Thumbnail for Noli Me Tangere | Kabanata 1: Isang Salusalo #nolimetangere by Animated Filipino Classics

Noli Me Tangere | Kabanata 1: Isang Salusalo #nolimetangere

Animated Filipino Classics

4m 28s483 words~3 min read
Auto-Generated

[0:36]Isang pagtitipon ang inihanda ni Don Santiago sa kanyang bahay na nasa tabi ng ilog ng Binundok at sa daang Anluwage. Siya ay kilala sa bansag na Kapitan Thiago at higit na kilala siyang maginoo at bukas ang palad sa pagtulong sa kapwa. Halos puno ng tao ang kabahayan. Magkakasama sa isang pulutong sina Padre Sibyla, Padre Damaso, isang nakapaisano at isang kawal. Kaalis ko pa lamang sa bayang San Diego, pagkatapos ng 20 taong panunungkulan. May anim na libong mamamayan doon at ang lihim ng bawat isa'y batid ko. At nang ako'y umalis, sino ang naghatid sa akin? Ilang matatandang babae at ilan ding hermano tercero, gayong 20 taong nanirahan ako roon. Wala pong kinalaman 'yan sa desestanco ng tabako. Nabigla si Padre Damaso at halos mabitan ang hawak na kopita. Ano? Hindi kayo nakaiintindi? Hindi ba ninyo nalalamang mali ang pagbabagong ginagawa ng mga ministro? Naniniwala ba kayo? Gaya ng paniwala ko sa Ebanghelyo, ang mga indiyo ay mapagpabaya. Ipagpatawad ninyo ang di ko pagsang-ayon. Ang inyong sinasabi'y pumukaw sa aking damdamin. Likas po ba sa mga taong 'yan ang pagkapabaya o 'yoy pagtatakip lamang sa pamamahala ng mga sumakop na aking narinig sa isang manlalakbay? Si G. Laruja ang magpapatunay sa inyong ang mga Indio ay mangmang at mapagwalang-bahala. Iyan ang totoo. Wala nang hihigit pa sa mga Indio sa kamangmangan at pagkawala ng utang na loob. Napagawi ang usapan ng pulutong sa paglilipat kay Padre Damaso sa ibang bayan pagkatapos makapagsilbi sa San Diego. Padre Damaso, kayo'y 20 taon sa bayan ng San Diego. Hindi ba kayo nasiyahan doon? Hindi! Kung walang kalayaan ang magkura ay mapapahamak ang bayan. Ano ang ibig ninyong sabihin? Iyan ang sanhi ng mga kapahamakan. Ang mga ereheng kaaway ng Diyos ay pinanigan ng pamahalaan. Ang tenyente'y muling nagtanong. Hinarap siya ni Padre Damaso at mariing nagsalita. Kapag ang kura'y nagpahukay ng isang bangkay ng isang erehe, kahit na ang hari'y walang karapatang makialam ni magparusa. Dapat ninyong malaman na ang Heneral ay kinatawan ng Hari. Bawiin ninyo ang inyong sinabi, kung hindi, bukas na bukas di'y malalaman iyan ng Heneral. Nagkainitan sina Padre Damaso at ang tenyente. Namagitan si Padre Sibyla sa dalawa. Siya nga'y hindi nangungumpisal, ngunit isang kasinungalingan ang sabihin siyang nagpatiwakal. Matapat siya sa kanyang tungkulin sa Diyos at sa lipunan. May kaisa-isang anak na nasa Europa kaya walang dahilan upang siya'y magpatiwakal. Nang dumating ang kura sa San Diego ay ipinabugbog ang coadjutor at ipinahukay ang bangkay upang ibaon sa ibang pook. Nang mabatid ito ng Heneral ay inilipat sa isang bayan si Padre Damaso. Pagkatapo'y lumayo ang tenyente. Unti-unting nagbalik ang katiwasayan sa bulwagan. Dumating ang ilan pang mga bagong panauhin gaya ng mag-asawang sina Dr. de Espadaña at Donya Victorina. Aba! Ang kura sa aking bayan at matalik na kaibigan ng aking ama. Hindi ka nagkamali, ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang iyong ama.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript