[0:11]Bakit na? Ma, ayaw ko po kayong umalis.
[0:21]Kailangan anak eh. Babalik din ang nanay, ha? Ha? O, tulungan mo na ang kuya mo roon. Sige na. Nay, halika na, tulungan mo ako. O sige na, Michael. O, tulungan mo si Kuya. Balutin mo na 'yan.
[0:50]Oh. Ba't biyernes santo 'yung mga mukha ninyo? Hindi pa ba kayo sanay?
[0:58]Sanayin ninyo na ang sarili ninyo sa mga pangakong napako. At sanayin niyo na rin ang sarili niyo na wala tayong katulong dito. Ate, tama na.
[1:09]Tortang talong lang ang ulam? Hindi bale, 'pag nagpadala ulit 'yan ng pera, marami na ulit tayong ulam. At hindi lang ulam ha, t-shirts, pabango, bags, sapatos. Ate, tama na sabi. Michael. Michael, dalhin mo na 'yung si daday sa kwarto, sige na. Sige na anak, daday. Pasok na sa kwarto, sama sa kuya. Sige na anak. Pwede ba? Pigilan mo na 'yan pagtawag sa kanila ng anak. Ma-miss pa ni daday 'yan, mawawala ka rin naman. Ikaw lang naman ang hindi kumikilala sa'king ina, eh. Oo. Isa, dalawa, lima, anim na linggo. Tingnan natin kung 'di si tita Norma uli maging nanay niyan. Ano ba talaga gusto mo, Carla, ha? Hindi ba ito ang gusto mo? Pinagtutulakan mo akong umalis? Oo. At sana, 'wag ka nang bumalik. Bastus ka talaga. Nay! Ano?
[2:08]Ano? Lalayas ka na naman? Ha? Sige. Lumayas ka. Layas! Talagang lalayas ako. Oh! Tuluyan mong sirain ang buhay mo. Sige, layas! Magpakabuan ka sa bisyo mo. Magpakasawa ka sa mga lalaki mo. Oo! Gagawin ko talaga 'yun! Layas ka! Magpabuntis ka! Nay, tama na. Titingnan ko lang kung respetuhin ka ng anak mo. Kapag asin na lang ang inuulam ninyo at nagpapakaputa ka na para may isaksak ka lang sa sikmura niya. Alam mo? Nagpapasalamat ako sa Diyos at hindi isinilang ang dalawang bata na galing sa isang babae na iresponsable at makasarili, tulad mo. Kung magkakaanak man ako, sisiguraduhin kong magkasama kami sa hirap at ginawa. Hindi ko siya ipagpapalit dahil lang sa pera. Kapal ng mukha mo. Hay! Bakit? Anong masama sa sinabi ko? Ang kapal ng mukha mo! Wala kang utang na loob! Ikaw ang sumira ng buhay mo! Ikaw ang sumira ng buhay mo! Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal ng mukha mo! Wala kang utang na loob! Ang kapal ng mukha mo!
[3:10]Kung ayaw mo sa akin, ayaw ko rin sa'yo!
[3:16]Sana hindi na lang ako naging ina mo! Sana hindi rin kita naging anak. Ngayon kung iniisip mong hindi mo ako pinili bilang ina mo. Sana maisip mo rin na hindi itong buhay na pinili ko para sa inyong mga anak ko. Kung iniisip mo na sana binalik kita sa tiyan ko. Sana maisip mo rin na ilang beses kong ginusto na hindi na kayo pinanganak. Para hindi ninyo maranasan ang hirap dito sa mundo.
[3:48]Pero nandito na ako. Nandyan kayo. Kahit nandito na ako sa manlulupalop ng mundo, dito dala-dala ko. Ang obligasyon ko sa inyo na bigyan kayo ng magandang buhay, dahil magulang ninyo ako. Hindi mo ako naiintindihan! Hindi ko hinihingi lahat-lahat na binigay niyo sa amin! Kayo ang may gusto, hindi ako! Dahil mahal ko kayo. Mahal ko kayo.
[4:31]Ngayon. Sabihin mo sa akin. Sinasabi mong hindi kita naiintindihan. Bakit, Carla? Ako ba naintindi mo kahit minsan? Hindi. Sarili mo lang iniintindi mo. Sana kahit minsan binigyan mo ng halaga lahat ng paghihirap ko sa inyo, lahat ng sakripisyo ko sa inyo. Sana tuwing umiinom ka ng alak, habang hinihitit mo ang sigarilyo mo, habang nilulustay mo 'yung mga perang pinadala ko. Sana maisip mo rin kung ilang pagkain ang tiniis kong hindi kainin. Para lang makapagpadala ako ng malaking pera dito. Sana habang nakahiga ka diyan sa kutson mo, natutulog, maisip mo rin kung ilang taon kong tiniis ang matulog mag-isa habang nangungulila ako sa yakap ng mga mahal ko. Sana maisip mo kahit kaunti kung gaano kasakit sa akin ang mag-alaga ng mga batang hindi ko kaano-ano. Samantalang kayo. Kayo mga anak ko ni hindi ko man lang kayo mahalagaan. Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon sa isang ina? Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon? Kung hindi mo ako kayang ituring bilang isang ina, respetuhin mo na lang ako bilang isang tao. Iyon lang, Carla. Iyon man lang. Mmm.
[6:17]Mmm.
[6:23]Mmm. Mmm. Mmm. Mmm.
[6:38]Mmm.
[6:44]Mmm.
[6:48]Mmm. Mmm. Mmm. Mmm.



