Thumbnail for Filipino 2 Quarter 4 Week 5 Tekstong Naratibo, Perspektibo, Simuna at Panaguri by Teacher Sel

Filipino 2 Quarter 4 Week 5 Tekstong Naratibo, Perspektibo, Simuna at Panaguri

Teacher Sel

22m 5s2,253 words~12 min read
YouTube auto captions
Transcript source

YouTube auto captions

This transcript was extracted from YouTube's auto-generated caption track. The transcript below is server-rendered so it can be read, searched, cited, and shared without opening the original YouTube player.

Timestamped outline
Pull quotes
[0:01]Naunawaan ang pinakinggan o binasang tekstong naratibo, kwentong pambata, kwentong-bayan, pabula at alamat.
[0:40]Ano ang batayang elemento ng tekstong naratibo ang tumutukoy sa mga lugar kung saan naganap ang mga pangyayari?
[0:40]Maaaring iugnay natin ang ating sariling karanasan sa ating binabasang kwento upang mas maunawaan natin ito.
[0:40]Ano ang uri ng kwento na nagpapaliwanag kung paano nagsimula ang isang bagay, lugar, o pangyayari at madalas ay may halong hiwaga?
Use this transcript
Related transcript hubs

[0:01]Magandang araw. Sama-sama tayong matuto sa Teacher Sel Learning Resource Channel. Learn in a fun way. Loading... Revised K to 12 Curriculum, Filipino 2, Quarter 4, Week 5. Naunawaan ang pinakinggan o binasang tekstong naratibo, kwentong pambata, kwentong-bayan, pabula at alamat. Sabihin ang salitang aking tinutukoy. Ano ang batayang elemento ang tumutukoy sa mga tao sa kwento? Tauhan.

[0:40]Ano ang batayang elemento ng tekstong naratibo ang tumutukoy sa mga lugar kung saan naganap ang mga pangyayari? Magbigay ng halimbawa. Tagpuan. Halimbawa: paaralan, gubat, o bahay. Sabihin kung tama o mali. Maaaring iugnay natin ang ating sariling karanasan sa ating binabasang kwento upang mas maunawaan natin ito. Tama. Ano ang uri ng kwento na nagpapaliwanag kung paano nagsimula ang isang bagay, lugar, o pangyayari at madalas ay may halong hiwaga? Alamat.

[1:21]Ano ang uri ng kwento na ang mga tauhan ay mga hayop? Pabula.

[1:28]Ito ang nagsasabi ng dahilan kung bakit nangyari ang isang bagay sa kwento. Ano ito? Sanhi.

[1:38]Ito ay tumutukoy sa katapusan ng kwento. Ano ito? Wakas.

[1:46]Ito ay tumutukoy sa problema o hamon na hinaharap ng mga tauhan sa kwento. Ano ito? Suliranin. Ito ay mensahe o leksyong nais iparating ng kwento. Ano ito? Aral o tema. Ibigay ninyo ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. Suriin ang larawan bilang clue. Kawangis ni Maria ang kanyang Ate.

[2:17]Kawangis, kamukha.

[2:22]Iniluto ng panadero ang tinapay sa pugon.

[2:28]Pugon - isang uri ng lutuan ng tinapay. Karamihan sa mga Pilipino ay kulay kayumanggi. Kayumanggi- Kulay kape; katulad ng kulay ng balat ng maraming Pilipino. Gamitin mo naman ang context clue sa pangungusap upang maibigay ang kahulugan nito. Hanguin mo na mula sa kalan ang iyong iniluluto at baka ito ay masunog. Hanguin - kunin o alisin mula sa kalan. Inihulma ni Mario ang clay o putik sa korteng isda. Inihulma - inihugis.

[3:14]Ano ang kulay ng iyong balat? Kapareho ba ito ng kulay ng nakararaming Pilipino? Bakit kayumanggi ang kulay ng mga Pilipino?

[3:29]Noong unang panahon, mag-isang namumuhay si Bathala. Malungkot si Bathala sa Kanyang pag-iisa kaya nilikha Niya ang liwanag. Pagkatapos, nilikha Niya ang langit at lupa. Ngunit hindi pa rin nasiyahan si Bathala kaya nilikha naman Niya ang araw, buwan at mga bituin. Pagkatapos nilikha Niya ang ilog, sapa, talon at dagat. Maganda na ang daigdig, ngunit wala itong buhay kaya nilagyan niya ito ng mga halaman, puno, bulaklak, ibon, paru-paro, at iba png mga hayop. Masaya niyang pinagmasdan ang kanyang mga nilikha. "Sayang kung walang mag-aalaga at maninirahan sa daigdig na ito," wika ni Bathala. Gagawa ako ng tao. Gagawin ko siyang kawangis ko. Kumuha si Bathala ng malaking bahagi ng putik, inihulma niya ito ng pakorteng tao at inilagay sa pugon upang lutuin. Nag-antay Siya ng ilang sandali. Dahil sa kasabikang makita kaagad ang taong Kanyang ginawa, kinuha agad Niya ito sa pugon. "Hay! Maputla ang kulay! Hilaw pa ito. Siguro masyadong malaki ang putik na ginawa ko kaya hindi agad naluto," sabi ni Bathala. Muling dumakot ng lupa si Bathala. Maliit ito kaysa sa una niyang ginawa. Inihugis niya ito ng korteng tao at inilagay sa pugon upang lutuin. "Lulutuin ko ito sa pugon nang matagal. Hindi ko agad hahanguin upang hindi mahilaw tulad ng unang taong aking hinulma," ang sabi ni Bathala. Binantayan ni Bathala ang pagluluto sa pugon. Dahil sa kapaguran, nakatulog si Bathala. Nagising lamang siya dahil sa amoy ng nasusunog na putik. Madali niyang hinango ito sa loob ng pugon. "Naku, nasunog! Lubhang nangitim ito dahil sa pagkasunog," wika ni Bathala. Sa ikatlong pagkakataon, muling dumakot ng putik si Bathala. Katamtaman lamang ito. Hindi malaki at hindi rin maliit. Inihugis niya ito ng korteng tao at inilagay sa pugon upang lutuin. Binantayan niya ito nang mabuti. Nang inaakala Niyang ito'y luto na ay saka Niya ito hinango. "Kay ganda! Tamang-tama ang sukat at anyo. Tamang-tama rin ang pagkakakluto nito," nasisiyahang wika ni Bathala. "Hindi sunog, hindi hilaw, kayumangging tunay." Mula sa tatlong uri ng taong ginawa ni Bathala nagsimula ang iba't ibang lahi. Ang lahing puti ay mula sa unang taong Kanyang nilikha—malalaki at mapuputi. Ang lahing itim ay mula sa pangalawa— maliliit at maiitim. Ang lahing kayumanggi na tamang sukat at kulay, ay mula sa ikatlong tao. Ang Pilipino, ay kabilang sa lahing kayumanggi. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento? Si Bathala ang pangunahing tauhan sa kwento. Bakit nalungkot si Bathala sa simula ng kwento? Nalungkot si Bathala dahil siya ay namumuhay mag-isa. Ano ang unang bagay na nilikha ni Bathala? Ang unang nilikha ni Bathala ay ang liwanag. Bakit naisip ni Bathala na gumawa ng tao? Naisip ni Bathala na gumawa ng tao upang may mag-alaga sa kanyang mga nilikha. Paano nilikha ni Bathala ang mga tao? Lumikha si Bathala ng tao ayon sa kanyang wangis. Kumuha siya ng putik at inihulma ito sa anyo ng isang tao. Pagkatapos, inilagay niya ito sa pugon upang maluto. Nasiyahan ba si Bathala sa unang taong kanyang nilikha? Bakit? Hindi nasiyahan si Bathala dahil hindi ito naluto nang tama. Hilaw pa ito nang kanyang hanguin mul sa pugon. Ano ang naging problema ni Bathala noong ginawa niya ang pangalawang tao? Ang pangalawang tao ay nasunog kung kayat naging maitim ang kulay nito.

[8:24]Ano ang ginawa ni Bathala upang hindi na siya magkamali sa paglikha ng tao sa ikatlong pagkakataon? Binantayan ni Bahala nang mabuti ang pagluluto. Ano ang pagkakaiba ng tatlong uri ng taong nilikha ni Bathala? Nagkaiba ang kuly ng mga nilikhang tao ni Bathala. Ang unang tao ay maputla dahil hilaw, ang pangalawa ay maitim dahil nasunog, at ang pangatlo ay kayumanggi dahil tama ang pagkakakluto. Anong lahi ang kinabibilangan ng mga Pilipino ayon sa kwento? Ayon sa kwento, ang mga Pilipino ay kabilang sa lahing kayumanggi. Ano-ano ang mga katangian ni Bathala na ipinakita sa kwento? Si Bathala ay matiyaga, mapanlikha, at marunong matuto sa kanyang mga pagkakamali. Kung hindi kayumanggi ang kulay ng iyong balat, nangangahulugan ba na hindi ka kabilang sa lahing kayumanggi? Bakit? Hindi nangangahulugang hindi ka kabilang sa lahing kayumanggi, dahil ang pagiging Pilipino ay nakabatay sa kultura, lahi, at pagkakakilanlan, hindi lamang sa kulay ng balat. Ano ang kulay ng iyong balat? Kung ikaw ay papipiliin, nanaisin mo bang mapalitan ang kulay ng iyong balat? Ang mga taong may maitim na balat ay kadalasang tinutukso o kinukutya. Paano natin sila dapat tratuhin? Basahin ang ilang parte ng kwento. Ako si Bathala. Sa simula, mag-isa akong namuhay. Naging malungkot ako sa aking pag-iisa kung kayat nilikha ko ang liwanag. Nilikha ko rin ang langit at lupa ngunit hindi pa rin ako naging masaya kaya nilikha ko naman ang araw, buwan at mga bituin. Pagkatapos nilikha ko ang ilog, sapa at dagat. Maganda na ang daigdig, pero wala itong buhay kaya nilagyan ko ito ng mga halaman, puno, mga bulaklak, ibon at iba pang mga hayop. Masaya kong pinagmasdan ang aking mga nilikha. Noong unang panahon, mag-isang namumuhay si Bathala. Malungkot si Bathala sa Kanyang pag-iisa kaya nilikha Niya ang liwanag. Pagkatapos, nilikha Niya ang langit at lupa. Ngunit hindi pa rin nasiyahan si Bathala kaya nilikha naman Niya ang araw, buwan at mga bituin. Pagkatapos nilikha Niya ang ilog, sapa, talon at dagat. Maganda na ang daigdig, pero walang buhay kaya nilagyan niya ito ng mga halaman, puno, bulaklak, ibon, paru-paro, at iba png mga hayop. Masaya niyang pinagmasdan ang kanyang mga nilikha. Sino ang nagsasalaysay sa Kuwento A? Sino ang nagsasalaysay sa Kuwento B? Ang kwento ay isinaalaysay gamit ang tatlong perspektibo o pananaw.

[12:00]Ang tatlong perspektibo ng nagsasalaysay ay tumutukoy sa mga paraan kung paano inilalahad ng isang tagapagsalaysay ang kwento mula sa iba't ibang pananaw.

[12:15]Unang panauhan. Ang tagapagsalaysay ay isang tauhan sa kwento at gumagamit ng mga salitang ako, ko, at akin. Halimbawa: Naging malungkot ako sa aking pag-iisa. Lumikha ako ng mga puno, halaman at mga bulaklak. Ikalawang Panauhan. Ang ikalawang panauhang pagsasalaysay ay bihirang ginagamit sa pagkukwento. Ang mga aksyon ay ginagabayan ng isang tauhang itinataga sa mambabasa, na tinutukoy bilang "ikaw." Sa ganitong uri ng pagsasalaysay, ang mambabasa ay nagiging bahagi ng kwento bilang tauhan. Sa pagsasalaysay ng kwento ang salitang "ikaw," "mo," o "ka" ang ginagamit.

[13:06]Halimbawa: Ikaw ay lumikha ng mga araw, buwan at mga bituin. Ngunit hindi ka pa rin nasiyahan sa iyong mga nilikha. Nililkha mo ang lahing kayumanggi kung saan ka kabilang. Ikatlong panauhan. Sa ikatlong panauhan, ang tagapagsalaysay ay hindi bahagi ng kwento. Ginagamitan ito ng mga salitang "siya," "nila," o pangalan ng tauhan. Ito ang madalas na gamitin sa pagsasalaysay ng kwento. Halimbawa: Lumikha si Bathala ng mga ilog, sapa, mga halaman at bulaklak. Siya ay nasiyahan sa mga bagay na kanyang nilikha. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa tamang ayos. Isulat ang 1-5 sa patlang. Nasiyahan si Bathala sa anyo at kulay ng ikatlong taong kayang nilikha. Malungkot pa rin si Bathala kahit makulay na ang kanyang nalikhang daigdig. Nasunog ang putik na kanyang iniluluto. Mag-isang namumuhay si Bathala. Kumuha si Bathala ng malaking tipak ng putik at inihugis niya ito ng korteng tao at inilagay sa pugon upang lutuin. Narito ang mga tamang kasagutan.

[14:30]Pagtatalim ng Kaalaman. Basahin ang mga sumusunod na bahagi ng mga kwentong tinalakay iyong nabasa o napakinggan. Tukuyin ang nagsasalaysay sa bawat kwento. Isulat sa patlang ang 1 kung ito ay unang panauhan, 2 kung ito ay ikalawang panauhan, o 3 kung ito ay ikatlong panauhan. Tinawag ko si Pinang ngunit hindi siya sumasagot. Ilang araw ko na ring hindi nakikita ang aking anak na si Pinang. 1

[15:03]Ikaw ay isang makapangyarihang Hari. Tinipon mo mga taong iyong nasasakupan. Sinabi mo na maghanda sila para sa darating na bagyo. 2

[15:18]Nagtatalo si Kabayo at si Kalabaw. Ayaw kasi ni Kabayo na tulungan si Kalabaw sa pagpasan ng mga gamit ng kanilang amo. 3 Habang masayang kumakanta at sumasayaw si Tipaklong ay abala naman sa pag-iimbak ng mga pagkain si Langgam para sa darating na tag-lamig. 3

[15:44]Nagkasundo sina Matsing at Pagong, Kinuha ni Matsing ang taas na bahagi ng puno ng saging. Kinuha naman ni Pagong ang ibabang bahagi nito at kanya itong itinanim. 3

[15:59]Ang kulay ng balat ng mga tao ay isa lamang sa mga pagkakakilanlan sa isang lahi. Ano man ang kulay ng iyong balat, maputi, kayumanggi o maitim man ay hindi mo ito dapat ikahiya. Sabihin mo kung ano ang kulay ng iyong balat. Ibahagi mo kung bakit mo ito dapat ipagmalaki. Isulat ang T sa patlang kung tama ang pangungusap at M kung mali. Sa unang panauhan, ang tagapagsalaysay ay isang tauhan sa kwento. T Ang mambabasa ay bahagi ng kwento kung ito ay isinasalaysay sa ikalawang panauhan.

[16:44]T

[16:47]Ang mga salitang ikaw at ka ay ginagamit sa ikalawang panauhan. T

[16:56]Gumagamit ng mga salitang ako, ko, at akin sa unang panauhan. T

[17:04]Sa ikatlong panauhan, ang tagapagsalaysay ay hindi bahagi ng kwento. T

[17:14]Tukuyin ang nagsasalaysay sa bahagi ng bawat kwento. Isulat ang UP kung ito ay unang panauhan, IK kung ikalawang panauhan, o IP kung ikatlong panauhan. Ako ay masayang aawit at sasayaw sa bukid. Yayayayin ko si Kaibigang Langgam na makisaya sa akin. UP

[17:38]Dahil sa pagod sa paglipad ay naghanap ng maiinom ang uwak. Nakakita siya ng isang pitsel n may tubig. IP

[17:52]Gabi na at madilim na ang paligid. Binilisan ko ng aking paglakad nang bigla na lamang may tumalon sa aking daraanan. Pusa lamang pala. UP

[18:07]Isa kang matapang na bata, David. Natalo mo ang higanteng si Goliath. IK

[18:17]Muling nagkaroon ng kulay ang nayon. Naging masaya at masigla ang mga mamamayan nakatira doon. IP Para sa ikalawang araw.

[18:33]Basahin ulit ang kwentong "Bakit Kayumanggi ang kulay ng balat ng Pilipino" Pangkatin ang klase sa apat. Ayusin ang mga pangkat ng titik upang makabuo ng salita. Ang mga salita ay may kinalaman sa pangungusap. Tandaan na may isang titik ang isinama bilang "panglito."

[18:53]Unang pangkat. SIMUNO

[19:00]Ikalawang pangkat. PANAGURI

[19:07]Ikatlong pangkat. PAYAK

[19:14]Ikaapat na pangkat. PASALAYSAY Basahin ang pangungusap. Ang mga tao ay nilikha ni Bathala. Ano ang pinag-uusapan sa pangungusap? Ang mga tao. Ano ang tawag sa bahagi ng pangungusap ang pinag-uusapan? Ang simuno ay bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan. Ito ay maaaring pangalan o panghalip. Ano ang sinasabi tungkol sa mga tao? nilikha ni Bathala.

[19:53]Ano ang bahagi ng pangungusap ang nagsasabi tungkol sa simuno? Ang panaguri ay bahagi ng pangungusap na nagpapahayag o nagsasabi tungkol sa simuno. Kung ito ay nasa hulihan ng pangungusap ito ay pinangunahan ng salitang ay. May dalawang ayos ang pangungusap: Karaniwan at Di-karaniwan. Basahin ang pangungusap. Namumuhay na mag-isa si Bathala. Ano ang simuno sa pangungusap? Ang simuno ay si Bathala. Ano ang panaguri sa pangungusap? Ang panaguri ay namumuhay na mag-isa. Ano ang nauuna sa pangungusap? Simuno o panaguri? Panaguri ang nauuna sa pangungusap. Ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos kapag nauuna ang panaguri kaysa sa simuno. Tinatawag itong karaniwang ayos sapagkat ito ang ayos ng pangungusap na karaniwan nating ginagamit kung tayo ay nakikipag-usap. Panuto: Sumulat kayo ng isang pangungusap tungkol sa inyong kapaligiran gamit ang karaniwang ayos ng pangungusap. Isulat ninyo ito sa strip of paper. Basahin ang pangungusap. Ang araw ay nilikha ni Bathala. Ano ang simuno sa pangungusap? Ang simuno ay ang araw. Ano ang panaguri sa pangungusap? Ang panaguri ay nilikha ni Bathala. Ano ang nauuna sa pangungusap? Simuno o panaguri? Simuno ang nauuna sa pangungusap. Ang pangungusap ay nasa di-karaniwang ayos kung nauuna ang simuno at sinusundan ng panaguri. Ang panaguri sa ayos na ito ay pinangungunahan ng panandang ay. Panuto: Sumulat ng dalawang payak na pangungusap na nagsasalaysay ukol sa mga sumusunod na paksa. Isulat ang mga ito sa parang kabit-kabit.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript