Thumbnail for Filipino 5 Quarter 4 Week 5 Revised K-12 Pokus Ng Pandiwa (Sanhi/Kawsatib) by Teacher Sel

Filipino 5 Quarter 4 Week 5 Revised K-12 Pokus Ng Pandiwa (Sanhi/Kawsatib)

Teacher Sel

24m 32s2,271 words~12 min read
YouTube auto captions
Transcript source

YouTube auto captions

This transcript was extracted from YouTube's auto-generated caption track. The transcript below is server-rendered so it can be read, searched, cited, and shared without opening the original YouTube player.

Timestamped outline
Pull quotes
[0:34]Nakatayo sila ng magkakatabi at tila nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon.
[0:34]Mukhang mahalaga sa kanila ang kanilang pananamit at pagkakakilanlan bilang isang pangkat.
[0:59]Makikita sa larawan ang isang lalaking nakasuot ng makulay na tradisyonal na kasuotan at palamuti.
[0:59]Ipinapakita nito ang kahalagahan ng tradisyon at pagkakakilanlan ng kanilang pangkat.
Use this transcript
Related transcript hubs

[0:00]Magandang araw. Sama-sama tayong matuto sa Teacher Sel Learning Resource Channel.

[0:12]Revised K-12 Curriculum, Filipino 5. Quarter 4 - Week 5. Pokus ng pandiwa, sanhi, kawsatib. Maikling Balik-aral. Bumuo ng dalawa hanggang tatlong pangungusap batay sa ipapakitang larawan. Unang larawan.

[0:34]Makikita sa larawan ang tatlong taong nakasuot ng makukulay na kasuotan. Nakatayo sila ng magkakatabi at tila nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon. Mukhang mahalaga sa kanila ang kanilang pananamit at pagkakakilanlan bilang isang pangkat. Ikalawang larawan.

[0:59]Makikita sa larawan ang isang lalaking nakasuot ng makulay na tradisyonal na kasuotan at palamuti. Tila siya ay nakikibahagi sa isang pagdiriwang o pagpapakita ng kultura. Ipinapakita nito ang kahalagahan ng tradisyon at pagkakakilanlan ng kanilang pangkat. Sumunod na larawan. Makikita sa larawan ang dalawang taong nakasuot ng tradisyonal na kasuotan habang tila sumasayaw. Ipinapakita nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng galaw at pananamit. Mukhang masaya silang nagtatanghal ng kanilang tradisyon.

[1:43]Sumunod na larawan.

[1:48]Makikita sa larawan ang ilang taong magkakasama sa isang lugar sa labas. May hawak na sibat ang ilan at tila nagpapakita ng kanilang tradisyonal na pamumuhay. Ipinapakita nito ang kanilang pagkakaisa bilang isang pangkat. Paskilatis: Ipaskil ang iyong ideya tungkol sa mga salitang katutubo at pangkat-etniko sa pisara. Ibahagi ang iyong mga batayang kaalaman hinggil dito. Pagkatapos, suriin at pagnilayan ang iyong naging sagot. Katutubo, pangkat-etniko.

[2:29]Katutubo, mga unang naninirahan sa isang lugar. May sariling tradisyon at kultura. Pangkat-etniko, may sariling wika, tradisyon, at kaugalian. Nagkakaisa bilang pangkat. Paglawakin ang iyong talasalitaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Gamit ang iyong dating kaalaman o ang internet at diksiyonaryo, ibigay ang kahulugan ng mga pangkat-etniko sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga ito. Tagbanua. Ibigay ang iyong paglalarawan.

[3:14]Ang Tagbanua ay isang pangkat-etniko ng Palawan. Sila'y nabubuhay sa pagtatanim at pangingisda. May sarili silang kultura at paniniwala. Tiruray.

[3:31]Ang Tiruray ay isang pangkat-etniko sa Mindanao. Kilalang magaling sa paggawa ng mga makukulay na habi. May kani-kanilang mga tradisyon at paniniwala.

[3:45]Manobo.

[3:50]Ang Manobo ay isang pangkat-etniko sa Mindanao. Sila'y kilala sa kanilang tradisyunal na damit at mga kagamitang makulay. May sari-sarili silang mga ritwal at paniniwala.

[4:05]Igorot.

[4:09]Ang Igorot ay isang pangkat-etniko sa Hilagang Luzon. Kilala sila sa kanilang hagdang-hagdang palayan at kasuotang tradisyonal. May sari-silang mga ritwal at paniniwala.

[4:24]Negrito.

[4:28]Ang mga Negrito ay isang pangkat-etniko na matatagpuan sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. Sila'y kilala sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa kagubatan. May sariling mga tradisyon at kultura.

[4:46]Kaugnay na Paksa 1: Pagbasa ng Lathalain.

[4:52]Maalala mo kaya ang maaring mangyari sa mga ito. Gamit ang dati mo nang karanasan o kaalaman, ilarawan kung ano ang maaaring mangyari sa sumusunod na sitwasyon: Mga katutubong pinalayas sa kanilang sariling lupain. Maaaring mawala sa kanila ang kabuhayan at kultura, at mahirapan silang magsimulang muli sa bagong lugar. Mga Bakwit na hindi nakapag-aral. Maaaring mahuli sila sa pagkatuto at magkaroon ng limitadong oportunidad sa trabaho sa hinaharap.

[5:34]Pangkat-etnikong lumikas buhat sa nayon tungo sa lungsod. Maaaring makaranas sila ng hirap sa pakikibagay sa pamumuhay sa lungsod ngunit maaari ring magkaroon ng bagong pagkakataon sa kabuhayan.

[5:53]Halina't Magbasa. Ang pagpapahalaga sa bawat tao na kabilang sa anumang pangkat ay mahalaga. Ang di-pagkakapantay-pantay ay nagbubunga ng di maganda. Ang pagkakapantay-pantay ay tumutukoy sa parehong pagtingin sa mga mamamayan sa lipunang kaniyang kinabibilangan sa harap ng batas; anuman ang kulay ng kaniyang balat, kasarian, relihiyon, pangkat o rehiyong pinagmulan – ang mga ito ay walang kinalaman sa hindi pantay na pagtingin sa sinuman.

[6:30]Ang sinumang nagkasala at napatunayan sa harap ng hukuman ay may nakalaang parusa anuman ang kaniyang posisyon kahit na siya ay anak ng alkade, o isang senador o may mataas man ang hinahawakang posisyon sa pamahalaan. Sa kasalukuyan, sa usapin ng mga Muslim at Kristiyano ay isa pa rin sa matagal ng suliraning kinakaharap ng pamahalaan. Maraming hinaing ang mga Muslim hinggil sa pagbibigay ng higit na pabor ng pamahalaan sa mga taga-Luzon. Mas nabibigyan ng prayoridad ang mga nasa Luzon kaysa sa mga nasa Visayas at Mindanao; dahil dito naging sanhi ito ng kaguluhan. Dumating din sa punto na ang mga Muslim ay humingi ng awtonomiya. Nais nilang makapagsarili at huwag nang umasa sa pamahalaan, bagkus sila na mismo ang magpapalakad sa kanilang rehiyon. Hanggang ngayon ay isa ito sa mga usapin na nilulutas ng pamahalaan at nagiging dahilan ng pag-aalsa ng mga Muslim laban sa pamahalaan. Ano ang ibang katawagan sa pangkat-etniko? Katutubo o pangkat ng mga taong may iisang kultura at pinagmulan. Ano-ano ang mga pangkat-etnikong itinatampok sa binasang teksto? Mga Muslim at mga Kristiyano. Ibigay ang katangian ng bawat pangkat-etnikong tinalakay sa lathalain? Ang mga Muslim ay may sariling paniniwala at hangarin na magkaroon ng awtonomiya, samantalang ang mga Kristiyano ay kabilang sa mas nabibigyan ng prayoridad ayon sa teksto. Ano ang pagkakapareho ng mga pangkat-etnikong tinalakay sa lathalain? Pareho silang mga Pilipino at may karapatang tratuhin nang pantay-pantay sa lipunan. Ano ang ibig sabihin nito: “Nakalaya na tayo sa mga umalipin at sumakop sa atin, ang nakakalungkot nga lang isipin ay tayo mismo ang nang-aalipin sa ating kapuwa Pilipino? Ibig sabihin, kahit malaya na ang bansa, may mga tao pa ring hindi patas ang pagtrato sa kapwa Pilipino. Para sa ikalawang araw. Maglista ng tigdalawang sanhi at bunga batay sa mga impormasyong binasa sa lathalain. Gawing gabay ang fishbone.

[9:20]Narito ang mga posibleng sagot. Sanhi, hindi pantay na pagturing, diskriminasyon, hindi pagkakapantay-pantay. Bunga, pagkagalit, gulo o kaguluhan, paghingi ng awtonomiya. Ating basahin, Pamamanang Kayumanggi, Salamin ng Ating Lahi, ni Maria Fe Hicana. Mahalagang may alam tayo sa mga impormasyon tungkol sa ating kabihasnan. Maipaliliwanag natin kung ano at sino tayo ngayon dahil sa ating sinaunang kultura. Ang kaalaman sa paraan ng pamumuhay ng mga kapuwa natin mula sa iba't ibang pangkat-etniko at tribu ay makakatulong nang malaki upang lubos natin silang maunawaan. Sila ang nagsisilbing mga hiyas ng ating lahi, ang magbubuklod sa ating lipi sapagkat dito natin malalaman na napakayaman ng kulturang kayumanggi. Ang Hanunuo ay kabilang sa tribung Mangyan ng Mindoro. Nangangahulugang “totoo” o “tunay” ang salitang Hanunuo. Sila ay nakatira sa mga bahay na yari sa kogon at kahoy. Ang pangunahing hanapbuhay nila ay pagsasaka at pagkakaingin. Ang kalalakihan ay pumiputol ng puno at nangangahoy samantalang ang kababaihan naman ay tumutulong sa pagtatanim. Hanggang sa kasalukuyan ay napanatili nila ang kanilang minanang katutubong alpabeto.

[11:27]Matatagpuan naman sa bahagi ng Cotabato, Maguindanao, at Sultan Kudarat ang mga Tiruray. Nahahati ang kanilang tribu sa dalawang pangkat, at ang mga tradisyonal at ang pangkat na nagbago ng tradisyon. Ang mga Tiruray na nagbago ng tradisyon ay nagkaroon ng malapit na pakikipag-ugnayan sa mga pangkat ng Kristiyano at Muslim. Samantalang ang mga Tiruray na tradisyonal ay pinapanatili ang kanilang mga lumang kaugalian, tradisyon, at paniniwala. Sila ay nagsasaka, nangangaso, nangingisda, nangangalap ng mga produkto sa kagubatan. Inged ang tawag sa komunidad ng Tiruray. Sa Inged ay may isang pinuno na tumitiyak sa paghahawan ng bukid, pagtatanim, at pag-aani ng mga pananim, at ang pantay-pantay na pamamahagi ng mga pagkain kaya walang pag-aagawan.

[12:34]Kabilang naman sa tribung Negrito ang mga Agta. Makikita sila sa Palanan, Isabela. Ang kanilang mga bahay ay karaniwang nakatirik sa tabing-dagat na hugis tatsulok. Mahilig silang magpalipat-lipat ng mga lugar kaya tinatawag din silang nomad. Pangangaso at pangingisda ang pangunahing ikinabubuhay at tulad ng mga Negrito, sila rin ay nagkakaingin. Napakayaman at maunlad ang kultura ng mga minoryang pangkat ng ating bansa. Sa loob ng mahabang taon at siglo ay napanatili nila ang kanilang kultura. Ang kanilang mga sariling paniniwala, tradisyon, mga awitin at mga kaugalian ay makikita pa rin sa kanila at napanatili pa rin hanggang sa kasalukuyan.

[13:33]Nakalaya na tayo sa mga umalipin at sumakop sa atin, ang nakakalungkot nga lang isipin ay tayo mismo ang nang-aalipin sa ating kapuwa Pilipino lalo na't hindi natin kapangkat. May mga diskriminasyong nagaganap sa mga minoryang pangkat. Kadalasan ay pinagtatawanan ang kanilang anyo at kasuotan. Ang mga nabanggit ay hindi magandang ugali lalo na sa pakikitungo natin sa kanila. Kung ikaw ang nasa kalagayan nila, Sa kabuoan, mahalaga ang paggalang sa kahit na sinumang tao, kahit saan man siya nanggaling o nagmula.

[14:17]Batay sa binasang lathalain, ipaliwanag ang ginagawa ng bawat pangkat-etniko upang mapanatili/mapreserba ang kanilang tribu.

[14:30]Hanunuo. Inaalagaan ang tradisyon at kultura. Inoorganisa ang mga pista at pagdiriwang. Itinuturo sa mga kabataan ang mga katutubong sining at wika. Pinahahalagahan ang kanilang mga lupain at likas-yaman.

[14:48]T'boli. T'boli. Nagtulagaa ang sayaw at seremonya ng mga T'boli. Patuloy na pinag-aaral at ipinapamana ang paglikha ng mga tinalak. Inoorganisa ang pagpapalaganap ng mga katutubong awitin at musika. Pinag-aaralan ang kasaysayan at ipinagtatanggol ang kalikasan. Tiruray.

[15:13]Pagpapatuloy ng kanilang tradisyon at ritwal. Pagkakaroon ng konsultasyon at partisipasyon ng komunidad sa mga gawain. Pagpapahalaga at pagprotekta sa kanilang mga lupain.

[15:28]Agta.

[15:31]Buoin ang talata batay sa binasang lathalain. Isulat ang sagot sa patlang. Ang tampok na lathalain ay tungkol sa mga pangkat-etniko. Mahalagang may alam tayo sa mga impormasyon tungkol sa ating kabihasnan dahil nakatulong ito upang mapahalagahan at mapanatili ang ating kultura at tradisyon. Ang mga pangkat-etniko ay nagsisilbing mga hiyas ng ating lahi, ang magbubuklod sa ating lipi sapagkat mayroon silang iba't ibang kultura at paniniwala na nagpapayaman sa ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Hanunuo ay pagsasaka at pangingisda.

[16:28]Ang mga babaeng T'boli ay mahilig magsuot ng mga alahas, pinapalamutian nila ang kanilang katawan tulad ng kuwintas at pulseras, naglalagay din sila ng mga tattoo sa kanilang katawan. Nahahati ang tribu ng mga Tiruray sa dalawang pangkat, ito ay ang tradisyonal at mga pangkat na nagbago.

[16:57]Para sa ikalawang araw. Basahin ang sumusunod na pangungusap: Ikinagulat niya ang pagpapaalis sa kanilang tribu. Ang mga alahas ay ipinapalamuti nila sa kanilang katawan. Ang pagkaing at pangangaso ang ipinambubuhay nila sa kaniyang pamilya. Ano ang napansin sa mga initimang salita? Ito ay mga pandiwa o salitang nagsasaad ng kilos. Ano ang mga pandiwang ginamit sa bawat pangungusap? Paano ito ginamit? Ikinagulat, ipinapalamuti, at ipinambubuhay — ginamit ang mga ito upang ipakita ang kilos na ginawa sa pangungusap. Ano ang paksa sa bawat pangungusap? niya, mga alahas, at pagkaing at pangangaso. Ano ang mga panlaping ginamit sa bawat pandiwa? ika-, ipina-, at ipan-. Ano kayang pokus ng pandiwa ang ginamit sa bawat pangungusap? Iba't iba ang panlaping ginagamit sa pagbuo ng pandiwa. Sa pagbabago ng panlapi ng pandiwa ay nababago rin ang pokus ng pandiwa ng pangungusap ayon sa pandiwang ginamit. Isa sa mga pokus ng pandiwa ay ang Kawsatib o Sanhi.

[18:31]Kawsatib o Sanhi: ang paksa ang nagsasabi ng dahilan ng kilos.

[18:45]Ginagamit ang mga panlaping ika-, ikapa-, ikapag- at ikina-. Sumasagot sa tanong na bakit. Ang pagmamaliit sa mga tribu ay ikinasama niya ng loob.

[19:02]Lubhang ikinasaya niya ang pagtanggap sa kanila. Humanap ng kapareha at sagutin ang sumusunod na tanong. Ano ang pagkaunawa mo sa pokus sanhi/kawsatib ng pandiwa? Ito ay pandiwa na nagpapakita na may taong naging sanhi o dahilan upang maganap ang kilos. Ano ang tanong na sinasagot sa pokus sanhi? Ano ang sanhi? o Sino ang dahilan ng kilos? Ano-ano ang karaniwang panlapi ang ginagamit sa pokus kawsatib ng pandiwa? ika-, ipa-, ipag-, at i-.

[19:47]Magbigay ng tigdalawang halimbawa ng pokus kawsatib o pokus sanhi. Ikinatuwa ng bata ang regalo. Ipinaluto ni Ana ang pagkain. Bilugan ang pokus kawsatib/sanhi sa bawat pangungusap at guhitan ang paksang ginamit. Ikinabigla niya ang pagpapalayas sa kanilang tribu ng mga pulis. Ang mga babaeng T'boli ay ipinapalamuti ang mga alahas at ang mga tattoo sa kanilang katawan. Ang pamamahagi ng pagkain sa kanilang tribu ay ikinagagaan nila ng loob. Ang pagpapanatili sa kanilang tradisyon ay ikinararangal ko. Kung minsan ang kanilang kasuotan ay ikinahihiya ng marami.

[20:41]Narito ang mga tamang kasagutan.

[20:48]Suriin ang mga imaheng nakalahad. Isulat ang iyong opinyon ukol dito.

[21:00]Ang larawang ito ay nagpapakita na minsan pakiramdam ng isang tao na siya ay naiiba sa iba o hindi kasali sa grupo. Mahalaga na may pagkilala at pagtanggap sa pagkakaiba ng bawat isa.

[21:20]Ang larawan ay nagpapakita ng diskriminasyon o pangungutya sa isang tao dahil sa kaniyang kasuotan o paniniwala. Ipinapakita nito na may mga taong hindi marunong rumespeto sa iba. Dapat nating igalang ang bawat isa at iwasan ang panghuhusga.

[21:44]Ang larawan ay nagpapakita ng isang batang nakararanas ng pangungutya o hindi pagsali ng iba. Ipinapakita nito na may mga taong nalulungkot kapag sila ay inaapi o iniiwasan. Mahalaga ang paggalang at pagiging mabuti sa kapwa upang walang masaktan.

[22:09]Ang larawan ay nagpapakita ng hindi pagkakapantay-pantay o diskriminasyon. Ipinapakita nito na may mga taong tinatrato nang iba kaysa sa iba. Mahalaga ang paggalang at pantay na pagtingin sa lahat anuman ang kanilang kalagayan.

[22:53]Gamitin ang magagalang na pananalita sa pagtatanong ng direksyon ayon sa sitwasyon. Hinanahanap mo kung paanong pumunta sa tribu ng mga Tiruray. Nakasalubong mo ang isang matanda, ano ang sasabihin mo sa kaniya? Magandang araw po. Maaari ko po bang itanong kung paano pumunta sa tribu ng mga Tiruray? Maraming salamat po. Bago ka lamang sa inyong paaralan. Hindi mo alam kung saan ang silid-aklatan, nakasalubong mo ang iyong kaklaseng Muslim. Ano ang sasabihin mo sa kaniya? Assalamu alaikum. Maaari mo ba akong tulungan? Saan banda ang silid-aklatan? Maraming salamat.

[23:44]Inutusan ka ng iyong guro upang kunin ang mga dekorasyon sa inyong bulletin board na nasa kabilang gusali pa ngunit hindi mo alam kung nasaan ang gusaling iyon. Ano ang sasabihin mo sa iyong guro? Ma'am/Sir, magalang ko po sanang maitatanong kung saan banda ang gusali na may bulletin board para makuha ko po ang mga dekorasyon. Salamat po. Para sa inyong takdang-aralin, sa kuwaderno, magsaliksik pa ng ibang pangkat-etniko sa ating bansa. Sikaping makasulat ng lima hanggang pitong pangungusap. Suriing mabuti ang mga datos na nakasaad sa isang request form. Pag-aralan ito at humanda sa susunod na talakayan.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript