[0:00]Filipino 6 Quarter 1 Week 4. MELC-Based. Ang paksa ng ating aralin sa araw na ito ay paggamit ng magagalang na pananalita sa iba't ibang sitwasyon. Aralin dalawa. Hello kids, it's me, Teacher Frell. Don't forget to subscribe, like, and share, and hit the notification bell for the latest video. You can also follow my Facebook page, Teacher Frell TV.
[0:47]Sa araw na ito ay pag-aaralan natin sa asignaturang Filipino ang paggamit ng magagalang na pananalita sa iba't ibang sitwasyon. Tayo ngayon ay nasa Aralin dalawa ng week 4. Para sa ating Most Essential Learning Competencies, nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba't ibang sitwasyon. Sa araling ito, maipamamalas mo ang kakayahan at pagkamalatas sa iyong pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagamit ang magagalang na pananalita sa pagpapahayag ng saloobin. Sa ating pakikipag-usap sa ating kapuwa o mga kasama sa bahay, gumagamit tayo ng mga pahayag upang ipabatid ang ating mga iniisip o nadarama. Pansinin ang usapan ng mag-iina. Sabi ni Aling Cely, "Mga anak, hindi kailangang maghanda tayo ng labis upang makapagmayabang sa tao." Ang tanong naman ni Tony, "Bakit po kailangan tayong maghanda kung pista?" Ang sagot naman ni Aling Cely, "Nakagawian na nating mga Pilipino ang paghahanda kung pista para sa ating patron." Tanong naman ni Lita, "Di po ba ito ay pasasalamat sa mga biyayang tinatanggap natin sa bawat taon?" Ang tanong din ni Tony, "Bakit po ang ibang pamilya kung maghanda ay sobra-sobra?" Kaya ang sagot naman ni Aling Cely ay, "Iyon nga ang ugaling dapat nating baguhin. Ang paghahanda ay dapat na iayon sa makakaya ng mag-anak. Kahit simple lang ang handa, taos puso naman ang ating pasasalamat at pag-aanyaya sa mga tao." Ang sabi naman ni Lita, "Sana po ay maunawaan ito ng mga bisita natin." Sabi naman ni Aling Cely, "Naku! Nasusunog na yata ang sinasaing ko sa kusina! Diyan na kayo." Ang sabi naman ni Tony, "Naku ang Nanay! Nalimutan ang niluluto niya dahil sa pista." Sa usapang inyong napakinggan, ano-ano ang magagalang na pananalita? Balikan natin ang usapan ng mag-iina. Sa pakikipag-usap ni Tony sa kanyang Ina, gumamit siya ng pananalitang bakit po. Si Lita naman ay gumamit ng pananalitang 'di po ba? Si Tony ay nagtanong muli ng bakit po? At si Lita ay gumamit din ng pananalitang sana po. Mapapansin sa ating mga binilog na salita, si Lita at Tony ay gumamit ng salitang po. Ang salitang po ay isa sa magagalang na pananalita. Magagalang na Pananalita. Narito ang halimbawa ng magagalang na pananalita. Gaya ng po at opo. Maraming salamat po. Walang anuman po. Maaari po ba? Pwede po ba? Magandang araw po. Magandang umaga po. Makikiraan po. Sumasang-ayon ako subalit. Ang paggamit ng magagalang na pananalita ay mahalaga sa pakikipag-usap. Ginagamit natin ang mga ito sa iba't ibang sitwasyon gaya ng sa pagbati, paghingi ng paumanhin, pagtanggap ng panauhin, paghingi ng pahintulot o pakiusap at sa pagpapakilala. Ngayon ay dumako na tayo sa Pagsasanay bilang 1. Isulat muli ang mga pangungusap sa ibaba. Ipakita ang magagalang na salita sa bawat pahayag. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Para sa unang bilang. Sumama ka sa akin mamaya, maliligo tayo sa dagat. Maaari natin itong gamitan ng magalang na pananalita. Halimbawa, Maaari kang sumama sa akin mamaya, maliligo tayo sa dagat. Gumamit ako ng salitang maaari. Pangalawa. Dalian mo at tayo ay iiwan ng ating mga kasama. Maaari rin natin itong gamitan ng magalang na pananalita. Halimbawa, Pakidalian mo at tayo ay iiwan ng ating mga kasama. Sa pangungusap na ito ay gumamit ako ng pakidalian. Pangatlo. Kumuha ka ng aklat, magbasa ka. Maaari rin natin itong gamitan ng magalang na pananalita. Halimbawa, Maaari kang kumuha ng aklat at magbasa ka. Gumamit ako ng salitang maaari. Pang-apat. Nabasa ko sa libro na hindi iyan totoo. Gamitan natin ito ng magalang na pananalita. Halimbawa, Nabasa ko po sa libro na hindi po iyan totoo. Gumamit ako ng salitang po. At panglima, ikaw ay tumahimik at may natutulog. Maaari rin natin itong gamitan ng magalang na pananalita. Halimbawa, Maaari ka bang tumahimik at may natutulog? Ngayon ay gawin naman natin ang Pagsasanay bilang 2. Basahin ang bawat sitwasyon. Sagutin ng TAMA ang pangungusap na nagpapakita ng magalang na pananalita at MALI kung hindi. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Para sa unang bilang. Maaari po ba akong magtanong? Ito ba ay tama o mali? Magaling! Ito ay tama. Ibig sabihin, ito ay magalang na pananalita. Pangalawa. Hoy! Sino ang kasama mo? Ito ba ay tama o mali? Magaling! Ito ay mali. Dahil ito ay hindi magalang na pananalita. Pangatlo. Ipagpaumanhin niyo po ang aking pagliban. Ito ba ay tama o mali? Magaling! Ito ay tama. Dahil gumamit siya ng salitang ipagpaumanhin niyo po. Pang-apat. Sumasang-ayon po ako sa sinasabi ninyo. Ito ba ay tama o mali? Magaling! Ito ay tama. Ito rin ay magalang na pananalita. At panglima, pasali ako sa inyong usapan. Ito ba ay tama o mali? Magaling! Ito ay mali. Dahil hindi magalang ang kanyang pananalita. Para naman sa Pagsasanay bilang 3. Gamitin ang magagalang na pananalita sa pagpapahayag ng iyong saloobin upang makumpleto ang mga pangungusap. Gawin ito sa inyong sagutang papel. Para sa unang bilang, Pwede po ba Narito ang aking halimbawang sagot. Pwede po ba akong sumama sa inyo sa pamilihan, Inay? Pangalawa, Maaari po ba
[8:50]Ang posibleng sagot ay: Maaari po ba akong maglaro sa labas ng ating bahay? Pangatlo. Tama po ang iyong sinasabi subalit Ang posibleng sagot ay: Tama po ang inyong sinasabi subalit kailangan pa rin nating sumunod sa kanilang pinag-uutos. Pang-apat. Pakisabi Para sa posibleng sagot ay: Pakisabi po kay Mica na magkita kami sa paaralan bago mag-alasais ng umaga. Panglima. Maganda po sana kaya lang Para sa posibleng sagot ay: Maganda po sana kaya lang medyo masikip sa akin ang palda. Pang-anim. Makikiraan Ang posibleng sagot ay: Makikiraan po ako sa inyo, Aling Nena. Pangpito. Kung pwede po sana Para sa posibleng kasagutan ay: Kung pwede po sana akong makahingi sa inyo ng dahon ng malunggay? Pangwalo. Huwag mo pang hayaan na Para sa posibleng sagot ay: Huwag mo pang hayaan na magkasakit ka sa kapupuyat sa paglalaro. Pang-siyam. Pakiingatan po Para sa posibleng sagot ay: Pakiingatan po ang bitbit ninyong ulam, baka po matapon. At pansampu. Hindi po pwede Para sa posibleng sagot: Hindi po pwede na manguha ng mangga na hindi nagpapaalam sa may-ari. Tandaan Ang mga halimbawa ng magagalang na pananalita ay una, po at opo. Pangalawa, maraming salamat po. Pangatlo, walang anuman po. Pang-apat, maaari po ba? Panglima, pwede po ba? Pang-anim, magandang araw po. Pangpito, magandang umaga po. Pangwalo, makikiraan po. At pangsiyam, sumasang-ayon ako subalit Ang paggamit ng magagalang na pananalita ay mahalaga sa pakikipag-usap. Ginagamit natin ang mga ito sa iba't ibang sitwasyon gaya ng sa pagbati, paghingi ng paumanhin, pagtanggap ng panauhin, paghingi ng pahintulot o pakiusap at sa pagpapakilala. Ayan mga bata, naunawaan niyo ba ang ating aralin sa araw na ito? Kung ganoon, magaling! Mga bata, sana'y marami kayong natutunan sa ating aralin. Hanggang sa susunod na video lesson, paalam. Thanks for watching!



