Thumbnail for THE GREATEST FATHER (Tagalog Father's Day Sermon) | Pastor Ellezer Gungon by The Filipino United Methodist Church of Bologna

THE GREATEST FATHER (Tagalog Father's Day Sermon) | Pastor Ellezer Gungon

The Filipino United Methodist Church of Bologna

21m 58s2,637 words~14 min read
AI audio transcription
Transcript source

AI audio transcription

This transcript was generated from the video's audio because no usable YouTube caption track was available. The transcript below is server-rendered so it can be read, searched, cited, and shared without opening the original YouTube player.

Timestamped outline
Pull quotes
[0:01]At magandang hapon din po kung meron man nanonood sa atin ngayon sa Pilipinas, magandang hapon po sa ating mga kapatiran.
[0:01]At ang money siyempre 'pag Father's Day ang maririnig din nating mensahe ay patungkol siyempre sa mga nanay.
[0:01]Tunay nga po na kami'y nagpapasalamat sa panibagong buhay na ibinigay niyo sa bawat isa sa amin.
[0:01]Salamat po, Panginoon, sa lahat ng pagpapala na patuloy niyong ibinibigay sa amin.
Use this transcript
Related transcript hubs

[0:01]Aleluya. Una tayo ng komportable. At na lang ng distance 'no. Okay, so Isang napakagandang umaga sa ating lahat. batiin niyo ha 'yung mga katabi niyo. Good morning. Good morning. Good morning, no. At magandang hapon din po kung meron man nanonood sa atin ngayon sa Pilipinas, magandang hapon po sa ating mga kapatiran. Nakita ko sa FB hindi daw tuloy ang Father's Day. hindi tuloy kasi 'yung mga father ay mother na 'no? Dahil diyan sa face up 'no? Lahat ng lalaki nagpo-post, eh. Nagpo-post ng babae na sila 'no? Kaya sabi ko hindi siguro tuloy ang Father's Day ngayon. Pero ngayon, eh. Oo. 'Yung mga nanay daw naging tatay na. So, ngayong umagang ito, sine-celebrate natin ang Happy Father's Day. So Happy Father's Day po sa ating lahat mga kapatid. At ang money siyempre 'pag Father's Day ang maririnig din nating mensahe ay patungkol siyempre sa mga nanay. Hindi. Sa mga fathers 'no. So mga kapatid, tayo ay yumuko at tayo ay manalangin. Aming Diyos, aming Amang Makapangyarihan sa lahat. Tunay nga po na kami'y nagpapasalamat sa panibagong buhay na ibinigay niyo sa bawat isa sa amin. Salamat po, Panginoon, sa lahat ng pagpapala na patuloy niyong ibinibigay sa amin. At patawarin niyo kami, Panginoon, sa mga nagagawa naming pagkasala. At Panginoon humihingi kami na patuloy niyo kaming pakalinisin. At linisin niyo po ang aming mga puso, ang aming mga isip upang patuloy naming maunawaan, Panginoon, ang mga naisin niyo sa amin. Maunawaan namin, Panginoon, ang inyong mensahe sa umagang ito. At marami ring salamat, Panginoon, sa aming mga tatay. Ito po ang aming samo't panalangin sa pangalan ng inyong anak na si Hesus na aming tagapagligtas. Amen. Amen. So, open your Bibles on Deuteronomy, chapter 1, verses 29 to 31. Ito po 'yung magiging outline natin 'no? Magiging reference text natin, Deuteronomy, Chapter 1, verses 29 to 31. Pero bago po ito, gusto ko pong bigyan ng ah, background itong ating ah, text 'no? Ano ba itong Deuteronomy na ito 'no? At nasaan bahagi ba tayo ng Biblia 'no? Mainam kasi sa bawat teksto sa bawat pag-aaral alam natin kung nasaan part tayo. Mga kapatid ang Deuteronomy ay ang ibig sabihin nito ay the second giving of the law 'no? 'Yung pangalawang pagbibigay ng kautusan 'no? Kaya nga 'yung salitang ah, Dio, Deuteronomy 'no sa sa Italyano 'di ba? Due 'di ba? Sa Espanyol, Dos. Parang pareho rin 'di ba? No? Ikawa 'no? Dalawa 'no? Second 'no? So dito mga kapatid, ito ay isinulat din ni Moises. Si Moises ang author ng Deuteronomy. So ito 'yung maririnig natin kung familiar kayo doon sa tinatawag na Pentateuch 'yung five books 'no? Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, Deuteronomy. 'Yan 'yun 'no? 'Yan 'yung Torah 'no? 'Yan 'yung unang aklat ng ng mga Hebrews 'no? Ng mga Hebrew. So sila, mga kapatid, ay ah, dito sa pagkakataong ito ay ah, nandoon sila sa pangalawa na 'no? Bakit pangalawa? Sasabihin natin, "Pastor, bakit pangalawa?" Kasi kung maaalala niyo sa Exodus chapter 20, ibinigay ng Diyos 'yung unang kautusan 'di ba? Dun ibinigay 'yung 10 Commandments. At dito sa Deuteronomy, dito ibinigay uli ni Moises 'yung mga kautusan. Bakit? Kasi kung maaalala niyo, nung ah, ibinigay ng Diyos 'yung lupang pangako, nagpadala sila ng mga spy.

[5:08]Alam niyo 'yun? Nagpadala sila ng spy 'di ba, 'yung mga tiktik? Tapos dito sa 'yung mga spy na 'to, dalawa lang ang nagsabi ng maganda 'yung minority report nila. Dalawa lang 'yung nagsabi na ah, kaya natin silang talunin na maganda 'yung lugar, ay ibibigay sa atin ng Diyos 'yan. Pero, mga kapatid, ang the rest ng mga spy, sabi nila, "Ay mga higanteng mga tao do'n. Hindi natin sila kayang sakupin." So do'n ah, nagalit ang Diyos at pinarusahan sila. Sinasabi nila, "Napakahina ng ano ng pananampalataya niyo. Wala na lahat ginawa ko para sa inyo." Tapos, ito, hindi kayo naniniwala na kaya kong ibigay sa inyo 'tong lupang pangako 'to. So to cut short, 'yung minority report nung dalawa, ni Joshua at ni Caleb. So sila lang 'yung natira sa generation. At itong si Moses. At kung namatay ng lahat, kailangan ulitin. Nage-gets niyo 'yung punto natin? Kailangan ulitin ni Moses 'yung lahat nung alam nung dati para sa bagong generation. So ito ang ibig sabihin niyan, ito 'yung punto do'n sa Deuteronomy na ito. Kaya sinabing second giving of the law. So, mga kapatid, dito rin natin makikita 'yung mga huling habilin, 'yung mga huling mga utos. At dito rin namatay 'no? Sa Chapter 34, dito rin po namatay na si Moises 'no? Kaya gusto ko 'yun na ibahagi sa inyo. At 'yung kanina sabi natin, dito pinapaalala ni Moises 'yung lahat ng ginawa ng Diyos sa bayan ng Israel. At dito po papasok 'yung ating mensahe ngayon na sa kabila ng lahat ng ginawa ng Israel, in spite of all their unbelief 'no, lack of faith, ay patuloy pa rin silang inangat. Ingatan sila ng Diyos at nakita natin dito 'yung kadakilaan ng Diyos bilang isang ama. So, the title of our message is the greatest father. The greatest father. So, Pastor, ano ba ang criteria para mo masabing great ang isang father 'no? Para mo masabing dakila ang isang father 'no, ang isang tatay. Una, ito 'yung ating ah, magiging outline. Una, meron tayong tatlong P 'no? A great father is a protector. Pangalawa, a great father is a provider. And a great father is a positioner. 'Yan. Siguro 'yung dalawa familiar kayo ano? Pero 'yung pangatlo, 'yung positioner, parang Pastor, parang bago 'yan, ah. Positioner. Okay. So, verses 29 to 30, dito natin makikita 'yung protector 'no? Pagkatapos, sundan niyo 'ko sa mga Bibles niyo. Pagkatapos sinabi ko sa inyo, "Huwag kayong masindak o matakot sa kanila. Ang Panginoon na inyong Diyos ang mangunguna at makikipaglaban para sa inyo, kagaya ng nakita ninyo na ginawa niya sa Ehipto." So, mga kapatid, nakita natin alam naman lahat natin ang istorya na ang Israel ay alipin ng bansang Egypt, 'di ba? At 'yung Exodus 'no, alam natin 'yun. Kung napanood niyo pa 'yung movie ng Exodus 'no? Iniligtas ng Diyos sa pagkaalipin ang bayan ng Israel mula sa Egypt. 'Di ba? Tapos alam natin 'yung himala na ginawa ni Moses doon, biniyak ang Red Sea, ang tama, ang Red Sea 'di ba? Biniyak niya. At dumaan ang bayan ng Israel 'no?

[8:57]Imagine ang description nga do'n tuyung-tuyo. Natuyo. Imagine 'yung dinaanan nila, tuyo. At nung hinabol na sila ng mga sundalo ng ng Faraon, anong ginawa ng Diyos? Sinarado niya. At namatay, nalunod itong mga sundalong ito. At nakita natin pin ang pagpo-proteksyon ng Diyos sa kanila. At hindi lang 'yun. Napakaraming pagkakataon habang sila ay naglalakbay sa ilag, maraming siyempre hindi lang sila ang tao doon. Maraming tao ang gustong manakit sa kanila, ang gustong nakawan sila, ang gustong gumawa ng masama sa kanila, pero nandoon ang proteksyon ng Diyos, mga kapatid. At sa atin, sa atin bilang mga ama, sa atin na mga tatay na naririto, tayo ganun na lamang ang pagbibigay natin ng proteksyon sa ating mga anak. Ganun na lamang ang ang iniisip natin, lahat gagawin natin 'no? Para maiwas sila sa anumang uri ng masama. At higit lalo kung meron pa tayong mga anak na babae, 'di ba? Mas matindi 'yung proteksyon na ibinibigay ng mga ama sa kanilang mga anak na babae. At tayo bilang mga magulang 'no?

[10:14]Tayo ay patuloy na na na naririto upang tumulong, magproteksyon. At ang sabi doon sa Psalm 46 verse 1, "God is our refuge and strength." "A very present help in times of trouble." So, ang Diyos, mga kapatid, 'no? Bilang ah, larawan ng isang ama, lagi siyang nandoon, laging handang tumulong, laging handang magproteksyon para sa atin. At maging 'tong situation natin 'di ba? Ito 'tong COVID na 'to 'no, 'tong COVID-19, ilang buwan na ang nakakaraan 'di ba? Wala namang nabalita sa atin, wala namang nagkasakit sa atin 'di ba? O meron ba ditong nagkasakit? 'Di lang sinabi. 'No, wala? 'Yun lang 'yun lang, mga kapatid, ay nakita natin kung paano tayo pinrotektahan ng ating Panginoon. So, 'yung pangalawa 'no? Ano 'yung pangalawa? Provider. O, provider. Do'n sa verse 31, sundan niyo 'ko. At sa ilang, nakita ninyo kung paano kayo inalagaan ng Panginoon na inyong Diyos. Katulad ng amang nag-aalaga sa kanyang anak. 'Di ba? So, ano 'yung scenario natin dito, mga kapatid? 'Yung inalagaan tayo ng Diyos. Nung nung ang bayan ng Israel ay nandoon na sa ilag. Nakita natin kung papaano sila inalagaan ng Diyos. Paano Pastor? 'Di ba binigyan sila ng mana? Lalabas lang sila ng kanilang tent. Paglabas, meron ng mana, pupulutin na lang nila 'yun. Kung baga sa bersyon sa Pilipinas, parang bigas 'yun, eh. 'Yung bilog-bilog na ganun, pwede nilang durugin para maging tinapay 'no. Lalabas lang sila ng tent nila, meron ng mana. Tapos nagreklamo sila, sabi niya, "Puro mana na lang. Sawang-sawa na kami dito." Binigyan sila ng karne 'no? Paano sila binigyan ng karne? May mga ibon 'no? Saan ka nakakita 'yung ibon, hindi lilipad, pahuhuli 'di ba? Ganun ang ang pagbibigay ng Diyos para sila magkaroon ng karne 'no? So ano pa? Mga kapatid, binigyan sila ng tubig na maiinom. Imagine desert 'yun, ah. Paano ka makakita ng tubig? Pero nakita natin ipinagkaloob ng Diyos 'yun. Mainit, naglalakad sila sa disyerto, mainit. Anong binigay ng Diyos? Binigyan sila ng ulap 'no? Sana tayo ganun din, ano? 'Pag naglalakad si Brother Jophil kanina, sabi nagpapayong daw siya 'pag naglalakad, eh. Sana ganun, ano, bibigyan tayo ng Diyos ng ulap para hindi tayo mainitan. Pero, mga kapatid, ganu'n ang ginawa ng Diyos sa bayan ng Israel. 'Pag gabi naman, naglalakad sila siyempre, madilim. Binigyan sila ng tore na apoy, 'yung pillars na pillars of fire. Para sila magkaroon ng liwanag. Siyempre sa desert, malamig din 'yun din 'yung kanilang heater 'no? Para magkaroon ng liwanag, para sila hindi lamigin. Tapos, ito pa, alam niyo ba 'yung kanilang mga damit at 'yung kanilang mga suot na sandalyas, mga kapatid, hindi napudpod o Saan 'yan makikita, Pastor? Deuteronomy 29 verse 5, sabi dito, "40 taon akong nanguna sa inyo. Hindi kailanman nasira ang inyong kasuotan ni napudpod ang inyong sandalyas." Imagine 40 years 'no? Meron bang sapatos niyo tumagal ng 40 years? Damit niyo tumagal ng 40 years? 'Di ba? Ganu'n kabuti ang Diyos, ganu'n nag-provide ang Diyos sa kanila, mga kapatid. Hindi naluma ang damit, hindi napudpod ang kanilang pangyapak. So, mga kapatid, paano pa kaya tayo? Sabi do'n sa Matthew 6:26, "Masdan ninyo ang mga ibon, hindi sila nagtatanim ni umaani man. O kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong ama na nasa langit. Hindi ba't higit mahalaga kayo sa mga ibon?" 'Di ba? 'Yung mga ibon nabubuhay. Tayo pa kayang mga anak ng Diyos. Hindi niya ibibigay 'yung ating pangangailangan. So, mga kapatid, alam ko, it's ah ano eh. 'Yung panahon natin napakahirap. Marami sa atin 'no? Ah humina ang pagkakakitaan dahil dito sa nangyari na 'to. May mga nakasa-integral 'yun, eh. May nakakadisokupasyon, eh. Pero, mga kapatid, sa kabila ng lahat ng nangyayari 'no? Magtiwala lang tayo. God will provide. Amen? God will provide. Nung nasa Pilipinas pa ako, meron akong isang kumpare 'no? Sabi niya, nung ah, meron kasi kaming joint venture na ito, eh. Nagtayo kami ng business pero sa kasamaang palad, hindi ito nag tagumpay 'no? Hindi 'to nag-click ba, sabihin natin, at nalugi 'no? Pero sa kabila no'n, ang punto natin, ito 'yung sinabi niya. Sabi niya, "Alam mo, Pare, natatakot ako, eh." Hindi siya natatakot do'n sa business. Alam mo ang kinatatakutan niya? Sabi niya, "Natatakot kasi ako na ah, hindi ko maibigay sa aking anak 'yung naibigay sa akin nung daddy ko."

[16:13]At nung narinig ko 'yun, mga kapatid, naisip ko, pagdating ng araw, nakakatiyak ako na itong kumpare kong ito ay magiging isang good provider. Kasi naisip niya 'yun, eh. So, mga kapatid, ganu'n tayo 'no? Lahat ay gusto natin na maibigay sa ating mga anak, sa ating mga mahal sa buhay. So 'yung pangatlo, ano 'yung pangatlo natin? Positioner 'no? Pastor, parang bagong word yata 'yan, ah? Noong hinanap ko 'yan sa dictionary, ang lumalabas 'yung parang mechanical arm 'no? Na pinu-position niyang ganu'n. 'Yun 'yung lumabas, eh. Positioner. Sabi ko, "Pwede rin naman," 'di ba? Bakit? Bakit natin sinabing positioner? Sabi do'n sa verse 31, "Hanggang makarating kayo sa lugar na ito." Paano nangyari ngayon 'yan 'no? Sabi natin kanina pinrotektahan ang bayan ng Israel, 'di ba? Kinuha sila from Egypt. Pinrotektahan sila. Ibinigay, nag-provide ang Diyos ng lahat ng kanilang pangangailangan. At God position them dito sa lupang pangako. So nakita niyo? Ang Diyos ang nag-position. Ang Diyos ang naglagay sa Israel doon sa lupang pangako. Mga kapatid, gusto ng Diyos na mapaaayos tayo 'no? Meron bang magulang? Meron bang ama 'no? Na gustong hindi maging maayos ang kanilang mga anak. 'Di ba wala? Ganu'n ang larawan dito, mga kapatid. Gusto ng Diyos na ibigay ang pinakamainam. Ano ang sabi, ano ang description dito sa lupang pangakong 'to? The land of ano? Milk and honey, 'di ba?

[18:13]Ang lupa doon ay napakataba at napakasagana ng lugar na ito. At 'yun ang gustong ibigay ng Diyos sa bayan ng Israel. At tayo, mga kapatid, bilang mga ama 'no, bilang mga magulang, gusto natin ma-position, 'di ba? Sa term natin dito sa sa Italyano, gusto natin ma-apostol, 'di ba? Ba? 'Yung salitang ma-apo, apostle, 'di ba? Gusto natin ma-position sila sa isang kalagayan na maganda 'no. Ma-settle natin ang kanilang mga future. 'Di ba? Kaya nga minsan, kumuha tayo ng mga educational plan noong araw sa Pilipinas, uso 'yun ano? 'Yung kukuha tayo ng mga insurance 'no? 'Pag tayo may anak, may naipundar tayo. Nakabili ka ng Condo na isa, sabi niya, "O, bibili pa ako ng isa kasi dalawa 'yung anak ko, tig-isa sila." 'Di ba? Ganu'n 'yung kaisipan natin 'di ba? Mabigyan sila. Tapos kung ikaw naman may kaya sa Pilipinas, binigyan mo lang ng isang negosyo 'tong isang anak mo. Gagawin mo, bibigyan mo rin ng negosyo 'tong isang anak mo kasi gusto mo ma-ayos sila, eh. So, ganu'n, mga kapatid, ang ang ating kalagayan, ano? Gusto natin maibigay ang pinakamainam. Plano tayo ng plano. Nagpaplano tayo para sa ating mga anak. Tulad natin na kung ano ang iniisip ng Diyos, 'no? Sabi do'n sa Jeremiah 29 verse 11, "Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo. Mga planong hindi ninyo ikasasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punong-puno ng pag-asa." Tunay nga, mga kapatid, na walang nais ang Diyos kung hindi ang pinakamainam. Amen?

[20:04]So, mga kapatid, dito nakikita natin we're talking about material things 'no? Gusto natin magkaroon sila ng masaganang buhay. Pero, mga kapatid, hindi lang material na bagay ang dapat nating ipinu-position ang ating mga anak. Kung hindi maging sa spiritual. Kaya tayo, mga kapatid, bilang mga magulang, bilang mga ama, tayo dapat ay nagtuturo. Tayo ay nagdidisiplina para malagay natin sila doon, ma-position natin sila, madala natin sila sa Panginoon. Hindi lang sapat 'yung ibigay natin sa kanila 'yung kanilang pangangailangan. Hindi sapat na na ma-position lang natin 'yung future nila. Na nakaka-secure sila, secure tayo na maganda 'yung magiging buhay nila. Pero, mga kapatid, bilang mana ng pananampalataya, hindi lang natatapos ang buhay dito sa mundong ito. At tayo bilang ama, higit lalo 'no? Tayo ang mga priest ng ating tahanan. Kung meron mang naghihikayat sa ating mga anak, kung meron mang dapat nagtuturo ay tayong mga ama dapat 'yan, mga kapatid. So, nakita natin dito, mga kapatid, na ipinu-position natin. Tayong mismo dapat mailagay natin ang ating mga anak. Ma-position natin sila patungo sa kaligtasan. So, mga kapatid, lahat ng ito ay halimbawa 'no?

[21:51]God is our example. He is our greatest father.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript