[0:04]Mga pangarap, liwanag at dilim. Sa panahon ng kadiliman, marami ang tahimik na naghihirap. Ngunit darating ang araw na lilipas ang lahat ng ito. Ang takot, pang-aapi at kabiguan. Kaya kayong mga kalaban at dayuhan, huwag niyo akong salingin.
[0:50]Pag-ibig, pagdurusa, at paghihimagsik. nag-aalab para sa katarungan at kalayaan.
[1:00]Sa ilalim ng kasiyahan, nagtatago ang laban ng bagong pag-asa at lumang kapangyarihan. Hindi niyo ba batid, marami sa mga Indio ang mangmang? Hindi rin ba ninyo batid na nasa tahanan tayo ng isang Indio? Maaaring masaktan si Kapitan Tiago. Matagal na niyang iniisip na hindi siya Indio. Mga kaibigan, ipinakikilala ko si Don Crisostomo Ibarra. kagagaling lang galing Germany. Buenos Noches mga kaibigan at sa Kura ng ating bayan at lalo na sa matalik na kaibigan ng aking ama, Padre Damaso, patawarin niyo po ako sa aking mga kamalian. Hindi ka nagkakamali. Hindi ako ang tunay na kaibigan ng iyong ama. Kayo nga ba ang anak ni Don Rafael? Opo, Senyor Tinente. Maligayang pagdating. Señor Ibarra, sa pitong taon sa Europa, ano ang pinakamahalagang natutunan mo? Kalayaan o pagkaalipin ng bayan ang nagdidikta ng kasaganahan nito. Lustayin mo ang yaman sa ganyang ideya? Bulag ka ba? Nagpapasalamat ako't palagay ang loob ng dating kura sa akin. Nawa'y pagpaumanhin ninyo na ako. Mahaba ang byahe at may gagawin pa ako bukas. Para sa Espanya at Pilipinas!
[2:25]Lansangang abala, katotohanang masakit, nalaman ang katotohanan.
[2:33]Senyor Ibarra. Uy, Tinente! Kayo pala, dinudulas niyo ako. Mag-ingat kayo, Senyor. Maging aral sana sa inyo ang nangyari sa inyong ama. Tila may alam ka sa kamatayan ng aking ama. Ano bang nangyari? Ang iyong ama ay namatay sa bilangguan. Sa bilangguan? Hindi kaya nagkakamali ka? Hindi ako maaaring magkakamali. Si Don Rafael na pinagbibintangan erehe at pilibustero ni Padre Damaso. Paano nangyari 'yon? Paano siya nabilanggo? Sa kasamaang palad, namatay ang kolektor pagkatapos ng insidente. Kinulong ang iyong ama, tinakwil ng lahat at pinagbibintangan ng erehe at pilibustero.
[3:12]Sa kulungan, bumagsak ang kanyang kalusugan at doon namatay. Ah, kaya pala. Hindi sinabi sa akin ni Kapitan Tiago ang dahilan. Pagmamahal at pangamba, magkahalong damdamin sa kanilang muling pagkikita.
[3:32]Bakit kaya wala pa siya?
[3:39]Magandang araw po, Tiya Isabel. Magandang araw rin sayo. Nandito si Maria Clara. Sandali lamang at siya'y tatawagin ko. Sige po. Maria Clara, nandito na si Crisostomo.
[4:01]Hindi kumukupas ang iyong kagandahan Maria Clara. Naku punta ka lang sa Europa, tila tumamis na ang iyong mga salita. Maraming mga babaeng na siguro ang nabola mo doon. Labis akong nagpapasalamat dahil napagkasundo ako ikasal sa pinakamagandang babae- Ikaw. Binola mo na naman ako. Mahal ko, labis akong nangungulila sayo. Higit akong nangungulila, Crisostomo. Maria, kailangan ko nang umuwi sa San Diego. Bukas ay Araw na ng mga Patay.
[4:36]Ilay mo ang mga ito sa iyong mga magulang. Maraming salamat, mahal ko.
[4:45]Mag-ingat ka, mahal kong Crisostomo.
[4:53]Sementeryo ng lihim, at pighating natuklasan ang mapait na sinapit ng kanyang ama.
[5:06]Nasaan ang libingan ng aking ama?
[5:12]Magandang umaga. Nasaan ang malaking krus na itinirik dito? Ah, sinunog na iyon. Sinunog? Ba't mo ginawa? Napag-utusan lang ako ng malaking Kura, Senyor. At ang bangkay ng aking ama, nasaan? Sabi ng Kura, ilibing ko raw sa libingan ng mga intsik. At ginawa mo? Pasensya na Senyor. Masyadong mabigat. Umulan pa ng gabing iyon kaya itinapon ko na lang sa ilog. Itinapon mo sa ilog ang bangkay ng aking ama? Anong ginawa mo sa aking ama? Wala akong kinalaman diyan nagkamali ka. Anong wala? Sumagot ka! Hindi ako iyon. Si Padre Damaso 'yon, siya 'yung may utos.
[5:53]Dilim ng gabi, dilim ng lipunan. Pait at kirot ng mga inosenteng biktima ng lipunang mapang-api.
[6:04]Magpahinga na muna tayo, Crispin. Kuya, magkano ba ang kita mo ngayong buwan?
[6:13]Dalawang piso. Bakit mo tinatanong? Kuya, bayaran mo ang sinasabi nilang ninakaw ko. Natatakot ako na malaman ito ni Inay. Hindi ko mababayaran 'yan. Tatlumpu't dalawang piso? Huwag kang mag-alala. Wala kang ninakaw. Paniniwalaan ka ni Inay. Hindi nila ako paniniwalaan.
[6:38]Basilio! Dalawang riyal ang multa mo dahil hindi mo maayos na pinatugtog ang kampana. At ikaw, Crispin, hindi ka makakauwi hangga't hindi mo isauli ang ninakaw mo. Wala po akong ninakaw. Huwag po!
[6:55]Kuya! Papatayin nila ako, Kuya. Crispin! Crispin!
[7:03]Masarap ang niluto ko. Gutom na gutom na siguro ang mga anak ko.
[7:15]May pagkain ba? Oo, meron. Nasaan? Bilisan mo!
[7:24]Wala nang natira? Paano ang mga anak natin? Ano ngayon? May reklamo ka? Asan ang mga batang 'yon? Nasa kumbento pero uuwi rin sila.
[7:37]Kawawa naman ang mga anak ko. Inay! Inay! Anak ko, anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Si Crispin po naiwan sa kumbento. Nakatakas lang po ako. Pinagbintangan siyang nagnakaw. Ninakawan daw? Ang mabait kong anak? Bakit kailangan tayong magdusa dahil ba mahirap lang tayo? Inay. Diyos ko, ano'ng gagawin ko?
[8:05]Sa ilalim ng mapang-aping lipunan, ina'y nagdurusa hawak ang hinagpis ng pagkawala. Ikaw ba ang Ina ng magnanakaw? Ako po si Sisa pero hindi po magnanakaw ang mga anak ko. Nasaan ang iyong anak na si Crispin? Hindi ko po sila nakita ng ilang araw. Isauli mo ang perang ninakaw ng iyong anak. Senyor, kahit gutom kami hinding-hindi kami magnanakaw. Halika ikaw na lang ang aking ikukulong.
[8:38]Crispin? Basilio? Nasaan na kayo? Mga anak ko?
[9:13]Naghahanap ng kaliwanagan sa gitna ng pagdududa.
[9:20]Naabala ko po ata kayo, Pilosopo. Nariyan po pala kayo, Ginoo. Ano'ng paglilingkod ko sa inyo? Bakit ka po nagsusulat ng hieroglyphics? Sumusulat ako para sa hinaharap. Baka hindi ito magamit ngayon, ngunit sa hinaharap ang mga salinlahi ay matatalino. Anong wika po 'yang ginagamit mo? Sa sariling wika natin, Tagalog. Maaari po bang gamitan ng hieroglyphics ang Tagalog? Maaari. Higit na mas mabuting gamitin ang alfabetong Filipino kaysa sa Latin. Nais ko po sanang mapatayo ng paralan bilang pag-aalala sa aking kasintahan. Ah, baliw na pangarap 'yon. Pero kailangan mong makipagtulungan sa dapat na tao. Naniniwala po ako na mangyayari ang aking mga plano. Huwag muna ninyong gawin ang inyong plano hangga't hindi niyo pa natatanggap ang kasawian ng inyong ama. Sila ang dahilan kung bakit namatay ang aking ama. Hindi ko nais na ipaghiganti sila ala-alang sa relihiyon. Mabigo man kayo, masayang nakikita na kayo ay gumagawa ng paraan para sa nararapat. Salamat po. Pupunta na po ako sa Kura. Sa gitna ng kasiyahan, naglalagablab ang tension laban na muling bubukas ang mga sugat.
[10:38]Magandang hapon, mahal ko. Aba, hindi man lang ako binati! Akala mo sino na pagkalabas ng Europa! Huwag mo na lang pansinin. Kung alam mo lang, mahal ko, kung gaano ako nagtitimpi sa taong 'to. Katulad ng ama akala mo disente, wala namang respeto sa simbahan. Patawarin mo ako, Maria. Ngunit hindi ko na kayang tiisin. Tama na, ang kanyang ama'y namatay sa kulungan at isang traidor. Hahayaan kita na insultuhin ang pangalan ko, pero huwag mong babastusin ang pangalan ng ama ko! Crisostomo, huwag! Ala-alang sa akin, huwag mo siyang saktan. Kung hindi lang kita mahal, Maria, baka nakita mo nang patay 'tong taong 'to.
[11:16]Madugong sagupaan, ang pagdurusa sa ilalim ng pang-aabuso.
[11:29]Guardia Civil! Bakit po, Señora? Sino 'yang kumakanta? Siya po ang baliw si Sisa. Dalhin niyo siya rito.
[11:42]Nandito na po siya, Señora. Pakantahin niyo siya. Hoy, baliw! Umawit ka!
[11:54]Magaling. Mga Guardia Civil, pwede na kayong umalis. Salamat po, Señora.
[12:05]Hoy, baliw! Sinong baliw? Ha? Ha? Baka ikaw ang baliw! Ako? Hindi ako ang baliw! Ikaw! Ako? Oo, ikaw nga! Baka ikaw! Vamos, magkantar ikaw!
[12:24]Consolacion, ano ba itong ginagawa mo? Bitawan mo nga ako! Tuturuan ko 'yang leksyon ng baliw na 'yan. Tumigil ka nga! Hindi ka nanawa, masira ka na rin talaga, ano?
[12:36]Dugo... Basilio? Crispin? Gamutin itong babaeng ito at bukas ihatid niyo sa tahanan ni Crisostomo Ibarra.
[12:49]Nagsanib ang kalungkutan at nag-aasam ng bagong pag-ibig. O, Doña Victorina kayo pala tuloy kayo.
[12:59]Magandang araw, Kapitan Tiago. Magandang araw po, ako po si Alfonso Linares. Magandang araw rin sayo. Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara? Walang pagbabago, Don Tiburcio. Pasok. Magandang araw po, Padre Damaso. Nasaan na siya? Nagpapahinga po siya sa kanyang silid. Maria Clara! Padre Damaso. Salamat po sa pagbisita. Labis na nag-aalala ako sayo, Iha. Pagaling ka agad.
[13:56]Padre Damaso, sino 'yang kasama mo? Si Alfonso Linares po inaanak ninyong bayaw. Opo, Padre. Masaya ako nakita kita, Iho. Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa. Maghintay ka madali lang 'yan. Ang tunggalian ng dalawang Doña. Bawat galit ay nagpapaalab sa kanilang laban. Pwe! Ang papangit naman ng dumadaan! Hoy, labandera! Kami ba 'yung pinaparinggan? Bakit? Natamaan ka ba? At anong labandera? Gusto mong labhan ko ang kulot mong buhok? Hoy, matandang makukulam, kung makapagsalita ka kung sino ka naman. Tumigil na nga kayong dalawa! Para kayong mga bata! Alperes, pagsabihan mo 'yung asawa mo mukhang makukulam! Kung hindi ka lang isang babae. Tayo na, Victorina. Wala tayong mapapala sa mga 'yan. Hoy! Ang kapal ng mukha mo, pilay na peke'ng manggagmot!
[14:58]Pagtakas o paglaban? Sumiklab ang apoy ng rebelde, bayan ay nagsimula nang mag-alab. Tao po! Elias! Senyor Ibarra, umalis na po kayo sa lugar na ito hindi po kayo ligtas. Ano'ng ibig mong sabihin? May pag-aalsa pong magaganap at kayo ang pagbibintangan na may pasimuno nito. Ngunit sino ang? Hindi ko po alam kung sino may pakana nito, Senyor. Ano'ng dapat kong gawin? Sunugin niyo po ang mga papeles. Magtungo kayo kahit saan yung hindi nila kayo masusundan. Maraming salamat, kaibigan.
[15:40]Kasiyahan balot ng alingawngaw ng takot na puno ng pangamba sa hinaharap. Crisostomo? Patawarin mo ako, mahal ko. Ito na ang huli nating pagkikita. Kailangan ko nang umalis sa lugar na ito. Huwag mong sabihin 'yan. Nasisisguro ko na mag-alinlangan ka sa akin kapag nalaman mo na. Na ano? Na ang tunay kong ama ay ang kinasusuklaman mong Padre, si Padre Damaso. Paano? Basta, lagi mong tatandaan. Ikaw lang ang iniibig ko, Crisostomo.
[16:24]Elias, saan kayo tutungo? Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong. Pagkatapos? Magpapakakatatag ka sa ibang bansa. Bakit 'di mo ko samahan? Para saan pa? Upang makabawi sa mga kasalanan ng aking mga ninuno. May paparating! Magtago ka! Iligtas mo ang iyong sarili. Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng lolo mo.
[16:55]Pagluluha sa isang pighating balita. Isang laban ng pagnanasa at tunguhing pilit pinipigilan. Hindi!
[17:07]Hindi ito maari... mahal ko... Ano'ng nangyari sa'yo, anak? Masaya na po ba kayo? Wala na siya! Ngunit si Ibarra lang ang mahal ko! Ayoko kay Alfonso! Patawarin mo ako, Iha. Kung nakialam ako sa buhay niyo ni Ibarra. Patawad, anak. Kung itutuloy niyo pa rin ang pagpapakasal sa akin kay Alfonso. Magpapakamatay ako! Patawarin mo ako, Iha. Pagmamahal at pag-asa sa kabila ng pagluha. Inay! Sino ka? Ako po si Basilio, ang anak niyo. Hindi kita kilala. Huwag kayong matakot sa akin, Inay. Basilio... Inay...
[18:02]Iho, sino kayo? Ano'ng balak mong gawin sa ina mo? Gusto ko po siyang ilibing sa sementeryo. Ngunit wala ako akong pera. Kumuha ka na lamang ng panggatong. Malapit na rin ang kamatayan ko. At sa sandaling mangyari iyon, sunugin mo ang aming mga katawan. Pagkatapos, maghukay ka at may makikita kang kayamanan. Gamitin mo ito para sa iyong kinabukasan. Naiintindihan mo ba? Opo, Ginoo. Mamatay ako'ng hindi ko masisilayan ang pagsikat ng araw ng aking bayan. Elias! Huwag po! Bakit? Paalam, Inay. Paalam, Elias. “Sa kabila ng sakit at pagdurusa, may pag-asa sa bagong umaga.” Habang nililisan ko ang bayang iniibig, pasan ko ang sugat ng mga pangarap na nawasak. Hindi man natupad ngayon, ang hustisya'y darating at muling mag-aalab ang pag-asa ng ating bayan. Noli Me Tangere.



