[0:06]Hey Kyle. Hey Ja. How have you been lately? Well, I've been doing alright, but there's this question I've always wondered. Hmm. What is it? Hmm. This question is about, what's faith? Any idea? Not pretty sure myself though. Hmm.
[0:34]Oo nga 'no. Paano nga naman ang mga praktikal na manifestation na masasabi mong mayroon kang pananampalataya or yung ginagawa mo at least are your way of saying I believe and I have faith. Alam niyo po, sa aklat ng Hebrews chapter 11: 24-26 ay may mga practical actions itong si Moses na ang tawag ng Banal na Kasulatan ay by faith. So ito yuong manifestation ng kanyang pananampalataya. Pakinggan niyo po ang sabi sa verse 24. By faith Moses, when he became of age, refused to be called the son of Pharoah's daughter, choosing rather to suffer affliction with the people of God than to enjoy the passing pleasures of sin, esteeming the reproach of Christ greater riches than the treasures in Egypt; for he looked to the reward. So dito ay mayroong ilang mga action si Moses na iniulat ng Banal na Kasulatan na this is faith. And what is faith? Number one, faith is refusing. Sabi dito sa verse 24, when Moses came to age, he refused to be called the son of Pharoah's daughter. So faith is refusing. Refusing what? Refusing that his identity belongs to daughter of Pharoah. Meaning he was refusing to be identified as the next ruler of Egypt. And all of us would like raise our eyebrows, why? Bakit niya tinanggihan 'yon? Hindi ba siya dapat like excited doon? Dapat niya pinagmamalaki niya pa 'di ba? Ida-drop niya pa yung name niya. Ako, ako anak ako ng ano anak ako ng daughter ng Pharoah. Ako, related ako sa Royal Palace. Hindi ba ganyan ang maraming mga Pilipino when we got into trouble, we drop names, ganyan. Sinasabi natin yung mga contacts natin, yung pedigree natin, yung degree natin. Ako, lawyer ako. Ako, doctor ako. Ako, ano? Milyonaryo ako. Magkano ka lang, ganyan. Not with Moses. Ang pananampalataya pala is refusing to identify himself with the Palace, with Pharoah and being royalty, because he believes that he belongs to someone else. That is God. Pagka inari ni Moses na siya at in-identify niya ang kanyang sarili na siya ay anak ng anak na babae ni Pharoah, essentially ay ina-admit niya na bahagi siya kasi ng paniniwala nila doon ay divinity ang Royal family. Especially yung Pharoah. Yung Pharoah himself is divine or God, ganyan. So hindi niya gusto na ma-relate siya doon at maging ganon ang kanyang identity. Alam niyo sa buhay natin sa pananampalataya, marami din kayong kailangang i-refuse. Kahit na parang maganda. Pero pag magtatanggal ng identity mo in Christ, kahit na parang maganda yan tanggihan mo. Kahit na yung trabaho na yan na parang maganda na, pero magtatanggal na ng identity mo kay Christ makakapagsinungaling ka na. Makakalabag ka sa kalooban ng ating Panginoon. O yung guy na yan kahit na ba pogi siya, o yung babae na yan kahit na ba sobrang sexy niya at maganda na siya, parang wow, ito na talaga. Pero kung magtatanggal ng identity mo kay Christ, tanggihan mo. 'Cause faith is refusing. Number two, sabi dito ng Banal na Kasulatan sa verse 25, may ginawa pa siya. Uh, he chose rather to suffer affliction with the people of God than to enjoy the passing pleasure of sin. Maganda ito sa Tagalog sabi niya na pinili niya pa na maghirap kasama ng mga anak ng Diyos kaysa siya ay magtamo ng nagsisikupas na kaligayahan sa pagkakasala. Alam niyo kung ano yung mga bagay na kumukupas? Pantalon. Ano pa? Cellphone. Kumukupas yan eh. TV ganyan. Dati ang tataba ng mga TV ngayon mga flat screen na. Kumukupas na din yung flat screen kasi may mga curved na ngayon at may mga touch screen na din ngayon at smart TV na. So kumukupas na 'no. Kumukupas din yung kotse, ganyan. Sa una maganda pero hindi naman nagtatagal. Si Moses ay pinili niya ang mga bagay na hindi kumukupas. Pinili niya na kasama ang bayan ng Diyos kaysa magtamo ng kaligayahan na pansamantala sa kasalanan. Alam niyo po ang tunay na pananampalataya ay pumipili at ang kanyang pinipili ay Diyos. At ang mga anak ng Diyos at ang mga bagay tungkol sa Diyos. So madali mo nang ba i-identify may pananampalataya ba ako? Kung pinipili mo ang mga bagay tungkol sa Diyos, kahit na marami kang alternatibo o pwedeng ibang gawin, may pananampalataya ka. Lastly, bakit nagkaroon siya ng katatagan ng pananampalatayang piliin ang bayan ng Diyos at ang Panginoong Diyos sa kabila ng glittering na riches and wealth of Egypt? Tinanggihan niya lahat 'yon. Sabi niya kasi dito sa verse 26, sapagkat siya ang sabi niya ay tumitingin doon sa ganting pala. Mas inari pa niya na malaking kayamanan ang kahihiyan kay Kristo kaysa sa mga kayamanan ng Egypt. Sapagkat siya'y tumitingin sa ganting pala. Alam niyo po kapagka tiningnan niyo lang yung mawawala niyong sweldo dahil kayo ay sisimba. Yung mami-miss mo ng mga opportunities kasi Christian ka. Yung mga mami-miss mo na mga events, mga happenings, ganyan, 'di ka makakapunta doon sa tigtigan, terekang keng dalan. 'Di ka makaka-party-party, 'di ka din makaka, alam mo na yan, inom-inom, 'di ka makagimik. Kasi you are a Christian. Alam mo, sabi ni Moses, yung kanyang pananampalataya tiningnan niya na mas malaking gantimpala ang Panginoon kaysa sa mga kayamanan ng Egypt. Ang pananampalataya pala ay tumitingin beyond what this life can offer us, beyond the wealth of this world. Ang pananampalataya ay tumitingin sa buhay na walang hanggan, sa eternal life, sa mansion na inihanda ng ating Panginoon na one day wala nang sakit, wala nang paghihirap, wala nang buntong hininga, wala nang challenges. Ang pananampalataya looks beyond our circumstances and still have hope and have joy knowing that one day all will be well and things will be better as long as we stick with God. My friends, have faith. Live the word in this world.



