Thumbnail for Noli Me Tangere | Kabanata 3: Ang Hapunan #nolimetangere by Animated Filipino Classics

Noli Me Tangere | Kabanata 3: Ang Hapunan #nolimetangere

Animated Filipino Classics

4m 12s439 words~3 min read
Auto-Generated

[0:33]Ikinararangal kong ipakilala sa lahat si Ginoong Crisostomo Ibarra, anak ng nasira kong kaibigan. Kadarating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Aba! Ang kura sa aking bayan, at matalik na kaibigan ng aking ama. Hindi ka nagkamali, ngunit hindi ko kailanman naging matalik na kaibigan ang iyong ama. Ginoo, ang papuri ninyo sa ama ko'y pumapawi sa aking hinala tungkol sa kanyang pagkamatay. Ang isipan ko'y ayaw kumilala at magsinungaling. May isang makatang tumula sa katotohanan at siya'y pinag-usig.

[1:11]Isa-isang nagtungo sa hapag-kainan ang mga panauhin. Si Padre Sibyla ay masayang-masaya, samantalang masama naman ang loob ni Padre Damaso. Pinag-agawan nina Padre Damaso at Padre Sibyla ang kabisera. Ang luklukan po'y para sa inyo. Kayo ang unang kakilala at kompesor ng nasirang maybahay at alang-alang din sa inyong gulang, katungkulan, at kapangyarihan. Hindi po naman katandaan; ngunit kayo ang kura ng bayan! Ipinahain ni Kapitan Tiago ang tinolang manok. Natapat sa pinggan ni Padre Damaso ang mangkok na may lamang leeg at isang pakpak. Humigop siya ng sabaw at ibinagsak ang kutsara at isinulong ang pinggan. Marahil ay nakalimutan mo na ang iyong bayan dahil sa tagal ng pamamalagi mo sa Europa? Kahit ako'y kalimutan ng aking bayan, sa lahat ng sandali inaala ko siya. Aling bansa sa Europa ang naiibigan ninyo? Kahit aling malayang bayan sa Europa, ngunit una sa lahat ang Espanya na siya kong pangalawang Inang-bayan. Ano naman po ang pinakamahalagang bagay na inyong nakita na naging katangi-tangi sa pamumuhay, sa pananampalataya at sa lahat na? Bago ako tumungo sa isang bayan ay pinag-aaralan ko muna ang kanyang kasaysayan at pagkatapos ay wala nang katangian ang bawat makita ko. Ngunit natiyak kong ang kasaganaaan o kadahupan ng bayan ay nababatay sa taglay nilang kalayaan. Iyan lamang ang nakita mo? Alam na 'yan ng lahat ng bata sa paaralan. Nangamba ang lahat na baka magkaroon ng kaguluhan. Mga ginoo, hindi dapat ipagtaka ang sinabi ng aming dating kura. Nagpagunita ito sa aking kabataan. Salamat at binuhay nila ang nakaraang ipinagsalo nila ng aking ama sa aming maralitang hapag. Mga ginoo, ipagpatawad ninyo ang aking pag-alis. Ako po'y lalakad bukas kaya't maraming dapat lutasin. Mga ginoo... sa ikabubuti ng Espanya at Pilipinas.

[3:43]Nakita na ninyo. Iyan ang kasamaang dulot ng pagpapaaral sa Europa - nagiging mapagmataas. Dapat ipagbawal ng pamahalaan ang gayon. Binata, mag-ingat kayo! Ang nangyari sa iyong ama'y isang halimbawang hindi na dapat maulit pa. Maaari po bang sabihin ninyo ang kanyang naging kapalaran? Akala ko'y alam na ninyo, ngunit huwag kayong mabahala. Dito po'y kailangang mabilanggo upang maging marangal. Alam kong hindi ninyo ako nais pasakitan. Sabihin ninyo kung bakit siya nabilanggo.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript