Thumbnail for iJuander: Ang dalawang Leonor na nagpatibok sa puso ni Dr. Jose Rizal by GMA Public Affairs

iJuander: Ang dalawang Leonor na nagpatibok sa puso ni Dr. Jose Rizal

GMA Public Affairs

12m 52s1,259 words~7 min read
Auto-Generated

[0:01]Sa talas ng kanyang pag-iisip at mabulaklak na pananalita, hindi kataka-takang Pilipino man o banyaga nahulog ang loob sa bayaning si Dr. Jose Rizal.

[0:14]Sabi nga sa bawat lugar na kanyang narating, may babae siyang nakakarelasyon.

[0:20]Kaya sa pagtalakay sa kanyang buhay, hindi raw maiiwasang maungkat ang kanyang buhay pag-ibig.

[0:28]Ayon sa mga nasusulat, 16 years old daw unang umibig si Rizal. Puppy love nga raw na maituturing ang kanyang naramdaman sa nuoy 14 anyos na si Segunda Katigbak.

[0:42]"She was not the most beautiful woman I had seen but I had never seen one more bewitching and alluring."

[0:50]Ayon sa 79 taong gulang na ngayong si Lilet Malabanan na apo ni Segunda, kwento mismo sa kanya ng mga nakatatanda.

[1:00]Na love at first sight daw si Rizal sa kanilang lola, dahil sa una pa lang nilang pagkikita nabighani na raw agad ang binata sa ganda ng dalaga.

[1:11]Naimbita siya ni Olympia sa isang birthday party at ah birthday yata ng lola ni Rizal noon at doon sila nagkakita ni Rizal. So nung nakita ni Rizal ay nagka-crush daw si Rizal kay lola kasi si lola kasi nung araw, very cute daw maliit lang kasi siya. Ay siguro na-attract si Rizal kasi si Rizal naman hindi rin masyado matangkad eh.

[1:36]Pero pinkish ano daw, rosy cheek daw si lola at cute na cute. So nagka-crush si Rizal kay lola. And sabi nga nila, she was now dubbed as the first love of Rizal.

[1:48]Ang galawan daw ni Rizal para masungkit ang loob ng dalaga. Idinaan sa mga tula at pagguhit ng larawan mismo ni Segunda.

[2:03]Sinuklian naman ito ni Segunda ng bigyan niya si Rizal ng rosas na gawa sa papel.

[2:10]"We loved each other without having declared it clearly, except with glances."

[2:24]Ang 77 taong gulang na si Criselda Reyes, na isa rin sa mga apo ni Segunda Katigbak, ipinakita sa amin kung paano gumawa ng rosas na papel gaya raw mismo ng ibinigay ng kanilang lola kay Rizal.

[2:40]Binigyan siya ni Rizal ng paper ng sketch at in return binigyan naman siya ni Segunda ng paper ng paper rose na inilagay niya sa kanyang hat band.

[2:53]Ah nung nagkita sila ni Rizal sa tinanong ni Rizal kung siya ang gumawa. Primero, dine-deny niya sabi niya gawa nung kapatid ni Rizal.

[3:04]Pero later on nung tinanong siya ni Rizal, nag-blush siya. So it means to say na siya ang gumawa para kay Rizal.

[3:10]Pero umpisa pa lang, wala na raw patutunguhan ang pagtitinginan ng dalawa, dahil bago pa man sila naging magkakilala, ipinagkasundo na si Segunda sa isang nagngangalang Manuel Luz na mula sa isang prominenteng pamilya.

[3:27]Ah si lola, bago po pumasok sa akong kolehiyo, she was already betrothed to be married to Manuel Luz. At ah naipangako na siya. Kaya alam niyang, siya ang pakakasalan niya.

[3:41]The girls are very obedient during that time because they get married at a very early age.

[3:46]Paglilinaw din ng apo ni Segunda, hindi naman daw naging nobya ni Rizal ang kanilang lola.

[3:54]Siya naman kasi nung araw ay wala namang boyfriend-boyfriend nung araw eh. So siguro parang siya love interest ni Rizal at si lola naman very flattered.

[4:05]Kung mayroong puppy love, mayroon din daw one true love si Dr. Jose Rizal.

[4:10]Ang relasyon ng dalawa against all odds ika nga dahil bukod sa long distance relationship, hindi rin pabor ang magulang ng dalaga.

[4:20]Sa bisa ng Republic Act Number 1425 o Rizal Law, kinakailangang ituro sa lahat ng kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas ang kwento ng buhay, kabayanihan at mga sulat ni Dr. Jose Rizal.

[4:31]sketch of Leonor Rivera by Rizal.

[4:35]Ulit ha, doon sa tingin niyo, kung may itsura 'tong babae na ito, taas nga kamay.

[4:41]those who think that this is a pretty lady. higher, higher

[4:48]Second year college student at 19 years old noon si Rizal ng magkakilala sila ni Leonor Rivera.

[4:55]Si Leonor, 13 anyos nang makilala ang kanyang malalayong pinsan na si Rizal.

[5:00]Anak kasi ito ni Silvestra Bauson at Antonio Rivera na pinsan ng ama ni Rizal na si Francisco Mercado.

[5:08]Noong nag-aaral si Rizal sa University of Santo Tomas, naging boarder siya sa bahay ng mga Rivera.

[5:13]Dito raw nagsimulang lumalim ang pagtitinginan ng dalawa.

[5:17]Sir, anong ba yung nagustuhan ni Leonor Rivera kay Rizal? Ano ba yung naging sweet gesture ni Rizal?

[5:25]So ang convergence point ni Jose Rizal at saka ni Leonor Rivera, music.

[5:31]So we presume na yung pagtugtog sa piano ni Leonor Rivera, yung isang nagustuhan ni Rizal kay Leonor Rivera.

[5:40]Ano naman ang nagustuhan ni Leonor Rivera kay Rizal? Yung pagiging maasikaso ni Rizal.

[5:46]Isa pa, mukhang nagustuhan din ni Rizal yung palabasan ni Leonor Rivera. Mukhang hindi papasa yung babae kung hindi matalino.

[5:56]Bukod sa sabay na pagtugtog ng piano ng dalawa na isa sa mga pinakapaboritong libangan ni Leonor. May mga panahong todo ang kaswitan nila kapag inaalagaan ni Leonor si Rizal.

[6:09]Kapag napatrouble si Rizal sa mga batang Espanyol sa Escolta, todo effort daw sa pag-aalaga sa sugat ng kanyang iniibig.

[6:25]Pero gaano man kamahal ni Rizal si Leonor, mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya sa bayan.

[6:33]Kaya para sumali sa kilusang propaganda, lumipat siya papuntang Europa.

[6:37]"Paalam na Leonor ko, ako ngayon ay paalam, ang puso kong umiibig ay sa iyo ko iiwan."

[6:46]Dito na nagsimula ang kanilang LDR o long distance relationship.

[6:53]Pero gaano man kahirap, pinilit ng dalawa na ipagpatuloy ang relasyon.

[6:59]Nag-letter writing ang dalawa at patuloy na nagpalitan ng mga nakaka-in love na mensahe.

[7:06]"You do not know how glad I am when I received one of your dear letters, but you did well in putting another name in case, as you say, it fell into the hands of strangers. Command your servant who kisses your hand. Leonor Rivera"

[7:23]Pero bigla na lang tumigil ang mga sulat ni Rizal at naiwan sa ere si Leonor, ghosted kumbaga sa lengguwahe ng mga millennial ngayon.

[7:40]Ang pag-iibigan nina Rizal at Leonor, kinuwento mismo sa amin ng isa sa mga kaapo-apuhan mismo ni Leonor Rivera, ang 23 anyos na si Veronica Kipping.

[7:54]Maayos naman daw ang relasyon ng dalawa sa simula, hanggang sa tatlong taon daw hindi nakatanggap ng sulat si Leonor mula kay Rizal para ba siyang pinaasa.

[8:06]"But later I was convinced that you are like a newly opened rose, very flushed and fragrant at the beginning, but afterwards it begins to wither."

[8:18]Pero ang totoo, ang hindi alam ni Leonor, nang maging aktibo si Rizal sa pakikipaglaban sa Espanya, natakot ang ina ni Leonor para sa kaligtasan ng dalaga.

[8:31]Okay sila, so relationship Leonor of Leonor and Rizal in the beginning. But then when nagsa, nung nag-start na, yung si Rizal naging revolutionary na siya. Writing Noli Me Tangere tapos there were parang he was very active in terms of the revolutions.

[8:50]Tama ba? It's Leonor's mom who did not like Rizal.

[8:55]Pagkatapos po nung si Rizal po naging active po siya. Kasi wala akong nabasa about Antonio Rivera. It was more your great great grand mom who was opposed. Opo. Um, sinasabi nila na parang mother's love. Kaya.

[9:13]Oo nga naman kasi ayaw kong mag-asawa nung ano ko eh, activista.

[9:17]Opo. So yun po yung, hindi naman po ako parang it was her eh. Siya po talaga yung ano. So kami po ay parang living legacy lang po na naging somehow naging.

[12:45]Naging totoo tao si Leonor Rivera. Otherwise I'll be talking to an empty chair.

[12:52]Sa kwentong ito nina Jose Rizal at Leonor Rivera, tila ba The One That Got Away nila ang isa't isa.

Need another transcript?

Paste any YouTube URL to get a clean transcript in seconds.

Get a Transcript