[0:01]Mga Kapuso, isang developing story inatake ng Israel at America ang Iran. At kita po sa ilang video ang makapal at maitim na usok sa ilang bahagi ng Tehran. Ang kabisera ng Iran kasunod ng missile attack ng Israel at America. Kinumpirma ni US President Donald Trump na sinimulan ng America ang isang major combat operation sa Iran. Sabay himok sa mga miyembro ng Armed Forces ng Iran na sumuko na. Sabi naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, panahon na para alisin ang Iran 'yan o ng Iranian ang Anya yok of tyranny mula sa rehimen. Ayon sa source ng Reuters, nasa secure location ang Supreme leader ng Iran ng mangyari ang pag-atake. Nangyari ang air strike matapos ang negosasyon ng America at Iran sa issue ng nuclear facility sa Iran.
[0:54]Sa Israel, umalingawngaw ang mga air rides or air raid sirens para paghandaan. Ang publiko sa posibleng missile attack ng Iran. Naglunsad din sila ng pag-atake sa Lebanon. At nag-abiso ang Israeli Defense Force na isinailalim sa essential activity status ang buong bansa. Ibig sabihin po niyan, wala ng pasok sa mga paaralan at opisina. Maliban na lang sa mga nagbibigay ng essential services. Ipinagbabawal na rin ang anumang uri ng pagtitipon. Inabiso naman ng ating embahada sa Tel Aviv ang mga Pilipino sa Israel na manatili sa loob ng kanilang mga tahanan at maging handang pumasok sa bomb shelter tuwing may urgent alert.



