[0:06]Naglalagay ako at nag-iipon makaipon ng maraming salapi upang maisagawa ang aking layunin.
[0:42]Kapitan, bakit hindi pa tulay ng barko? Sasad sad tayo sa bukirin, Donya Victorina. Ang lunas ay napakadali. Humukay ng kanal sa Maynila. Magbukas ng bagong ilog at tabunan ang ilog Pasig. Sa panukalang ito'y malaking pera ang magugugol, G. Simoun, at masisira ang mga kabayanan. Pues, sumiral. Gamitin ang mga bilanggo at bihag upang walang perang gugugulin sa paggawa. Kung hindi sasapat, ang taong-bayan ang sapilitang pagawain. Sa ganyang paraan nayari ang malalaking piramide ng Ehipto, ang lawang Moeris, at ang Coliseo ng Roma. Ngunit maaaring magbunga iyan ng paghihimagsik. Ang lupaing ito'y maraming beses nang naghimagsik dahil sa sapilitang paggawa. Ang mga pulong ito ay hindi na muling maghihimagsik. At kayo Padre Salvi, ano ang silbi ninyong mga prayle kung maghihimagsik ang bayan? At huwag kayong bumunggit ng mga pangangatwirang pawang katunggakan! Siya'y isang napakawalang utang na loob... at talakayin pa ang mga bagay na ito sa bapor pa naman!
[1:49]Iba naman ang nangyayari sa ilalim ng kubyerta. Siksikan ang mga pasaherong Indio at Tsino. Mainit dito at maingay ang makina ng bapor. Nag-uusap-usap sina Kapitan Basilio, Basilio, at Isagani tungkol sa pagkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila. Tinitiyak kong hindi maisasakatuparan ang Akademya ng Wikang Kastila. Maisasakatuparan po, Kapitan Basilio. Hinihintay na lamang namin ang pahintulot. Niregaluhan na namin si Padre Irene ng dalawang kabayo. Siya ay nangako sa aming makikipagkita sa Heneral. Sasalungatin iyan ni Padre Sibyla! Bayaan ninyong salungatin! Kaya nga naririto iyan sa bapor ay para makipagkita sa Heneral na nasa Los Baños. Makakuha man kayo ng pahintulot, saan naman kayo kukuha ng salaping gugugulin? Mayroon na po, aambag ang bawat estudyante. At ang mga magtuturo? Ang mayamang si Macaraig ay nag-alok ng isa sa kanyang mga bahay. Kung sa bagay, hindi masama ang panukalang iyan, ngayong hindi na mapag-aaralan ang Latin, ay pag-aaralan naman ang wikang Kastila. Diyan makikilala na tayo'y lumalakad nang paurong.
[3:04]Iyong mga tao sa una, Basilio, kapag nagmumungkahi ka ng isang bagay, iniisip kaagad ay balakid sa halip na kabutihan. Ibig nilang makuha ang lahat na parang bola ng bilyar, makinis at mabilog. Lumapit si Simoun. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun ang kaibigang si Isagani. Tinanong ni Simoun si Isagani kung totoo bang ang mga tao sa kanilang lalawigan ay hindi makabili ng alahas dahil sa karalitaan. Hindi nga po bumibili sapagkat hindi naman kailangan. Wala akong masamang ibig sabihin. Mabuti pa'y samahan niyo na lamang akong uminom ng serbesa. Salamat po, pero hindi kami umiinom ng serbesa. Ayon kay Padre Camorra, ang pag-inom ng maraming tubig ang sanhi ng kawalan ng sigla ng mga tao. Sabihin ninyo kay Padre Camorra na makabubuti sa kanya ang pag-inom ng tubig sa halip na serbesa upang makaiwas sa tsismis ng mga relihiyoso. Lumisan si Simoun, samantala itinuloy naman nina Basilio at Isagani ang kanilang pag-uusap. Bakit mapusok ka ngayon? Ewan ko, para akong natatakot sa taong iyan. Hindi mo ba siya kilala? Siya ang tagapayo ng Kapitan Heneral. Totoo? Ganyan ang narinig ko sa mga taong pumupuri sa kanya kapag nakaharap, at kapag nakatalikod, siya'y minumura. Napakagandang alamat! Ano sa palagay ninyo Padre Salvi? Hindi ba mabuti kung sa beateryo na lamang siya ikinulong gaya ng Sta. Cruz sa halip na sa tagong lugar? Wala namang kabuluhan iyan. Huwag ninyong kaligtaan ang pinakamaganda, sapagkat ito ang pinakatotoo: ang milagro ni San Nicolas.



