Thumbnail for Bakit hindi rice self-sufficient ang Pilipinas? | Need to Know by GMA News

Bakit hindi rice self-sufficient ang Pilipinas? | Need to Know

GMA News

10m 53s1,603 words~9 min read
Auto-Generated

[0:00]Kanin is life. Ano man daw ang mangyari, ang kanin hindi pwedeng mawala sa hapag ng mga Pinoy. Pero ang sariling production natin ng bigas, hindi kayang pakainin ang buong bansa.

[0:13]Bakit hindi rice self-sufficient ang Pilipinas? Nakasala ang rice self-sufficiency sa mga aspetong ito: support to the farmers, government policy, land area, irrigation, at population. Rice self-sufficient ang tawag kapag may sapat na local rice production ng bigas. Ibig sabihin, hindi natin kinakailangan mag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa. So, every year tumataas din 'yung ating demand for rice. So, doon naka-anchor 'yung ating self-sufficiency if all the people in the Philippines can be afforded, particularly in terms of their demand ng rice supply. Mula 2019 hanggang 2020, 88.5% ang self-sufficiency rate ng bansa. At inaasahang tataas ito sa 92% ngayong 2021. Inaangkat naman natin ang natitirang porsyento para sapat ang supply ng bigas sa bansa. Support to the farmers. Mahalaga ang tulong at suporta ng pamahalaan para umunlad ang pagsasaka sa bansa. Kailangan ng mga magsasaka ng suportang pinansyal tulad ng mababang interes na pautang, crop insurance, at modernong imprastruktura para sa pagsasaka. Pero maraming magsasaka ang kinakapos sa tulong. Kung gusto nating palakasin ang industriya sa bigas, kailangan talagang makialam ang gobyerno, magbigay ng sapat na suporta. At tingin namin 'yung buong range ng suporta na 'yan ay sa mahabang panahon ay hindi ibinibigay sa ating mga magsasaka. Ang sektor ng agrikultura ang pangunahin, ito ang ating backbone ng ekonomiya. Kung wala tayong mga magsasaka, wala tayong makakain at hindi masu-sustain ang ating bansa, ang ating lipunan. Tinatayang nasa P70,000 pataas kada ektarya ang kailangan na kapital ng isang magsasaka. Marami sa kanila umuutang para mapunan ito. Ang problema, madalas hindi sumasapat ang bumabalik nilang kita sa pagsasaka. Mayroong mga magsasaka na nalulubog na sa utang. At dahil lubog na sila sa utang, nawawalan na sila ng pag-asa. Dun na bumababa 'yung kanilang pagtingin mismo na sila mismo kahit mga magsasaka, nilalamang nila 'yung trabaho nila. 53 years old pataas ang average age ng mga magsasaka sa bansa. Sa kanilang pagtanda, bumabari ng interes ng mga kabataan sa agrikultura. 'Yung isang farmer na na-interview ko, pinapakita niya sa akin 'yung pictures ng mga anak niya and he was very proud. Na 'yung anak niya nakatoga, mga graduation pictures, parang ang nangyayari, tinitiaga nila 'yung pagsasaka para makalabas sa pagsasaka. Isang paraan daw para mas maengganyo ang mga kabataan ay sa pamamagitan ng mechanization at modernization ng farming. Kapag nakita din kasi ng ating mga kabataan na 'yung pagsasaka ay hindi ganun ka-burdensome kumpara sa mga ibang trabaho dahil nga maaari ka na namang gumamit ng mga makinang pambukid. Eventually ay magkakaroon din ng atraksyon dito. Ang pinaka-importante ay kung mapapanatili natin 'yung profitability ng pagsasaka bilang isang negosyo. Sunod ang government policy. Sa mga nakalipas na taon, nakatuon ang ating mga polisiya sa industrialization. At mas napagtutuunan daw ito ng pansin ayon sa isang eksperto. So, nag-focus tayo sa pagpapatayo ng mga export processing zones and so forth. So, hindi naman sa totally napabayaan ang sektor ng agrikultura. 'Yun nga lang, 'yung mga alokasyon ng resources na ibinigay ngayon sa ibang mga areas. May problema din ang marami sa ating mga mambabatas, hindi sila stakeholder pero stakeholder sila, halimbawa na real estate development. So, nagbabangga talaga 'yon. Ngayon, kung 'yung tumatakbo sa isip ng mga mambabatas natin ay 'yung sarili nilang negosyo o nakasanayan nila na tingin nila ay profitable sa Pilipinas, hindi talaga agrikultura 'yon. Ayon naman sa Department of Agriculture, katuwang sa pag-unlad ng agrikultura ang industrialization. Ibig sabihin, production, modernization. 'Pag nag-modernize mo, dapat mag-industrialize ka. Ibig sabihin, you treat agriculture as an industry. Ibig sabihin, agri-industrialization. Aminado naman ang Department of Agriculture na hindi pa nagtutugma ang agrikultura at industrialisasyon. Hindi nagme-meet dahil kulang sa investments. Mababa rin ang antas ng mechanization, lalo na sa proseso ng pagtatanim at pag-aani. 'Yung paggamit ng combined harvester, siguro mga nasa 35 hanggang 40%. Kumbaga talagang nasa simula pa lamang. Siguro mga nasa 5% pa lamang ang adoption level nitong mga ganitong klase ng makina. Sunod ang land area. Sa kasalukuyan, 4.7 million hectares ang lupang nasasaka sa bansa. Mas maliit ito kumpara sa tinatayang 8 million hectares ng Vietnam at 10 million hectares ng Thailand. Malaki na nga ang mga lupain ng Vietnam at Thailand, mas kaunti pa ang populasyon nila. Lagi rin tayong dinadaanan ng bagyo. At halos 20 bagyo 'yung dumadaan sa atin na bawat taon at na malaki 'yung nagiging epekto nito sa ating kabuoang produksyon. Maliit na nga ang ating lupang sinasaka, mas lumiliit pa ito dahil sa land reclassification. Ang ibang lupang sakahan, tinatayuan na ng subdivision at ibang mga imprastruktura. Well, of course, marami, maraming commercial properties, real estate development, malaking kikitain kaysa sa rice land. Pero hindi do'n sa pinakamahalaga in terms of 'yung nililikhang tubo. Usapin siya ng ano 'yung priorities natin? Once nalagyan na ng semento 'yung lupa na 'yan, hindi na 'yan mababawi, eh. Problema rin natin ang maayos na irigasyon. Sa kasalukuyan, 1.5 million hectares pa ang walang maayos na irigasyon. Napakatanim lang dito kapag may ulan. Bentahe kasi ng mga bansang nasa mainland Asia, ang mayamang pinagkukunan ng patubig sa pamamagitan ng Mekong River system. 'Yung ating bansa ay binubuo naman ng mga isla kung kaya't 'yung ating water resources na nagagamit para sa produksyon ng palay ay hindi rin ganun kalaki kumpara doon sa mga exporting countries. Ayon sa PhilRice, 30 to 50,000 hectares per year ang napapagawa ng irrigation system sa bansa. Ang National Irrigation Administration naman, taon-taon ay may budget naman sila upang mapalawak 'yung mga lugar na nabibigyan ng patubig, ano? 'Yun nga lamang, pagka may ipinapagawa, in a way, meron din namang nasisira. Hindi ganun kalaki 'yung karagdagang ng ating irrigated area. Population. Patuloy na dumadami ang 100 milyong populasyon ng bansa. Kaya patuloy rin tumataas ang demand para sa bigas. Kung technology din lang ang pag-usapan at sa yield, hindi naman tayo nahuhuli masyado sa yield, except na maliit lang talaga 'yung lupa natin. Mas marami na 'yung pinapakain natin with much less resources. So, kaya tayo medyo hirap na ma-attain 'yung self-sufficiency. 13.95 million metric tons ang demand noong 2019, pero 12.3 million metric tons lang ang na-produce nating bigas. Mas tumaas pa ang demand natin sa bigas noong 2020 sa 14.13 million metric tons, pero 12.62 million metric tons lang ang na-produce natin. Paano nga ba natin makakamit ang pagiging rice self-sufficient? Dahil talaga naman na hindi lalaki 'yung ating area, kung ganon, ang kailangan nating pataasin ay 'yung productivity nung mismo area. Kailangan nating pataasin 'yung ani na nakakamit natin sa mga natitira pa nating lupain. Namamahagi ang pamahalaan ng inbred certified palay seeds at hybrid palay seeds na nagpo-produce ng mas maraming ani. Sa pamamagitan ng inbred certified palay seeds, nakakaani ng mahigit sa apat na toneladang palay kada isang ektarya. Mas mataas ito kumpara sa farmer-hold seeds at traditional seed. Dagdag naman ng International Rice Research Institute o IRRI, mahalagang may suporta ang research sa bansa. Research is one of the investments na napakataas ng return sa atin in terms of better technology, better practices and therefore better and higher yield, higher production and better income. Nang magkulang ang supply ng bigas sa bansa, nagka-inflation. Kaya tugon ng pamahalaan dito ang Rice Tariffication Law. Sa bisa nito, inalis ang quota sa dami ng pwedeng nating i-import ng bigas. Dahil dito, nahihirapan ang mga lokal na magsasaka na makipagsabayan sa mas murang halaga ng mga ini-import na bigas. Ngayon, ang takbuhan ngayon ng traders, 'yung mas murang bigas. The more na pumapasok ngayon itong murang bigas, the more na lumilipat ngayon ang ating mga traders dito. Kailangan makipag-kompetensya ang ating mga magsasaka, paano nilang magagawang competitive ang kanilang presyo? Ayon naman sa pamahalaan, makakatulong daw ang Rice Tariffication Law na mas mapataas ang antas ng pagsasaka sa bansa. Sa pamamagitan ng Rice Competitive Enhancement Fund na mula sa taripa ng imported rice, kada taon, tinatayang may P10 bilyong nakalaan para tulungan ang sektor ng agrikultura. P3 bilyon para sa binhi, P5 bilyon para sa mechanization, P1 bilyon para sa training at P1 bilyon para sa loans. Mas mapipitiyak natin 'yung supply ng mura at de-kalidad na bigas habang pinapalakas naman 'yung kakayahan nung ating mga magsasaka na mapataas 'yung kanilang ani at mapababa ang gastos sa pagsasaka para maari na silang makipag-compete doon sa mga bigas na nangagaling naman sa ibang bansa. Ayon sa IBON Foundation, hindi raw dapat umasa lang sa importasyon para palakasin ang sarili nating produksyon ng bigas. Kung masyadong mag-rely sa propaganda na ito na 'yung sikreto, ito ni magic bullet para sa pota ng mga rice farmers natin, lalong uurong 'yung rice industry natin. Kung aasa tayo sa RCEF lamang, lolokohin natin ang sarili na sasapat 'yan. May mga programa naman ng pamahalaan, katuwang ang IRRI, tulad ng tamang pangangasiwa sa mga pananim, pagpapalaganap ng makabagong varieties ng palay, pagtugon sa problema sa peste at pagsasaayos ng mga irigasyon. Maganda sa partnership ng DA with IRRI is that naishe-share ng IRRI ang kanilang kaalaman na hindi lang na-de-develop niya sa ibang lugar, sa ibang bansa. Nakasala sa agrikultura, hindi lang ang seguridad ng pagkain sa bansa, pati na rin ang pag-angat ng ibang mga sektor. Napakaming halang buhay umaasa doon sa rice industry. Napakalaking matutulungan kung bigyan siya ng suporta at napakalaking mawawala sa atin kung hindi natin bigyan ng suporta. Hindi natin pwedeng iaasa sa ibang bansa 'yung supply ng ating pagkain at hindi masamang mag-subsidize ng sariling produksyon ng pagkain. Ako si JP Seno para sa GMA News.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript