[0:00]Okay na? So tuloy na natin ang ating discussion sa Basic Principles of Taxation. And today, ang pag-uusapan natin ay patungkol sa basic principles of sound tax system and classification of taxes. Magsimula na tayo. Ang isang maayos na tax system ay merong tatlong basic principles. And those are fiscal adequacy, administrative feasibility, theoretical justice or equality. Na merong classic na nemonic na ano? FAT. So meaning kung gusto niyong tandaan, ang isang sound or maayos na tax system ay medyo chaby. Ngayon, mas liwanagin natin silang isa-isa. Una, we have fiscal adequacy. It means sources of revenue are sufficient to meet government expenditures. Self-explanatory 'yan. Sapat dapat ang nakokolektang taxes ng gobyerno para sa kanyang pangangailangan, sa kanyang expenditure. Kaya nga by the term itself adequacy. Kasi nga yung idea yung taxes na kinolekta sa mga mamayan ay hindi naman talaga para sa gobyerno lamang, but rather it is for public purpose. Ang ibig kong sabihin, ibinabalik din naman sadya ng gobyerno yun sa kanyang mga mamamayan. Okay? Fiscal adequacy. And then we have administrative feasibility. It means that the law must be capable of convenient, just and effective administration. Sa madaling salita, papaano ima-manage ng gobyerno yung kanyang taxes na nakolekta or papaano niya kokolektahin ng maayos? Papaano magiging feasible yung administration na nga. Kaya kung naalala ninyo sa ating introduction sa tax system, sa taxation. Di ba dati ang pumupunta ay ang tax collector sa bahay-bahay ng bawat taxpayer para kolektahin na nga yung tax? Pero sa ngayon ganun pa rin ba? Di ba nagbago na? Di ba ngayon may tinatawag na tayong self-assessment, substituted filing. Meron na ngang mga electronic filing. Ang ibig kong sabihin, nag-e-evolve yung proseso papaano makokolekta yung administration part ng taxes. Kasi nga kailangan sa sitwasyon. Kasi halimbawa dati kaunti pa naman yung tao, pwede pang bahay-bahayin. Pero sa ngayon hindi na maaaring mangyari yun ng ganun kadali. Kaya naimbento yung self-assessment. Di ba? Naimbento rin yung substituted filing at kung ano-ano pa. Ang punto lang dapat din naman kung sakaling mag-i-implement ka ng batas, dapat kaya mong ipatupad nga yun. Kung sakaling gagawa ka ng batas, kaya mo dapat ipatupad yun. Okay? It must be convenient, just and effective. Kaya nag-i-evolve pa rin yung mga proseso ng collection ng taxes. Okay? Ganun daw yung maganda. Okay? Administrative feasibility. And then we have theoretical justice or equality. It means that the tax imposed must be proportionate to taxpayer's ability to pay. Napak-usapan na rin yan dun sa mga ilang discussion that when we say equality. When we say justice, it doesn't mean pare-parehas na ibinabayad na tax. But rather, it depends on the taxpayer's ability to pay. Kung sakaling ikaw ay mas may kakayahan, mas mayaman ka kasi, therefore, mas malaki dapat ang ibayad mo na tax. Kung para sa isang ordinaryong Pilipino, kakaunti lamang ang kinikita. Yun yung sinasabi nating equality theoretical justice. Ganun dapat ang maayos na tax system. Okay? Actually, itong discussion na 'to, nalimutan lang siya dun sa mga nakaraang mga video discussion. Isiningit lang natin sa topic na 'to. Kasi ngayon, ang pinakang focus talaga natin is alin? Yung discussion patungkol sa classification of taxes. At magsimula na tayo. We have here, as to subject matter or object. Okay? When we say subject matter or object, sino ba or ano ba ang tinatax? Kaya nga subject matter, object, yung gusto mong itax. Basically, meron yang tatlong klase. We have the personal, poll or capitation. Isang ibig sabihin niyan, ang tinatax mo talaga is yung mismong tao. Hindi na mahalaga yung kanyang property or kinatatayuan sa buhay. Ang tinatax mo ay siya bilang tao, bilang isang Pilipino. Ang common example talaga niyan is yung community tax, sedula. Dahil binigyan ka ng karapatan na manirahan sa isang community. Ikaw mismo na tao ka, magbayad ka ng sedula. At hindi mahalaga kung ikaw ay mahirap or mayaman, anong trabaho mo. Basta magbayad ka ng sedula. Community tax, personal, yun yung, yun yung tinatax mismo, yun yung object of taxation, person. Okay? Pwede pa yung additional, 'di ba? Ang kinag-usapan lang natin dito basic community tax. Next, we have property. Ang tinatax naman dito natural yung ari-arian. So halimbawa, ako isang tao, tatlong ari-arian ko. Ilang beses akong magbabayad ng real property tax? Isang tao ako. Natural hindi ako yung tinatax, but rather yung property ko, therefore tatlong beses kasi tatlo yung property. Sa madaling salita, pagdami ng property, pagdami ng babayaran mong taxes. So basically, anong tinatax? Property. Okay? Kaya nga ang sabi as to subject matter. When we say excise in this context, it means the act or the privilege, enjoyment of an act. Kasi may nagagawa ka. Okay? Dahil nagkakaroon ka ng privileges, katulad ng ano, kakayanan na kumita, kakayanan na magnegosyo, ay bayaran mo daw yun. Okay? So anong tinatax dito? Hindi yung tao, hindi yung property, but rather yung act. Yeah? Yung privilege. Dito pumapasok yung income tax. 'Di ba? Yung business tax at kung ano-ano pa. Again, atin lang munang i-relate dun sa nauunang discussion. Magkaiba ang terminology na excise dito dun sa excise tax. Excise tax is tax on non-essential goods. Well, excise, this specific term means act or privilege. Yeah? Enjoyment of an act. Ayan, so yun, yun yung tinatax. And then we go to number two, as to who bears the burden. Sino ba ang nagbabayad nung tax, bears the burden? Kasi 'di ba ang Tagalog sa tax ay buwis na pwedere rin tawaging buwisit, 'di ba? Buwisit. Okay? Burden daw. Sino daw baga ang magbabayad ng tax? We have here the direct and indirect. When we say direct, kung sino yung gusto, or yung intended ng batas na magbayad ng tax. Siya talaga yung mismo na totoong nagbabayad ng tax, direct nga kasi katulad ng income tax ulit. Kasi kung sino yung kumita, siya yung magbabayad ng tax sayo, direct yung effect. While this indirect, ito yung meron kang kapangyarihan na mag-shift, 'di ba? Ipasasa yung tax mula sayo, going to other person. Katulad ng value added tax at ilang mga custom tariffs. Okay? In a sense na halimbawa, meron kang tax ikaw na nagne-negosyo, binili niya yung produkto. Yung tax, pagbili niya ng produkto, sabay mong ipinapasa doon. Kaya nga indirect tax ang tawag doon. And again, hindi mo pwedeng iwasan yung tax. Kahit sabihin mong hindi ka pa naman kumikita, nag-aaral ka pa lang, natatax ka na rin. Kasi nga meron tayong indirect feature or classification of taxes. And then we move on. As to determination of amount. Papaano daw ba kinikwenta yung tax determination? We have here specific and ad valorem. When we say specific, there is a physical unit of measurement. Katulad ng width, ng length, ng volume, ng area, ng quantity. Na sa madaling salita, merong bilang. Example, distilled spirits. Let's say mga alak, kung meron kang 10 bote diyan, therefore, bibilangin 'yan. Therefore, yung sampung yun, pare-parehas yung tax. Okay? So isa kada isang bote. Kung sakaling meron kang isang daan na bote, therefore isang daan na bote ang magkakaroon ng tax. Sa madaling salita, ang tax ay specific dun sa mismong item kung ilan yung meron ka. Let's say halimbawa ay width. So therefore, kung sino mas malawak, mas malaki yung tax. Kasi nga may unit of measurement. Specific nga kasi. Hindi katulad nitong ad valorem. Medyo ibang linggwahe lang 'yan. Pero ang ibig sabihin niyan ay based on value. Valorem nga, eh. Meaning hindi talaga siya diretsong specific dun sa unit of measurement, but rather dun sa value. Yun yung basis. Ang ibig kong sabihin ay ganito. Let's say lupa. Meron kang lupa sa probinsya, 100 square meter. At meron ka ding lupa sa Manila, 100 square meter. Ang tanong, sa tingin mo, alin ang mas mahal? Okay, yung value. Alin ang mas mataas? Malamang yung nandun sa city, kaysa nandun sa probinsya. Let's say nasa kabundok pa siya. Okay? Therefore, kung sakaling magkakaroon ng real property tax, sino ang mas malaki? Ay, parehas lang naman silang 100 square meter. Ang sagot, malamang yung nandun sa Manila. Kasi nga, sa real property tax, hindi naman nabase ay sa suka, but rather saan? Sa value. Kaya nga ang tawag ay ad valorem. Mas mataas yung value, mas mataas yung tax. Kahit sabihin nating mas malaki pa yung sukat ng lupa, or yung unit of measurement mong kabila. Hindi naman yun yung basis, okay? But rather yung value na nga. Yung determination of amount, natural depende yan sa rulings ng BIR. Merong mga taxes na specific, meron din namang mga taxes na ad valorem. So depende kung ano yung subject matter. Na basically, maiintindihan 'yun as you browse one by one kung ano-ano yung mga taxes, 'di ba? Kasi natural kung ano yung tax, pipiliin ng isa dito sa dalawa. Parang ganun. As to determination of amount. Hindi mo, wala walang general rule diyan. I mean, kumbaga kung ano yung rulings, yung batas na ibinigay sa atin, papaano kwentahin yung, yung ano, yung tax? Ayan. So kung magkano kinikita mo, 'di ba? Nandito ang tax natin. And then, let's move on. With as to purpose. We have the general, fiscal or revenue. 'Yan yung walang specific na paggagamitan or purpose yung collection mo. But rather, general nga. Ang punto lang, nakakolekta ang gobyerno ng tax. Therefore, kung saan nila gustong gamitin yun, general nga kasi, okay? Therefore, doon nila ilalagay yun. Usually karamihan ng mga taxes naman talaga ay dito pumapasok. Kasi nga one of the purpose of the tax is to raise revenue. Yun yung purpose niya, 'di ba? Ito medyo mas maliwanag, ano? mas specific 'to. Itong special or regulatory. Meaning, meron siyang specific, 'di ba? I mean, special, special na purpose. Which basically, regulatory. Katulad ng protective tariff, mga tarifa. Na-example ko na rin ata ito sa isang discussion natin. Halimbawa, presyo ng bawang. Let's say dito sa Pilipinas, 'pag nag-produce ang isang farmer, 5 pesos per kilo. Naibebenta niya, let's say ng 8 pesos. Kunwari lang, ganun. And then sa China, let's say nag-produce ang bawang. Nagpo-produce, 2 pesos. Therefore, kung sakaling ibebenta nila, maaaring 5 pesos. So sa madaling salita, talo ang mga magsasaka ng Pilipinas. Kung sakaling dadalhin dito yung bawang ng China. Kasi nga, kanilang production cost, 2 pesos. Sa atin 5 pesos. Mabenta nila ng 5 pesos 'yun. Ikaw, hindi mo pwedeng ibenta ng 5 kasi nga, hindi ka tutubo no'n, 'di ba? So therefore, anong ginagawa ng batas ng tax? Protective, 'di ba? Regulatory, special. Gagawin nila, magpapataw sila ng buwis. Let's say yung bawang ng China, 2 pesos ang production cost. Sasabihin nila, may tax kayo, 3 pesos per kilo, automatic. Therefore, anong mangyayari? Yung puhunan nila, yung 2 pesos plus 3, 5 pesos na rin. Makakasabay na ngayon dun sa bawang na gawa dito sa Pilipinas. So yun, may mga ganun klase ng purpose nga ang tax. Ang tawag doon, special or regulatory. Mayroong talagang tinatarget. And then we have the as to the authority imposing the tax or the scope. We have the national and then municipal or local. Kung naalala niyo yung ating sources of tax law, yung NIRC, yun yung mga national taxes. Ito namang municipal or local taxes, yun naman yung nanggaling sa mga ordinansa ng mga bayan, 'di ba? Yung Local Government Code of 1991. So example nito, yung familiar sa lupa, real property tax, municipal 'yun. Meaning, kung nagbayad ka ng real property tax, let's say sa probinsya mo. Let's say sa Rizal, so therefore, nung nagbayad ka sa Rizal, yung collection na 'yun, saan pupunta? Edi malamang doon na lang din sa probinsya ng Rizal. Doon din siya magagamit. Hindi katulad nitong tinatawag naman na national. Halimbawa, nagbayad ka ng tax mo sa Rizal. Yung tax na 'yun na nakolekta, dadalhin siya sa national. At maaaring yung collection na 'yun ay magamit sa ibang probinsya, let's say sa bukidnon. Kaya nga national. Para mas ma-relate natin kung ikaw ay Kristiyano katoliko. Kaya, let's say sa simbahan, let's say merong nangungolekta ng alay. Yung first collection, alam niyo ba na pagka doon ka naglagay, papadala 'yan sa national? At kung saan maisipan ng simbahan gamitin 'yan na lugar or kung anong, kung saan man laging gamitin, therefore, doon naman pupunta 'yun. Hindi katulad ng second collection. Let's say sumimba ka doon sa, sa lugar niyo. Doon ka nagbigay ng limos sa second collection. Alam niyo ba na yung second collection ay gagamitin lang din doon sa improvement nung simbahan kung saan ka nagbigay, hindi katulad nung, nung sa first collection? Doon ko siya naalala. Okay? So again, kung sakaling national, kahit saan ka pa nagbayad, ang punta niyan ay sa national. Therefore, kung ano yung national project, let's say gagawin ng kalsada sa malayong probinsya. Hindi sa inyo, pero doon ka nagbayad. Okay? Doon napunta yung ibinayad mo. Ganun talaga kasi nga national tax siya. Yung mga local taxes lang, yun yung collection kung saan ka naroroon. Doon din siya gagamitin for improvement of that specific municipality. Kaya nga local. And then lastly, we have the as to graduation or rate. We have the proportional, which means that the tax base remains the same. Okay? Meaning kung naka-fixed ng ganun, therefore 'yun na 'yun, proportional siya. Then we have the progressive or graduated. Ito yung parang medyo naka-relate dito sa theoretical justice. Na ang sabi nga, progress as your income increases. I mean, I mean as the, the level of income or the tax base increases, let's say income taxation, also the tax rate increases. Kaya nga progressive. Mas malaki kita mo, mas malaki tax mo pati rate. Kaya nga ang tawag din sa kanya ay graduated. Huwag nating iisipin na yung graduated, nag-graduate na. Kumuha ng diploma 'di ba ng toga or something like that. Nagtapos. Hindi po, hindi lang ganun ang ibig sabihin ng word na graduate. Kaya dito sa taxation, 'pag binabanggit ng nagtuturo, tingnan niyo yung graduated tax table. Meaning merong table kang titingnan at nakalagay doon yung mga ranges. Na pag mas malaki ang income, mas malaki yung tax. Kasi nga graduated siya or progressive yung tax rate. Okay? And lastly, this is what we call regressive. Yung tipong paglaki ng base, 'di ba? Pagliit ng taxes. Okay? Basically, again, yung ating subject, income taxation. Dito tayo magpo-focus sa progressive or graduated tax system. So I believe, marami na rin po akong na-discuss dito sa ating ano, sa basic principle of sound tax system and classification of taxes. Kung sakaling nag-enjoy ka, maari niyo i-like itong video discussion na 'to. Pero kung sakaling gusto mo pa na mas mag-enjoy, may matutunan, nandirito pa yung iba naming mga video discussion. Maaari niyo yung matanood. Yun lamang at maraming salamat.
![Thumbnail for Lecture 06: Classification of Taxes. [Income Taxation] by Sir Win - Accounting Lectures](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimg.youtube.com%2Fvi%2FWnPzJ6iqwNQ%2Fhqdefault.jpg&w=3840&q=75)
Lecture 06: Classification of Taxes. [Income Taxation]
Sir Win - Accounting Lectures
17m 13s2,455 words~13 min read
YouTube auto captions
Transcript source
YouTube auto captions
This transcript was extracted from YouTube's auto-generated caption track. The transcript below is server-rendered so it can be read, searched, cited, and shared without opening the original YouTube player.
Pull quotes
[0:00]And today, ang pag-uusapan natin ay patungkol sa basic principles of sound tax system and classification of taxes.
[0:00]And those are fiscal adequacy, administrative feasibility, theoretical justice or equality.
[0:00]So meaning kung gusto niyong tandaan, ang isang sound or maayos na tax system ay medyo chaby.
[0:00]Sapat dapat ang nakokolektang taxes ng gobyerno para sa kanyang pangangailangan, sa kanyang expenditure.
Use this transcript
Related transcript hubs
Watch on YouTube
Share
MORE TRANSCRIPTS


