Thumbnail for Filipino 5 Quarter 4 Week4 Revised K-12 Dulang Pambata, Mga Elemento ng Dula Wika:Tayutay by Teacher Sel

Filipino 5 Quarter 4 Week4 Revised K-12 Dulang Pambata, Mga Elemento ng Dula Wika:Tayutay

Teacher Sel

23m 38s2,124 words~11 min read
YouTube auto captions
Transcript source

YouTube auto captions

This transcript was extracted from YouTube's auto-generated caption track. The transcript below is server-rendered so it can be read, searched, cited, and shared without opening the original YouTube player.

Timestamped outline
Pull quotes
[0:12]Mga Elemento ng Dula Wika: Tayutay (Kabalintunaan/Ironiya) Langkapang Pangungusap.
[1:12]Hulaan ang pangyayaring ipinapakita sa bawat larawan at sabihin kung saan ito ginaganap.
[2:12]Ano-anong pang paraan ang ginagawa ng mga Pilipino sa iba't ibang rehiyon upang maipakilala ang kanilang kultura at kakayahan?
[2:12]Ipinapakita nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng sayaw, awit, dula, kasuotan, at mga tradisyong pangkultura.
Use this transcript
Related transcript hubs

[0:00]Magandang araw. Sama-sama tayong matuto sa Teachers' Learning Resource channel.

[0:12]Revised K-12 curriculum Filipino 5 Quarter 4, Week 4. Tekstong Naratibo: Dulang Pambata. Mga Elemento ng Dula Wika: Tayutay (Kabalintunaan/Ironiya) Langkapang Pangungusap.

[0:34]Hahatiin ang inyong klase sa dalawang grupo. Ang unang grupo ay gagawa ng Concept Map tungkol sa tayutay. Ang ikalawang grupo ay gagawa ng Concept Map tungkol sa pangungusap.

[0:49]Narito ang mga posibleng sagot. Tayutay, personipikasyon, pagmamalabis, pag-uyam, pag-awag, metapora, similing.

[1:03]Para sa pangungusap naman, panaguri, sugnay, kayarian, paksa, simuno.

[1:12]Hulaan ang pangyayaring ipinapakita sa bawat larawan at sabihin kung saan ito ginaganap.

[1:24]Dinagyang Festival, Iloilo.

[1:31]MassKara Festival, Bacolod City.

[1:39]Tunal Festival, General Santos City.

[1:48]Parada ng mga Higante, Angono, Rizal.

[1:57]Kalimudan Festival, Sultan Kudarat.

[2:06]Sinukwan Festival, Fernando, Pampanga.

[2:12]Ano-anong pang paraan ang ginagawa ng mga Pilipino sa iba't ibang rehiyon upang maipakilala ang kanilang kultura at kakayahan? Ipinapakita nila ang kanilang kultura sa pamamagitan ng sayaw, awit, dula, kasuotan, at mga tradisyong pangkultura. Ano ang Dulang Kambayoka at bakit ito itinuturing na isang sining? Ang Dulang Kambayoka ay isang uri ng dula na nagpapakita ng kultura at tradisyon. Ito ay sining dahil gumagamit ito ng kwento, galaw, at pagpapahayag. Ano ang pag-aaralan natin sa Dulang Kambayoka? Pag-aaralan natin ang isang Dulang Kambayoka tungkol kay Pilandok.

[3:07]Tukuyin kung tama o hindi ang pangungusap batay sa isinasaad ng larawan. Agong. Ang agong ay pinatutunog sa pamamagitan ng pagpalo. Tama. Kulintang. Ang kulintang ay binubuo ng anim na gong. Hindi tama. Ito ay binubuo ng walo.

[3:36]Debakan. Ang debakan ay isang modernong tambol. Hindi tama. Ito ay tradisyonal.

[3:47]Tubaw. Ang tubaw ay isinusuot sa katawan. Hindi tama. Ito ay isinusuot sa ulo. Mangsasangyaw. Ang isang mangsasangyaw ay tagahatid ng balita o mensahe. Tama.

[4:09]Kaugnay na paksa bilang isa, pagbabasa at panonood ng dulang pambata.

[4:16]Halina't magbasa. I-download ang pagtatanghal ng Sining Kambayoka Ensemble na dulang "Si Pilandok" gamit ang link sa ibaba at basahin ito.

[4:30]Dahil mahaba ang dula, panoorin lamang ang bahaging itinalaga sa inyong pangkat. Makinig at sumunod sa gabay ng guro upang matiyak na ang tamang bahagi ang inyong mapanood.

[4:47]Itinalagang bahagi sa bawat pangkat. Unang pangkat: Unang Bahagi (Sina Pilandok, Bombola, at Potre). Ikalawang bahagi: (Ang pag-uusap nina Pilandok at Ina). Ikatlong Bahagi: (Ang lamangan nina Pilandok at Bombola). Ikaapat na Bahagi: (Naging ahas si Prinsesa Soraya). Ikalimang bahagi: (Huling Bahagi (Naging normal na tao muli si Soraya at ang naging kahihinatnan nina Pilandok at Bombola).

[5:27]Group Mapping Activity. Kumuha ng Manila paper, lapis, pentel pen, at krayola. Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng mga pangunahing pangyayari sa dulang Si Pilandok. Gumuhit ng palaso (arrow) mula sa unang larawan patungo sa susunod na larawan. Ipaskil sa pisara ang inyong mga guhit. Ayusin ang mga larawan mula sa unang bahagi hanggang sa huling bahagi ng dula.

[5:58]Para sa ikalawang araw.

[6:04]Dugtungang Pagkukuwento. Pumili ng isang mag-aaral mula sa bawat grupo na magiging tagapagsalaysay. Ang mapipiling mag-aaral ang magkukuwento at magbabahagi ng bahagi ng dula. Ipakita ang mga iginuhit na larawan habang isinasalaysay ang kuwento.

[6:23]Pagtalakay sa Layunin at Tema ng Dula. Ibahagi ang inyong reaksiyon sa mga pangyayaring nagpapakita ng panloloko ng mga tauhan sa dula. Sabihin ang mga aral na inyong napulot mula sa dula.

[6:40]Paglalarawan sa mga Karakter. Pumili ng isang karakter sa dula. Ilarawan ang napiling karakter. Pagtukoy sa Tayutay na Kabalintunaan o Ironiya na Angkop sa Pahayag. Kilalanin at unawain ang kabalintunaan o ironiya bilang isang tayutay. Makinig sa paliwanag at tukuyin kung paano ito ginamit sa dula.

[7:10]Ang Kabalintunaan o Ironiya ay isang pagpapahayag na may layuning makasakit ng damdamin o mangutya sa tao, bagay o pangyayari ngunit ito ay itinatago sa paraang waring nagbibigay-puri.

[7:29]Ang pamamaraan ay tila pumupuri sa simula subalit lilitaw din ang nais ipahayag na isang pamimintas. Nararamdaman ang tunay na kahulugan nito sa tono o diin ng pagsasalita at ekspresyon ng mukha ng nagsasabi. Tinatawag din itong Pag-uyam. Magbigay ng ilang halimbawa ng Kabalintunaan na angkop sa iba-ibang bahagi ng dulang Si Pilandok. Talagang mautak ka, Pilandok. Sinasabi ng mga tao kahit madalas siyang tawaging hindi magaling. Ay, napakatalino mo talaga. Sinasabi kay Pilandok kapag nagpapanggap siyang hindi niya alam ang ginagawa, kahit siya ang nanlilinlang.

[8:25]Ang galing mo talagang mag-isip. sinasabi kay Bombola na akala niya ay naloko niya si Pilandok, pero siya pala ang naloko.

[8:37]Napakabait mong tao. sinasabi sa tono ng panunuyam kapag niloloko ni Pilandok ang iba. Siguradong yayaman ka. sinasabi kay Bombola kahit kapahamakan ang inaabot niya dahil sa kanyang kasakiman. Mga Elemento ng Dula. Ibigay ang hinihinging impormasyon o pangyayari tungkol sa mga sangkap ng dulang "Si Pilandok".

[9:11]Simula, tagpuan, tauhan. Gitna, suliranin, saglit na kasiglahan, tunggulin, kasukdulan. Wakas, kakalasan, kalutasan. Narito ang mga posibleng sagot. Simula. Isang liblib na pook sa Lanao del Sur at sa kaharian ng Banjarmasir. Tauhan: Pilandok, Bombola, Potre, Ina, Sultan, Soraya, Dama, at Mangsasangyaw. Gitna. Suliranin: Niloloko ni Pilandok ang mga tao at nagkakaroon ng maraming kaaway, lalo na si Bombola at ang Ina ni Potre. Saglit na Kasiglahan: Naloko ni Pilandok ang Ina ni Potre gamit ang tabako at nakatakas siya.

[10:25]Wakas. Kakalasan: Naging tao muli ang prinsesa at nalaman ang kabutihan ni Pilandok. Kalutasan: Naging mayaman si Pilandok at naging palaka si Bombola bilang parusa.

[10:42]Palitan ng pahayag na kabalintunaan ang nasalungguhitang bahagi ng dula. Pilandok: Puwes. Alam ko kung paano magagamot ang prinsesa. Sige na. Pakawalan mo na ako at sasabihin ko sa 'yo ang sikreto. Bombola: O sige, pero pag niloko mo ako uli, papatayin kita talaga. (Kakalagan si Pilandok). O sige, pero pag niloko mo ako uli, magsaya ka na at papatayin kita talaga.

[11:16]Ina: Ah, anong ginagawa mo rito? (Sisilip sa yungib.) Aba, wala ang ahas. Ano 'yang hawak mo? Tubig! Ibinalik mo ang prinsesa sa dating anyo. Bombola: Naku.. Hindi... Ina: Pilandok! Gagantihan kita. Gagawin kitang palaka! Ina: Pilandok! Babasbasan kita! Gagantihan kita. Gagawin kitang palaka! Kumpletuhin ang kabalintunaang angkop na sabihin ng isang tauhan sa kausap na tauhan. Gawing gabay ang nasa loob ng panaklong. Ina kay Pilandok (Kukutyahin ang kanyang hitsura.) Ina: Ikaw na ang pinakamagandang lalaki sa balat ng lupa kung ikaw ay __________. (Magbigay ng posisyon.) Nakatalikod.

[12:15]Bombola kay Pilandok (Kukutyahin ang kanyang talino.) Bombola: Ang galing talaga ng pag-iisip mo, Pilandok! Parang pag-iisip ng isang __________. (Magbigay ng tao o hayop.) bata/hito. Ina kay Soraya (Kukutyain ang kanyang anyong ahas.) Ina: Ang ganda-ganda mo naman, Mahal na Prinsesa. __________ nang prinsipeg liligaw sa iyo dahil ahas ka na! (Magbigay ng bilang) Wala. Pilandok kay Bolbola (Kukutyahin ang katangian ni Bolbola.) PILANDOK: Wala na ngang mas babait pa sa iyo, kaibigan kong kasingbait ni __________. (Magbigay ng pangalan ng tao.) Hudas. Para sa ikatlong araw, pagsasadula sa dulang Si Pilandok. Paano binigyang-buhay ng mga aktor ang dula? Binuhay nila ang dula sa pamamagitan ng malinaw na pagsasalita, tamang kilos, at angkop na ekspresyon ng mukha. Ano ang masasabi mo sa kanilang mga tinig, kilos, at ekspresyon? Malinaw ang kanilang tinig at angkop ang kanilang kilos at ekspresyon sa bawat tauhan.

[13:32]Ano ang masasabi mo sa pook o lugar na pinagganapan ng dula? Angkop ang lugar at nakatulong ito upang maging makatotohanan ang dula.

[13:44]Ano ang kakaiba sa musikang ginamit sa dula? Gumamit ito ng katutubong musika na nagbigay-buhay sa pagtatanghal. Nakapanood ka na ba ng pagdiriwang ng ibang rehiyon? Ilarawan ito. Oo, nakapanood ako ng isang festival na may makukulay na kasuotan, masiglang sayaw, at masayang awitin. Monolog. Pumili ng isang linya o diyalogo ng dula at iakto ito. Dayalog: Kumuha ng kasama at magsagawa kayo ng diyalogo sa nagugustuhan ninyong bahagi ng dulang Si Pilandok. Paglalapat at Pag-uugnay. Panatilihin ang kasalukuyang pangkat. Isadula ng inyong pangkat ang bahaging itinalaga sa inyo. Hindi na kailangang mag-ensayo; gawin agad ang dula-dulaan (role playing). Para sa ika-apat na araw, Kaugnay na paksa: Pangungusap na langkapan.

[14:46]Basahin ang ilang bahagi ng dulang "Si Pilandok." Bumuo ng mga pangungusap na langkapan batay sa mga pahayag na ginamit sa dula. Pangungusap 1: Si Pilandok ay may katandaan na. Pangungusap 2: Siya ay isip-bata pa rin. Pangungusap 3: Tampulan siya ng tukso. Pag-isahin ang Pangungusap 1 at 2. Si Pilandok ay may katandaan na subalit siya ay isip-bata pa rin. Anong uri ng pangungusap ang nabuo? Tambalan.

[15:29]Bakit tambalan ang pangungusap? Ito ay tambalan dahil binubuo ito ng dalawang sugnay na makapag-iisa na pinagdugtong ng "subalit". Isama sa tambalang pangungusap ang Pangungusap 3.

[15:48]Si Pilandok ay may katandaan na subalit siya ay isip-bata pa rin kaya tampulan siya ng tukso. Anong uri ng pangungusap ang nabuo? Langkapan.

[16:03]Bakit langkapan ang pangungusap? Langkapan ang pangungusap dahil mayroon itong isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa ang pangungusap na langkapan. Baguhin ninyo ang nabuong pangungusap. Pagkatapos, susuriin natin ito nang sama-sama sa klase. Si Pilandok ay may katandaan na subalit siya ay isip-bata pa rin kaya tampulan siya ng tukso. Binago: Si Pilandok ay may katandaan na subalit siya ay isip-bata pa rin kaya tampulan ng tukso. Pagsusuri: Sugnay na Nakapag-iisa bilang isa: Si Pilandok ay may katandaan na. Sugnay na Nakapag-iisa bilang 2: subalit siya ay isip-bata pa rin kaya. Sugnay na Di Nakapag-iisa bilang 1: tampulan ng tukso. Basahin ang orihinal na pangungusap. Dagdagan ito ng isa pang sugnay upang maging pangungusap na langkapan. Isulat ang binuong pangungusap sa inyong sagutang papel. Nagpunta po ako rito para regaluhan kayo ng tabako. (Tambalan) BINAGO 1: Nagpunta po ako rito para regaluhan kayo ng tabako subalit hindi niyo pala gusto.

[17:30]Ikalawang pagbabago.

[17:39]Ikatlong pagbabago.

[17:46]Ikaapat na pagbabago.

[17:54]Ikalimang pagbabago.

[18:02]Ikaanim na pagbabago.

[18:10]Pagkakabuo ng Langkapang Pangungusap.

[18:20]Ano ang dapat tandaan sa pagbubuo ng pangungusap na langkapan? Dapat tandaan na may isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapag-iisa ang pangungusap na langkapan.

[18:36]Paano pinag-uugnay ang mga sugnay upang makabuo ng langkapang pangungusap? Pinag-uugnay ang mga sugnay gamit ang mga salitang tulad ng dahil, kaya, kapag, at upang. Bumuo ng limang pangungusap na langkapan mula sa mga pahayag na naibigay. Sundin ang anumang pattern na gusto niyo. Salungguhitan at lagyan ng leybel ang mga sugnay. Bilugan ang mga pangatnig.

[19:08]Kami ay nanood ng Sinulog Festival. Hindi namin natapos ang palabas. Sumakit ang aking ulo. Maaga kaming umuwi. Ako ay makapagpahinga.

[19:26]Ano-ano ang nalaman mo sa linggong ito tungkol sa Kultura ng mga Pilipino. Nalaman ko na masayahin, malikhain, at mahilig sa pista at tradisyon ang mga Pilipino. Tayutay na kabalintunaan. Nalaman ko na ito ay gumagamit ng salitang may magkasalungat na kahulugan.

[19:47]Lankapang pangungusap. Nalaman ko na ito ay pangungusap na may dalawa o higit pang sugnay na pinagdugtong ng pangatnig. Pagsasadula. Nalaman ko na ito ay pag-arte o pagganap ng isang kuwento sa harap ng iba. Pagtatapat. Itapat ang mga elemento ng dula sa mga paglalarawan sa mga ito. Hanay A. Pinakakaluluwa ng isang dula. Saksi sa pagtatanghal. Paksa ng dula. Mga linya ng mga aktor. Nagbibigay-buhay sa dula. Hanay B. Diyalogo. Direktor. Iskip. Karakter. Manonood. Tema. Narito ang mga tamang kasagutan.

[20:36]Punan ng angkop na salita ang patlang upang makabuo ng pahayag na may kabalintunaan. Paghahanda Para Sa Pista ni Lilybeth C. Agno.

[20:50]Abbalang-abala ang pamilya Reyes sa paghahanda para sa pista sa nayon. Maraming darating na bisita upang makapagdiwang.

[21:01]Nanay: (Halatang pagod na. Makikita ang anak na nakahiga.) Talaga namang napakasipag/napakabait ka, Leo.

[21:13]Wala ka nang ibang ginawa kundi matulog na lang maghapon! LEO: (Mabibigla at agad na babangon.) Hindi naman po 'Nay. Nagpapahinga lang po sandali. Napagod na rin po kasi ako. NANAY: Sobra naman ang katapatan mo. Kitang-kita na nga ng dalawang mata ko, nagsisinungaling ka pa.

[21:38]TATAY: Kasama ko si Leo kanina sa pagkatay ng mga manok, Nanay. Talagang pagod na rin 'yang anak mo. NANAY: Sus, magkakampi lang kayong mag-ama (Ngitingiti). TATAY: Tara na nga sa kusina at makakain na muna! Talagang gutom na ako. (Kakain ang mag-anak. Maraming kakainin ang tatay.)

[22:03]NANAY: Nagtataka naman ako sa disiplina ng sikmura mo, 'Tatay. Halos maubos mo na ang isang kalderong kanin.

[22:14]TATAY: Ay naku, Nanay! Sobrang gutom ko sa dami ng ginawa natin. LEO: Dito ka magtataka, 'Nay. Alam mo bang bilib ako sa tibay ng panlasa ng nakita ko? Pati hindi masikmura ng aso, kinakain niya! (Magtatawanan ang mag-anak.) NANAY: Seryosong usapan na ito. Alam niyo ba na napakabait ang isang kapitbahay natin diyan? Pagkatapos kong tulungan noong nagigipit siya, hindi man lang makapagpautang sa akin ng kahit limandaang piso lang sana para madagdagan ang ating handa. TATAY: Nanay, kung anong meron tayo, 'yon na lang. Mahirap kayang magbayad ng utang! LEO: Oo nga naman 'Nay. Ibibili ko na lang ng bagong damit para sa pista bukas. NANAY: O, sige, sige. Bumili ka na ng isandaang damit para makapagpalit ka kada oras! (Maririnig ang halakhak ng mag-anak.) Sumulat ng isang talata tungkol sa isang pagdiriwang na dinaluhan mo. Gumamit ng iba-ibang kayarian ng pangungusap. Salungguhitan ang mga pangungusap na langkapan. Lagyan ng pamagat ang iyong talata.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript