabeth. Ha? Bakit? Nakalimutan lang nila. Gaya ng paglimot mo, Billy. Kailangan mong maintindihan. Yung mga bagay na ikinagagalit mo, ginawa mo ang mga bagay na 'yon ng 1,000 beses sa mga taong nagtiwala sa'yo. Natural lang minsan na makalimot, ngunit ang makalimot sa lahat ng oras, 'yon ay malinaw na mali. Mmm, alam ko. Naging napakasama ako. Masama at makasarili at hindi maasahan. Galit sa'kin ang pamilya ko. Walang pamilya ang magagalit doon, Billy. Mahal ka nila at ito na ang oras na ipakita mo sa kanila na mahal mo rin sila. Gagawin ko. Pangako. Lagi ko nang alalahanin ang mga bagay na ipinangako ko. Hinding-hindi ko na sasabihin ang mga salitang nakalimutan ko. At kung sa tingin ko'y nakalimutan ko ang isang bagay, kukurutin ko ang sarili ko. Ngayon, 'yan na ang plano. Naniniwala ako sa'yo. At hindi na nga nag-aksaya pa si Billy ng oras. Tumakbo siya papasok sa loob ng bahay, naglinis, isinalansan ng maayos ang mga telegrama, inayos ang lamesa para sa hapunan at sinabi niya kay Jake. Sa tingin mo, anong oras kaya babalik sina Mam, Dad at Lizzy? Pwede ba tayong magluto para sa kanila? At dapat akong gumawa ng card na nagsabing patawad sa pagiging iresponsable ko. Noon lang nakita ni Billy ang magandang tanawin. Ang Mommy niya, ang Daddy niya, si Elizabeth at John ay lumabas mula sa loob ng kwarto. Billy? Daddy? Mommy? John? Narito pala kayo? Hindi kayo umalis? Pwede ka ba naming iwan mag-isa, Billy? Ito ay ideya ni Lizzy. At siyayahan kami na sa wakas ay naisip mo na kung ano ang pakiramdam kapag binigo ka ng ibang tao. Tama si Mommy. Sa wakas napagtanto na ni Billy. At nang araw na 'yon, sa oras na 'yon, si Billy na makakalimutin ay nagbago na bilang si Billy na may malasakit. Naging mapagmalasakit siya sa ibang tao, kaya hindi nagtagal nakalimutan na ng lahat na siya ang dating si Billy na makakalimutin. At ngayon, isa na rin siyang responsableng bata.



