Thumbnail for Ang Pagtuturo ni Ka Dan V. Orosa sa mga Anak at Magulang by Gabriel Pangilinan

Ang Pagtuturo ni Ka Dan V. Orosa sa mga Anak at Magulang

Gabriel Pangilinan

3m 22s313 words~2 min read
Auto-Generated

[0:00]Dapat ba tayong magsawa sa pagdulog sa paghingi ng tulong mula sa Diyos? Huwag po. Dapat ba tayong mainip? Hindi rin. Ano raw ang dapat nating gawin? Ang sabi ng inyong narinig, mag-antay ka sa Panginoon. Umaasa ka sa Panginoon. Antayin niyo ang sagot ng Diyos. Kung ilang araw 'yan, kung ilang linggo, kung buwan, kung taon. Antayin natin. Kung sa pag-aantay, d'yan na tayo bumagsak, d'yan na tayo malugmok. Masabi niyo lang sa Kaniya... "Ama, hindi Kita nakakalimutan. Ikaw ang pinakamahalaga sa buhay ko. Sapagkat kaya ako ganito dahil sa Iyo. Kilala kita, at sa huling yugto ng buhay ko, pagkatapos ng mga panahong bigay Mo, Ikaw ang naging una sa huling pagkakataon. bago ako matulog ng mahimbing, bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata, Ikaw na rin ang magiging huli sa puso ko, sa damdamin ko, sa isipan ko. Ikaw ang huling makikilala ko. Aalalahanin mo ako sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo. Sana ganito ang katindi ang ating pananalig sa Diyos. Nakikinig ang mga kabataang narito, kahit anong hirap ang inyong danasin, uunahin niyo ang Diyos pagka kayo ay nakikipag-kapuwa. Kahit anong problema ang inyong nasasagupa, uunahin niyo ang Diyos. Pagka kayo'y malayo sa magulang, katulad ng mga naritong nagsisipag-aral. Kahit anong ligalig ang inyong pagdaanan at masagupa. Kahit anong hirap ang inyong matikman o danasin. Kahit ano ang bigat ng pagsubok na inyong kakaharapin. Paglulusong na kayo sa pagpapamilya, unahin niyo ang Diyos. Masunod ang gusto Niya, para mapabuti kayo at huwag kayong mapariwara. Hilingin natin sa Diyos sa pagkakataong ito. Nakikinig ang mga magulang, masabi niyo na sa Diyos bago kayo umalis. Alalahanin Niya kayong lahat, alalahanin Niya ang buhay natin, alalahanin Niya ang inyong pamilya. Na sana pagka natanaw Niya na lubos na lubos ang ating tiwala at pananalig, huwag Niya tayong pabayaan. Mag-unat Siya ng kamay at igawad Niya ang Kaniyang masaganang pagpapala sa atin.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript