Thumbnail for 24 Oras Weekend Express: May 11, 2025 [HD] by GMA News

24 Oras Weekend Express: May 11, 2025 [HD]

GMA News

36m 8s4,895 words~25 min read
Auto-Generated

[0:40]Magandang hapon po. Iniimbestigahan sa Negros Oriental ang isang lalaking rider dahil sa hinalang sangkot siya sa vote buying. Nahulihan kasi siya sa motorsiklo ng mga sobreng may pera at sample ballots. Mula sa Bais City, Negros Oriental, nakatutok live si Ian Cruz. Ian. Pia, Ivan, bukod nga sa pamamahagi ng election paraphernalia ay todo bantay din ang mga otoridad sa umano'y mga kaso ng vote buying.

[1:14]Naharang sa checkpoint sa Barangay Lutao, Bacong, Negros Oriental kahapon ang isang lalaking rider na walang helmet. Pero ng buksan ang compartment ng motorsiklo, nadiskubre ang mga sobreng may lamang tig 100 piso at 500 piso bills at sample ballots. There's a presumption kung bakit may bitbit yung isang tao ng gano'n, ng gano'n karaming envelope and gano'n mga pera sa loob ng envelope. So there's a presumption of vote buying. Sinisikap pa naming makuha ang panig ng suspect na kalaunan ay pinakawalan din ng piskalya dahil ihahain muna sa Comelec ang reklamo laban sa kanya. Ala 1:00 ng hapon kanina, ibinigay na ng Comelec Bais City sa electoral board sa Barangay Olympia ang automated counting machine na gagamitin para sa eleksyon bukas. Ibinigay na rin ng City Treasure's Office ang official ballots at iba pang gamit. Diretso naman sa Canibol Wharf ang mga gurong magsisilbing electoral board para isakay sa bangka ang mga gagamitin bukas sa isla. Kasama rin nila ang mga poll watcher, pulis at Coast Guard personnel na naka-escort din ng isang aluminum boat ng Coast Guard. Yung dagat po ay kino-consider po natin balotay na po. Tapos yung eleksyon bukas, kaya magsisimula alas-5:00 ng umaga, so kailangan ready na. Dagdag seguridad din sa Bais City ang mga sundalo. Ang mga nasa malayo at bulubunduking lugar naman ang Bais City sa mga dump truck sumakay para maihatid sa polling centers ang mga gagamitin sa eleksyon. Para sa bayan din, 'di ba? Kasi part din 'to sa trabaho namin. It's a noble job. Di ba? Parang kami talaga yung teacher ang kasi yung heart namin nandito sa trabaho.

[2:59]Ivan, yung mga malalapit na polling centers, inaasahan bukas pa ng madaling araw kukunin yung mga gagamitin nila para sa eleksyon 2025. So 'yan muna ang latest mula rito sa Negros Oriental, balik sa iyo, Ivan. Ian, diyan sa iyong kinaroroonan sa Bais, mainit ba ang tunggalian ng mga local na kandidato diyan? Well, Ivan, talagang ganun lang lagi nagiging scenario dito na dahil magkakakilala din naman yung mga tumatakbo dito. Pero sa ngayon, ang nakausap natin yung mga autoridad dito, wala pa naman silang naitatala na anumang mga friction diyan sa mga nagtutunggalian na mga magkalaban dito. At sana nga may raos ang mapayapang eleksyon bukas. Maraming salamat, ingat ka, Ian Cruz. Sa Basilan, apat ang patay sa sumiklab na engkwentro. Ayon po sa pulisya, nagkasagupa kaninang umaga sa Langil Island ang mga tagasuporta umano ng magkalabang mayoral candidate sa Hadji Mohammad Ajul, Basilan. Nagrespondehan ito ng Special Action Force at ng lokal na pulisya. Iniimbestigahan pa ito ng mga otoridad.

[4:09]Samantala, lipat tayo sa Zamboanga City, kung saan patuloy ang pamamahagi ng election paraphernalia. Iniimbestigahan kung may vote buying sa nangyaring gulo kahapon, kung saan may dalawang namatay. At nakatutok doon live si JP Soriano. JP. At Ivan, hinihikayat nga ng Comelec Zamboanga ang mga nakasaksi at mga kaanak ng biktima sa insidenteng 'yan na lumapit sa kanila at magpakita ng ebidensya at para mapatunayan kung ito ba ay isang kaso nga ng vote buying, bagay na ipinagbabawal po sa batas. At ngayong eleksyon at sa ating pag-iikot, naging abala po ang mga ang mga guro sa Zamboanga sa pag pag-receive at pag-distribute ng mga election materials na gagamitin po para sa eleksyon bukas.

[4:56]Iniimbestigahan ng Comelec kung may pay out o bayaran sa nangyaring stampede sa orientation ng mga poll watcher kahapon sa Zamboanga, kung saan dalawang senior citizen ang nasawi. In the event na mapatunayan na may mga vote buying incidence talaga, of course that is an election offense. If ma ma-trace din or makuha din na may particular na kandidato sa likod nito, of course this can also be for disqualification later on. Hinihikayat ng Comelec ang mga saksi at biktima na maghain ng reklamo. Bukod 'yan sa isa pang pila sa lungsod para raw sa paunang bayad sa poll watcher, may 11 nawalan ng malay dahil sa pagod at gutom.

[5:37]Karamihan ay mga senior citizen. Para hindi maulit ang mga ito, ipinahinto na ng Comelec Zamboanga ang anumang uri ng pagtitipon ng mga kandidato. Barangay Mira.

[5:50]Tuloy-tuloy naman ang pamamahagi ng official ballots, indelible inks, ballot secrecy folders at iba pang gagamitin sa botohan bukas. Binubusisi ng mga electoral board kung selyado ang mga balota at kung para talaga ito sa lugar na pagdadalhan. Isang laki ng Zamboanga City, hindi po kakayanin on the day of the election kami na mag-release. Bitbit din nila ang pagkaing pagsasaluhan. Canned goods, eggs and et cetera, kung ano po matira mamaya. Umescort sa mga electoral board mula sa isang remote island barangay ang mga taga-Coast Guard at PNP. Pagdating sa Isla, Philippine Marines naman ang nakabantay.

[6:32]At nakarating na po ang mga guro na magsisilbing electoral board dito sa Barangay Santa Barbara sa Silsilah Elementary School. Kung saan po merong mahigit 200 botante at bitbit nga po nila yung pinakamahalagang gagamitin sa eleksyon. Yung official ballot at bukas nga po ay maaga rin pong gigising ang mga guro para po sa special elections o special voting hours para po sa mga PWD at mga senior citizen dito po 'yan sa barangay na ito sa Zamboanga. Kahapon, naipaskil na sa ilang polling precinct sa Zamboanga City ang official voters list. May ilang residente na ang naghanap ng kanilang pangalan. Isasabi ko sa kanya hindi ako marunong magsulat, magbasa. Halika, isama mo ako, hinahanap ko ang number. Bakit mo gustong ginagawa 'yan para sa kanya? Para matulungan ka. Para makaboto kami kasi mga anak namin dito mag-aaral sa Zamboanga.

[7:35]At Ivan, alas-3:00 na madaling araw mamaya ay maghahanda na po ang mga guro dito sa Zamboanga City para po ilagay ang mga ACM sa mga clustered precincts bilang paghahanda nga po sa early voting para po sa mga seniors at PWDs. At mula rito sa Zamboanga City, ako po si JP Soriano ng GMA Integrated News, dapat totoo para sa eleksyon 2025. Maraming salamat, JP Soriano. Samantala, ayon po sa PNP Zamboanga, wala raw stampede sa nangyaring gulo sa orientation ng mga poll watcher kahapon at ang mga nasawing senior citizen ay natural daw ang cause of death. Mula sa Munisipyo Maguindanao, mga kalsada at mga polling center, mahigpit ang pinaiiral na seguridad sa ilang red areas of concern sa Lanao del Sur. Sa gitna po ng mga banta ng karahasan. At mula sa Marawi City, nakatutok live si Chino Gaston. Chino. Pia, kalmado pero dama ang tension sa ilang bayan dito sa Lanao del Sur matapos magsiatrasan ang mga guro na magsisilbi sa Electoral Board. Ito'y dahil sa takot at tension sa pagitan ng mga magkatunggali sa eleksyon.

[8:50]May ilang taong dumagsa sa Munisipyo ng Buulas, Lanao del Sur sa gitna ng paghahatid ng mga balota para sa eleksyon bukas. Umalis din ang ilan sa kanila nang hindi payagang makapasok. Pero ang ilan, maghihintay pa umano sa labas hanggang dalhin ang mga balota papuntang polling centers. Mga pulis na ang tatayong polling officer dahil sa takot ng mga guro na magsisilbing electoral board. Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad ng 103rd Brigade ng Philippine Army at PNP Special Action Force sa Munisipyo, mga kalsada at mga polling center. Nitong Pebrero, mahigit 1,700 pangalan ng botante ang tinanggal ng Comelec mula sa voters list dito dahil mga umano'y fictitious o peke. Mga pulis din ang magsisilbing polling officer sa bayan ng Butig, sa Butig National High School, nagbabantay ang mga sundalo habang hinihintay ang pagdating ng mga balota. May itinayo rito pasukan at lagusan gawa sa kawayan. Guwardyado rin ng PNP Special Action Force ang munisipyo. Ang National Highway papasok ng bayan, may checkpoint ng militar. Ang Butig ang bayan ng mga kinilalang leader ng Maute Group na nanguna noon sa pagkubkob sa Marawi. Nitong Biyernes naman, napatay sa isang engkwentro sa bayan ng Bacolod Calawi si Sir Daud, leader ng Daula Islamia Maute Group na suspect sa pambobomba sa MSU Gymnasium noong December 2023. Hinikayat naman ng Philippine Army ang mga residente ng Lanao del Sur na bumoto bukas. Bumoto lang po tayo ng maayos. Huwag tayong matakot na lumabas, 'no. Naka-setup na po yung ating ating security diyan and we are we are we are certain na yung ating mga kababayan ay protektahan po natin para makaboto.

[10:41]Pia, pinaghalong PNP at mga teacher ang tatayong Electoral Board sa bayan ng Puwlas. Pero bukod sa Butig at Puwlas, may apat na Munisipyo pa kung saan PNP ang magsisilbing poll officers matapos magsiatrasan ang mga guro. Ang AFP Western Mindanao Command naman nag-inspeksyon sa ilang polling centers sa mga election hotspot sa Maguindanao del Norte at del Sur at maging dito sa Lanao del Sur. At 'yan ang latest mula rito sa Lanao del Sur, balik sa inyo, Pia. Maraming salamat, Chino Gaston.

[11:12]Ilang mahahabang pila ang nadaanan ng GMA Integrated News sa ilang kalsada sa Quezon City kahapon. Huling araw ng kampanya. Ang mga nakapila, iba-iba ang idinadahilan kung bakit sila naroon. At nakatutok si Von Aquino.

[11:30]Namatay ng GMA Integrated News ang mahabang pila ito sa Maginhawa Street, Quezon City. Sir, bakit po kayo nakapila? Ano raw po ang meron dito? May bigayan daw doon sa unahan. Bigayan daw po ng? Ewan ko. May nagbigay lang ano, stub, stub lang. Wala, hindi namin alam kung sino nagbigay. Pwede pong makita 'yung stub?

[11:57]Bawal, baka kasi bawal eh. So nandito na po kami sa Maytip, 'yan, 'yan po. Dito po sila nakapila, talagang siksikan na po yung mga tao dito. Eto po sila nanay, oh, mga senior nakapila din. Ang ilang lumalabas sa gate, may dalang watchers ID. Kung ano po 'yung ginawa natin sa loob? Orientation po sa watcher. May natanggap po kayong pera? Wala po kami natanggap. Humarap sa amin ang isang abogadong naatasan umano na mag-train sa mga poll watcher tungkol sa batas. Nagko-conduct lang po tayo ng ano, ng training po para po sa ating mga poll watchers at saka po para sa ating mga magboboto po sa Lunes. Nang tanungin namin kung sino ang nagpatawag ng training. Congressman po. Congressman actually hindi ko kilala. Kasi actually pina-pinakiusapan lang po ako dito ma'am ng ka-barad po namin sa law school. Sinubukan naming magpaalam na makapasok sa loob pero hindi na nila kami binalikan.

[13:04]Hindi kalayuan sa unang pila, isa pang pila ang namataan namin sa Maginhawa Street papasok ng Barangay Hall ng Teachers Village East. Bakit po kayo nakapila? Hindi po alam eh. Pinapila lang kami. Rally lang, meeting. Isang nagpakilalang council ang lumapit sa amin at sinabing orientation ang pila ng poll watchers. Pero Comelec at PNP lang daw ang pinapapasok. Nang lumapit kami sa gate ng barangay, sinarado na ito. Maya-maya, nagtakbuhan ang nakapila at lumipat sa Baluyot Street. Sinusubukan pa naming kunin ang pahayag ng Comelec kaugnay nito. Pero nauna ng sinabi ng Comelec na maaaring sila ay magpadala ng show cause order sa mga kandidatong makikitaan ng mga kahina-hinalang aktibidad na posibleng may kinalaman sa vote buying. Para sa GMA Integrated News, Von Aquino nakatutok 24 Oras.

[14:02]May inihagis ang rider na 'yan sa Barangay Hall sa Cabanatuan, Nueva Ecija at pag-alis niya, sumabog ang kanyang ibinato. Granada pala. Isang napadaang rider ang tinamaan ng shrapnel sa batok. Naisugod siya sa hospital at ligtas na. Ang Barangay Hall naman, nagkabutas-butas ang pader, nasira ang bubong at nabasag ang mga salamin sa bintana at pinto. Tumangging magbigay ng pahayag ang Barangay Chairman alang-alang sa kanyang kaligtasan. Iniimbestigahan pa ang insidente.

[14:44]Binabantayan pa rin sa Maguindanao del Sur ang bakbakan na ngayo'y banta sa kapayapaan ng eleksyon. Ang provincial canvassing naman, inilipat ng Comelec sa ibang lalawigan. At mula sa Sharif Aguak, nakatutok live si Jun Veneracion. Jun.

[15:03]Pia, dahil sa takot na madamay sa gulo na may kinalaman sa eleksyon ay nag-atrasan ang mga guro na magsisilbi sana ng electoral board sa bayan ng Buluan, Maguindanao del Sur. Kaya mga pulis ang papalit sa kanila.

[15:20]Mahigit 80 pulis mula sa iba't ibang lugar sa Luzon ang makikita sa lahat ng mga polling center sa Buluan, Maguindanao del Sur. Umatras kasi ang mga gurong magsisilbi bilang electoral board dala ng takot sa mga kaguluhan sa bayan na may kinalaman sa eleksyon. Ang Buluan ay isa sa dalawang lugar sa bansa na nasa ilalim ng Comelec control. Dapat kasi hindi pa nag-declare ng Comelec control, 80% na ng mga electoral board nag-inhibit na. PNP na lang po, 100% po ang pagse-serve as special electoral boards. Dahil na-train na raw ang mga pulis, tiwala ang Comelec na mapapatakbo nila ng maayos ang botohan. We are hoping na ma-convince sila lumabas at bumoto. Nagsa-clearing operations naman kaninang umaga ang mga sundalo sa Datu Abdullah Sangki, Maguindanao del Sur. Na-recover ng mga sundalo ang mga baril gaya ng machine gun at rifle. Kasunod naman ang kaguluhan kahapon sa Sharif Aguak at Pandag, Maguindanao del Sur. Ngayong bisperas ng eleksyon, inaprubahan ng Comelec En Banc ang rekomendasyon ng pulisya sa Bangsamoro Autonomous Region. Nalipat ang canvassing ng Provincial Board of Canvassers sa kampo ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte imbis na sa kapitolyo sa Buluan. Ito, sir, ay para sa seguridad ng lahat. Safety yung mga tao natin, safety sila na magbibilang. Safety lahat ng tao, hindi tayo we are not discounting the possibility sir na marami pang nasa paligid nila na nakapaligid sa atin, so hindi natin alam kung anong mangyayari. Diyan po sa 6th ID ngayon, para sigurado, protektado.

[17:03]Dahil nga Pia, sa paglilipat ng canvassing ng Maguindanao del Sur sa headquarters ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ay magkakaroon ng mga security adjustments gaya ng pagdedeploy ng karagdagang tropa sa loob ng kampo. Sa loob ng nasabing kampo rin kasi, gagawin ang canvassing naman ng boto mula sa kalapit na probinsya ng Maguindanao del Norte. Balik sa iyo, Pia. Mag-ingat kayo at maraming salamat, Jun Veneracion.

[17:35]Sa mga hindi pa makapili ng iboboto sa eleksyon bukas, magsisilbing gabay sa inyo ang My Codigo feature na makikita sa website ng GMA Integrated News na eleksyon2025.ph.

[17:48]Kung paano ito gamitin, alamin sa pagtutok ni Katrina Son.

[17:55]Kung namimili at naglilista ka pa lang ng mga iboboto. Malaking tulong sa inyo ang eleksyon2025.ph website ng GMA Integrated News. This is where you can check lahat ng mga news tungkol sa eleksyon 2025, all related content such as videos, ma-access rin po siya dito even the latest ikaw na ba na debates and senatorial interviews. Isa sa mga feature ng eleksyon2025.ph ang My Codigo. With My Codigo, gina-generate po nito ang ballot per location. I-click ang My Codigo tab sa website. Sa select your province, hanapin kung saang probinsya ka boboto. Sunod na piliin ang syudad o munisipalidad. Saka pindutin ang Generate My Codigo para makita ang inyong sample ballot. Itong ballot po na ito, one is to one copy po siya ng ballot na ginagamit ng Comelec kasi doon po talaga pinagbasehan namin. Makikita rito ang lahat ng mga tumatakbong senator, district at party list representative. Governor at vice governor, mayor at vice mayor, provincial board members, city o municipal board members. Kapag nakapili na, i-click ang submit button at maaaring i-print ang inyong listahan. Sa pamamagitan ng My Codigo feature o section ng eleksyon2025.ph website ng GMA News Online ngayon pa lamang ay maaari na kayong mamili ng inyong ibobotong kandidato bukas. At sa pamamagitan din nito ay tiyak na mas magiging mabilis ang inyong pagboto bukas dahil meron na kayong gagamiting gabay o reference. Makikita rin sa eleksyon2025.ph ang mga balita tungkol sa eleksyon at sa mga kandidato. Profile ng mga tumatakbo, rewind sa mga naging debate ng mga kandidato para mapanood ulit. Voters profile para makita ang demograpiks ng mga botante kada lokasyon at comparison ng dami ng mga botante per gender at age group. Voters education na magsisilbing gabay sa mga boboto. Election protocol sa pagboto at results tab para makita ang resulta ng botohan na makikita oras na magsimula na ang bilangan. Para sa GMA Integrated News, Katrina Son, nakatutok 24 Oras.

[20:36]Warrantless arrest, utos po ito ng Comelec sa pulisya at iba pang law enforcement agencies sa sinumang maaktuhang namimili ng boto. Nakatutok si Dano Tingcungco. Isang araw bago ang eleksyon 2025, inaasahan na mas tatalamak pa ang vote buying ayon sa Commission on Elections. Kaya utos ng Comelec sa pulisya at ibang law enforcement agencies ipatupad ang warrantless arrest sa sinumang maaktuhang namimili ng boto. Maglalabas din ng Comelec En Banc ngayon ng isang resolusyon na practically ay sinasabi natin mukhang hindi po tama yung nailabas na 'yan ng Legal Service. Sapagkat kaya po nakakapamayagpag ang pamimili ng boto, wala kasing nakikita ng mga aresto. Dahil nga siguro dahil sa paniniwalang hindi sila pwedeng mag-aresto ng walang warrant of arrest. Hindi dapat ang isang naka-uniporme o isang miyembro ng atin pong law enforcement authorities kasi ang tawag po natin diyan, caught in flagrante delicto. Hindi bababa sa 500 ang natanggap na report ng Comelec ng vote buying sa iba't ibang bahagi ng bansa. Mahigit 200 ang nabigyan na ng show cause order. Pinakahuling insidenteng nakarating sa Comelec ang mahabang pila sa likod ng Quezon City Hall kahapon. Andiyan po sa may likod ng City Hall. Ang haba-haba ng pila kahapon pa po 'yan, tinawag na natin 'yan kahit po sa Philippine National Police at syempre po sa ating local Comelec. Na kinakailangan mapuntahan kaagad diyan, mai-document kaagad at mai-issuehan. Alam din po namin ang pangalan ng involved kung sino yung kandidato, kandidato for congressman na andiyan, so 'wag po nilang sabihin na hindi namin alam. Nag-issue na rin ng show cause order ang Comelec sa insidente sa Zamboanga City kung saan may dalawang nasawi. Kagaya may namatay na dalawa habang pumipila. Pinabulaanan naman ng Comelec ang kumakalat na impormasyong hindi umano audited ang source code ng automated counting machine o ACM. Dahil hindi ito tugma sa hash code na nasa audit report sa Comelec website maging sa kumakalat ng mga pekeng resolusyon. Ang panawagan natin sa mga kababayan natin, tulungan niyo na lang po kami, i-debunk po natin 'yan. Sapagkat at stake po dito ang kredibilidad ng atin pong halalan. Hindi pa nga tayo bumoboto, dinadaya na. Ipinakita na ng Comelec ang National Canvassing Center sa Maynila. Para sa GMA Integrated News, Dano Tingcungco nakatutok 24 Oras. Nakahanda na ang mga voting center kung saan boboto si Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte bukas. Boboto si Pangulong Marcos sa social hall ng Mariano Marcos Memorial Elementary School sa Batac, Ilocos Norte. Magbabantay roon ang mga pulis para tiyakin ang seguridad ng botohan. Ang Bise naman sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City boboto. Mensahe naman ng Pangulo sa publiko, ang eleksyon ay pagkakataon para marinig ang boses ng bawat isa. Dapat gamitin ang karapatang bumoto at gampanan ang pananagutan bilang mamamayang Pilipino.

[23:35]Ang pagkakaiba ng opinyon ay hindi dapat mauwi sa gulong o pananakot. Ipinaglalaban natin ang kinabukasan sa balota, hindi sa karahasan. Kaya bumoto po tayo, piliin ang tapat, may malasakit at may kakayahang magsilbi. Naghahanda na rin para sa eleksyon bukas ang ilang paaralan sa Metro Manila na magsisilbing voting center. At mula sa Quezon City, nakatutok live si Jamie Santos. Jamie.

[24:08]Pia, ilang oras na lamang ay eleksyon 2025 na, kaya naman puspusan na ang ginagawang paghahanda ng mga guro na magsisilbing electoral board sa mga eskwelahang magiging polling precinct bukas.

[24:24]Ilang election paraphernalia ng Comelec ang inihatid sa Silvestre Lazaro Elementary School sa Valenzuela. Mahigpit ang seguridad at bantay sarado ito ng mga pulis. Kanina, nagsasagawa na ng final touches dito. Ikakabit na lang ang mga step-by-step guide at direksyon para di malito ang mga botante. Mahigit 10,000 ang registered voters sa polling precinct na ito. All systems go na po tayo, so bukas sabi ko sa kanila, sana as early as 3:00 a.m. nandito na sila. Lalo na yung magdu-duty sa PPP para hindi na rin sila magahol. All set na rin para bukas ang Commonwealth Elementary School sa Quezon City. Ito ang pang-apat na school na may pinakamataas na bilang ng rehistradong botante sa buong bansa na may kabuuang 39,120 registered voters. Sa ilang eskwelahan pa rin sa Quezon City, ilang botante ang maagang sinilip ang kanilang magiging voting precinct para bukas. Tinitignan po namin yung room number. Kasi bukas po, ano na eh, marami ng tao po 'yan. Para po bukas hindi na po magulo maghanap, mahirap po kasi maghanap pag maraming tao.

[25:31]Pia, sa ngayon naka-deploy na ang mga tauhan ng Philippine National Police dito nga sa Commonwealth Elementary School. Kasama silang magbabantay para matiyak ang payapa at maayos na botohan dito bukas. At 'yan ang latest mula rito sa Commonwealth, balik sa iyo, Pia. Maraming salamat, Jamie Santos.

[25:50]Sa Abra na may kasaysayan ng karahasan tuwing eleksyon, binabantayan pa rin ang paglipana ng mga private armed group at may naulat ding umano'y pamimili ng boto. Mula sa Bangued Abra, nakatutok live si Jonathan Andal. Jonathan.

[26:07]Ivan, andito ako ngayon sa Dangdanga Elementary School sa bayan ng Bangued. Ito po yung nasunog na eskwelahan noong Miyerkules na gagamitin bukas sa eleksyon. Itong kwarto na ito na nasunog, ito po dapat yung magiging standby area ng mga boboto, pero tostadodo po ito. Yung mga upuan, bakal na lang yung natira. Dito po dapat bumoto yung mga tao sa kabilang kwarto. Ito pong kwarto na ito, ito yung voting voting precinct. Ito po ay hindi nasunog. Pero sabi ng mga teacher, ayaw nilang isugal yung kaligtasan ng mga botante dahil yung kisame baka raw bumagsak. Buti na lang, Ivan, meron ditong dalawang classroom na nakaligtas sa apoy. At yung isa doon yung gagamitin na voting precinct tomorrow. Ito po yung kwarto na yun, para po 'yan sa mahigit 900 botante dito sa barangay na ito sa bayan ng Bangued. Samantala, kahit po umiiral ang gun ban, may nahulihan ng mga baril dito sa Abra. At may naaresto rin po na for vote selling ang Abra Police.

[27:18]Pinadapa ng mga pulis ang 12 lalaking nahulihan ng sandosenang baril sa Barangay Liskig sa Pidigan Abra kahapon. Naabutan sila ng mga pulis na nagtatalo sa kalsada. Isa sa tinitingnan ng gulo ng pulisya, posibleng private arm group ang mga ito. I for one, yes, alarming. Pero at least si sa awa ng Diyos nga, nahuli ma'am 'yan. Para lang makuha na natin at hindi pa magamit ng mga nasabing mga tao. Sa Bangued, may dalawang inaresto dahil nagbenta raw ng boto. Naaktuhan silang may hawak na 5,000 piso at polyetos ng line up ng isang partido. Napag-utusan lang po ako ng uncle ko na kunin 'yung para sa kanya dahil hindi siya makapunta ng Bangued. Nangangailangan ng pampagamot ang asawa kong may sakit kaya ako na lang kumuha ng para sa kanya. Ayon sa Abra Police, mula January 12, umpisa ng election period, hanggang ngayong araw, 31 na ang naitatalang barilan sa Abra. Anim ang kumpirmadong election-related incident, 21 ang namatay, 8 ang kinasuhan, 31 baril ang nakumpiska na. Isa ang Abra sa mga probinsyang may history ng madugong eleksyon, kaya mahigpit ang seguridad dito. Ang 500 pulis Abra na magbabantay sa eleksyon, dinagdagan pa ng 200 pulis. Limang pulis naman ang tatayong special electoral board sa apat na eskwelahan dahil may nag-backout ng mga teacher. Pero hindi naman daw dahil sa security concern. Ang ilang guro nalayuan daw dahil may ilang polling center dito na dalawang araw ang lakaran bago marating. Ang iba naman may personal na dahilan. Walang signal sa ilang lugar sa Abra kaya starlink ang gagamiting pang-transmit ng boto bukas. Hanggang kaninang tanghali, may dalawang voting center pa ang hindi pa nakakabitan ng starlink ayon sa Comelec Abra. Ivan, sa mga oras na ito ay kinakabit na ulit yung kuryente dito sa nasunog na eskwelahan. Bukas na madaling araw ay ihatid na rito yung ACM at iba pang election paraphernalia. Ayan muna latest mula rito sa Bangued, Abra, balik sa iyo, Ivan. Ingat ka. Maraming salamat, Jonathan Andal.

[29:43]Sinakay ng PDEA at iba pang law enforcement agency ang isang bahay sa Antipolo Rizal na umano'y shabu lab. Natagpuan doon ang mga liquid at powdered substance, mga plastic sachet na may bakas ng hininalang shabu at iba't ibang aparato sa paggawa umano ng droga. Ayon sa PDEA, abandonado na ang bahay at mula rin silang naaresto. Pero tukoy na ng PDEA ang may-ari o mga may-ari at operator nito.

[30:12]Milyon-milyong pisong cash ang nadiskubre sa bagaheng naharang ng mga otoridad sa paliparan sa Cebu. At kabilang po sa iniimbestigahan kung may kinalaman 'yan sa kaso ng pinatay na Chinese businessman na si Anson Tan. Nakatutok si Nico Waje.

[30:31]Pitong kahina-hinalang bagahe ang na-intercept ng mga otoridad sa Mactan Cebu International Airport gabi ng Biyernes. Sa scanner, kita ang mga tila bungkos ng mga papel sa loob. At ng buksan ang mga bagahe, tumambad ang limpak-limpak ng mga pera. Mahigit 440 million piso, mahigit 168,000 U.S. dollars at 1,000 Hong Kong dollars ang kabuuang halaga nito. Inaresto ang 11 pasaherong may bitbit ng mga bagahe, nakasakay sana ng isang private plane patungong Maynila. Hawak sila ngayon ng PNP Aviation Security Group. Anim sa mga dayuhan ay Chinese national, ang iba ay taga-Malaysia, Indonesia at Kazakhstan. May dalawa ring Pilipino at inaalam pa kung anong parte nila. They attempted to escort po yung normal po nating airport security and nung una po ay supposedly ang dineclare lang po nila ay tatlo po na luggage o maleta po. Pero it turned out po na pito po itong bitbit po nilang mga maleta. Walang maipakitang dokumento ang siyam na dayuhang may-ari ng bagahe para legal na ibiyahe ang mga pera. Dagdag ng PNP, sinubukan din daw sa hula ng isa sa mga naaresto ang direktor ng PNP Region 7. Ang initial violation nila ay paglabag sa Comelec Resolution Number 11104 o pagbabawal sa pag-transport ng malalaking halaga ng pera sa panahon ng eleksyon ng walang permiso. Kaduda-duda raw ang paglabas ng mga pera ngayong malapit na ang araw ng eleksyon. Ito po bang pera po na ito ay planong gamitin to influence or at least interfere po sa ating election. Baka itong mga foreign nationals might be akin doon sa to be used to interfere or at least influence po yung ating eleksyon. Pero pinalabas doon ng mga naaresto na panalo sa casino ang mga pera sa maleta. Kalaunan ay nagpakita raw ang mga ito ng certification mula sa casino.

[32:51]Ang kataka-taka raw ay nakapag-operate pa ito kahit ipinasara kaugnay sa kaso ni Tan. Para sa GMA Integrated News, Nico Waje nakatutok 24 Oras. Happy Mother's Day! Ngayong araw ng mga ilaw ng tahanan, ano nga ba ang hinahanap-hanap mong kanyang lutuin o iniiwas-iwasang pang-gisa? Alamin natin 'yan sa report na ito.

[33:16]Naranasan mo na bang magisa sa sermon at mainit na talak ng inyong ina? Ang ilang celebrity relate sa mga malulutong na pangaral ni Nanay. Gaya ni Barbie Forteza na habang tumatanda, mas nare-late sa pag-uwi. Umuwi ka na, may trabaho ka pa bukas. Ang ganap naman ng mommy ni Iya Villania, hardworking na may kaunting reklamo. Sasabihin na namin na, 'hindi mo kailangan magluto' pero, hala sige, magluluto pa rin siya para sa buong barangay. Tapos maririnig mo na lang siya ng, 'Hay, pagod na ako.' Ang mommy ni Camille Prats, concerned naman sa kanyang pakikisalamuha sa ibang tao. Siya yung nagsasabi na 'oh 'pag lumalabas ka, ngiti ka palagi.' Lagi niyan sinasabi, huwag maging suplada. Ang mga mommy ni Sparkle Stars Jay Ortega at Cheska Fausto, deretsahan pagdating sa love life at usapang pera. Naku, 'wag kang mag-jowa ng mag-jowa. Diyos ko, isipin mo yung sarili mo. Magtipid. Eh, 'wag mong magastos. Yun yung lagi sinasabi sa akin kasi medyo magastos ako before eh. Ilan din sa ating you scooper, ibinahagi ang memorable sermon ng kanilang mga nanay. Sambit ng nanay ni you scooper Grace, 'kung marunong magpuyat, marunong ding magising ng maaga.' Ang mama ni you scooper Ghracyie, laging paalala raw na edukasyon ang tanging yaman na may pamana at hindi mananakaw. Pero kung gisa sila sa mga sermon ni mommy. May ilan naman na miss na miss ang lutong-bahay ni nanay. Yung pinakapaborito namin na Bicol Express, 'yan, parang specialty po rin ng nanay ko. Laging niluluto ng nanay ko yung ginataang langka. Ngayong Mother's Day, ang pag-alala sa kanilang espesyal na araw, isang malaking bagay sa kanila. At hanggang nandiyan sila, araw-araw din nating ipakita ang pagpapahalaga natin sa mga ilaw ng tahanan.

[35:25]And that's my Chika this weekend. Ako po si Nelson Canlas. Happy Mother's Day, Pia.

[35:34]Thank you, Ivan. Siyempre, Happy Mother's Day po sa lahat ng mga ina, sa inyong mga mommy. At bukas po, mahalagang araw para sa kinabukasan ng ating Inang Bayan. Tutukan po ang tuloy-tuloy na pagbabalita ng GMA Integrated News sa eleksyon 2025, simula po 'yan alas-4:00 ng umaga. At 'yan po ang mga balita ngayong weekend. Para sa mas malaking misyon at mas malawak na paglilingkod sa bayan, ako po si Pia Arcangel. Ako po si Ivan Mayrina mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript