[0:00]Pinalubog ang isang lumang barko ng Pilipinas gamit ang missile ng Japan sa pagpapatuloy ng Balikatan exercises. Nagpapatrol, Bianca Dava. Ito ang BRP Quezon, ang dating barko ng Philippine Navy na hindi na nagagamit mula pa noong March 2021. Ang barkong ito ang nagsilbing target sa maritime strike ngayong Miyerkules na bahagi ng Balikatan exercise 2026. Ginamit ang Type 88 missile ng Japan na ang misyon ay palubugin ang kunwari barko ng kalaban. Sa kauna-unahang pagkakataon, pinaputok ng Japan Self Defense Forces ang kanilang Type 88 surface to ship missile dito sa Balikatan exercise. Pagpapakita ng expanded participation ng Tokyo sa taunang pagsasanay sa pagitan ng Pilipinas, Amerika at mga partner na bansa. Dalawang Type 88 missiles ang inilunsad at tumama sa BRP Quezon sa loob lamang ng 6 na minuto. Nasa 75 km mula sa dalampasigan ng Paoay sa nasabing target na kalalaunay lumubog din. Ang maritime strike, sinaksihan mismo nina Philippine Defense Secretary Gilberto Cedoro Jr. at Japanese Defense Minister Shinjiro Koizumi. We have seen how it works, and it is uh something that we can interoperate with in the future. It also upgrades the skills and awareness of our troops in the capabilities that our allies have and in coordination mechanisms with the different participants. Sa gitna ng pangamba ng mga progresibong grupo sa umunoy militarization ng Pilipinas, iginiit ni Teodoro na bukas at nakatuon sa pambansang depensa ang mga pagsasanay. The claims of militarization are totally misplaced uh at this day and age when we are open, transparent with the exercises, save for operational security. Samantala, pinanood din ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Maritime strike mula sa Camp Aguinaldo sa Quezon City. Kasama ng pangulo ang mga opisyal na militar ng Pilipinas at America. Bianca Dava, ABSCBN News, Paoay, Ilocos Norte.

Lumang barko ng Ph Navy pinalubog gamit ang Type 88 missile ng Japan | TV Patrol
ABS-CBN News
2m 27s296 words~2 min read
Auto-Generated
Watch on YouTube
Share
MORE TRANSCRIPTS


