Thumbnail for Why AJ Raval Finally Revealed Her Children With Aljur | Toni Talks by Toni Gonzaga Studio

Why AJ Raval Finally Revealed Her Children With Aljur | Toni Talks

Toni Gonzaga Studio

18m 31s2,441 words~13 min read
Auto-Generated

[0:00]When you and Alger got together, Alger was separated. Sa part naman na 'yan, Miss Toni, alam ko naman wala akong ginawang masama. Kaya lumaban talaga ako. Paano ka lumaban? Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako. Alam ng Diyos hindi ako. Wala akong kasalanan. Mas importante ba talaga na tingnan ka ng maganda ng mga tao. Importante ba 'yung magiging tingin nila sa'yo? O mas importante kung anong magiging tingin sa'yo ng Diyos? Bakit this year na sige, I will share my side of the story. Aaminin ko na may kids kami. Na ito na 'yung mga anak namin.

[0:57]Hey! Hello. Hello, hello again.

[1:04]Welcome back. Kumusta ang year para sa'yo, AJ? Okay naman po. Maganda po 'yung pasok ng taon sa akin ngayon. Siguro po kasi mas ano na po kami eh. Mas care-free na po kami ngayon. Parang may freedom na po kami. Wala nang kailangan itago. Bakit kailangan itago dati? Syempre, maingay po nung time na 'yon dahil po sa mga issue. Syempre ayaw po namin malaman ng mga bata. You first became a mom at 17 years old.

[1:36]And life-changing 'yon. Once you become a mom, paano 'yon nung 17? Before po lumabas si Hannah, parang ano po ako eh, wala po akong sense of responsibility sa buhay ko. Siya po 'yung nagturo sa akin na dapat hindi ako mag-stay sa ganito lang. Dapat may mangyari sa buhay ko. Ilang taon ka nung pumasok ka sa showbiz? Actually, 16 pa lang po, nag-aarte-artista na ako.

[2:04]Hindi ko po alam kung naalala po nila ako, sa GMA Artist Center po nakapirma po ako ng kontrata. Eh syempre, hindi na po natuloy kasi po nabuntis po ako that time. Ah, was it a non-showbiz boyfriend or a? Non-showbiz po.

[2:18]And that time po, nag-i-start po ako mag-beauty queen. Mhm. Yes, ah, mga mutya po. And then, sumali po kami sa barangay namin. Kasama po ako sa top na nanalo. Ako po 'yung pinipresent nila for San Fernando, Pampanga. Ayon na ang dapat pa! Opo, pangarap ko po. Pangarap ko po 'yun. Pero 'yun ba talaga dream mo nung bata ka? Maging beauty queen. Bakit napasok sa pag-artista? Yung tatay ko po. Paano mo ide-describe 'yung relationship mo sa daddy mo? Kasi ang daddy mo, nakalakihan namin nung bata kami, Jeric Raval is action star. Sa movie, sa TV. Pero po sa bahay, comedian po siya.

[2:59]Magaling po siya magpatawa. Sobrang strikto nun, Miss Toni, grabe. Military discipline 'yung tatay ko kasi dun siya lumaki eh. Na-experience ko po 'yung iniipitan po ako ng bala. Tapos gagaganun. Opo, oh yes, opo, tama po. Lalagay ang sakit no'n, lagyan ng bala tapos gaganunin 'yung kamay. 'Yun ang discipline sa'yo? Kasi po, Miss Toni, nag-aaral po ako noon, pinag-aaral po ako. Eh ako, sumasama po ako sa mga kabataan na medyo ano, matitigas. Pasaway. Opo, pasaway. Nakating sa kanya. Tapos after that, hindi na po ako umuulit. Oh, kung disiplinaryan siya at strict siya, paano ka niya napapayag na mag-artista? Mahaba po 'yung story, Miss Toni, eh. Pero dati po nakatira po ako sa tatay ko. Sa asawa po niya, 'yung step mother ko si Holiday. Lumaki po ako doon. Umalis po ako nung 14, binalik po ako sa nanay ko. So nung nandoon na po ako sa nanay ko, doon na po ako nag-start mag-artista. Magkahiwalay po kami ng bahay ng tatay ko. So nung lumalaki ka, hindi mo nakalakihan na nagsama 'yung mommy and daddy mo. Hindi po. Hindi ka lumaki with your mom? Hindi po. Pero ngayon po, kasama ko po siya araw-araw. Paano mo ide-describe 'yung relationship mo kasama 'yung mommy mo dati nung bata ka? Nung syempre, bago kami magkasama, teenager, nagka-clash po talaga kami, matindi. Saan kayo nagka-clash ng mommy mo nung pag naalala mo nung teenager ka? Lumaki po kasi ako sa dad ko, 'di ba? So nasanay po ako ng paggising ng umaga, papasok, ready na 'yung uniform, food, service, 'yan na. So pagdating ko sa nanay ko, gabi po kasi 'yung trabaho ng nanay ko, seeker siya. So hindi siya nagigising ng umaga. Pagkatapos doon kami nagka-clash, nag-aaway kami. Sigawan kami. Ah, kasi 'yung mga ways na nakalakihan. Opo. Pero ah habang tumatagal po, nagiging maayos po 'yung relationship namin. At ngayon, siya din po 'yung nag-aalaga ng anak ko. Nandyan Dumating po si Alger. Sino po siya sa inyo?

[5:03]Nagkita na po kami before sa set, sa set nila nung Sandugo kasi nagwo-work po 'yung tatay ko doon. Magka-work po sila. Sumama po ako sa tatay ko, pinakilala niya po ako kay Alger. Pero that time, wala lang po eh. As in wala. As in simpleng hi. At saka iba pa, iba pa 'yung buhay ni Alger noon. You're in a different relationship. Oh, yes. Tapos lumipas po 'yung ilang years, nagkita po kami ulit. Then doon po kami nag-start. Anong meron kay Alger? Bakit mo nagustuhan? Bakit may nag-spark sa kanya? Ang kagandahan po kasi kay Alger 'yung values niya. Alam kong parang kinukontra pero very responsible po siya. At ah, he's a good provider, Miss Toni. Mahirap ba to be in a relationship na alam mong may misconception ang tao sa pagsasama n'yo? Yes po, mahirap po 'yon. Pinagdasal ko po 'yan, Miss Toni. Nung nag-start po kasi kami ni Alger, sobrang saya namin, masaya lang. Ah, tapos nag-pray po ako, sabi ko, "Sana po, Lord, ibagsak niyo na po lahat ng problema sa amin." Ha! Ikaw naman ang kabaliktaran. Gusto mo naman ng problema. Ay, ang saya. Para po makita ko lang po kung kami po talaga para sa isa't-isa. Kung nandyan po kami para sa isa't-isa, ng hindi lang masaya. Para po hindi na tumagal, maghiwalay na po kami kung maghihiwalay kami. Ah, parang subukin n'yo na kung, wag na po pa, kasi masyado kang masaya, tapos. 'Di ba may ganung feeling na parang masyadong this is too good to be true? Yes. Magtatagal ba 'to? Kung hindi, sana matapos na kasi, the more na tumagal, the more kang masasaktan. When you were happy, did you think someone was unhappy when you were in a relationship? Hindi naman po, Miss Toni. Kasi nag-start po kami ni Alger malinis po talaga. Wala na siya doon sa dati niyang relationship. Wala na po. Pero hindi alam ng tao 'yon? Hindi po. Pero po kasi nung time na 'yon, since ako din po naglabas eh. Since bago po ako mag-artista, hindi ko po alam kung anong dapat sabihin at hindi sabihin sa interview. Kaya nagsunud-sunod na 'yung mga issue, controversy. Kasi ang dating sa tao, may overlap sa relationship. Nagiging third party, nagiging cause ng... Pero hindi po, hindi po talaga. So, para sa kaalaman ng lahat na may misconception, may judgment at may assumption sa relationship n'yo. When you and Alger got together, Alger was separated. Yes, separated na po talaga sila that time. Nung nakilala mo siya? Ah, na hindi alam 'yan ng tao. Kasi this is the chapter na hindi alam ng mga tao because ang iniisip nila 'di ba ang naiwan sa kanila is 'yung Alger with the previous relationship. Kaya 'di ba pag may bagong babae in the picture, nasa kanya na lahat ng blame, nasa kanya 'yung point, 'di ba?

[8:08]So, paano mo h-handle 'yon? Sa part naman na 'yan, Miss Toni, alam ko naman wala akong ginawang masama. Kaya lumaban talaga ako. Paano ka lumaban? Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako. Alam ng Diyos hindi ako. Wala akong kasalanan. Pero Miss Toni, um, hindi naman din po lahat parang galit sa amin. Meron din pa rin pong naniniwala. Mm-mm. Lately, Miss Toni, naiisip ko, bakit nangyari sa akin 'yung mga 'yon? Kasi ito 'yung plano sa akin, ito 'yung dapat kong pagdaanan. Wala akong magagawa kung ito 'yung plano sa akin kung hindi tanggapin. At i-embrace 'yung nangyayari.

[9:09]Alam mo kung ano'ng importante sabihin ko sa'yo. Kung anong tingin sa'yo ng mga anak mo. To them you are the world. You are the best mom. That's the most important thing. Parang feeling na, sige na. Mahusgahan ka na ng lahat, magalit na lahat. Importante hindi galit sa akin ang mga anak ko. Opo. Bakit this year na sige, I will share my side of the story. Aaminin ko na may kids kami. Na ito na 'yung mga anak namin. Kasi Miss Toni, gusto na po naming matapos. Gusto namin maging malaya. Sa bahay lang namin, may mga taong nandoon. Hindi ko kilala, gusto lang nilang maka-capture ng picture. Sa mga bata. Gusto namin silang ipasyal. Gusto namin silang bigyan ng malalaking birthday celebration. Na-deprive sila doon. I'm sure gustung-gusto mong i-celebrate 'yung mga milestone na 'yon. 'Yung pang-anay ko po, nag-aaral. Gusto kong pumunta sa school niya, maging present.

[11:00]Hindi ka matawag ng anak mo ng mommy in public? Yes, opo. Kasi po ayaw po namin ng issue. Kawawa po 'yung bata. Sa school nga po, minsan po kasi hinahatid po namin siya noon, nung hindi pa po kami nag-a-out. Tapos pag-alis po namin, kinukulit po siya. Sasabihin, "Sinong mama mo? Sinong tatay mo?" Mga teacher pa po ang nagtatanong. Anong sinasabi ng anak mo? Gumaganoon lang po siya. Parang hindi na po niya pinapansin. Si Yana po, napakamature po nung batang 'yun. Emotionally. Alam mo mga bata sensitive sila. Yes. They know what's going on, they feel the energy, they feel the vibe, 'di ba? Paano ka nabago ng mga anak mo? Iba-iba po sila ng tinuro sa akin. Si Alkinah, masayahing bata. Nakikita ko siya, naglalaro siya sa grass, sa lupa. Care-free. Care-free. Sinamahan ko siya. Si Alger, ganun din. Parang nawala sa akin 'yung pinipilit kong mag-mature. Naging malaro ako, masayahin. Si Abraham. Si Abraham naman po, sobrang relaxing lang po nung batang 'yun. Tinuro niya lang po sa akin paano ko mag-relax, hindi kailangan i-take mo ng seryoso. Si Junior.

[12:29]Si Junior po kasi, Miss Toni, 'yung blue baby siya. Nawala na po siya for a while. Bumalik lang po nung nakita ko pong ni-revive siya. Wala na po akong ibang dasal noon kung hindi kasigtasan niya. Naibalik, mawala na lahat. Ang naturo niya po sa akin, appreciation kung anong meron ka. Nabuhay siya, masaya na ako. Siguro may pinakamalaking nagturo sa'yo 'yung pangalawa mo, si Aaron. Isa rin po 'yun nagpatibay sa akin. Kaya nangyari siguro sa akin 'yun dahil mas magiging mabuting ina ako ngayon. That's why I really believe that once you become a mother, you, you birth a new version of yourself also. Kaya dapat 'yung mga birthday ng anak mo, sine-celebrate mo 'yun as your birthday. Kasi nung dumating sila, lumabas 'yung bagong ikaw. Oh yeah. Iniwan mo na 'yung dati. Complete transformation 'yan, when a life is born from you. Grabe 'yung mga pinagdaanan mo. 25 ka pa lang pero talagang pinatibay ka na ng buhay. Naging mom at 17, lost the child. Went through a relationship na hinusgahan ng mga tao. Gave birth in silence, raised kids in secret. Mahirap po, Miss Toni. Ang hirap! Isipin n'yo po, hindi po ako nagpapa-check-up. Ha! Bakit naman tayo nakarating sa ganun? Hindi ka na nagpa-check-up? Ginagamot ko po 'yung sarili ko, nagse-search po ako ng mga. Opo, vitamins. Eh kasi po, nung unang baby, si Arkinah, meron po kaming pinuntahan ng hospital. Na kinausap naman po namin na discrete, oh sana hindi lalabas. Nilabas pa rin? Nilabas pa rin po. Kaya nagkaroon po ako ng trauma. Tsaka ang nangyari po, Miss Toni, pag po may sakit po ako, ginagamot ko po 'yung sarili ko. Ha! Nung buntis ka? Opo. Grabe, for three years ganun 'yung set-up? Yes. Buti na pag-decide n'yo na tama na. Let's live our lives naman for ourselves. Dahil nagsawa na rin po kakatago. 'Yung panghuling baby ko, nakaplano na po. Paglabas niya, pag may chance, ilalabas ko na, sasabihin ko na lahat. Si Abraham pala, ang naging susi. Alam mo ba, si Abraham ang father of faith? Yes, father of all nations. Father of all nations and siya ang unang nagpakita ng faith kay God. Yes. Parang timing din na nung Abraham 'yung pangalan niya, nagkaroon ka na ng courage to be free. Yes. To be free from the opinions and judgments of others. The truth will set you free. Ang sarap nung feeling. Ang sarap nung feeling nung dumating kayo dito kasama mo 'yung mga anak mo. Di ba? Yes, opo. Kahit saan ka na pumunta ngayon, kung gusto nating mag-mall araw-araw, nasa mall. Araw-araw, kakain sa labas. Picture here, picture there. Pag may anak ka pa naman, 'yung phone mo wala ng laman kundi 'yung picture. 20,000 photos. Lahat ng kilos, picture. Actually po, Miss Toni, 'yung pong mga social media ko, parang naging family album na. 'Di ba? Sa dami ng pinagdaanan mo, anong isang bagay na lagi mong ituturo sa mga anak mo? Ang maituturo ko sa kanila, Miss Toni, maging malaya po sila. Huwag silang magpapa-apekto kahit kanino. Saan ka pinaka-grateful sa ngayon? Mga anak ko, nandyan po. Okay sila, healthy sila. Grateful po ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon. Kay Alger, maayos po siyang partner. Basta wala pong may may sakit, masaya na po ako doon. Anong isang bagay na gusto mong matutunan ng mga tao sa story mo? Maging malakas. Dire-diretso ka lang kahit anong pagsubok 'yung daanan mo sa buhay. Maging appreciative po talaga kung anong meron ka. At kung may pinagdadaanan po tayo, siguro po tanggapin natin kung ano man 'yung kahirapan ng buhay na pinagdadaanan natin. Kasi ito po 'yung plano sa atin. Wala tayong magagawa kung hindi i-embrace 'yung nangyayari sa atin.

[17:14]Okay. Dito natin tatapusin ang ating pag-uusap. Mag-pick a card.

[17:25]Ha! Okay. If you could grant one wish to someone, who would it be and why? Siguro po 'yung wish ni Alger. Pwede mo ba'ng i-share kung ano 'yung wish niya? Oh sa inyo na lang 'yun. Siguro po sa amin na lang, Miss Toni. 'Yung wish po niya na alam kong para sa lahat, para po sa pamilya niya, sa una, tsaka po sa amin, sa magulang niya. Oy, grabe ka, Alger! Love na love ka talaga ni AJ! Hindi man lang para sa sarili niya or kahit kanino, or kahit sa anak niya, ang wish niya is for. Yes. Alger. Ako naman ang prayer ko, malampasan niyo 'yung mga lahat ng pagsubok ng buhay. Lalo kayong tumatatag, maging happy ang family ninyo. Healthy ang mga anak ninyo. Thank you. No more crying. No more tears. This is a new chapter. 'Di ba? Maraming salamat for watching today's Toni Talks and for more meaningful conversations like this, don't forget to like, share, and subscribe. Maraming salamat.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript