[0:00]Ito na ang pitong kasabihan na nagpapahirap sa ating mga Pilipino. Kaya mga Pilipino napakahilig natin maniwala sa mga sabi-sabi. O mga kasabihan na nakagis na natin sa mga magulang natin, sa mga lolo't lola natin at mga ninuno natin. Kaya naman ngayon, gusto kong i-discuss sa inyo ito para naman malinawan tayo kung ano nga ba talaga ang epekto ng mga kasabihan sa buhay natin.
[0:28]Alam mo ba malaki ang epekto ng kasabihan o mga sabi-sabi na pinaniniwalaan natin. Kasi napo-program ang isip natin sa mga beliefs na ito na kung saan ito ang naglilimita sa atin sa mga resultang gusto nating makuha sa buhay natin. Kaya naman gusto kong maintindihan ninyo mga boss, para magkaroon kayo ng ibang pag-unawa dito sa pitong kasabihan na patuloy na nagpapahirap sa ating mga Pilipino. Una kasabihan, dapat matuto ka raw mamaluktot kapagka maiksi ang kumot. Ito ay ang kasabihan na kung saan dapat papagkasayahin natin yung kinikita natin doon sa lifestyle na meron tayo. Nagwo-work ito sa ibang tao, pero as business owner, alam mo ba pupwede naman natin palawakin yung oportunidad na kinalalagyan natin. Pupwede kang kumuha ng mas magandang trabaho, mas magandang oportunidad, mas malaking kita. Pwede nating piliin sa buhay natin 'yan. Ang importante alam mo yung worth mo as a person. Minsan nade-devalue ka sa isang oportunidad na kinalalagyan mo. Hindi ka na masaya, ang liit pa ng kinikita mo. Kaya wag kang masanay sa dapat lagi kang namamaluktot, humanap ka ng mas malaki para naman sa ganun mas maging komportable ang buhay mo. Number two, sabi ng marami money can't buy happiness. Well, unfortunately, it doesn't work. Meron tayong limang aspeto ng buhay na kailangan nating balansehin upang maging maligaya at masaya ang buhay natin. Unang-una, spiritual na aspeto ng buhay, dapat dito naka-center at naka-focus ang buhay natin. Dahil ito ang magbibigay sa atin ng direksyon sa gusto nating tahakin sa buhay natin, mga pangarap na gusto nating abutin at masaya at maginhawang pamilya, may fulfillment kapagka inuna natin yung spiritual na aspeto ng buhay natin. Pangalawang aspeto ng buhay na dapat nating pokusan is yung tinatawag na relationship. Relasyon mo sa magulang mo, sa anak mo, sa asawa mo, sa mga kaibigan mo, dapat pinagtutuunan din natin ang pansin niyan. Kasi anong magagawa ng dami ng pera kung hindi naman masaya ang pamilya. Pangatlong aspeto ng buhay na dapat nating pokusan is yung tinatawag natin na mental aspect of life. Kailangan may growth, kailangan may development, kailangan may excitement pa rin ang buhay. And number four is yung physical aspect of life. Ibig sabihin, kahit anong dami ng pera mo kung hindi ka naman healthy, at kung alam mong terminal na ang buhay mo, magiging masaya ka kaya? So ibig sabihin nito, pagtuonan din natin ang pansin niyan. And finally, financial aspect of life. Ibig sabihin, kahit healthy ka, buo ang pamilya mo, sa palagay mo may growth and development ka sa career mo. Okay naman ang relasyon mo sa Diyos, pero maniwala ka sa akin, kung lagi kang kulang, laging kapos, hindi rin magiging masaya ang buhay mo. Ang pera ang isa sa bumubuo at parte ng buhay natin sa mundong ito. Number three, 'di baling mahirap basta't masaya ang pamilya. Ito kasi yung mga nagiging reasoning ng maraming tao kapagka hindi sila nakakakuha ng financial success sa buhay nila. Napupunta na lang sila doon sa masaya naman kami, okay naman. Pero sa totoo lang, hindi sila okay dahil kapagka merong emergency sa pamilya. Halimbawa may magkakasakit, may kailangan papag-aralin, may mga kailangan gastusin sa pamilya tapos laging kulang, laging kapos. Naku po, for sure, 'tsaka nila naiisip na importante pala yung pera. Kaya piliin natin na umasenso, piliin natin na maging financially free tayo sa buhay natin. Number four, kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Hindi ibig sabihin na kung pinanganak ka ng mahirap, mamamatay kang mahirap. Kung sino ang magulang mo, yun ka rin. Hindi, meron kayo laging pagkakaiba. Kailangan mo i-improve ang sarili mo. Ano yan? Personal growth, professional growth. Makisama ka sa mga taong may pangarap sa buhay. Umatend ka sa mga seminar na makakatulong sayo para lalo pang lumawak ang kaalaman mo sa mundo. Manood ka ng mga videos na makakatulong sayo para ma-inspire ka para hindi ka malubog doon sa lumang pagkataong meron ka. Kasi ako naniniwala na lahat ng tao ay mayroong pagkakaiba. Hindi komo mahirap kayo, magiging mahirap kayo habang buhay. Kinikilusan at ginagalawan niyan, inaaksyon niyan. Tayo pa rin ang pumipili ng daan kung saan natin gustong dalhin ang buhay natin. Number five, mag-aral ka daw ng mabuti para makakuha ka ng magandang trabaho. Totoo yan. Pero may mas maganda sanang kasabihan. Mag-aral ka ng mabuti at balang araw magtayo ka ng sarili mong negosyo. Yung mag-aral ka ng mabuti para makakuha ka ng magandang trabaho, it's a mindset nating mga Pilipino. Kasi nasakop tayo for more than 300 years na mga Spaniards. And na-inculcate sa atin na dapat tayo maging slaves. Ang tawag diyan is mind conditioning na kailangan magtrabaho tayo, kailangan maging alipin tayo para kumita tayo ng pera. Lagi dapat nasa option natin yung marunong tayong gumawa ng oportunidad sa sarili natin, negosyo, hanap buhay o kung ano man. Dahil pupwede ka talagang maging boss. Hindi ka lang empleyado habang buhay. Number six, ang negosyo daw ay para lang sa may pera. Nagiging reasoning at justification lang ito ng marami, kasi maraming oportunidad na hindi mo naman talaga kailangan ng puhunan. Pagka kayo ng idea, yung affiliate marketing na ikaw ay makikibenta doon sa binebenta ng kaibigan mo sa social media. Hindi mo nga kailangan ng inventory. Mag-content ka lang. Pwede kang makabenta at pwede kang mamorsyento. Pangalawang oportunidad na pupwede mong umpisahan kahit wala kang puhunan. Mag-video-video ka sa bahay, mag-content creator ka, gumawa ka ng something na interesting sa mga viewers. Sa ganitong pamamaraan, kumikita ka kahit wala kang puhunan. So hindi totoo na pang mayaman lang ang negosyo. Number seven, kung gaano kataas ang lipad, ganun din daw ang lagapak. Kung pwede ka namang lumipad ng lumipad ng hindi mo kailangan lumagapak. May mga panahon na madad-down ka, but it doesn't mean na lagapak ka. Sabi nila, the best teacher is experience. Pero merong mas magandang teacher diyan. The experience of other people is your best teacher. Kasi hindi mo na kailangan lumagapak, hindi mo na kailangan bumagsak, hindi mo na kailangan mabaon kasi matututo ka rito. At the end of the day, kung nag-umpisa ka at meron ka kaagad expectation na lalagapak ka, hindi ka talaga makakausad sa buhay. You really have to think positively and you have to move forward in life na kailangan isipin mo lagi kung paano ka magtatagumpay sa buhay. Yung mga lumilipad ng mas mataas, sila 'yung nakakarating doon sa tuktok. Sila 'yung nakakakuha ng mga pangarap nila sa buhay nila. Ang oras nila napupunta doon sa mas mataas na lipad na kung saan nandoon 'yung mga pangarap nila. Itong pitong kasabihan na 'to na diniscuss natin, mga boss, ay isang paalala lang na hindi tayo dapat naniniwala sa kung ano man ang sinasabi sa atin at kung ano man ang sabi-sabi. Tayo pa rin ang may hawak ng sarili nating buhay. Nasa sa'yo, nasa sa kamay mo kung saan mo dadalhin ang gulong ng palad. Kaya ang tanong ko sa'yo, anong mga kasabihan ang gusto mo ngayon sabihin sa sarili mo para tuloy-tuloy ka ng maging successful sa buhay mo? Gumawa ka ng sarili mong kasabihan at i-comment mo 'yan sa comment section at babasahin ko 'yan isa-isa para naman sa ganun, marami tayong mga bagong kasabihan na kung saan ito ang makakatulong sa mas maraming tao upang magtagumpay pa sila sa kanilang buhay. Kung meron kayong gustong i-content mga boss, i-comment niyo lang sa ating comment section at i-try natin i-content. Muli, maraming maraming salamat and God bless inyong lahat.



