Thumbnail for Noli Me Tangere - Main Characters (Simbolo at Paglalarawan) by Thor Dy

Noli Me Tangere - Main Characters (Simbolo at Paglalarawan)

Thor Dy

11m 32s1,378 words~7 min read
Auto-Generated

[0:00]Magandang araw mga kababayan. Sa video na ito, samahan niyo kami sa isang makabuluhang paglalakbay sa mundo ng Noli Me Tangere, ang obra maestra ni Dr. Jose Rizal. Talakayin natin ang mga pangunahing tauhan sa lahat ng makasaysayang nobelang ito. Mga karakter na hindi lamang bumuhay sa kwento, kundi nagsilbing salamin ng lipunang Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Kilalanin natin ang bawat isa, mula kay Crisostomo Ibarra, hanggang kay Padre Damaso, at marami pang iba. Halinat samahan niyo ako sa mas malalim na pag-unawa sa mga tauhang bumuo sa Noli Me Tangere. Sa itong mahalagang hakbang sa pagpapalalim ng ating kamalayan bilang mga Pilipino.

[0:58]Si Crisostomo Ibarra ay ang pangunahing tauhan sa Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal. Isa siyang ilustrado, isang Pilipinong nakapag-aral sa Europa, na nagbalik sa Pilipinas matapos ang pitong taon upang ipagpatuloy ang mga adikhain ng kanyang ama, at ang makatulong sa ikauunlad ng bayan. Siya ay matalino, dukado, makabayan, at may dalang idealismo na nagnanais ng mapayapang reporma sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan. Isa sa kanyang mga layunin ay ang magpatayo ng paaralan upang mabigyan ng edukasyon ang mga kabataan. Sa kabila ng kanyang mabuting hangarin, siya ay humarap sa mga balakid mula sa simbahan at sa mga makapangyarihang tao sa lipunan. Gaya ni Padre Damaso. Si Ibarra rin ay kasintahan ni Maria Clara, at ang kanilang pag-iibigan ay nagsilbing puso ng nobela. Sa kabuuan, si Ibarra ay larawan ng Pilipinong may malasakit sa bayan. Ngunit sa pagharap niya sa mga pang-aapi at kawalang katarungan, unti-unting nagising ang kanyang damdaming rebolusyonaryo. Si Maria Clara ay isa sa pinakamahalagang tauhan sa Noli Me Tangere. Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra, at itinuturing na huwaran ng dalagang Pilipina noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Sapagkat siya ay mahinhin, maganda, relihiyosa, at masunurin sa magulang at sa simbahan. Bagamat pinalaki bilang anak ni Kapitan Thiago at Donya Pia Alba, kalaunay isiniwalat na siya ay anak ni Padre Damaso. Isang makapangyarihang paring Pransiskano. Sa kabila ng kanyang pagmamahal kay Ibarra, napilitan siyang isuko ito dahil na rin sa banta ng simbahan at sa kagustuhang protektahan ang dangal ng kanyang pamilya. At sa huli, pinili ni Maria Clara na pumasok sa kumbento at maging madre. Isang desisyong sumasalamin sa kawalan ng kalayaan ng mga kababaihan sa lipunang pinaghaharian ng simbahan at estado. Siya ay naging simbolo ng bayan, maganda at mapagmahal, ngunit inalipin at pinagkaitan ng sariling kalayaan.

[3:32]Si Padre Damaso ay isang Pransiskanong pari at dating kura paroko ng San Diego sa nobelang Noli Me Tangere. Siya ay kilala sa kanyang pagiging arogante, mapang-abuso, at mapagmataas, lalo na sa mga Pilipinong hindi sumusunod sa kagustuhan ng simbahan. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan bilang pari upang maki-alam sa mga usaping pampolitika at personal. Kabilang na ang pakikialam sa relasyon ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara. Matindi ang galit niya sa ama ni Ibarra na si Don Rafael na kanyang pinagbintangan at ipinakulong hanggang sa ito'y mamatay. Sa kabila ng kanyang pagiging alagad ng simbahan, siya rin ay may lihim na kasalanan. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara, bunga ng kanyang pagsasamantala kay Donya Pia Alba. At sa kabuuan, si Padre Damaso ay larawan ng mapanghimasok at mapang-aping kapangyarihan ng simbahan noong panahon ng mga Espanyol. Si Elias ay isang mahalagang tauhan sa Noli Me Tangere na nagsisilbing kabaliktaran ni Crisostomo Ibarra sa pagdating sa pananaw sa pagbabago. Isa siyang misteryosong lalaki na anak ng angkan na kaaway ng mga ninuno ni Ibarra. Siya rin ay may malalim na pinagdaanang kasaysayan at nagsisilbing tagapagtanggol ni Ibarra sa maraming pagkakataon. Si Elias ay matalino, mapagmasid, at may matinding damdaming makabayan. Naniniwala siya na ang pagbabago ay hindi makakamit sa mapayapang paraan kundi sa pamamagitan ng rebolusyon, bilang tugon sa matinding katiwalian, kawalang katarungan at pang-aapi ng pamahalaan at simbahan. Siya rin ang nagbunyag ng mga balak laban kay Ibarra at nagligtas sa kanya sa ilang pagkakataon. Sa huli, isinakripisyo ni Elias ang kanyang buhay para sa kaligtasan ni Ibarra. At bago siya namatay, ipinagbili niya ang kanyang mga pangarap para sa bayan. Si Elias ay sagisag ng rebolusyonaryong diwa at tunay na pagmamalasakit sa kapakanan ng sambayanan.

[5:54]Si Kapitan Thiago o Don Santiago de los Santos ay isang mayamang negosyante sa Maynila at San Diego sa nobelang Noli Me Tangere. Kilala siya bilang ama ni Maria Clara at isang taong mapagpaitang tao, labis na relihiyoso sa panlabas at sunud-sunuran sa kapangyarihan ng simbahan at ng mga kastila. Madalas niyang gamitin ang kanyang yaman at ugnayan sa mga prayle upang mapanatili ang kanyang mataas na katayuan sa lipunan. Bagamat tila mabait at mapagkawanggawa, si Kapitan Thiago ay larawan ng mga Pilipinong nawalan ng sariling paninindigan at nabulag ng kayamanan at impluwensya. Siya ay kumakatawan sa uri ng mga taong tahimik sa harap ng katiwalian at hindi kumikilos para sa tunay na pagbabago. Si Sisa ay isang trahedyang tauhan na kumakatawan sa kawawang ina na biktima ng kahirapan, kawalang katarungan at kalupitan ng lipunan. Isa siyang simpleng babae na mapagmahal na ina kina Basilio at Crispin, dalawang batang sakristan. Sa kabila ng kanyang tapat na pagmamahal, siya ay inabuso ng kanyang malupit na asawa at nawalan ng kabuhayan. Nang mawala ang kanyang mga anak, unti-unti siyang nawalan ng katinuan sa sobrang sakit at pagdadalamhati. Ang kanyang paglalagalag at pagkabaliw ay nagsisilbing matinding paglalarawan ng pagdurusa ng mga ina at mahihirap sa ilalim ng mapang-aping sistema. At sa kabuuan, si Sisa ay sagisag ng inang Pilipina, walang kapangyarihan, pinagsasamantalahan, ngunit nagmamahal hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Si Basilio at Crispin ay magkapatid na batang sakristan. Sila ay mga anak ni Sisa. Si Basilio, ang mas nakakatanda, ay may responsable at mas mahinahon. Samantalang si Crispin ay mas bata, inosente at mas mahina. Pareho silang naglilingkod sa simbahan bilang sakristan upang makatulong sa kanilang ina. Subalit isang gabi, si Crispin ay pinagbintangang nagnakaw ng pera sa simbahan. Sa kabila ng kanyang pagmamakaawa at kawalan kasalanan, si Crispin ay pinahirapan at pinatay sa loob ng kampanaryo ng simbahan. Si Basilio naman ay nakatakas, ngunit hindi na muling nakita ang kanyang kapatid. Ang kanilang sinapit ay sumasalamin sa kawalang katarungan, kalupitan ng mga nasa kapangyarihan at paghihirap ng mga inosente sa panahong kolonyal. Sa pamamagitan ng kanilang kwento, ipinakita ni Rizal ang matinding pang-aapi sa mga mahihirap at pagkabubulok ng sistemang panlipunan sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan. Si Padre Salvi ay kura paroko ng San Diego na pumalit kay Padre Damaso. Bagamat sa panlabas ay tila mahina at tahimik, siya ay tuso, mapagkunwari, at ginagamit ang kanyang posisyon sa simbahan upang manipulahin ang mga tao sa bayan. Isa siya sa mga simbolo ng katiwalian at pang-abuso ng kapangyarihan ng simbahan noong panahon ng mga Kastila. Lihim siyang may pagnanasa kay Maria Clara, dahilan upang mainggit kay Ibarra at siraan ito. Ginamit niya ang kanyang impluwensya upang paboran ang sarili at siraan ang mga taong hadlang sa kanyang mga layunin. Sa pamamagitan ng karakter ni Padre Salvi, ipinakita ni Rizal ang mapanirang kapangyarihang hawak ng ilang prayle na nagpapanggap na banal ngunit gumagawa ng kasamaan sa lipunan. Si Donya Victorina De Espadanya ay isang Pilipinang tauhan na kilala sa kanyang matinding pagpapanggap bilang isang Kastila. Siya ay mayabang, mapagmataas at ikinakahiya ang kanyang pagiging Indiyo. Madalas siyang magsalita ng mali-maling Kastila upang mapaniwala ang iba na siya ay banyaga at pilit niyang ini-aangkop ang kanyang pananamit at kilos sa mga Kastila.

[10:20]Asawa siya ni Don Tiburcio, isang pilay at mahina ang loob na Kastilang nagpapanggap ng doktor. Si Donya Victorina ay mapangmataas sa kapwa Pilipino at ginagamit ang kanyang pagkukunwaring Kastila upang umangat sa lipunan. Sa pamamagitan ng karakter niya, tinuligsa ni Jose Rizal ang mga Pilipinong nawalan ng pagmamahal sa sariling lahi at kultura dahil sa kolonyal na impluwensya. Si Don Tiburcio De Espadanya ay asawa ni Donya Victorina. Siya ay isang Kastila na inilalarawan bilang isang mahina, pilay at sunud-sunuran sa kanyang asawa. Bagamat walang sapat na kaalaman, nagpapanggap siyang doktor upang kumita at magkaroon ng respeto sa lipunan. Isa siyang duwag at takot sa kanyang asawa kaya't madalas siyang napapahiya at nawawalan ng boses sa mga desisyon. Ang kanyang karakter ay simbolo ng kabulukan at panlilinlang sa lipunan. Gayundin ang maling paghangaa ng mga Pilipino sa mga banyaga kahit wala namang maipagmamalaki ang mga ito.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript