[0:07]Sa malalim na dagat sa paligid ng Romblon.
[0:14]May isang isla na mayaman sa kalikasan, pero sa lahat, sa kabuhayan.
[0:26]Pitong taon na ang nakalilipas mula nang una akong tumapak sa isla ng Sibuyan.
[0:35]Sa aking pagbabalik, hindi lang ang malawak na gubat ang aking babalikan.
[0:42]Kundi tatlong batang, 'di ko kailanman malilimutan.
[0:54]Ang gubat ay hindi lugar para sa mga bata.
[1:00]Madaling maligaw sa masukal na kagubatan.
[1:08]Ang usok at apoy ay hindi laruan.
[1:13]Pero sa mga batang ulila sa magulang, lahat ng ito, kailangan kalimutan.
[1:23]Taong 2015 ng isulat ko ang mga salitang ito.
[1:29]Tulad ng maraming probinsya sa Pilipinas, problema rin ng child labor sa Romblon.
[1:38]Makalipas ang pitong taon, may nagbago na kaya sa sitwasyon? Ang gubat ng Sibuyan ang una kong pinuntahan.
[1:51]Sa paanan ng bundok, sila ang una kong nakita. Pakiramdam ko, bumalik lang ako sa nakaraan.
[2:03]Matiyagang nagbubuhat ng kahoy na uulingin sina Kimberly, Jasmine at Abel John, tatlo sa limang anak ni Mang Nono. So ilang taon niyo na pong ginagawa itong pag-uuling Tay? Matagal na, Ma'am, kasi nagsimula ako mag-uuling, wala pa akong asawa eh. Mga 15 pa lang ako.
[2:25]Buti po kinakaya ninyo kahit sa kalagayan po ninyo. Kaya ko po Ma'am, kasi hindi naman ako dito lumaki sa ano, dito sa baba. Lumaki ako sa bundok. Ah, so sanay talaga kayo? Opo. Napakapag-aral kayo, Tay? Wala po, Ma'am. Ah, hindi kayo nakapag-aral? Kasi hindi ko po kaya. Eh bakit po? Nalayo eh. Hindi ako naka-suot ng tsinelas. Kaya hindi kayo makalakad papunta sa eskwelahan. Makaklakad pero 'yung sigi ko naman ano masakit sa, sa sementado ba. Ipinanganak ng ganito si Mang Nono. Akala ng kanyang mga magulang, 'di na siya makakpaglakad. Pero tinuruan ni Mang Nono ang kanyang sarili na tumayo sa sariling paa. At anuman kakulangan sa pangangatawan, bumawi si Mang Nono sa kasipagan. Ang trabaho ko po, Ma'am, 'yun talaga. Nag-uuling talaga ako. Pananim ng balinghoy, saging. Ganito. Kung may anihan, 'yun sa, sa puno ng nag-aani ako. Naklubog pa ito dito. Hanggang dito. Nakaluhod pa diyan ako sa, sa tunga ng lanas. 'Yan. 'Yan ang binuhay namin at saka 'yung, kumukuha kami ng gulaman doon sa, sa tabing dagat. 'Yung seaweeds ang tinatawag ko.
[3:48]At nang magkaroon siya ng mga anak, isa lang ang kanyang inaasam. Maiba ang kanilang kapalaran. So, hindi na lang po kayo nag-aral? Hindi po. Kahit grade one? Mayroon, Ma'am. Hanggang grade one lang. Pero ang mga anak niyo po? Nag-aaral po 'yan, Ma'am, kasi ayaw ko po tularan sa akin ang mga anak ninyo.
[4:14]Anong grade ka na, Kim? Grade nine. Grade nine? Woo, galing mo naman. Ibig sabihin, malapit ka na mag-ano, ilang taon na lang, senior high ka na. Tapos ka na.
[4:30]Hindi ka tumigil sa pag-aaral, Kim? Hindi po, kasi may pangarap ako. Si Kimberly ang panganay sa limang anak ni Mang Nono. Araw-araw man silang nasa gubat para magtrabaho, hindi sila nakalilimot sa pag-aaral. Naaawa po ako sa kanya kaya nga ano po magsumikap po ako sa pag-aaral para matulungan ko po sila. Sa kalagayan ni Papa po, parang napakahirap na. Walang tsinelas tapos naglalakad ka pa sa, sa mga bato. Sobrang sakit po talaga.
[5:07]So itong binubuhat namin na, na kahoy, medyo hardwood siya, kung titingnan mo. Actually, hindi naman 'to kinuha sa gubat. Ito lang ay kinuha lang nila mula sa isang ginibang rest house. Rest house ba? Opo. O, 'yun. Kaya nakikita ninyo may pako pa. Kasi sa totoo lang, pinagbabawal naman ng gobyerno 'yung pag-uuling ng mga malalaking puno. So, sila, ang ginagawa nila, mga sanga-sanga lang 'yung kinukuha nila. Kasi 'yun 'yung ginagawang uling. Or 'yun nga, kapag may ginibang bahay, kinukuha nila 'yung mga scrap na, na kahoy. 'Tsaka 'yun 'yung ginagawa nilang uling.
[5:54]Maya-maya, narating din namin ang hukay kung saan nila iniipon ang mga uulinging kahoy.
[6:04]Dalawang buwan na raw nila itong iniipon, pero kulang pa.
[6:19]Habang nagtatabas ng mga sanga at natumbang puno si Mang Nono,
[6:27]Ang mga anak naman niya ang nagbubuhat ng kahoy.
[6:50]Nagtatrabaho sa Maynila ang asawa ni Mang Nono.
[6:56]Kaya siya ang solong nagpapalaki sa mga bata. Bakit ka tumutulong kay Papa, Abel John? Para hindi po si Papa mahugatan sa pagdala ng mga kahoy. Kasi masakit 'yung paa niya 'pag mainit 'yung bato, masakit sa, sa kanyang paa.
[7:20]Pag nakikita niyo po si Abel John na nagbubuhat po ng, ng kahoy, ano pong nararamdaman niyo minsan?
[7:41]Masakit, Ma'am, eh. Masakit po ang? Siyempre masakit, nakikita ko 'yung mga anak mo na maliit pa, ganito-ganun ang ginagawa. Pero tinitiis ko lang 'yan. Kasi kailangan nilang tumulong sa akin.
[8:09]Mahirap naman, kasi ayaw kong gumaya sila sa ibang bata na ano lang ang inatupag, ganito-ganun lang. Gusto ko lumaki sila na ano sa kanilang sarili, hindi sila umasa sa ganito-ganun, kundi tatayo sila sa sarili nilang paa. Gagawin ko po talaga ang lahat. Kasi 'yun nga ang sinasabi ko, hangga't kaya ko, gagawin ko. Para sa kanila, para na matulungan sila sa, sa mga pangangailangan nila gagawin ko. Naalala ko sina Diza, ng pumanaw ang kanilang ama noon. Hindi ko alam kung paano ko papawiin ang kanilang lungkot at pangungulila. Hindi po talaga kami nakapag-aral, kasi wala po kaming pambili ng gamit at pagkain. Doon ko unang nakitang tumangis si Diza. At hindi ko malilimutan ang kanilang simpleng dasal. Sana maging masaya kami. Makalipas ang pitong taon, ito pa rin kaya ang kanilang dasal? Kailan kaya makakatakas sa usok ng kagubatan, sina Kimberly, Jasmine at Abel John?



