[0:07]Mga Tauhan, Maria Clara. Crisostomo Ibarra. Padre Damaso. Elias. Kapitan Tiago.
[0:33]At ng nakaraan. Tahimik ang bayan sa gitna ng kadiliman. Payapa silang nagsitulog upang pagsapit ng umaga ay magsipagsimba upang magtamo ng indulhensiya. Ngunit si Sisa ng gabing iyon ay gising pa. Nakatira si Sisa na ina nina Basilio at Crispin sa labas ng bayan. Ang kanyang asawa ay isang lalaking walang pakialam sa buhay, palaboy-laboy at sugarol. Nang gabing yao'y inaasahan niya ang pagdating ng mga anak. Bumili siya ng ilang isdang tuyong idaragdag sa ulam ng mga anak, namitas ng sariwang kamatis sa kanilang bakuran, nanghingi ng pindang na usa at isang hita ng patong-bundok kay Mang Tasyo. Nagsaing siya ng maputing bigas na pinag-ipunan niya para sa kanyang mga anak. Hindi inaasahan ni Sisa ang pagdating ng kanyang asawa at inubos ang mga pagkaing inilaan niya para kina Crispin at Basilio. Umalis muli ito pagkakaiin at nagbilin, ipagtira ng piso sa sasahuring kwarta ni Basilio. Muling nagsaing at inihaw ang nalalabing tatlong tuyo. Darating silang gutom na gutom sapagkat malayo ang kanilang panggagalingan. Isang asong itim na kanyang pinukol ang naghatid sa kanyang guni-guni ng malungkot na pangitain. Si Crispin ang kanyang naaalala. Walang anu-ano'y Inang, buksan mo ang pinto! Inang, pagbuksan mo ako! Kinalabutan si Sisa. Waring namamalikhata at nagising sa isang tunay na pangyayari.
[2:22]Si Basilio. Nang makita ni Sisa ang dugong umaagos sa noo ni Basilio'y halos napahiyaw si Sisa. Anak ko! Huwag kayong matakot, Inang. Si Crispin ay naiwan sa kumbento. Nagtanan ako sa kumbento, Inang. Nang kaladkarin ng sakristan mayor si Crispin, sinabayan ko ng talilis. Nagpadausdos ako sa lubid mula sa kampanaryo. Ayaw akong paalisin kung 'di ika-sampung ng gabi. Nasalubong ko pagdating sa bayan ang ilang kawal at nang sigawan ako ng quin vive, ako'y nagtatakbo. Kung ako'y pahuhuli sa kanila, malamang na ako'y paglilinisin ng kwartel at bugbugin pa. Diyos ko! Salamat at iniligtas mo siya. Ipinakiusap ni Basilio na huwag sabihin ng ina ang sanhi ng pagkasugat niya. Malungkot na isinalaysay ni Basilio sa ina na ang kapatid ay pinagbintangang nagnakaw ng ilang onsang ginto. Napaiyak ang mag-ina. Inakala niya na ito'y pang-aapi sa kanila dahil sa sila'y dukha. Pagkatapos ng sandalang pananahimik ay inalok kumain ni Sisa ang kanyang anak. Tumangging kumain si Basilio at humingi na lamang ng isang basong tubig. Alam kong ayaw mo ng tuyo. Ipinaghanda kita ng masarap na pagkain, ngunit nang dumating ang iyong ama'y inubos na lahat. Kawawa akong mga anak. Nang mabatid ni Basilio na dumating ang kanyang ama'y siniyasat ang mukha at kamay ng kanyang ina. Hindi ba mabuting tayong tatlo na lamang ang magsama-sama—kayo, si Crispin at saka ako? Isang malalim na buntong-hininga ang namulas sa mga labi ni Sisa upang hindi na lumawig ang usapan nila tungkol sa ama. Nanalangin si Basilio at nahigang kasiping ng kanyang ina. Nanaginip si Basilio na pinapalo si Crispin ng kura ng malaking yantok sa tulong ng sakristan mayor. Nang wala nang magawang paraan si Crispin upang ipagtanggol ang sarili ay sinugod ang kura. Sa gayo'y kumuha ng tungkod ang sakristan mayor at binigyan si Crispin ng isang mariing palo sa ulo na ikinalugmok nito hanggang mawalan ng malay. Umiiyak si Basilio nang gisingin ni Sisa. Ako'y nanaginip, Inang. At ano ang napanaginipan mo? Sabihin mo anak, ako'y hindi makatulog. Sinabi ni Basilio na napanaginipan niya ang isang bukirin mabulaklak, mga babae at batang may sunong na uhay ng palay at iba pang hindi niya matandaan. Ipinagtapat niya na hindi na niya ibig pang magsakristan. Bakit? Paglakas ko'y makikiusap ako kay Ginoong Crisostomo na anak ni Don Rafael na ako lamang ang magpapastol ng kanyang mga baka at kalabaw. Maaaring turuan ni Mang Tasyo si Crispin, hindi ito namumalo. Maaari tayong payagan ni Ginoong Crisostomo na makakuha ng kaunting gatas sa kanyang kalabaw. Gustung-gusto ni Crispin ang gatas. Kung aalagaan kong mabuti ang mga hayop ni Ginoong Crisostomo, marahil ay bibigyan ako ng bulo. Mangunguha ako ng mga bungangkahoy upang ipagbili, at gagawa ako ng mga silo at patibong upang makahuli ng mga ibon, musang, at hihilingin ko sa kanyang pagkatiwalaan ng isang kaputol na lupang mapagtatamnan ko ng mais o tubo. Sa gayo'y hindi kayo mananahihanggang hatinggabi. Maipadadala natin sa Maynila si Crispin upang mag-aral at ako ang tutustos sa kanyang gugugulin. Maraming balak si Basilio at sa tagal ng kanilang pag-uusap, ay muling inantok. Napaluha si Sisa dahil sa hindi man lang pagkakabanggit ng anak sa kanyang ama. Susunod. Nang makatapos magmisa si Padre Salvi, napansin ng lahat na matamlay siya at inakalang may sakit. Walang imik siyang umakyat sa kumbento. Naraanan niya ang ilang manong at manang na nangag-uunahan sa paghalik sa kanyang kamay ngunit hindi niya pinansin ang mga ito bagkus ay pinagpakitaan ng pagkayamot.



