Thumbnail for Ang tunay na pag-ibig by Rizalyn Guleng

Ang tunay na pag-ibig

Rizalyn Guleng

10m 52s1,315 words~7 min read
YouTube auto captions
Transcript source

YouTube auto captions

This transcript was extracted from YouTube's auto-generated caption track. The transcript below is server-rendered so it can be read, searched, cited, and shared without opening the original YouTube player.

Timestamped outline
Pull quotes
[0:29]Ito ang sinabi sa akin ng mundo, para tanggapin nila ako dapat sabay ako sa uso, mga damit ko dapat laging bago.
[3:10]Sabihan mong muli na 'di ako nag-iisa, na 'di dapat mangamba, na ang laban ay tapos na.
[3:10]Napagod akong magsilbi sa iyo, dahil nalimutan ang dahilan kung bakit gagawin ko 'to.
[3:10]Maaari ko bang aminin na hindi ko kakayanin na hindi ka kasama sa aking lakbayin?
Use this transcript
Related transcript hubs

[0:04]Humampas ang mga pakpak ng mga ibong lumilipad sa asul na impapawid. Sa ibabaw ng mga punong namumulaklak. Sa lilim ng buwan nagmamasaid. At aking nakita sa gitna ng madilim na paligid. Dalawang pusong nagtatanong. Ano ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?

[0:29]Paano ko ba makukuha ang pagmamahal mo? Pagmamahal na nais kong matamo. Pagmamahal na hinahanap ng aking puso. Pagmamahal na magbubuo ng aking pagkatao. Ito ang sinabi sa akin ng mundo, para tanggapin nila ako dapat sabay ako sa uso, mga damit ko dapat laging bago. Mga presyong umaabot ng libo-libo. Dahil ang suot mo, 'yan ang halaga mo. At kahit mga hindi ko kailangan ay bibilhin ko pa din. Dahil ang gusto ko sa kanila ako'y maging in. Dapat ako'y matalino. Dapat walang bagsak o pasang awa lang sa aking mga grado. Dahil walang silbi ang mga mahina ang ulo. At kahit masakit man isipin, ikakahiya ka ng mismong magulang mo. Dahil tanggap ka lang nila 'pag may nagawa kang maganda. Ganito ba talaga ang pamilya? Si itay ngayon ay may iba na at kaming magkakapatid sa bahay ay laging gera. Dagdag pa ng mundo, ako'y dapat may bisyo. Alak, droga, sigarilyo. Hit hit doon, hit hit dito. Nawawala pansamantala ang mga problema ko. Ito daw ang mga bagay na 'pag ginawa ko, pasok ako sa kanilang grupo. Sabi nila, ito ang mga bagay na 'pag ginawa ko ay sasaya ako. Pero bakit hanggang ngayon, ramdam ko ang butas sa puso ko? Ah oo nga pala. Naalala ko. Sabi din nila dapat ako'y may nobyo, dahil siya ang magmamahal sa'yo. Pero tanong ko lang, mahal, bakit iniwan mo ako? Iniisip ko saan ba ako nagkulang sa'yo? Lahat naman ay ibinigay ko. Buong-buo na nalimutan ko magtira para sa sarili ko. Kaya ngayon, ako'y gulong-gulo. Ano nga ba talaga ang pag-ibig na totoo? Emosyonal kang nagtanong. Isang tanong na maraming nagtangkang tumuklas. Iba't ibang lahi, iba't ibang siglo at iba't ibang oras. Tanong na hindi nagawang sagutin ng tatlong pulang rosas katulad mo. Nais din nilang masumpungan ang sagot. Nais din nilang kumawala sa mapagpalong rehas. Mula sa karamdamang isang patak ng tunay na pag-ibig lamang ang lunas.

[3:10]Minsan lang nasumpungan ang hatid mong ganda. Subalit kahulugan mo'y tila naglaho na. Sabihan mong muli na 'di ako nag-iisa, na 'di dapat mangamba, na ang laban ay tapos na. Subalit ang bawat hakbang ko'y puno ng pagdududa. Ang puso ko'y nangangamba, nasaan ka? Muli kang magpakilala. Pinilit kong mawala sa mga payo mo kung kaya't napahamak sa mga kilos ko. Nagpahatak ako sa gusto ng mundo, huminto mong makinig diyan sa tinig mo. Hinayaan mong nakawan, maingganyo muli ng matamis na handog ng pananalapi. Ang pakikipag-usap sa'yo'y kinatamaran. Ang paglilingkod ay kinasawaan. Napagod akong magsilbi sa iyo, dahil nalimutan ang dahilan kung bakit gagawin ko 'to. Ngunit 'di makayang tuluyang mapalayo. Maaari ko bang aminin na hindi ko kakayanin na hindi ka kasama sa aking lakbayin? Ayoko nang makinig sa kasinungalingan na hindi kita kailangan dito sa aking buhay. Ngayon ako'y kulang at nais mabuo. Hindi ng ibang bagay kundi ng iyong puso. Sagipin mo ako mula sa mga takot ko. Alam kong ikaw lang ang maghihinahon ang damdamin ko. Tinangkang humanap ng kapalit sa'yo. Subalit naiwang bigo sa paghalili ng pwesto mo. Muli mong ipaintindi ang kasapatan mo na 'di na maghanap ng iluluklok dito sa puso ko.

[4:51]Sa oras na ito, hayaan mong magpakilala ako. Hindi ako ang 'yong normal na romantiko. Hindi punong rosas ang ibibigay ko, subalit hayaan mong ako'y magdiligt. Ibibilig ko ay punong mas malapot pa sa tubig. 'Yun ang tunay na pag-ibig. Hindi tsokolate o harana'ng himig. Hindi simpleng pagsundo o ordinaryong paghatid. Hindi 'kumusta' o 'kumain ka na'. Hindi simpleng pagkarga ng 'yong mga gamit. Hindi ako ang o-o mo ang aking ipipilit. Dahil maghihintay ako at maghihintay akong magpakilala sa'yo. Uulitin ko. Magpapakilala ako. Ako ang tunay na pag-ibig. Hindi lang kita susunduin o ihahatid dahil kasama mo ako sa bawat segundong pumipintig. Hindi lang ang iyong mga gamit, hindi lang ang iyong mga gamit dahil kakargahin kita sa sulok man ng daigdig. Hindi simpleng 'kumusta' o 'kumain ka na' dahil nais kong marinig ang 'yong himig at kung bakit mag-i-echo ang 'yong tinig. Darating ako sa oras na ako'y iyong tawagan. Tirik man ang araw o malakas ang ulan, dumating man ang bagyo sa silangan, darating ako, darating ako para pakalmahin ang mga bagyo mo, kailanman. Kailanman 'wag mong kakalimutan ang mga sasabihin ko. Kahit ang mga problema mo'y kasing laki ng isang barko, tandaan mo, ako ang gumawa ng karagatang nilalayag nito. Kung ang mga pagdadaanan mo'y kasing laki ng isang bundok, tandaan mo, hinarap ko na ang bundok na magliligtas sa'yo. Tinila ang mga malalakas na hangin gumugulo sa isipan mo, sa maingay na buhay. Sa mainit na kulay. Oo, narito ako, magpapakilala sa'yo. Romag kasama ng mga taong hindi nakakakita ng iyong tunay na halaga. Dumagsa man sila, hayaan mong mang-utya sila. Tawanan ka man nila, para sa akin, ikaw ay prinsipe't prinsesa. Ikaw, ikaw ang pinaka-mainam kong likha. Dahilan kung bakit ang kalawakan ay ginawa. Mahalaga ka, mahalaga ka sa mga mata ng isang tunay na nagmamahal. Hindi mo kailangang magpakabanal bago mo pa natutunang sundin ang magagandang asal. Minahal na kita at patuloy akong magmamahal. Sa pagsu-ko mo ng buhay, sa pagsu-ko mo ng buhay. Muli mong ibalik ang naghihingalo kong pag-ibig. Hindi na maagaw ng saya't kilig, maging karamdaman o sakit, hindi ka na ipagpapalit. Sa karangyaan at tamis ng mga bagay na pumapalibot dito sa aking puso'y nais pumanhik. Muli mong iparanas na ikaw ang lunas. Na nariyan ka lagi at hindi ka bumibitaw. Muli mong iparanas ang iyong pagmamahal. Ang puso ko'y naninikluhod sa iyong kabutihan. Sinubukan mang gumalaw sa sarili kong kalakasan. Dunong ang pinairal sa nais kong makamtan. Huminto, lumayo. Nagkulang ang tulad ko. Heto ka't 'di nagbago sa panunuyo mo. Walang kailangang patunayan upang mahalin mo.

[8:10]Ilalahad ko ang mga plano ko sa buhay mo. Planong hindi mo pa nakikita. Lugar na hindi mo pa napupuntahan at ligayang hindi mo pa nararanasan. Planong magsasagip sa magulo mong musika. Planong maghahatid sa'yo sa kabilang banda. Planong magpapatuloy kahit madapa ka pa. Planong magtatayo sa'yo 'pag pagod ka na. Hawakan mo ang mga kamay ko. Hayaan mong dalhin kita sa dulo. Hayaan mong ako ang umupo sa manibela ng buhay mo. Ito ay mga pangakong hindi lamang sinabi sa dumaraang hangin. Hindi lang ito mga pangakong pinako sa sugatan mong damdamin. Ito ay mga pangakong inilatag kong hangarin. Sa pagpunta mo pa lamang sa lugar na 'to, nakita na kita mula sa malayo. Bawat paghakbang mo'y paglukso sa puso kong panalo. Umaawit, kumakanta sa totoong ritmo, sumasayaw sa totoong tono. Kahit pawisan ka pa sa iyong kinalalagyan. Kahit mainit sa labas, ang mahalaga narito ka na. Narito ka na at sisimulan ko na ang mga plano ko para sa buhay mo. Planong makasama ka magpakailanman. Ibibigay ka ng walang hanggan, ilipad ka sa alapaap ng tunay kong nararamdaman. Tama na ang mga seldang nagkukulong sa'yo. Tama na ang mga rehas na nagpapalungkot sa puso mo. Handa akong pagalingin ang damdamin mong pagod na pagod na, sa maingay na mundo. Para sa'yo. Para sa'yo. Narito ako. Oh tapos na ang humampas ang mga pakpak ng mga ibong lumilipad sa asul na impapawid. Nagtakipsilim sa ibabaw ng mga puno. Sa lilim ng buwang nagmamasaid. At napagmasdan nila na naroon ako, kasama mo sa madilim mong paligid. At sa paligid na 'yon aking narinig, kahulugan ng tunay na pag-ibig. Pag-ibig na hinahanap ko sa iba. Pag-ibig na hinahabol-habol ka. Pag-ibig na ako'y tanggap. Pag-ibig na ikaw ang lahat-lahat. Pag-ibig na nagpapatawad. Pag-ibig na anak sa'yo ang tawag. Pag-ibig na naiintindihan ako. Pag-ibig na nagkatawang tao. Pag-ibig na kumukumpleto ng mundo ko. Pag-ibig na iniregalo pati langit para sa'yo. Pag-ibig na binubuhay ako. Pag-ibig. Pag-ibig na namatay para sa'yo.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript