Thumbnail for El Filibusterismo | Kabanata 22: Ang Pagtatanghal #elfilibusterismo by Animated Filipino Classics

El Filibusterismo | Kabanata 22: Ang Pagtatanghal #elfilibusterismo

Animated Filipino Classics

5m 58s677 words~4 min read
YouTube auto captions
Transcript source

YouTube auto captions

This transcript was extracted from YouTube's auto-generated caption track. The transcript below is server-rendered so it can be read, searched, cited, and shared without opening the original YouTube player.

Timestamped outline
Pull quotes
[0:07]Naglalaglag ako at nag-iipon makaipon ng maraming salapi upang maisagawa ang aking layunin.
[0:38]Rizal Mahabang-mahaba na ang hanay ng mga taong nagsisipaghintay na makapasok sa entrada general.
[0:38]Ang Nakaraan Dapat mong malaman na ang dagsa ng mga taong ito'y kagagawan ng mga prayle.
[0:38]Ang Nakaraan Ngunit ang totoo, ang mga prayle na pinamunuan ni Padre Salvi at ilang hindi pari na pinangunguluhan ni Don Custodio ay tutol sa pagtatanghal na iyon.
Use this transcript
Related transcript hubs

[0:07]Naglalaglag ako at nag-iipon makaipon ng maraming salapi upang maisagawa ang aking layunin. Crisostomo Ibarra bilang Simoun

[0:18]Basilio

[0:23]Isagani Padre Florentino Padre Fernandez

[0:38]EL FILIBUSTERISMO ni Jose P. Rizal Mahabang-mahaba na ang hanay ng mga taong nagsisipaghintay na makapasok sa entrada general. Ang Nakaraan Dapat mong malaman na ang dagsa ng mga taong ito'y kagagawan ng mga prayle. Ang Nakaraan Ngunit ang totoo, ang mga prayle na pinamunuan ni Padre Salvi at ilang hindi pari na pinangunguluhan ni Don Custodio ay tutol sa pagtatanghal na iyon. Ang Nakaraan Nasa wikang Kastila naman! Mga kahalayan sa wikang Pranses, tao kayo, Ben-Zayb, alang-alang sa Diyos, nasa wikang Pranses! Hindi dapat iyan! Mga imbestigador kaya o magnanakaw? Ang Nakaraan Ang hudyat ay isang putok! Ang Nakaraan Huwag kayong mabahala. Ang heneral ang may-utos niyan ngunit huwag ninyong ipagsasabi, kapag sinunod ninyo ang aking utos, matataas kayo. May pakana! Ingatan ang mga bulsa! Ang Nakaraan Kabanata 22: Ang Pagtatanghal Masaya ang mga manonood maliban kay Isagani na nakatanaw kay Paulita habang katabi sa palko ang karibal na si Juanito. Inimulan ang pagtatanghal nang dumating ang Heneral. Unang nagtanghal ang Prinsesang si Gertrude. Nahirapan si Juanito sa pagsasalin ng wikang Pranses tungo sa Kastila upang maunawaan nina Donya Victorina at Paulita. Upang magpasikat, ipinaliwanag ni Juanito na ang mga salitang “servantes” at “domestique” na nakapaskil sa entablado ay nangangahulugang sirvyente o alila at domesticado o napaamo na. Ngunit nang lumagay sa paskil na "servantes" ang 12 dalaga na pinangungunahan ng artistang si Serpolette na suot ang mahuhusay nilang kagayakan, masasaya, nakangiti, sarwang-sariwa, kaakit-akit, nagtanong si Paulita. Paano ito? Iyan ba ang mga taong-bundok na 'yong sinasabi? Hindi, nagkamali—nagkapalit. Humubo si Juanito dahil sa pagkahiya. Gayunmay naging marangal pa rin siya sa mata ni Donya Victorina nang gabing iyon, kaya't ipinasya nitong pakasal sa kanya pagkamay ni Don Tiburcio. Sa palko ng mga estudyante ay naiwan sina Pecson, Sandoval, at Isagani. Si Tadeo ay lumapit kay Don Custodio upang ito'y libangin samantalang si Macaraig ay nakikipagkita kay Pepay. Wala, hindi taglay ng Pranses ang mayamang tunog at tamis ng wikang Kastila. Hindi ko mawari, hindi ko mahaka, hindi ko malirip ang ayos ng mga mananalumpating Pranses at nag-aalinlangan ako sa paniniwala na nagkaroon o magkakaroon ng alinsunod sa sadyang kahulugan ng salita, sa loob ng sadyang matatawag na mananalumpati. Sapagkat huwag nating pagkamalan ang salitang mananatsat at madaldal sa lahat ng bayan o sa lahat ng pook na tinitirhan ng mga tao. At kayo, na isang makata, nalalaman ba ninyo kung paano ang isang wikang napakasalat at walang katunug-tunog na gaya ng Pranses, ay maaaring magkaroon ng mga makatang tinitingala tulad ng ating mga Garcilaso, Herrera, Espronceda, at mga Calderon? Aba, huwag naman, si Victor Hugo…. Si Victor Hugo, kaibigang Pecson, kung makata man, ay dahil din sa Espanya… sapagkat sa Madrid namulat ang kanyang isip. At sino si Victor Hugo? Maihahambing ba natin siya sa ating mga makabago? Dumating si Macaraig na may dalang sulat. Binasa ito ni Sandoval. Aking Kalapati, ang sulat mo ay dumating nang huli sa panahon. Naiharap ko na ang aking pasya at sinang-ayunan. Gayunman, para ko ring nahulaan ang iyong iniisip, sapagkat nilutas ko ang asunto alinsunod sa ibig mangyari ng iyong mga ipinagtatanggol. Paparoon ako sa teatro at hihintayin kita sa paglabas. Ang maamo mong munting kalapati, Custoding.

[4:58]Nakadama ng kawalang pag-asa ang mga estudyante sa balita. Kaybuti ng taong iyan! At upang makitang tayo'y kasali sa pamamahala sa akademya, ay iniatang sa atin ang paniningil ng mga abuloy at ang hulog. Tungkulin nating ibigay sa ingat-yaman na inihalal ng samahan at ang nasabing ingat-yaman ay siyang magkakaloob sa atin ng katibayan o resibo. Mga cabesa de barangay tayo kung gayon. At ang lalong katawa-tawa, ipagdiwang pa raw natin sa pamamagitan ng isang salu-salo, sa pamamagitan ng paradang may sulo, isang pagsasabi ng mga estudyanteng salamat sa lahat ng mga taong nakilahok sa suliranin!

[5:42]Hindi pumunta sa teatro si Basilio. Nanatili siya sa bahay ni Kapitan Tiago upang alagaan ang malubhang kalagayan nito. Habang binabasa niya ang kanyang aklat hinggil sa Medisina, dumating si Simoun. SUSUNOD

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript