[0:01]Marami ka pang mga bagay na di nalalaman tungkol kay Jose Rizal. Oo, tama ang basa mo. Si: RIZAL! ALAM MO BA NA... ang buto sa spine ni Rizal na natamaan ng bala ay naka-preserve? Ito ay nasa pangangalaga ng Rizal Shrine sa Fort Santiago.
[0:29]ALAM MO BA NA... dalawang taon palang si Rizal ay kabisado na niya ang Alpabetong Filipino?
[0:39]ALAM MO BA NA... ang pamilya ni Rizal ang kauna-unahang nagkaroon at nagmay-ari ng piano at karwahe sa Calamba, Laguna? ALAM MO BA NA... bukod sa Rhacophorus rizali, Apogonia rizali at Draconi rizali ay may species ng lamok na ipinangalan kay Rizal? Ito ay ang Aedes rizali.
[1:06]ALAM MO BA NA... mapagmahal sa hayop si Rizal?
[1:14]Noong bata pa siya, umiyak si Rizal ng malaman niyang turkey ang hapunan nila.
[1:22]Nakiusap siyang wag itong patayin at pumayag naman ang kanyang ina.
[1:29]ALAM MO BA NA... si Jose Rizal ay pabirong tinatawag na "Ute" ng kanyang mga kamag-aral?
[1:39]Bukod sa ngalang "Pepe" ay kilala din siya sa Calamba bilang si "Pepito". ALAM MO BA NA... sa edad na 5 ay marunong na siyang magbasa ng Spanish Family Bible ng didirektso?
[2:01]ALAM MO BA NA... pinabilib ni Rizal ang kanyang mga Heswitang propesor sa Ateneo..
[2:13]ito ay sa pamamagitan ng pag-ukit ng imahe ng Ating Birheng Maria sa piraso ng batikuling (Philippine hardwood) gamit ang...
[2:25]ALAM MO BA NA... inamin ni Rizal na wala siyang natural na hilig at talento sa musika pero dahil sa marami sa kanyang mga kamag-aral sa Ateneo ang kumukuha ng music lessons ay nag-aral din siya ng music.
[2:46]Sa isang liham ni Rizal kay Enrique Lete ay sinabi niyang natutunan niya ang solfeggio, piano, at ang voice culture sa loob ng isa at kalahating buwan. Inamin din niya na hindi talaga siya kagaligan sa pagkanta.
[3:05]ALAM MO BA NA... isa ring sharpshooter si Rizal? Nagpadala si Rizal kay Antonio Luna ng isang 20cm x 20cm shooting board na may 20 tama ng bala. Pinatamaan niya ito sa Sampung magkakasunod na putok. Prepared by: Aquino, Denise S. Cruz, Mikee Jam D. Hilotin, Angelica B. BS BIOLOGY II-2



