[0:04]Ang mayabang na puno. Noong unang panahon, may dalawang punong nakatayo sa gitna ng kagubatan.
[0:15]Puno ng igos ang isa at katabi niya ang punong mangga. Mabait at napakasayahin ang punong mangga. Tuwing taglagas, dumadapo ang mga ibon para kumain ng bunga. Sa mga sang niya gumagawa ng pugad ang mga maya. Inaawitan naman siya ng mga gulondrina. Malugod na tinatanggap ng punong mangga ang mga ibon at kumakantang kasama nila. Napakamapagbigay niyang puno. Nagbibigay silong siya sa mga nagdaraan doon at nananatiling matatag kapag dumaraan ang malakas na hangin. Samantalang ang punong igos naman ay ubod ng tamot. Mas pinapahalagahan niya ang itsura niya. Ipinagyayabang niyang mas mataas at mas luntian ang mga dahon niya kaysa sa puno ng mangga. Hindi niya hinahayaan dapuan siya ng mga ibon at nanalaglag nito ang mga dahon niya sa mga taong gustong sumilong sa kanya. Ano ba kasing ipinagmamayabang mo? Eh iba-iba naman ang silungan ng mga puno rito. Talaga ba? Eh bakit kailangan pa nilang makisilong sa akin dito ha? Alam mo kung bakit? Kasi walang puno ditong mas malagupa katulad ng sa akin. Hay, wala namang saysay ang pakikipag-usap ko sayo. Hoy, 'wag dito! Doon nga kayo sa punong mangga, 'wag sa akin! Ginugulo niyo lang yung maganda kong buhok eh. Hindi naman buhok yan eh. O, eh 'di ginugulo niyo na lang yung mga dahon ko, 'di ba? Masaya ka na? Ano ka ba, Igos? Gusto lang naman nilang gumawa ng pugad. Ni hindi mo man lang sila padapuin sayo. Ang gaganda kaya nila at magagaling pang kumanta! Ha! Nakakabagot na kanta. At pwede ba, walang pwedeng lumapit o humawak man lang sa mga dahon ko. Sisirain lang nila ang mga magaganda kong sanga! Eh bakit hindi na lang kaya sayo? Mas maliit ka naman kaysa sa akin at isa pa, hindi ka rin naman kagandahan. Oh, teka lang. Sobra ka naman. Ang sakit mo namang magsalita, Igos. Naku, hayaan mo na siya, Breezy. Ayos lang 'yun. Hindi naman 'yun masama para sa akin. Masaya na ako kung sino ako. Makalipas ang ilang araw, wala pa ring nagbago sa punong mangga at sa puno ng igos. Masaya lang ang punong mangga araw-araw. Habang ang puno ng igos naman ay hindi nakikipag-usap kahit kanino.
[3:05]Isang araw, nakarating sa kagubatan ang lupon ng mga bubuyog. Nakita ng Reyna ng bubuyog ang puno ng igos at gandang-ganda siya rito. Oh! Malaki at matibay 'yung punong 'to! Magandang itayo dito ang bahay namin. Gusto na namin dito tumira. Ha! Mawala ang galang na! At sino ang nagsabi sayo? Ayokong malagyan ng malagkit niyong pulot ang mga sanga ko. Ang ingay-ingay niyo pa man din! Makakaistorbo lang kayo. Pero puno ka, 'di ba? Paano mo naman gagawin 'yun dito? Nakatanim ka lang dito sa kagubatan. Wala kang pakialam! Basta, 'wag mong mailapit-lapit 'yang mga kasama mong bubuyog dito. Igos! Mga bubuyog sila at mahalaga sila sa kalikasan. Kailangan talaga nila ng puno para pagtayuan ng bahay. Kung hindi tayo magtutulungan, sa tingin mo, paano magiging balanse ang kalikasan? Ha! Kung gusto ng kalikasan sirain ang mga sanga ko, hindi na ako magiging matibay at magandang puno. Eh ako na nga lang ang ang pinakamagandang nilikha ng kalikasan, sisirain ko pa? Kaya magiging maganda ako para sa kalikasan. At bakit mo ba ako pinangangaralan? 'Di ikaw ang nakaisip niyan, eh 'di ikaw lang ang gumawa! Ikaw na lang ang magbigay ng mga sanga mo sa mga bubuyog na 'to. Kaya pwede ba? Lubayan niyo ako. Nasaktan nang husto ang puno ng mangga sa mga sinabi ng Igos. Pero hindi niya na lang pinansin. Tinawag niya ang lupon ng mga bubuyog at sinabihang sa mga sanga niya na lang sila bumuo ng kanilang bahay. Naku, napakabait mo naman para patuluyin kami dito. Dito na kami titira ngayon. Mmm, wow! Napakabango mo naman. Salamat, mahal na Reyna. Isang karangalan 'to. Sa puno ng mangga nga nagtayo ng bahay ang mga bubuyog at namuhay ng payapa. Hindi inantala ng punong mangga ang ingay ng mga bubuyog o kahit ang lagkit ng pulot. Samantala, wala namang ginawa ang puno ng igos kundi sigawan ang mga dumarapo sa kanya. Hoy! 'Wag saris nga kayong mga ibon dito! Manahimik nga kayo! Naiingayan ako sa inyo! Kailangan bang may at mayang kumakanta ha? Nakakaistorbo lang kayo eh! Ilang linggo ang lumipas, may napadaang dalawang magtotroso sa gubat. Kailangan nila ng mga kahoy sa pagtatayo ng bahay. Una nilang nakita ang puno ng mangga at nagpasyang putulin ito. Nakita nilang matibay ito. Ngunit, may napansin ang isa sa kanila. Teka, ano 'yun? Abay, ang bubuyog! Baka habulin tayo ng bubuyog 'pag pinutol natin ang punong 'to. Oo, tama. Tara, humanap na lang tayo ng ibang puno. Muling naglakad ang dalawa at nakita naman nila ang puno ng igos. Nagustuhan nila ang puno dahil sa laki nito. Ayan, ito pala eh. Simulan natin sa bandang baba ang pagputol. At sinimulan na nilang putulin ang puno ng igos. Umiyak ng umiyak ang puno. Ayaw niyang umalis sa gubat. Sa mga oras na 'yun, naaalala niya ang mga ibon. Aray ko! Ang sakit 'nun! Anong ginagawa nila sa akin? Nakita ng puno ng mangga ang lahat nang nangyari. Humingi siya ng tulong sa mga bubuyog. Uy, mga bubuyog! Nandoon ba kayo? Oh, kumusta, Mango? Anong kailangan mo? Nasa panganib si Igos. Kailangan natin siyang tulungan. Naku, pwede ba? Sarili lang naman niya ang iniisip niya. Palagi siyang nagkakalat sa mga taga rito sa gubat. Bakit natin siya tutulungan? Dahil din sa parehong rason kung bakit ko sinabing tulungan niya kayo. Pero hindi naman siya tumulong. Tama nga naman ang Reyna ng mga bubuyog. Sumusobra na kasi si Igos. Ibang klase ang kayabangan niya. Kung hinayaan lang sana ang mga bubuyog na tumira sa kanya, eh 'di sana hindi siya pinutol ng mga mangagahoy. Dapat lang na mangyari 'yan sa kanya. Hindi, Breezy. Hindi dahil masama si Igos sa atin ay dapat magiging masama na rin tayo. Kahit kalunong turing sa atin ni Igos, dapat maging mabuti pa rin tayo sa kanya. Tirahan natin 'to kaya pamilya tayo dito. Hindi natin pwedeng pabayaan si Igos ngayong kailangan niya tayo. Ah, oo, tama si Mangga. Kailangan natin siyang tulungan. Halika na kayo, mga bubuyog! May nangangailangan ng tulong natin. Lumabas ang lahat ng bubuyog sa bahay at sinugod ang mga mangangahoy. Tinalibutan nila ang tainga at mga mata nito. Ah! Lubayan niyo ko! Wala akong makita! Ah, anong sinasabi mo? Wala akong marinig! Kailangan natin makaalis dito! Hindi tayo titigilan ng bubuyog na 'to! Ang sakit ng pagtusok nila! Pwede ba, 'wag kang sumigaw! Ikaw nga ang bingi dito, hindi naman ako! Tara na! Umalis na tayo dito! Ah! Ah! Nang makaalis ang mga magtotroso, hiyang-hiya ang puno ng igos sa kanilang mga inasal. Patawarin niyo ako, mga bubuyog. Tinulungan niyo pa rin ako kahit hindi ko kayo tinrato ng maayos. Huwag kami ang pasalamatan mo, Igos. Si Mangga ang pasalamatan mo. Hindi mo siya kinakausap ng maayos. Hindi nagiging maayos ang pakikitungo sa kanya. Siya ang kumin bin sa amin na tumulong sayo. Talaga? Ikaw? Patawarin mo ako. Oh, nagkamali ako. Lahat tayo may magandang katangian. Dahil espesyal tayong lahat. Hindi na ako manlala-it at mangiinsulto ng sino man kahit kailan. Pakiusap, patawad sa lahat. Patawarin niyo ako. Natutunan din ng puno ng igos ang kanyang leksyon. Mula noon, kasundo na niya na ang hangin at mga ibon. Nagkasundo na rin ang dalawang puno. Hinayaan na rin ang Igos na mamugad sa kanya ang mga ibon. Naging matalik na magkaibigan ang punong mangga at ang puno ng igos habang buhay.



