Thumbnail for AP - Mga Pangyayaring Nagbigay Daan sa Pagtatakda ng Batas Militar (Martial Law) by EZ Link

AP - Mga Pangyayaring Nagbigay Daan sa Pagtatakda ng Batas Militar (Martial Law)

EZ Link

5m 33s533 words~3 min read
AI audio transcription
Transcript source

AI audio transcription

This transcript was generated from the video's audio because no usable YouTube caption track was available. The transcript below is server-rendered so it can be read, searched, cited, and shared without opening the original YouTube player.

Timestamped outline
Pull quotes
[0:10]Ngayong araw sa ating araling panlipunan, tatalakayin natin ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagtatakda ng Batas Militar.
[0:10]Ang unang panunungkulan ni Pangulong Marcos mula 1965 hanggang 1969 ay may layuning gawing dakilang muli ang Pilipinas.
[0:10]Ang sabi niya: "This nation can be great again." Malawakang paggawa ng kalye, tulay, patubig at paaralan ang kanyang pinasimulan.
[0:49]Nabawasan ang krimen, lumaki ang produksyon sa agrikultura dahil sa reporma sa lupa at dumami ang serbisyo ng pamahalaan lalo na sa kalusugan.
Use this transcript
Related transcript hubs

[0:10]Magandang araw mga ka-EZYLink. Ngayong araw sa ating araling panlipunan, tatalakayin natin ang mga pangyayari na nagbigay-daan sa pagtatakda ng Batas Militar. Kaya makinig kayo ng mabuti at atin ng sisimulan. Ang unang panunungkulan ni Pangulong Marcos mula 1965 hanggang 1969 ay may layuning gawing dakilang muli ang Pilipinas. Ang sabi niya: "This nation can be great again." Malawakang paggawa ng kalye, tulay, patubig at paaralan ang kanyang pinasimulan.

[0:49]Nabawasan ang krimen, lumaki ang produksyon sa agrikultura dahil sa reporma sa lupa at dumami ang serbisyo ng pamahalaan lalo na sa kalusugan. Nabago rin ang hukbong sandatahan at nakipag-ugnayan tayo sa iba't ibang bansa.

[1:06]Subalit, nang muli siyang mahalal noong taong 1969, nagbago na ang sistema ng kanyang pamamalakad.

[1:17]Maraming Pilipino ang nagalit dahil sa pambansang kahirapan ibinunga ng labis na paggasta at pangungutang ng pamahalaang Marcos. Mga pangyayari sa bansa na nagtapos sa pagdedeklara ng Batas Militar. Una, mga suliraning pangkabuhayan. Patuloy na lumaki ang panlabas na utang ng pamahalaan. Ang mga proyektong kanyang sinimulan ay ipinangutang niya sa mayayamang bansa.

[1:47]Tumaas din ang halaga ng langis sa pandaigdigang palengke. Patuloy na umangkat ang Pamahalaang Marcos, kaya't tumaas din ang halaga ng mga bilihin.

[2:04]Binuksan ni Marcos ang bansa sa mga dayuhang mamumuhunan. Ngunit nilapastangan naman ng mga ito ang ating likas na yaman.

[2:17]Patuloy na yumaman ang mga kapitalista at patuloy namang naghirap ang mga mahihirap.

[2:27]Ikalawa, mga suliraning panlipunan. Ang mga mayayaman at mga pulitiko ay nagtatag ng kani-kanilang private army. Madali ang pamimili ng mga armas at baril; karamihan ay galing sa ibang bansa.

[2:47]Tumaas ang antas ng krimen sa bansa.

[2:52]Dahil sa pahirap nang pahirap ang buhay at maliit na kita ng mga manggagawa, nagsimula ang maraming pag-aaklas na sinuportahan ng mga aktibistang mag-aaral.

[3:07]Halos araw-araw na laman ng lansangan ang mga rally o demonstrasyon laban sa pamahalaang Marcos. Dito nagsimula ang Parliments of the Streets.

[3:21]Lumala ang hidwaang Kristiyano at Muslim sa Mindanao.

[3:27]Ikatatlo, mga suliraning pampulitika. Iba't ibang samahan na may iba't ibang simulain ang natatag: Ang CPP, Communist Party of the Philippines. NDF, National Democratic Front. NPA, New People's Army. At ang MNLF, Moro National Liberation Front.

[3:54]Madalas ang labanan ng militanteng demonstrador o mga tao sa rally sa kalsada at mga military o pulis.

[4:06]Noong ika-21 ng Agosto, taong 1972, nagkaroon ng isang malaking pagsabog sa Plaza Miranda sa Maynila, ang pook na madalas pagdausan ng mga demonstrasyon at kung saan nagaganap ang campaign rally ng Partido Liberal ng panahong iyon.

[4:26]Dahil sa pagpapasabog sa Plaza Miranda, ipinatupad ang Proklamasyon 889 na nagsuspindi sa Writ of Habeas Corpus o ang pagkaputol ng karapatang dinggin sa hukuman ang mga kaso ng mga inaresto ng pamahalaan.

[4:43]Ibinunyag ni Senador Benigno "Ninoy" Aquino ang planong pagdeklara ng Batas Militar ni Pangulong Marcos sa ilalim ng planong Oplan Sagittarius.

[4:57]Si Aquino ang matinding kalaban ni Pangulong Marcos sa pulitika at may kakayahan sanang maging pangulo rin ng bansa.

[5:07]Noong Setyembre 21, 1972, narinig ang sirena ng pulis sa buong Pilipinas. Nawalan ng kuryente ang buong bansa. Nang magkakuryente, tumambad sa telebisyon ang larawan ni Pangulong Marcos sa lahat ng istasyon. "I signed proclamation No. 1081 placing the entire Philippines under Martial Law..." Ito ang mga katagang kanyang binitiwan.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript