[0:05]Manda Sadsad Enjoy Watching.
[0:16]Pilipino.
[0:23]Pilipino.
[0:28]panahon.
[0:37]Isang mapagpalayang umaga sa inyong lahat. Ako ang iyong guro sa Araling Panlipunan, Ginoong Kim Patrick Caparal na magdadala sa inyo ng isa na namang kapanapanabik na edisyon ng E-Kwenturo Mo! At para sa napapanahong kwento natin sa umagang ito, alam niyo ba ang Pilipinas sa taong 2021 ay nagdiriwang ng isa sa pinakamahalagang okasyon sa kasaysayan ng ating bansa. Ang pagdiriwang na ito ay tinatawag nating Quincetenial Celebration. Ano nga ba ang Quincetenial Celebration at bakit ganoon na lamang kasi ang pagnanais ng iba't-ibang sektor ng pamahalaan ng Espanya at ng Pilipinas upang gunitain ang nasabing selebrasyon? At hindi rin natin maitatatwa na maging ang simbahang Katoliko ay ninalayon din na suportahan ang nasabing selebrasyon. Sinasabi na ang Quincetenial Celebration ay selebrasyon na kung saan ginugunita natin ang limang taon ng pagkatatag ng Kristiyanismo sa ating bansa. Lingid naman sa ating kaalaman na ang unang ugat ng Kristiyanismo ay naitatag sa Pilipinas matapos na aksidenteng matanaw ni Ferdinand Magellan ang isla ng Homonhon noong March 16, 1521. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon tayo ng interaksyon sa mga mananakop na Kastila na nagresulta sa mahabang kasaysayan ng pang-aabuso at pang-aalipin ng mga kolonyalistang Kastila sa ating bansa. At noong nakaraang buwan ay ipinagdiwang ng dalawang bansa ang okasyon ng Quincetenial ng dumaong ang training ship ng Espanya na Sebastian del Cano sa isla ng Homonhon at sa Cebu noong March 20, 2021. Ang barkong Sebastian del Cano ay ipinangalan sa kauna-unahang manlalayag na kumumpleto sa sirkum nabigasyon ng daigdig. Si Del Cano ay ang kapitan na nagpatuloy sa paglalayag ng barkong Victoria matapos mapatay ng mga katutubo si Ferdinand Magellan. Ang okasyong ito ay nagsilbing pagkakataong upang muling sariwain ng mga Pilipino at Kastila ang mga pangyayaring limang daang taon na ang nakalilipas. Ang kamangha-manghang pagkakataong ito ay ginugunita hindi upang ikintal ang kolonyalismong isinagawa ng mga Kastila sa ating lupain. Bagkus ito ay pagpapaalala sa mga kagila-gilala na nakamit ng tao sa kasaysayan ng sangkatauhan na napatunayan ng ekspedisyong pinamunuan ni Ferdinand Magellan na ang mundo ay bilog. Ang paglalakbay din nito ay tinuturing na kumpletong sirkum nabigasyon o pag-ikot sa mundo. Nasa panahong yaon ay isang napakalaking karangalan dahil sa limitadong kaalaman ukol sa nabigasyon at teknolohiya ng mga manlalayag. Tunay nga na isang malaking karangalan sa mga Pilipino na maging kabahagi tayo sa okasyong ito.
[3:49]Muli, ating tandaan na ang selebrasyong ito ay labis na mahalaga dahil sa pangyayaring naganap na limang daang taong nakalipas ay nagkaroon tayo ng pagkakataong makilala si Kristo. At kung ating susuriin sa ating kasalukuyang perspektibo, ang pagdating ni Ferdinand Magellan ay nagsilbing daan upang maikintal ang malalim at masalimuot na pakikipag-ugnayan ng mga Kastila sa ating mga ninunong katutubo. Ito ang unang daan upang ang relihiyong Kristiyanismo ay maikintal sa kamalayan, puso, at pangkalahatang pagkakakilanlan ng mga Pilipino bilang isa sa may pinakamaraming mananampalatayang Katoliko dito sa Asya. Ang aksidenteng pagkakapadpad ni Ferdinand Magellan dito sa ating bansa ay nagbunga ng ilan sa pinakaunang mga pangyayari sa ating kasaysayan. Aksidenteng nasumpungan lang tayo ni Ferdinand Magellan dahil ating pakalilimiin na ang layunin ng paglalakbay ni Ferdinand Magellan ay hanapin ang Moluccas o Spice Island na sa pagkakaalam natin ay ang pinagmulan ng iba't-ibang pampalasa o rekado na noong mga panahong yaon ay sadyang kinahuhumalingan ng mga Europeo. Ang pagkakadiskubre ni Ferdinand Magellan ng Pilipinas ay nagsimula noong March 16, 1521, kung saan dumaong sila sa dalampasigan ng Homonhon, at mula dito, pinangalanan niya ang pulo ng kanyang nasumpungan na Isla de San Lazarus. Ang pangalang ito ay nagmula sa kadahilanan ng pagdating nila sa isla ay eksaktong ito rin ang araw ng kapistahan ng patron na si San Lazaro. Ngayon, balikan natin ang unang mga kaganapan na nangyari sa ating bansa sa pagdating ng ekspedisyon ng manlalayag na si Ferdinand Magellan. Una, alam niyo ba na ang unang Misa sa Pilipinas ay naganap noong March 31, 1521? Ito ay isinagawa sa Isla ng Limasawa na pinangunahan ni Padre Pedro de Valderrama. Ang pangyayaring ito ay sinaksihan ng ating mga ninunong katutubo sa pamumuna ng magkapatid na si Rajah Kolambo at Ziagu. Ito ang naging daan upang sa kauna-unahang pagkakataon ay naipakilala sa atin ang paniniwalang Kristiyanismo. Ikalawa, alam niyo ba na ang unang Sanduguan o Blood Compact ay naganap sa pagitan ni Rajah Kolambo at ni Magellan noong March 28, 1521? Ang ritwal na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paghiwa sa braso ng mga kasali dito, at pag-inom naman ng dugo na ipinatak sa baso na iinumin ng mga nagkasundong partido.
[6:53]Ang ritwal na ito ay tanda ng kasunduan ng pagkakaroon ng dalisay na pakikipagkaibigan. Ikatlo, alam niyo ba na ang unang Binyag dito sa Pilipinas ay naganap noong April 14, 1521. Ayon sa Kastilang mananalaysay na si Antonio Pigafetta na ang unang Binyag ay dinaluhan at sinaksihan ng mahigit 800 katutubong Cebuano. Ang mga ninuno nating ito ang nagsilbing kauna-unahang Pilipino na yumakap sa Kristiyanismo ng sila ay bautismuhan ni Padre Pedro Valderrama. Ang mag-asawang Rajah Humabon at Hara Humamay ay binautismuhan ayon sa sakramento ng Katolisismo. Si Humabon ay binyagan sa pangalang Carlos alinsunod sa pangalan ni Haring Carlos I ng Espanya at Juana naman ang binigay sa pangalan ng kanyang asawa na si Hara Humamay ng siya ay bautismuhan alinsunod sa pangalan ng nanay ni Haring Carlos na si Juana ng Kastil. Sinasabing ang milagrosong imahe ng Santo Niño na may kasalukuyang edad na limang daang taon ay iniregalo ni Ferdinand Magellan kay Juana. Ngayon, matapos nating marinig ang kwento sa likod ng makulay na kaganapan sa paglalakbay ni Ferdinand Magellan at sa trahedyang kanyang sinapit, atin sanang isapuso ang tunay na aral na gustong ikintal sa ating isipan ng selebrasyong Quincetenial. Ang paglalakbay na ito ay hindi nakatuon sa pananakop ng mga Kastila, bagkus ay nararapat tayong magpasalamat sa Panginoong Maylikha dahil sa makasaysayang paglalakbay na ito ay nakilala natin si Kristo at tapos puso ang ating puso't kaluluwa ng mga aral ng Ebanghelyo na dahil sa pagdating ng mga misyonerong Kastila sa ating kalupaan. Muli, ako si Ginoong Kim Patrick Caparal na nag-iiwan sa inyo ng paalala, huwag mong ikwento, dapat E-Kwenturo Mo! At bago natin tuluyang tapusin ang segment na ito, huwag kalimutang i-follow ang FB Page ng Ilaya Barangka Integrated School. Hanggang sa muling ikwenturo mo, padayon!
[9:12]Pilipino.
[9:17]Pilipino.
[9:24]panahon.
[9:33]Ang likhang-biswal na ito ay produkto ng E-kwenturo mo na isa sa mga inisyatibo ng DepEd Mandaluyong.



