[0:03]Hi, welcome back to my channel. Kumusta na ang thesis mo? Nasa writing stage ka ba o nasa editing stage na? Wow, anuman ang stage mo sa iyong thesis writing ay mahalagang tama ang part na ito ng iyong manuscript. Aling part po, ma'am? So, definition of terms. Mahalaga ang definition of terms na tama ang nilalaman kasi pagkatapos ng title mo kung anomang words ang nasa title mo, susunod na titingnan kaagad ng panel or kung sino mang reader ng manuscript mo, 'yung definition ng mga words na ginamit mo doon. Halimbawa, ang thesis title mo ay online learning strategies and its effects to the critical thinking skills of grade 12 students. Okay, so ano 'yung mga significant words doon sa title mo? Meron kang online learning strategies, meron kang effects, meron kang critical thinking skills. So, kailangan 'yung mga words na 'yon ma-prioritize sila na ma-define sa iyong definition of terms. During defense, pagtingin sa title ng iyong panelist, malamang itatanong niya kaagad, "Anong ibig sabihin ng online learning strategies? Anong tinutukoy mong effects? Ano 'yung critical thinking skills?" So ipapaliwanag mo, that's one option. Another option is you can direct them to your definition of terms. So saan nga ba matatagpuan ang definition of terms? So nasa Chapter 1 ba 'yan? Nasa Chapter 2, 3, 4 or 5? Okay, anong hula mo? Okay, so ang definition of terms ay siya 'yung huling-huling part under Chapter 1. Okay, nandoon siya. So napakadali niyang tandaan kasi bago ka pumunta sa Chapter 2, matatagpuan mo ang definition of terms. So karaniwan talaga binubuklat 'yan. Ako bilang panelist, for example, tinitingnan ko ang definition of terms kaagad. Kasi 'pag na-encounter ko 'yung terminology na 'to sa title, titingnan ko kaagad siya, ano kaya ang ibig niyang sabihin sa pagkakagamit niya dito. Minsan kasi 'yung nasa title na terminology, minsan kung ano 'yung understanding mo, iba pala 'yung pagkakagamit doon sa konteksto ng study na 'yon o ng research na 'yon. So, mahalaga na isa or may common understanding ikaw, ang panelist at kung sino man ang reader ng iyong thesis manuscript. Okay, so tingnan natin ngayon 'yung actual na halimbawa ng isang definition of terms. So ginamit natin dito sa ating screen ay mismong Word. Kasi 'di ba 'yung thesis niyo ay isinusulat natin sa Word, hindi naman sa PowerPoint, hindi naman sa Excel. So dito meron tayong title or 'yung subtitle natin under Chapter 1, the Definition of Terms. So kailangan 'yan initial capital D and of course initial capital letter T. Okay. Minsan nakakaligtaan kasi 'yan. Ako sa editing for example, minsan nakikita ko pati 'yung T ay small letter. So tandaan natin sa mga title or subtitle, importante na 'yung mga important words or 'yung mga essential words ay nagsisimula sa capital letter. So of course meron tayong introductory statement. So dito sa halimbawang ginawa ko, mayroong dalawang options. Or pwede naman gumawa ka ng sarili mong sentence para kumbaga ay mayroon kang sariling style dito. So usually, ito 'yung ginagamit diyan. "The following terms used in the study are defined conceptually and/or operationally to ensure clarity and better understanding." So, that's one option, or kung gusto mong ganito, "For better understanding of the study, the following words are conceptually and/or operationally defined." So, ito 'yung tinatawag na introductory statement. Isa lang, pili ka lang dito kung anong gagamitin mo. Okay? Ngayon kung napansin mo 'to, "Ma'am, bakit po may and/or conceptually and/or operationally?" Oo nga naman, bakit may and/or? Minsan kasi pwede na isa lang ang ilagay mong definition, conceptual lang siya or operational lang siya. Okay? Pwede namang dalawa, conceptual definition at operational definition, kaya may and. Kung isa lang, 'edi or 'yun, kung dalawa, and 'yun. So, may intro statement ka na, ang kasunod na no'n 'yung mismong essential word or important word na bibigyan mo ng kahulugan. Okay. May dalawang uri ng kahulugan: una, conceptual definition. 'Yung conceptual definition, saan nga ba nanggagaling 'yan? Okay. 'Yan ba ay sarili mong pagpapakahulugan o kinuha mo sa mga reliable sources, sa mga references? Okay. 'Pag sinabing conceptual definition, galing 'yan sa mga sources, hindi galing sa'yo. Okay? 'Yun ang kaibahan niya sa pangalawang uri na tinatawag nating operational definition. So, 'pag sinabing operational definition, hindi siya galing sa dictionary, hindi siya galing sa aklat, hindi siya galing kung saang reference kundi siya ay nabuo ng kahulugan batay sa kung paano siya ginamit sa iyong pananaliksik or sa iyong research. Okay, so dalawa, conceptual definition, operational definition. Automatically, 'pag may conceptual definition ka, kasunod niyan source, kung saan mo siya kinuha. Hindi mo pwedeng hindi banggitin 'yung source, kasi nga kinuha mo siya from that particular reference. Okay, so ito ang halimbawa. Development and Acceptability. So, wala siyang source, sa biglang tingin, alam ko na na operational definition 'to. So, anong sabi dito? "It refers to the process of creating the learning material and assessing its extent of usefulness to the intended learners." So, halimbawa ito 'yung binigay na pagpapakahulugan or kahulugan ng researcher, kasi ito 'yung kung paano siya ginamit sa study. Okay, pangalawa, halimbawa, English Conversation Fluency. So, meron namang conceptual definition na tumatama sa study mo, so kunin mo 'yung conceptual definition niya. So, sabi mo, "It refers to the..." okay, continuation kung ano 'yung sabi doon sa pinagkunan mo, and then i-acknowledge mo 'yung source, kasi nga conceptual definition siya.
[7:08]Okay. Dito naman, Literature-based Learning Playlist. So, pangatlong entry na 'to sa definition of terms. Obviously, wala siyang source. So, this means that this is operational definition. Okay, "This pertains to the developed learning material that comprises literary pieces as input materials." Okay, so halimbawa itong tatlo, mga importante 'to kaya sila ay inilagay diyan. Halimbawa, sasabihin mo pa ba or ide-define mo pa ba na "Grade 12 students?" So understood na na 'yung grade 12 students ay grade 12 students, kahit hindi mo i-define dito, alam na ng lahat 'yon. Okay? Kaya ang tanong, "Ma'am, lahat po ba ng nasa title ay ilalagay diyan?" Hindi, pipiliin mo lang kung ano 'yung pinaka-importante, salita na hindi madaling maintindihan or hindi siya usual na ginagamit, kaya kailangan mong i-define dito sa part na 'to ng iyong study. 'Yung mga for example, students, school, English, ganyan, 'yung mga common words, okay na 'yon. Huwag mo na silang isama dito sa definition of terms, pwera na lang kapag isi-suggest ng iyong panel na isama sila. So sundin natin ang suggestion or recommendation ng panel of evaluators, iko-consider natin 'yan, susundin natin 'yan.
[8:43]Okay? Okay, "Points to Consider: 1. Of course, may introductory statement." So, nakita natin kanina meron siyang intro statement, huwag kakalimutan 'yan kasi sa finalization, for example, ko-komentuhan 'yan na kulang. Ganun din kapag nag-defend ka tapos wala niyan, bibigyan ng comment 'yan ng panel of evaluators, especially ng language critic. Pangalawa, "Prioritize important terms in the title." So, nabanggit ko na 'to kanina. Kaya kung medyo nalilito ka, naguguluhan ka, "Ano po ba ang ilalagay dito, Ma'am?" So, magsimula ka sa title, maraming importanteng salita doon. Pangalawa, tingnan mo 'yung mga variables mo na nakalista sa statement of the problem. So, 'yan, kailangan 'yan na ma-define para kumbaga swabe, madaling maintindihan 'yung mga words, aspects, variables na nasa statement of the problem mo. Okay, ito nabanggit ko na 'to, "Include the variables and technical aspects."
[9:48]So kung merong mga technical terms kang ginamit, for example, 'yung mga computer assisted instruction, 'yan, ICT-based, so kailangan ma-define 'yan para madaling maintindihan. Especially 'yung mga ganun, 'yung mga OBE lang, ilalagay mo halimbawa OBE. So, nakakalito 'yun. Hindi lahat alam 'yung meaning na 'yon or hindi sa lahat ng sandali ang ibig sabihin do'n ay outcomes-based education. Marami kasing acronyms na iba-iba pala 'yung kahulugan nila. Okay, pang-apat, "Alphabetically arranged." Napansin niyo ba 'yung tatlong entries natin? D ang umpisa, E 'yung kasunod, tapos L, so alphabetically arranged sila. Ito 'yung bagay minsan na alam mo 'yun, kapag sobrang rush na rush na 'yung trabaho mo, nakakalimutan mo na 'yung simpleng pag-alphabetize. Na-experience ko 'to nung mag-panel ako. So, simpleng alphabetization hindi nagawa doon sa definition of terms. Although alam na alam naman na ituro naman na 'yun ang gagawin, so minsan kasi sa sobrang, sobrang pagod na tayo or sobrang na-ra-rush, 'yung simple na 'yon, 'yung simple na 'yon, hindi natin nagagawa. So, napaka-importante no'n kaya i-check natin, re-reviewhin talaga natin. Okay, panglima, "Complete sentence." So, tingnan natin 'yung halimbawa. Itong pangatlo, "This pertains to the developed learning material that comprises literary pieces as input materials." So, may period siya, tama 'yung flow niya, complete sentence siya. Okay? Ito, "Ito ba ay complete sentence?" For example, di-define dito, "Development and Acceptability." Sabi niya, "The process of creating the learning material and assessing its extent of usefulness to the intended learners." So, parang may kulang. "Development and Acceptability." So dapat nilagay dito, "It pertains to the process..." So, lagay natin, "It pertains to the..." okay, meron na tayong "the" dito, and then this one, huwag nating i-bold.
[12:00]Kasi hindi na siya kasama sa iba-bold. 'Yung period ibalik natin sa bold. Okay. So 'yan, nakumpleto na siya. Okay? Hindi katulad kanina na nagsimula dito sa the process lang, naging kumpleto na siya. So ito ay dapat kasama itong "it pertains to." Para kumpleto 'yung 'yung definition na ibibigay mo ay in sentence format. Okay? So complete sentence format.
[12:53]Tandaan rin, "Correctness and consistency of format and spacing." So, ano ba 'yung format na ni-recommend ng inyong paaralan? Sundin natin 'yon, sundin mo 'yon. 'Yung spacing dito double space baka minsan na single space or na triple 'yung space. Minsan nangyayari 'yon. Okay, so check natin 'yon. And then pantay-pantay ba 'yung sa left niya? Pantay-pantay ba 'yung intention niya? 'Yan, tinitingnan din 'yan. Tapos 'wag kalimutan, may period dapat sa hulihan. Ako, nakaka-encounter ako nito na nawawala 'yung period sa hulihan. So, sa editing importante 'yan. Kasi hindi 'yan matuturing na sentence unless mayroong period sa katapusan ng pangungusap. Okay, "Sources must be indicated in conceptual definitions." Kaya kanina 'di ba pagtingin ko may source siya, nasa parenthesis, so automatically understood na siya ay conceptual definition. So, we have to really check. Kailangan ay ma-review natin na talagang makita natin na, "Ah, lahat ng conceptual definition ko ay mayroong source na acknowledge 'yung source." 'Yung operational definition, hindi siya nangangailangan ng source, kasi nga ikaw or kayong magkaka-grupo ang nagbigay ng kahulugan do'n. At kung kukuha ka ng mga sources, kailangan reliable. Ano pong ibig sabihin, Ma'am? Mayroon kasing mga mababasa tayo sa internet na mga reading materials or mga nakalathala doon, nakapublish doon, na hindi pinapayagang maisama sa isang research paper. So, pwede siya kung mga essay or kung anomang mga reflection paper or kung anong sinusulat mo, for example sa literary, sa literature. Pero sa research medyo mayroon mga ino-obserbahan or mayroon mga defined identified websites na magandang kuhaan mo. Okay? So, hindi ito kung saang blog makakuha ka, isasama mo sa research, hindi. So, hahanap ka ng mga reliable sources, kasi 'pag isinama mo 'yan, ipatatanggal din 'yan ng panel. So, I have experience this. Okay? At saka hangga't maaari, ang kunin mong definition, 'yung pasok sa 10 years. 'Di ba mayroon sa Review of Related Literature and Studies na dapat current siya within 10 years. So ganun din sa mga sources na kukunin mo dito. Baka mamaya 1990 pa na meaning 'yon. So, hindi na siya applicable ngayon. Kaya palitan mo na kaagad. Huwag mo nang hintaying makarating pa sa sa final copy or sa defense. Para bawas na siya sa mga ire-revise mo. Okay? 'Pag natapos na 'yung defense mo. So, kumbaga salain mo na, i-filter mo na para less 'yung mali, maganda 'yung grades mo. Kung nagpa-finalize ka naman, mapa-proud ka talaga sa final copy mo kasi talagang pwede siyang model, pwede siyang perfect example ng isang thesis. Okay? So, there we have it. Maraming salamat. Sana nakatulong sa'yo ang lesson video na 'to at paki-share para marami tayong matulungan, marami tayong maalalayan. So, don't forget to click like, subscribe and tap the notification bell for more lesson uploads, practical tips and anything educational. Have fun learning!



