Thumbnail for Pahapyaw na Pagtalakay:  Kahulugan at Kahalagahan ng Pananaliksik by Ang Filipino TV Talakayan

Pahapyaw na Pagtalakay: Kahulugan at Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang Filipino TV Talakayan

8m 15s801 words~5 min read
Auto-Generated

[0:10]Magandang araw. Ngayon ay sumuka naman nating pag-usapan kung ano ang pananaliksik at ano ang kabuluhan ng pagsasagawa nito. Sinasabing ang pananaliksik ay paraan o isang paraan ng paghahanap ng teorya o 'di naman kaya ay paghahanap ng paraan ng pagsubok ng isang teorya upang malutas ang isang suliranin o makahanap ng katugunan. Maaari ding kapag nagkakaroon ng suliranin at hindi ito kayang bigyan ng agarang solusyon, doon na nangangailangan at papasok ang pagkakaroon ng pananaliksik. Ngayon isa-isahin natin ang pagpapakahulugan sa pananaliksik.

[0:59]Una, sinasabing ang pananaliksik ay paghahanap ng datos. Ma'am bakit po ito paghahanap ng datos? Gaya ng nabanggit, sa pananaliksik ay meron tayong nais na tugunang isang suliranin. Kaya't dito, nangangailangan tayong makakuha ng iba't-ibang impormasyon o kabatiran para magkaroon tayo ng tiyak na kasagutan o katugunan sa suliranin. Gayundin, maaaring sa pamamagitan ng pananaliksik ay magkaroon tayo ng pag-iimbestiga at makadiskubre tayo ng mga bagong kaalaman maaaring sa isang tiyak na penomena.

[1:43]Kalawa ay ang paglutas sa suliranin o problema. Sa isang pananaliksik, na isinasagawa ito dahil sa nais natin makakita ng kasagutan. Maaaring ukol ito sa pagsagot ng isang suliranin na hindi pa nalulutas o kasalukuyang umiiral ang isang suliranin, kaya't naghahanap tayo ng metodo o pamamaraan upang ito ay matugunan.

[2:19]Ikatlo ay ang maingat na paraan ng resolusyon. Ma'am, bakit po maingat na paraan? Sapagkat dito nagkakaroon tayo ng maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenteng impormasyon. Ito ay para sa matibay o konkretong pagbibigay ng mga batayan para sa katugunan ng suliranin ng pananaliksik.

[2:49]Kasunod, ang pananaliksik ay siyentipikong pamamaraan. Siyentipikong pamamaraan sapagkat sa larangan ng pananaliksik, kinakailangan maisagawa natin ang pangangalap ng datos ng may teknik at pamamaraan. Meron tayong mga tiyak at sistematikong paraan ng pag-aaral, meron tayong mga teorya, hypothesis na mga nagiging pamantayan o batayan ng ating pananaliksik.

[3:24]At huli, sinasabing ang pananaliksik ay sistematikong imbestigasyon. Sapagkat sa pagsasagawa ng pananaliksik, hindi maihihiwalay na nagkakaroon tayo ng pag-iimbestiga para sa ating pangangalap ng datos. Gayundin nagkakaroon tayo ng mga kontroladong sitwasyon para sa layunin na makakuha tayo ng mga prediksyon, explanasyon at nagkakaroon tayo ng pagbibigay interpretasyon batay sa ating mga nakalap na datos na dumaan sa tamang paraan o hakbang ng imbestigasyon. Ngayon ay dumako naman tayo sa kahalagahan ng pananaliksik. Ano nga ba ang kabuluhan, importansya ng pagsasagawa ng pananaliksik? Meron nga ba itong kapakinabangan para sa isang indibidwal, mag-aaral, propesyonal at maging sa ating kabuoang mamamayan? Ano ang nakukuha natin sa pananaliksik? Una,

[4:24]kahalagahan para sa akademikong pangangailangan. Lahat ng paaralan, lalo na sa mga kolehiyo, nagkakaroon ng pag-aatas at pangangailangan o requirement ang ating mga mag-aaral sa iba't-ibang larangan para magsagawa ng pananaliksik bilang bahagi ng kanilang pagtatapos ng isang programa o ng kurso. Kaya't napakahalaga sa kaninong mag-aaral ang matuto na magsagawa ng pananaliksik o makabuo ng isang pananaliksik, sapagkat ito ay bahagi para sila ay makapagtapos. Nangangahulugan na ang kasanayan sa pananaliksik ay natututunan natin bilang mga mag-aaral pa lamang.

[5:13]Kahalagahan para sa paghahanda sa propesyon sa hinaharap. Ang ating mga mag-aaral ay nagsasagawa ng mga pananaliksik sa lahat ng paaralan bilang bahagi ng ating akademiya. Ito ay layunin ng akademiya o ng paaralan na magkaroon ng pagsasanay at paghahanda ang ating mga mag-aaral para sa kanilang propesyon pinagpapakadalubhasaan. Na sa pagdating ng araw, ito din 'yung kanilang magiging propesyon at sila ay may sapat na kaalaman lalo na sa larangan ng pananaliksik.

[5:55]Kahalagahan para sa pagsasanay sa paglutas ng suliranin. Mula sa akademiya, nagkaroon ng pagsasanay, naihanda ng paaralan na matutunan ang mga mag-aaral ang pagsasagawa ng pananaliksik. Sa panahon na sila ay ganap na mga propesyonal, meron na silang sapat na kasanayan para isagawa ang mga siyentipikong pagdulog kung paano magkakaroon ng paglutas ng mga suliranin sa makatotohanang larangan ng buhay.

[6:31]Ang kasunod na kahalagahan ay para sa patuloy na pagbabago. Ang katotohanan sa ating paligid ay walang humpay ang patuloy na pagbabago sa anomang larangan. Kaya't kinakailangan na tayo ay mayroon sapat na kasanayan para umagapay sa mga patuloy na pagbabago at isa dito ay ang pagsasagawa ng pananaliksik.

[7:02]Kahalagahan bilang esensyal na pangangailangan. Mahalaga ang pananaliksik sapagkat ito'y esensyal dahil sa anomang propesyon ay nangangailangan ng pagsasagawa ng pananaliksik. Sa iba't-ibang larangan nagkakaroon ng mga pagbabago, inobasyon, nagkakaroon ng mga suliranin at sa pamamagitan ng pananaliksik ay makakatulong ito sa anomang usapin ukol rito.

[7:36]At huling kahalagahan ay ang paglutas ng suliranin. Gaya ng nabanggit natin kanina sa pagpapakahulugan na ang pananaliksik ay naglalayong malutas, matugunan ang isang tiyak na suliranin. Kaya't ito ang isang kabuluhan ng pananaliksik. Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pananaliksik ay magkakaroon tayo ng kadugunan, kasagutan sa isang problema o suliranin na maaaring natagpuan o nakita ng mananaliksik. At 'yan po ang ating overview o pahapyaw na pagtalakay sa kahulugan ng pananaliksik at kahalagahan ng pagsasagawa nito. Nawa ay may naunawaan kayo dito sa ating tinalakay.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript