[0:03]Kung nabubuhay lang sana ang ating pambansang bayani na si Jose Rizal, ano kaya ang masasabi niya sa mga nangyayari ngayon? Mabuti naman at buhay pa rin ang kanyang alaala lalo pa't napakarami niya palang naiwang memorabilia na hot sa mga auction. Ang tampipi o ang sinaunang maleta na gawa sa rattan na pinaglagyan daw ng orihinal na kopya ng Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Naibenta ng 2 million pesos. Ang kanyang mga liham ipinagbenta naman mula 2 to 6 million pesos kada isa. Meron ding jabali o imahe ng baboy ramo na inukit din daw ni Rizal na ang presyo maglalaro mula 15 to 16 million pesos. Ilan lang ang mga ito sa mga gamit ni Dr. Jose Rizal na ipinagbenta sa auction house na ito sa Makati, ang Leon Gallery. Yung ibang letters kasi niya may emosyonal like yung letter niya sa mga magulang niya galing sa Spain. Mahal kong ina, huwag kayong mangamba, magtiwala tayo sa Diyos at sa katapatan ng ating layunin. Nakasabi doon, nag kumusta siya sa pamangkin niya. Kinukumusta niya yung ari-arian nila. I think nagme-mention din sila may utang sila. Makikita mo yung pagkatao talaga ni Rizal sa isang letter. Rare finds kung ituring ang mga personal na gamit ng ating pambansang bayani na tinawag nilang Rizaliana. Mainit o hot sa mga auction. Maraming talagang mga fanatik ni Rizal. 'Pag mayroon tayong isang item ni Rizal, pinag-aagawan talaga. Yung mga collectors, kung anong mayroon kay Rizal, gusto talaga nilang makita. Mayroon tayong mga consultants, especially sa mga historical documents. Yung family, kakilala natin. Nagko-contact sila sa atin kung anong mayroon sila. 2 1 Pero ang nakapagpatala raw ng record breaking bit sa kasaysayan ng kanilang bidding, ang wood sculpture na ito ni Gat Jose Rizal na isa rin daw lechon tray. Na pinaniniwalaang inukit mismo ng ating pambansang bayani. Tinawag itong The Filipino na ibinenta nung 2018 sa halagang 17,520,000 pesos. I think it's the highest ever paid for a work by our national artist or any Rizaliana. Yun kasi gawa ni Rizal ang Filipino kasi nakita niya yung lakas ng Pinoy nandoon. Mga mamahalin pero mabenta online. Napapanahong pag-usapan lalo pa't ngayong June 19, 159 years old na ang ating pambansang bayani. Ang OFW mula Riyadh, Saudi Arabia na si June, pinakaiingatan naman ang kanyang vinyl o plaka na naglalaman ng recording kung paano raw tamang bigkasin ang huling tula na isinulat ni Rizal, ang Mi Ultimo Adios. Nabii raw niya ito sa online auction ng isang website sa Spain. Surprisingly, walang ibang nag-participate kundi ako lang. It took 3 weeks for me to receive the vinyl, kaya nung natanggap ko, siyempre tuwang-tuwa ako kasi nga, I mean, very rare 'to eh. Parang jackpot nga eh na nakuha ko 'to eh. Nabili raw niya ito sa halagang 300 rials o humigit kumulang 4,000 pesos. Naka-record dito yung Ultimo Adios ni Jose Rizal, na 1913. Siguro, he was a well-known celebrity sa Manila, Spanish-speaking, pero siguro Filipino. Tapos ni-record niya yung tula. Aberto, pakinggan nga natin ang plaka ni Jun. Adios Patria Adorada, region del sol querida. Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido Eden. A darte voy alegre la triste mustia vida. Y fuera más brillante más fresca, más florida. Tambien por ti la diera, la diera por tu bien. Kahit hawakan ko lang yan, parang it makes me want to time travel back in time. During the trial of Rizal, sana na-realize ba kung gaano ginawa si Rizal ng mga Spaniards. Ang kanyang paghihimagsik laban sa mga Kastila idinaan niya sa kanyang pluma. Ang kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo gumising sa kamalayan ng mga Pilipino. Mabuhay ang katagalugan!
[4:50]Sobra na kalapastangan ninyo sa amin.
[4:55]Dahil dito kaya siya itinuring ng mga Kastila na banta. Hinatulang mamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa Bagumbayan na ngayo'y Luneta, December 30, 1896. Apunte!
[5:15]Fuego!
[5:19]Ang execution kay Dr. Rizal dokumentado at ang isa sa pinaniniwalaang unang kopya ng litrato nito, hawak ngayon ng antique collector na humiling na itago na lang natin sa pangalan Vince. Early copy siya ng late 19th century hanggang early 20th century. Unlike yung mga reproduction na print, iba na itsura. Taong 2015 daw nung bumili siya ng lumang album ng mga Amerikanong sundalong nadistino sa Pilipinas mula 1899 hanggang 1900s. Pagkabuklat daw niya ng lumang album na yun, napansin niya ang isang lumang litratong nakaiipit sa loob nito. At nung kanya raw itong titigan, nagulat siya sa imahe. Ang mismong pagbaril kay Jose Rizal sa Bagumbayan noong 1896. Ang hinahabol ko dun is mga picture dati ng mga views sa Pilipinas. Nagulat din ako kasi dahil nga hindi ko na-expect sa isang Amerikano ma-nakolekta niya 'yon, ilagay sa isang album. Para hindi masira, ipinasok niya ito kasama ng album sa isang silyadong plastic at saka inilagay sa parte ng bahay na hindi nasisinasagan ng araw. Yung photographs, 'pag tinamaan ng mga UV light, katulad ng sunlight, ilang buwan lang kupas na yung photograph. Meron ding daw siyang original na calling card ni Rizal na ginamit daw ni Pepe bilang flash card nung nagturo ito sa ilang mga kabataan matapos siyang ma-exile sa Dapitan. Hawak din niya ang cufflinks o ang botones na may enamel coating na ginamit ng ilang Katipunero at pocket watch o relo na may nakaukit pang imahe ng pambansang bayani. Gusto ko siyang ma-preserve at matabi ng maayos, maipakita din sa mga next generations. Lahat ng mga bagay na nagbibigay pugay or nagdadala ng additional kalinawan or insight sa mga buhay ng mga bayani natin ay napaka-importante. Because it's directly related to our national identity. Pero may mga nagsasabi na ang mga memorabilia ni Rizal dapat daw nasa mga pampublikong museum at hindi sa kamay ng private collectors. Mas mabuti, pinagbenta ito sa auction kasi nagkakaroon tayo ng high resolution copies online. That is accessible. The problem kasi, kung ilagay natin sa institutions natin, may budget ba tayo para sa upkeep nitong mga documents na ito. Para mag-maintain ng papel, yung sulat ni Rizal, mahal, kasi kailangan may temperature control. Mayroon mga safeguards tayo para hindi masisira. Milyones man ang halaga ng mga memorabilia ni Rizal. Higit pa sa pera ang dapat maalala sa kanya. Lalo na ang mga iniwan niyang aral para sa bayan. Sobra na kalapastanganan ninyo sa amin. Paglaban sa kabuktutan at pagmamahal sa ating Inang Bayan. Apunte! Fuego!
[8:21]Ano ang iyong reaksyon sa aming istorya? Tweet na, gamit ang hashtag KMJS15. Thank you so much mga Kapuso. Kung nagustuhan niyo po ang videong ito, subscribe na sa GMA Public Affairs YouTube channel. Don't forget to hit the bell button for our latest updates.



