[0:00]Kumusta? Ako si Yumi. Sa chapter na 'to, pag-uusapan natin ang kamatayan ni Rizal. Mula sa pagbalik niya sa Pilipinas at pagtatag ng La Liga, hanggang sa kanyang pagkakatapon sa Dapitan, paglilitis at paano ito nahantong lahat sa pagbitay. Alamin din natin ang mga pangyayari matapos ang kanyang kamatayan at susubukang sagutin ng matagal ng tanong ng bayan. Pabor ba si Rizal sa rebolusyon? Siyempre, oo.
[0:34]Halos walang may gusto na bumalik si Rizal sa Pilipinas. As we said last video, binalaan pa siya ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak na huwag na itong ituloy dahil alam nilang mapapahamak lang ang bayani. Sinulatan siya ng kanyang bayaw na si Antonio Lopez in which the letter said, "Nearly everyone opposes your coming, and I am of the same opinion." Nag-hysterical din si Trinidad nung nalaman ang balitang babalik ang nakatatandang kapatid. "She cried and begged me to advise you not to return, for you would be killed." But despite their warnings, Rizal, firmly believing that the battlefield was in the Philippines, sailed to Manila on June 21, 1892, with his sister Lucia. Upon his arrival in Manila on June 26, 1892, Rizal was greeted by a group of patriots, including... Sino-sino itong mga patriots na 'to? Bigyan akong mic.
[1:33]Una na 'yan ay rebolusyonaryong abogado na naparalyze dahil may polio. Binansagan bilang ang utak ng himagsikan at ang dakilang lumpo. Baka ma-cancel ng karamihan. Ang nasa sampung pisong matalinong bayani, Apolinario Mabini! Isang propagandistang mula sa Bulacan na pang-asawa ang kapatid ni Marcelo. Hilaria ang pangalan. Bilang presidente ng Katipunan. Siya ang numero uno. Sino pa ba? Edi si Deodato Arellano! At higit sa lahat, ang paboritong bayani ng classmate mong ginawang personality ang pamba-bash kay Rizal. Dapat ang unang presidente ng Pilipinas dahil sa pagiging makabayan at napakaimpluwensyal sa puso ng ilang madla. Siya ang tunay na pagbabago. Walang iba. Ang Supremo, Andres B****ng Bonifacio! At marami pang iba na hindi na natin iintrohan kasi masama ugali natin. Anyway, kasama ang mga patriots na 'to, ay naitatag na Rizal ang La Liga Filipina, which means "The Filipino League."
[2:50]Mayroong five purposes o layunin ng Liga at makikita natin ito sa kanyang konstitusyon. Una na 'yan, unity, na mapag-isa ang buong archipelago sa isang compact, vigorous, and homogeneous body. Pangalawa, mutual protection, na mabigyan ng proteksyon ang bawat isa sa kagustuhan at pangangailangan ng bawat isa. Pangatlo, defense, na mapagtanggol ka laban sa karahasan at kawalang-katarungan. Pang-apat, development, na mapaunlad ang educational, industrial at agricultural enterprises. At panglima, the study of reforms and their implementation o mapag-aralan at mapairal ang mga pagbabago. May motto rin ang La Liga Filipina sa Latin. Ito ay Unus Instar Omnium, o bawat isa ay katulad ng lahat. Kung isa kang Pilipino na naninirahan nung 19th century, eh baka wala kang makitang mali sa legal na batas ng Liga. It doesn't really contain any seditious language and mukhang maganda ang adikain nito para sa iyong bansa. Pero kung isa kang Espanyol, eh likely red flag sa'yo ang organisasyon. The fact kasi na una, karamihan sa mga miyembro nito ay Mason, at pangalawa, isa itong secret organization, eh enough na para maging kahina-hinala itong Liga sa madla ng Spanish government. Dagdag mo pa nakakalabas lang nung El Filibusterismo, at alam naman natin kung gaano kakontrobersyal nung nobelang 'yun. So kung isa kang Spaniard, lalo na kung kabilang ka sa gobyerno, eh magiging curious ka talaga kung ano ba 'yung final goal nitong tinatag nila Rizal. Kung isa ka namang historyador, baka ganun din 'yung maramdaman mo.
[4:26]Historians have different perspectives on whether La Liga aimed for complete independence or merely sought to become a Spanish province. And in this part, pag-uusapan natin ang two different views on how La Liga was seen. One that sees it as a reformist organization, and one that sees it as a separatist or for independence organization. Dun muna tayo sa reform lang ang goal. Ayon sa mga early historians, hindi naman pabor si Rizal na paghiwalay ang Pilipinas at ang Spain. Bilang reporma lang naman ang adikain nitong Propaganda Movement's goals.
[5:09]It was a continuation of the assimilationist ideals of the Propaganda Movement, but with a wider reach. Kagaya lang din nung nasimulan na sa Europa, walang masyadong pagkakaiba sa assimilationist ideas ng kilusang Propaganda. Ang pinagkaiba lang siguro eh sa Pilipinas na ito gagawin. Na hindi na lang mga mayayamang ilustrado ang kasapi ng kilusan, kung hindi kasama na rin ang mas marami pang Pilipino. Narealize daw kasi nitong si Pepe na humigit kumulang isang dekada ng ginagawa ang pag-call ng reforms sa Spain. And while it is true na ang kilusan ay mas malapit sa pamahalaan ng Espanya, sa Cortes at sa mga valuable allies, eh wala naman daw nangyayari. Kaya siguro ang pinakamagandang gawin eh baguhin na ang strategy at ilapit na 'yung gamot sa may sakit. Kung titingnan din natin ang konstitusyon ng Liga, eh mukhang very harmless or wholesome ang adikain nito. Na katulad lang 'to ng isang NGO ngayon na tumutulong sa mga Pilipino na tulungan ang kanilang sarili, mapabuti ang kanilang buhay at mag-ambag sa pag-unlad ng bansa. However, this is just one perspective. Dun naman tayo sa kabilang side na nag-o-argue na ang Liga was a separatist organization. At kailangan natin 'to pag-usapan kasi nasabi ko na dati na for independence itong si Pepe, so kailangan na natin siyang panindigan. Anyway, last video nabanggit natin na kaya umalis si Rizal ng Madrid at La Solidaridad eh dahil sa rivalry niya with Del Pilar. Sabi ng ibang historians, as we just mentioned, hindi lang ito ang rason. Rizal left because he was driven by the desire to continue reformist efforts in the Philippines. However, according to Quibuyen, Rizal's departure was a manifestation of his radical shift to separatism and his disillusionment with Spain. Anong patunay niya sa claim na 'to? Ayon sa kanyang aklat na "A Nation Aborted," makikita natin ito sa unang punto ng La Liga Filipina's constitution. Ano ulit 'yun? Unity, na mapag-isa ang buong archipelago sa isang buo, magkakauri at masigla na katawan. Anong katawan? Hindi, bansa. In other words, the La Liga Filipina was not intended to be a stepping stone to another organization. Its ultimate goal was to establish an independent Philippine nation. Sa constitution din ng Liga, it stated that it would provide mutual protection and serve as a defense against violence and injustice. Gusto niya rin made-develop ang mga sectors ng education, agriculture and commerce. And when you think about it, hindi ba lahat ng ito ay hindi na responsibilities ng isang simpleng organisasyon, kung hindi ng isang estado. Pwede mo i-argue na malinaw na reporma lang ang advocacy ng Liga dahil tingnan mo naman, nakasulat na talaga 'yung word na reform sa konstitusyon. Pero ayon kay Quibuyen, eh nami-misunderstood daw natin ang ibig sabihin ng terminong reformas in this context. Ang termino raw na 'to, sa konteksto ng Liga, referred to the radical changes that would benefit the people and lead to the development of the country independent of Spain. Para suportahan ang kanyang argument, kinote ni Quibuyen 'yung essay na sinulat ni Rizal. 'Yung "Philippines: A Cultural Hence." Doon sinabi ng bayani na mga actions na pansamantala lamang ay kailan man hindi magiging sapat para magkaroon ng pagbabago.
[8:20]"We said, and once more we repeat, and will ever assert, that reforms which have a palliative character are not only ineffectual but even prejudicial, when the government is confronted with evils that must be cured radically." Mahalagang isa-isip din natin kung ano ba ang nasa isip nitong si Rizal nung panahon na 'to. As writer Floro Quibuyen explains, Rizal had just distanced himself from the rest of his peers. The reformists believed that they would then be able to lobby the Spanish government for democratic reforms. The key plank in this strategy is assimilation. For once the Philippines is incorporated as a province of Spain, the Filipinos will become Spanish citizens, and as such, will enjoy equal protection under the Constitution. Herein lies Rizal's major disagreement. For Rizal had come to realize that the root problem was Spanish colonialism itself. Once this became clear to Rizal, he began to insist that rather than trying to convince the Spaniards, who were not inclined to listen anyway, the Ilustrados should address the Filipinos in the Philippines, and work for their enlightenment there. We could further see this in his letters to Blumentritt.
[9:31]La Solidaridad is no longer our battlefield; now it is a new struggle... the fight is no longer in Madrid. I have lost hope in Spain. For that reason, I shall not write one more word for La Solidaridad. It seems to me it is in vain. All of us are (voices crying in the wilderness where all are lost). What did we obtain from the campaigns of La Solidaridad, except Weyerisms, the Law on Banditry, and the tragedy of Kalamba? It seems to me that to parley with the government is only a waste of time. Quibuyen further asserts that, since his North Borneo Project did not materialize... Rizal concentrated on his foremost objective: returning to the Philippines to establish La Liga Filipina, which would pave the way for the formation of a Filipino national community, and therefore, national independence. Rizal was convinced that, however Spain responded to the new initiative, independence was inevitable. It was simply a question of how it would come, peacefully or through a revolution. We'll end this part with this quote from the historian Xiao Chua. He wrote: "Sa Liga naipakita ni Rizal na hindi lamang siya puro sulat, nais niyang isakatuparan ang nais niyang bansa." Naudlot man, ipinagpatuloy ng Liga member na si Bonifacio ang laban para sa pagkakaisa at pagkakapantay-pantay tulad ng sinasabi ng motto ng Liga, "Unus instar omnium" - Ang isa ay tulad ng lahat. Sa pagbubuo ng bansang maginhawa, mahalaga ka kabayani. Kung ano ba talaga ang final goal nitong Liga will probably continue to be a debate among historians. Pabayaan na muna natin sila. But one thing is clear and I'm sure historians will agree with me this time. Short-lived lang ang organisasyon. Nung July 6 kasi, tatlong araw after formally na talaga ma-establish ang Liga, ipinatawag si Rizal sa Malacañang at inaresto. Surprisingly, hindi ang itinayo nilang organisasyon ang rason, kung hindi sa isang bagay na nakita ng mga Kastila ilang araw na ang nakalipas.
[11:38]Sunday, June 26, 1892, Manila. Finally, nakauwi na si Jose Rizal kasama ang kanyang kapatid na si Lucia sa Pilipinas. Kaso habang nasa pantalan, eh nilapitan sila ng ilang carabiniers, o mga Spanish police officers, at isang major. Tama ang hinuha ng kaibigan at kamag-anak ni Rizal. Ang pagbabalik ng bayani ay isang trap. Kinuha ng mga officers ang bagahe ng magkapatid at hinaluglog, nilungkat at hinalukay ang mga laman nito sa customs house. After itong inspeksyon, pinahintulutan na 'yung dalawa na umalis ng walang problema. Kaso, may nakita raw itong mga naghalungkat ng isang pakete ng mga seditious paper sa pillow case o punda ng una ni Lucia. This was immediately confiscated and brought to the attention of the Governor General, na nung time na 'to, eh si Despujol. Anong content ba 'yung nasa seditious paper? Well, it was reportedly a satire targeting wealthy Dominican friars. Okay. Fast forward na. Tinanong si Rizal, sino may-ari nitong pillows at mats na 'to? Sagot ni Pepe, 'wag pag-aarian ng kapatid kong babae.
[12:52]Pero kahit anong tanggi niya sa mga paratang nila, eh, walang epek. Inaresto pa rin siya at ini-escort papuntang Fort Santiago. Ayon sa Governor General, isa lang ito sa maraming dahilan kung bakit nila inaresto at ipapatapon si Rizal. And makikita natin ito next day after siya arestuhin. Since lahat ng dyaryo sa Manila eh pinu-publish ang super haba at nakakaintri-gang gubernatorial decree nitong si Despujol. Ano-ano ang mga charges sa bayani? Bigyan akong medyo dark na classical na music.
[13:29]During his voluntary exile, he had published books and proclamations of very doubtful loyalty to Spain, which are not only frankly anti-Catholic, but impudently anti-friar, and introduced these into the archipelago. A few hours after his arrival in the Philippines, there was found in one of the packages belonging to the said subject a bundle of handbills entitled The Poor Friars in which the patient and humble generosity of the Filipinos was satirized and in which accusations were published against the customs of the religious orders. His last book El Filibusterismo was dedicated to the memory of three traitors to their country (Gomes, Burgos, and Zamora), but extolled by him as martyrs, while in the epigraph of the title page of said book was the doctrine that because of the vices and errors of the Spanish administration, there was no other salvation for the Philippines than separation from the mother country. The end which he pursued in his efforts and writings was to tear from the loyal Filipino breasts the treasure of our holy Catholic faith. Kung titingnan natin closely 'yung mga charges kay Rizal, eh may mapapansin tayo. Anti-Catholic, anti-friar, the poor friars, religious orders, Catholic faith. Puro religious charges, habang isa lang 'yung political. And it is just worth noting that during this time, dahil sobrang dikit ang clergy at ang state, ang insulto sa institusyon ng simbahan ay isang napakalaking kasalanan. Ngayong pinatapon na si Rizal, the La Liga Filipina became inactive and began to fell apart.
[15:22]Mula 1892 to 1896, Rizal lived in exile in Dapitan, a remote town in Mindanao. Ang Dapitan nung time na 'to ay isang liblib na bayan sa Mindanao at under ng jurisdiction ng mga Jesuit missionaries or Hesuita. Bakit Dapitan? Una, malayo. During this time, ay mabigat na parusa ang pagpapatapon sa malalayong lugar. And Dapitan fits this description since it's very inaccessible. Pangalawa, under ito ng mga Hesuita. And isa sa mga goal kaya pinatapon ang bayani, ay para magbalik-loob siya sa kanyang Catholic faith. Kung titingnan natin, parang hindi naman ito punishment. Oo, papatapon ka, pero dadalhin ka naman sa isang isla. Baka mag-thank you ka pa nga kay Despujol at sabihin sa'yo ang parusa mo. Makakapag-soul search ka, wellness retreat, ayos sa mental health at araw-araw meron kang My Day. Pero need natin i-consider 'yung context nito. While the island may sound like a paradise, it was remote and unfamiliar, far from the civilization Rizal was accustomed to. Ilagay mo 'yung sarili mo kay Rizal. Nasanay ka na mag-travel palagi sa iba't ibang bansa at kumausap ng iba't ibang tao. Then biglaan, dadalhin ka sa lugar kung saan malayo sa kabihasnan at wala kang kilala. Hindi ba nakaka-devastate? Buti na lang at may nakita si Rizal na silver lining. True, dininay ng mga Spanish authorities ang kanyang mga political rights, pero hindi naman nila totally kinontrol ang lahat ng pwedeng gawin ng bayani. In fact, Spanish authorities allowed Rizal to move within the area and participate in civic activities. Ang goal naman kasi, eh hindi kulong si Pepe, kung hindi para ma-tame o ma-amo, ma-soften o ma-suppress ang kanyang political voice. In this way, he would be less likely to entertain ideas of subversion. So imbes na mawalan ng pag-asa sa buhay, Rizal transformed his exile into a period of meaningful contribution. Dedicating himself to the welfare of Dapitan. Ano-ano ba ang mga magagandang pinaggagawa niya? Well, napakarami, at baka murahin mo pa ako kung isa-isahin ko 'yan. So in this part, magfo-focus lang tayo sa tatlo sa maraming propesyon na pinraktis niya nung siya ay pinatapon. Him being a farmer, a teacher, and a physician. Pero bago natin 'to pag-usapan, kailangan muna natin talakayin ang kanyang pagkahumaling sa loto. Hindi mo na itatanong eh adik itong si Rizal sa lottery. Well, baka masyadong exaggeration 'yung addict, sabihin na lang natin na super hilig. True, hindi siya umiinom ng alak o nagyoyosi, pero pagdating sa pagtataya, eh ibang usapan na. Sabi nga ng kanyang Spanish biographer at former enemy na si Wenceslao Retana, ang lottery daw ang only vice ni Rizal. So ilang buwan pagkatapos ipatapon si Pepe, eh bumili siya at ang dalawa niyang kasama doon ng isang lottery ticket. Then, sa ticket na 'yon, eh sinwerte sila at nanalo ng second prize. Magkano ang premyo? 20,000 pesos, na nung panahon na 'to eh sobrang laki na. Pinaghati-hatian nila ang napanalunan at nakakuha si Rizal ng 6,200. Malaki pa rin. In fact, kung ia-adjust natin 'to sa inflation, nagkakahalaga ito ng 3 million pesos. Oh my God. Damn! Ilang 16-inch M3 Max Space Black MacBook Pro din 'yun. Pwede na akong magtayo ng sarili kong business sa ganung pera. I can actually enjoy life. Thank God financially literate itong si Rizal. He could have spent it mindlessly pero hindi niya 'yun ginawa. Sa nakuha niyang share, pinambili niya ang 4,000 pesos dito ng agricultural lands sa coast ng Talisay. Ang Talisay ay isang baryo na malapit lang sa Dapitan. Sa mga napundar niyang lupa, nagtayo siya ng bahay, farm, eskwelahan at clinic. And through this endeavors, he seamlessly embraced the roles of a farmer, a teacher, and a physician. Ayos pa ang transition 'yon. Magsimula tayo sa pagiging farmer ng bayani.
[19:31]Bilang kabilang si Rizal sa pamilya ng mga inquilino, eh na-instill sa kanya ang pagkakaroon ng strong at deep connection sa pagsasaka. Nung siya ay pinatapon, ipinagpatuloy niya ang nasimulan ng kanyang angkan dahil sa lugar na 'yon, eh nakabili siya ng farmland. Sa farm ni Rizal, eh nagsimula siyang magtanim ng palay at mais. Niyaya niya rin ang kanyang bayaw na si Manuel Hidalgo para mag-partner sa pagbebenta ng abaca, a profitable crop in Manila. Habang nasa Dapitan, na-observe ni Rizal na ang mga lokal doon possess limited knowledge in the fields of agriculture and fishing. Their agricultural practices remained rooted in primitive techniques, at kahit na malapit lang sa karagatan, hindi naman sila marunong gumamit ng lambat.
[20:11]Recognizing the need for agricultural advancements, Rizal actively encouraged the Dapitan farmers to adopt modern farming practices. He advocated for the use of fertilizers, crop rotation and farm machinery to enhance productivity and yield. Para ma-improve naman ang fishing techniques ng mga lokal ng Dapitan, ni-request ni Rizal sa kanyang bayaw na magpadala sa kanila ng mga malalaking lambat. But sorry ka. Si Rizal mismo ang nagturo sa mga lokal kung paano gamitin 'yung mga fish nets na 'yon. Pinangarap din ng bayani na magkaroon ng agricultural colony sa sitio ng Punot. Kaso nga lang, tulad ng kanyang North Borneo Plan, hindi ito naisakatuparan. Nonetheless, Rizal in a way became a successful farmer in Dapitan. Ayon nga sa historian at biographer na si Gregorio Zaide, his total holdings reached 70 hectares, containing 6,000 hemp plants, 1,000 coconut trees, and numerous fruit trees, sugarcane, corn, coffee, and cacao. Makikita natin sa ating discussion na mataas ang respeto ni Rizal sa propesyon ng pagsasaka. He actively engaged in agricultural practices, hindi lang para sa kanyang sarili, kung hindi para na rin ma-uplift ang buhay ng mga lokal doon. Ayon sa writer na si Herminia Ancheta sa kanyang piece na Rizal as an Agriculturist, Rizal wanted his people to be farmers because he wanted them to love real manual work. It was his one great desire to make them see that real wealth in life is in the soil and that there is gold and life in farming. Rizal believed that farming was a noble pursuit, akin to the medical profession, as he eloquently stated, "We cannot all be doctors; someone had to till the soil." Taliwas sa paghanga ni Rizal, ang modernong lipunan ay madalas na may negatibong pananaw sa napakahalagang hanapbuhay na 'to. Despite being the backbone of our nation, eh napakaraming hamon na kinakaharap ng mga magsasaka ngayon. Kabilang ang pagsasamantala ng mga oportunista at mapang-aping sistema, gayundin ang panghuhusga ng madla bilang isang propesyong walang kahahantungan. Perhaps it is time to embrace Rizal's enlightened perspective, and acknowledge the immense value of farmers. Their hard work and dedication ensure our food security and contribute significantly to the nation's economic prosperity. We must cultivate respect for this unsung heroes and advocate for policies that empower them to achieve success. Ayon sa isang article na sinulat ni Eileen Villegas, isang agricultural graduate ng UP Los Baños, tungkol sa stereotypical depiction ng mga Filipino farmers, to see them in a new light does not mean overlooking the hard reality of poverty among farmers, but acknowledging it and then partaking in its alleviation. Our farmers are not asking to be depicted grandiosely, but they are not supposed to be portrayed as lesser than us, either. Dun naman tayo sa kanyang propesyon bilang guro.
[23:00]Rizal's vision of a modern and progressive education materialized during his exile. Sa Talisay kasi, nagtatag si Rizal ng isang paaralan para sa mga batang lalaki. Doon in-emphasize ni Rizal ang mga educational concepts na school-based management at community-based education, defying 19th century norms. Sa paaralan, tinuruan ni Rizal ang kanyang mga estudyante sa mga subjects na Spanish, English, Mathematics, Geography, Geometry, Proper Conduct at Physical Education, nakabilang ang Gymnastics, Fencing at Swimming. Libre lang din ang pag-aaral sa school ni Rizal. Well, technically, hindi talaga libre, since bilang kapalit sa tuition, eh inaasahang mag-work ang mga mag-aaral sa agricultural land ng bayani.
[23:47]Since agriculturist itong si Pepe, eh hinangad niya na magkaroon ng deeper appreciation 'yung ibang tao pagdating sa kalikasan. Para mangyari 'yon, eh sinama ni Rizal ang nature study o ang pag-aaral ng kalikasan sa curriculum ng kanyang paaralan. Kasama ang kanyang mga estudyante, ginagalugad nila Rizal ang kagubatan at ang kusa ng Dapitan. Nangolekta sila ng iba't ibang flora at fauna, tulad ng iba't ibang insekto, ibon, ahas, butiki, palaka, kabibe at iba't ibang halaman. Ang mga nakolekta nila ay pinapadala ni Rizal sa mga academic friends niya na nasa Europa. Bilang kapalit naman sa mga specimen, pinapadala nila si Rizal ng mga libro. Rizal also had a passion for conchology, which is the study or collection of shells. In fact, he amassed a large collection of shells, including 346 specimens from 203 different species. May nadiscover din siyang bagong species ng mga hayop na isinunod sa kanyang pangalan bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa agham. Kabilang diyan ang isang flying dragon na may scientific name na Draco rizali. Isang small beetle na may scientific name na Apogonia rizali. At isang rare na palaka na may scientific name na Rhacophorus rizali. Kung i-o-obserbahan natin ang pamamaraan ng pagtuturo ni Rizal sa Talisay, makikita natin na naimpluwensyahan nito ang kanyang pag-aaral sa Ateneo. Para mas effective kasi na ma-manage ni Rizal ang kanyang klase, hinati niya ang mga estudyante sa dalawang grupo batay sa kanilang height. Sa kabilang side, nandoon ang grandes o ang mga malalaki. Sa kabilang naman, ang mga pequeños o maliliit. Makikita natin na very similar lang sa Ateneo. Since sa paaralan na 'yon, eh hinati din ang mga estudyante. Kung sino rin ang nangungunang mag-aaral sa paaralan ni Rizal, eh pinaparangalan ito ng titulo na Emperador. Which echoes the practice at Ateneo, where the top student was honored with the same title. Kung matatandaan mo rin, eh kumuha itong si Rizal ng surveying course sa Ateneo. Sa Dapitan, masasabi natin na nagamit niya ang kanyang surveying skills to practical use. Doon kasi, he devised and constructed a water system that brought clean water to homes that had previously lacked access. Tinuruan niya ang mga kalalakihan ng lokal kung paano gumawa ng aqueduct gamit ang kawayan, bato at mortar or concrete na gawa sa lime na nakuha sa mga sinunog na sea shells. Bukod sa pagkakaroon ng source ng malinis na tubig, ang pagtatayo din ng water system ay nag-drain sa mga swampy areas na naging rason para bumaba ang kaso ng sakit ng malaria sa lugar. Kasama rin ang kanyang dating Ateneo professor na si Father Sanchez, eh nag-create si Rizal ng isang malaking relief map ng Mindanao. This map serve as a valuable educational tool, allowing Rizal to explain the geographical context of Dapitan and its relationship to other areas in Mindanao. Rizal's school in Talisay served as a model for the type of education he believed was necessary for the country's progress. In fact, Rizal's students went on to become leaders in their own right, embodying Rizal's belief in the power of education to transform lives and communities. Ayon nga sa historian na si Ambeth Ocampo, Dapitan reminds us that Rizal is much more than a hero who wrote two novels for a nation that does not read and got shot for them. Dapitan reminds us of the promise of youth and education.
[27:00]Sa Dapitan, patuloy na ginamot ni Rizal ang mga may sakit. At ang kahanga-hanga dito, libre para sa mga taong sadlak sa kahirapan. Kung hindi mo rin kaya na pumunta sa kanyang clinic, eh hindi mo na kailangan mag-alala, dahil nagbabahay-bahay din ang bayani. This practice made healthcare in Dapitan more accessible to the sick and infirm. Siyempre, hindi naman tatanggi si Rizal kung aabutan mo kahit papaano. Need niya rin mabuhay. Pero nakakahanap pa rin siya ng paraan para ibahagi 'yung kanyang kinikita para sa kanyang komunidad. Ayon sa kanyang biographer at former enemy ni Wenceslao Retana, there was a rich Englishman who came to consult him. Rizal removed his cataract and charged him 500 duros, which the Englishman gladly paid. Those 500 duros Rizal donated to Dapitan for public lighting which it did not have. Rizal's medical practice during his exile also led to a remarkable encounter. Dahil kasi dito, eh natagpuan niya ang kanyang huling pag-ibig.
[28:18]Ayon sa kwento, si Rizal ay nakilala bilang isa sa pinakamagaling na ophthalmologist sa Pilipinas. Nang narinig ito ni George Taufer na may diperensya sa mata, eh nag-travel ito from Hong Kong papuntang Dapitan para magpagamot sa bayani. Kasama ni Taufer sa byahe, ang kanyang adopted daughter na si Josephine Bracken. Nang makita daw si Josephine at Rizal, boom, love at first sight. Josephine, an 18-year-old Irish woman, was likely captivated by Rizal's intellect, charm, and wit, and fell deeply in love with him. Rizal, in turn, was smitten by Josephine's beauty and eagerness. Nagpatuloy ang pagkikita ng dalawa. At pagkatapos lamang ng isang buwan nilang paglaladian, ipinahayag nila ang kanilang pagnanais na pakasalan ang isa't isa. Kaso nga lang, marami ang tutol sa kanilang relasyon. Ang adopted father nga ni Josephine na si George Taufer, eh nagtangkang magpakamatay nung malaman niyang magpapakasal ang dalawa. Hindi rin pabor ang pamilya ni Rizal sa kanilang relasyon. Siguro ang rason dito, eh very conservative ang pananaw nila pagdating sa pag-aasawa at napahiwatig daw ng bayani na nagli-live in na silang dalawa kahit hindi sila kasal. Makikita natin ang hindi pagsang-ayon ng pamilya ni Rizal sa kanilang relasyon nung minsang tumira si Josephine sa kanilang tirahan. Josephine wrote to her dear Joe, "Ah, my dear, I am suffering a great deal with them in Trozo (house of Teodora Alonso). They ought to be ashamed of me, as they say to my face and in the presence of Sra. Narcisa and their children, because I am not married to you." Pero, ano bang magagawa nila sa dalawang pusong naghaharutan? Nagpatuloy pa rin ang pagmamahalan ng dalawa at nagbunga pa nga ito ng isang anak na sadly namatay. Sa mga description natin sa bayani, masasabi natin na parang nagiging okay lang ang buhay niya kahit na siya ay pinatapon.
[33:10]So, um, mag-like at mag-subscribe o share o kung ano man. Wag mong kalimutang mag-comment at mag-follow at ah magdasal po. Sino ba 'yon? Katipunan pala. Sorry. Sorry. Hindi nga pala mamamatay si Rizal sa Dapitan. Kasabay ng pagpapatapon kay Rizal, eh siya namang pag-emerge ng isang rebolusyonaryong kilusan. Paano 'to nangyari?


![Thumbnail for [세나리버스] 강철의 포식자 15단 3쫄작 연지 최소 스펙 + 무소과금의 레이드 비율 이야기 + 과금효율표(세나리갤 cold님 자료 참고) by 개렉터](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimg.youtube.com%2Fvi%2FVp_dUbAMloA%2Fhqdefault.jpg&w=3840&q=75)
