[0:05]Bago natin pag-usapan ang tax, pag-usapan muna natin ang inherent powers of the state. Ito 'yung mga powers na kailangan niya para mag-survive.
[0:23]Yung una is 'yung police power. Ito 'yung power to protect citizens and to provide for welfare and safety ng society. So example nito, pwede ipa-kulong 'yung mga criminal.
[0:39]Yung pangalawa naman is 'yung eminent domain. So ito 'yung power to take private property with just compensation for public use. So example nito kapag mayroong road widening project ang gobyerno, pwede niyang kunin ang private property mo pero babayaran ka naman kasi gagamitin ito para sa public.
[1:28]Ang primary purpose ng taxation is to raise revenue by collecting funds para may magamit ang gobyerno para sa mga project niya para sa mga mamamayan.
[1:43]Yung pangalawa naman is para ma-regulate 'yung inflation o kaya naman maging stable 'yung economy. So example, ngayon hindi maganda 'yung ekonomiya.
[1:56]So pwedeng gawin ng gobyerno ay babaan niya 'yung tax para naman ma-encourage 'yung mga business na magbukas at ma-encourage naman 'yung mga investors para mag-invest dito sa Pilipinas. Pag nangyari 'yon, gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas.
[2:14]Yung panghuli naman is 'yung compensatory purpose. So sinasabi dito na magbabayad ka ng tax kasi meron kang nare-receive na benefit. So anong example nito? Ah, sa gasolina meron tayong tinatawag na excise tax. Nagbabayad ka ng excise tax sa gasolina. Kasi sinasabi nila na ang mga tao na gumagamit ng kalsada na pinagawa ng gobyerno ay merong sasakyan. So sa tuwing magpapa-gasolina sila, meron tayong excise tax na babayaran sa gobyerno kasi nakikinabang naman sila sa kalsada na pinagawa ng gobyerno.
[3:00]Yung first stage ng taxation is 'yung levy o 'yung pagpasa ng tax law sa Congress. Tandaan, sa Congress. So dito pag-uusapan ano ba 'yung object ng itata-tax? Ano ba 'yung tax rate na gagamitin? Ano 'yung filing due date? Kailan babayaran? Ano 'yung exemptions at ano 'yung penalty ng mga lalabag doon sa batas na 'to? So 'yung pangalawa naman is 'yung assessment. So dito, ito na 'yung implementation ng tax laws through the Bureau of Internal Revenue o kaya naman Bureau of Customs. At syempre pinakahuli ay ang payment of tax. So ang pagbabayad ng taxpayer ng contribution niya para makatulong sa mga gastos ng gobyerno.
[4:04]Ang last nating pag-uusapan, ang BIR, o kaya naman ang Bureau of Internal Revenue. Dahil sila ang naatasan na mag-enforce ng National Internal Revenue Code. So ang BIR ay under ng Department of Finance.
[4:26]Ang tax return is 'yung form na pine-prepare ng taxpayer at fina-file sa BIR. So dito makikita 'yung taxable income ng taxpayer, 'yung mga deductions, ano 'yung tax due at 'yung tax payable. So pwede itong maging income tax return, donor's tax return o kaya naman estate tax return.
[4:51]Ang situs of taxation naman ay ang place of tax. So magde-depende 'to sa object ng tax, pwedeng maging tao, o kaya naman property, o kaya naman activity. Malinaw ba? So for now, 'yan na muna ang ating topic. So let me know kung ano 'yung natutunan niyo o kaya naman kung may question kayo sabihin niyo lang sa akin.



