[0:22]Ano po 'yung kaso na nahawakan niyo na na-involve po 'yung isang bata? Ito po yung bata na laging pumapasok sa mga loob ng bahay, sa mga gate, kasi kumukuha sila ng mga plastic sa loob para sila po ay may maibenta doon sa kanilang pagkain para sa kanilang food intake. Paano niyo po nalaman 'yung ganitong mga kaso ng mga bata? Ah nung pang Barangay Nutrition Scholar ako, 'yun na ang aking nasaksihan sa kanila hanggang sa naging kagawad ako kasi ako na ngayon 'yung chairman ng Women and Family and Children. Kaya sa akin po ini-report po 'yung mga pangyayari 'pag sila po ay nahuhuli, sa akin itinatatawag ng MSWD ng ating munisipyo. Opo. Ano po 'yung karaniwang report na nakukuha niyo po na involved po 'yung mga bata? Ayun nga, pumasok sila sa mga compound, sa mga gate, tumatalon sila, kumukuha ng mga kung ano 'yung mga maibebenta nila as such as bakal, 'yung mga plastics na madaling ibenta. Opo, tapos ini-report po sa inyo bilang kayo nga po 'yung kagawad. Opo. Tapos pagkatapos niyo pong mai-report sa inyo, ano po 'yung karaniwan ninyong ginagawa? Kinukuha namin sila, tapos pinatatawag 'yung mga magulang, sinasabi namin 'yung kanilang mga ginawa at sila po ay hinihimok namin sila na kung hindi na nila kaya 'yung pangangalaga, may mga shelter house naman na pwedeng mangalaga sa kanila. Habang sila po ay talagang hindi na makontrol ng mga magulang ay ini-refer namin sila sa mga shelter house sa pamamagitan ng MSWD din ng ating pong LGU. Ah saan po ito nadalang shelter? Sa Pila. Sa Pila. Opo. Tapos sa tulong po ito ng ating social worker sa sa Los Baños. Opo, sa munisipyo po. May alam po ba kayo kung ano po 'yung mga ginawang tulong sa kanila o serbisyo para sa sana ay magkaroon ng pagbabago 'yung mga bata? Doon sa doon sa kanilang sa shelter house, nag-aaral din sila, tapos 'yung kung ano 'yung usually na ginagawa ng bata na nag-aaral, naglalaro 'yun po ang tinuturo. Tapos 'yung siguro mga disciplinary ano din nila. Natuto 'yung bata, naging mabait, naging masunurin sa mga nagtuturo sa kanila. Kaya six months, full out na 'yung bata, ibinalik sa magulang, kasi nakitaan ng pagbabago, pero after that one month, pinapasok namin sa school, binigyan ng barangay ng gamit, notebook sa pamamagitan ng aming barangay captain. After two months, bumalik na naman sa pangunguna ng mga plastics, mga basura. Pag-usapan po natin 'yung isang bata, particular na bata na si Makoy. Ik-kwento niyo naman po 'yung buhay niya noong panahon na na-observe niyo siya at na-report siya sa inyo. Okay. Ito si Makoy kasi bata pa nung grade five siya, umalis 'yung ama na hindi nagpaalam na siya daw po ay magtatrabaho sa Bacolod, magtatabas ng tubo. Pagkatapos no'n ilang buwan, ilang taon hindi naman na bumalik 'yung kanilang 'yung kanyang tatay. So ang nangyari itong batang ito ay hindi na siya nag-aaral kasi nagkaroon siya ng step father na sa akala niya hindi naman din siya mahal. Kaya ang nagiging kaso no'n siya ay hindi na pumipirme sa bahay. Siya'y umuuwi na laang paggabi. Tapos po ito po 'yung isa sa mga kasong binabanggit niyo na nadulog din po sa ating Social Welfare Office sa munisipyo. Nadala rin po ba siya doon sa shelter? Ay hindi kasi ayaw ayaw ng kanyang mga magulang na dalhin doon. Marami silang ginawang dahilan kahit nung pakiusap namin sa kanya, sa nanay niya, pero marami siyang ginawang dahilan kasi ayaw talaga nila mapapunta sa shelter 'yung anak nila. Opo, kung hindi po sila napapunta sa shelter, ano po kaya 'yung mga alam niyong naibigay na tulong ninyo o ng ating mga munisipyo para matulungan naman po 'yung bata at 'yung pamilya po ni. So ang ginagawa, ang ginawa nung aming kapitan, hinimok na mag-aral, binigyan sila ng gamit, bag, notebooks, para ho siya ay muna mag-aral.
[5:07]Na pumasok, grade grade five, tinuloy niya 'yung grade five niya, hindi pa rin, hindi after two months, um hindi na rin siya, nag-full out na rin siya. Ano po sa tingin niyo kaya 'yung dahilan kung bakit hindi niya na pinapagpatuloy 'yung pag-aaral, bagaman nagkaroon naman po ng Ah, dahil kasi 'yung eskwelahan talagang 'yun ay para lang 'yung eskwelahan na 'yun ay magkaka magkakapitbahay 'yung naandoon. Kaya siguro na-ano siya na siya 'yung pinakamalaki, siya na matagal na siyang grade five, na-ano siya na na-insecure siya sa kanyang mga eskwela. Tinutukso ko din kasi, may bullying din kasi na nangyayari. Opo. Kumusta naman po 'yung tulong o serbisyong naibigay ng kunyari po ng inyong barangay o ng munisipyo patungkol naman po doon sa pamilya? Ah, kasi sila po ay kabilang sa 4Ps, kabilang din sila sa PhilHealth. Lahat po ng serbisyo ng ng LGU, ng ating munisipyo priority po itong mag-anak na 'to since. Opo. Ibig sabihin po indigent sila. Opo, pati sa feeding, 'yung feeding, sila lahat 'Pag may mga may mga NGO na pumupunta, sila po 'yung aming inuuna itong pamilyang ito. Opo. 'Yun pong kayang particular doon po sa kaso ni Makoy, may alam po kaya kayo na naging tulong o kunyari counseling o kaya ay mga value formation session sa mga magulang lalo na? Opo. Pinatawag ng MSWD 'yung nanay at saka 'yung batang ito ay kinausap naman sila three times na nakausap sila. Opo. So pumupunta naman po sila? Opo, pumupunta. Kaya lately, na-aware na 'yung magulang kasi binigyan na ng ultimatum ng ating MSWD officer na pag hindi pa nila gagawin po 'yung kanilang 'yung 'yung bilang magulang dito sa bata ay binigyan lang siguro sila ng hindi naman pananakot siguro 'yung sila po ay binalaan lang 'yung kanilang responsibilidad bilang magulang na dapat nilang gampanan. Sa tingin niyo po kaya ay may nagbago mula noong nagkaroon nga po ng sinabi niyong parang kaunting banta o warning patungkol po sa pagiging magulang? Na-stop, na-stop 'yung bata na ni-report kasi talagang after one week talagang laging ni-report, laging pinupuntahan namin. Pero lately na-after mula nung January wala na kaming ano, wala wala ng report sa amin. So sa tingin niyo po, may mga pagbabagong naganap po talaga kay Makoy pagkatapos nung mahabang panahon na nabanggit niyo po ni-report dahil rin po sa tulong ng mga binigay na serbisyo. Meron namang pagbabago na isang araw daw, dala-dala niya bigas, dinala sa kanila, at saka sabi nung lola nagbigay ng 250.
[8:12]Siguro ito'y naibigay siguro nung pinagtatrabahuan niya. At saka isa pa, 'yung katabi daw na katabing bakery inuutusan din siyang bumibili ng mga gamit para sa paggawa ng tinapay. Ayun binibigyan din siya ng tinapay pag-uwi. So ngayon po nagtatrabaho na po si Makoy? Opo. Opo. Tapos wala na rin po kayong ibang naririnig sa kanya? Wala po, wala na po. Ano po kaya 'yung mga ilang mga naiisip niyo kayang rekomendasyon na sa tingin niyo'y makakatulong doon sa mga katulad ng mga batang itong binabanggit niyo? Opo. Mga ilang mga activities po ba sa barangay na maaari niyo pong gawin? Ang una kong naiisip po 'yung moral recovery. 'Yung moral recovery, 'yung values na mga bata na kasi ang present lang sa youth camp, leadership, theater, health at saka disaster. Sabi ko, kulang. Kailangan talaga 'yung moral reformation ng mga bata. Maliban po sa moral ano, ano po kaya mga tipong mag-organize sila ng mga organisasyon, mga bata? 'Yun po 'yung naiisip ko kagabi kasi hindi ako mapakali dahil nakita ko po sa kin-ausap ko 'yung ibang bata na maganda ang buhay, walang problema sa pamilya. Sabi ko kung sila ay lumapit sa inyo, huwag n'yo silang itataboy. At sabi ko din kasi lagi 'yung dalawang batang ito doon sa amin. Doon sa anak ko doon sa amin, naglalaro doon. Kaya sabi ko, kakausapin ko din 'yung 'yung aking anak doon na pag dumating sila doon ay hindi nila itataboy. Opo. Pinag-uusapan po natin kung paano natin pangangalagaan 'yung mga bata sa ating barangay. Sa tingin niyo po, ang pagpo-proteksyon sa bata, kanino po dapat 'yun nagmumula? Sa magulang. Sa magulang. Tas ano po kaya makakatulong para sa tingin niyo po para sa mga magulang na magawa po 'yun? Siguro kailangan nilang ma-counsel, makausap ang isa't isa sa kanila. Para magawa po 'yun. Para magawa ng kanilang tungkulin bilang magulang. Kasi nagkulang doon nangyayari, kulang sila sa communication, kulang sa ano, 'pag may problema siguro umiiwas na lang. Pero naapektuhan 'yung mga bata. Sa tingin niyo po kaya 'yung kaso po ni Makoy 'yun po ay isang halimbawa ng 'yun nga po na medyo may kaunting naging pagkukulang ang pamilya lalo na po. Mostly, opo, may pagkukulang. Kaya po siguro sa tingin niyo kaya kapag binigyan talaga ng mas marami pang programa para sa mga magulang at pamilya ay maiiwasan po 'yun. Opo. Ah, ano po naiisip niyo sa magiging buhay naman ni Makoy? Balik po tayo kay Makoy. Ah na magiging isang sabi niyo po 18 taon po lang na siya. Malapit na siguro siyang magka-pamilya kung gugustuhin niya. Ano po kaya 'yung naiisip niyong mga magiging buhay niya bilang nagkaroon ng ganitong karanasan nung siya ay bata-bata pa? Siguro kailangan niya ng payo, payuhan siya. 'Yun lang ang magagawa muna sa kanya pang samantala 'yung payo. Pero kung pwede siyang ibalik sa eskwelahan kailangan siyang ibalik sa eskwelahan.



